CHAPTER 41

3609 Words
Kinabukasan ay napadaan ako sa gymnasium at rinig na rinig ko ang sigawan mula rito sa labas. Alam kong may laro si Jeremy dahil ganito kaingay ang mga nanunuod kapag sila na ang naglalaro. Hindi na ako nag-atubili pang pumasok sa loob dahil balewala rin naman kung manunuod pa ako. Nakita ko naman na patakbo sa kinaroroonan ko si Nina at kasama niya pa si Ellaine na medyo halata na rin ang umbok sa kaniyang tiyan. Kung titingnan ko ay mukha lang itong busog at medyo tumaba na rin ng kaunti. “Madz, ano pang tinutunganga mo riyan? Hindi mo ba panunuorin si Papa Jeremy mo?” mapanukso namang tiningnan ako ni Nina. “Alam mo naman kung bakit hindi ba?” “So, hindi mo na siya susuyuin ganoon ba? Sino bang may kasalanan kung bakit ang lamig sa’yo ni Jeremy, ‘di ba ikaw?” Umirap pa sa’kin si Nina at pailing-iling. Sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para lang mapatawad niya ako at bumalik kami sa dati kung anong meron kami. I don’t want to lose him, kaya kahit anong masasakit pa ang sabihin niya ay tatanggapin ko. Kung noon ay hindi niya ako sinukuan kaya ganoon din ang gagawin ko. “Break na kayo ni Jeremy? Kailan pa?” Gulat na tanong ni Ellaine. “Ewan ko ba riyan sa kaibigan mo pati si Ulysses inaway niya pa!” “Ano ba kasing problema Madz? Kaibigan mo kami at maiintindihan ka naman namin sa kung anong pinagdadaanan mo eh. Noong ako ang namroblema nandiyan kayo ni Nina para sa’kin, inintindi niyo ako kahit na alam niyong tinago ko sa inyo ang totoo. Gano’n din kami Madz makikinig kami kahit na ano pa ‘yan.” Napayuko ako at hinawakan ang isang kamay ni Ellaine. Pilit naman akong ngumiti sa kaniya at wari ko’y nagtatanong ang kaniyang mga mata. Sa ganitong sitwasyon mas kailangan ko sila at kahit papaano ay naiibsan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi lang si Jeremy ang nasaktan ko pati na rin si Ulysses. Siguro nga ay tama si Jeremy, paano rin nila ako pakikinggan kung sariling paliwanag nila ay hindi ko sinubukang intindihin? “Thank you Ellaine, don’t worry kaya ko ‘to. Saka ‘wag ka masyadong paka-stress sa ibang bagay alalahanin mo may batang dinadala ka na sa sinapupunan mo.” Hinimas niya pa ang kaniyang tiyan at muli akong tiningnan. Pansin ko ang pagkunot ng noo niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko na parang sinasalat niya ito. Bumaba pa ang hawak niya sa aking balikat at mariing pinisil ito na ikinataka ko naman. “Madz, may sakit ka ba? Bakit parang namayat ka yata? At saka ang putla-putla mo.” Hinawakan ko naman ang pisngi ko. Kinuha ko ang salamin ko sa shoulder bag ko at pagkuwa’y tiningnan ang itsura ko. Pati ako ay nagulat dahil ang lalim ng mga mata ko at totoo ngang namumutla ako. Hindi ko na sinabi sa kanila ang dahilan dahil alam kong magpupuyos lang si Nina sa galit at isa pa buntis si Ellaine at baka mapaano pa siya. “Hindi lang ako nakatulog ng maayos,” pagsisinungaling ko na lang sa kanila. “Naku Madz! Hindi mo kami maloloko ‘no! Alam kong si Jeremy ang dahilan kung bakit ka nagkakaganiyan. Tapos umabsent ka pa talaga, ano ka empleyado may vacation leave?” Napatawa na lang ako dahil sa kamalditahang pagsasalita ni Nina sa’kin. “Halika na Madz manuod na tayo ng laro ng josawa mo para naman magkaro’n ng kulay ‘yang mukha mo. Para ka ng patay na muling nabuhay eh,” biro pa sa’kin ni Ellaine. Hindi na ako nakatanggi pa nang hilahin na ako ni Ellaine papasok sa loob ng gym. Pumwesto kami sa bandang gitna at kita ko mula rito si Jeremy na nakaupo at pinapanuod ang mga team mates niya maglaro. Ilang sandali pa ay tumayo na siya at pinalitan naman niya ang isang kasama niya. Halos buong laro yata ay kay Jeremy lang nakatuon ang mga mata ko at tanging siya lang ang nakikita ko. Bumalik sa isip ko ang mga nangyari noong panahong binubwisit niya pa ako. Habang inaalala ko ‘yon ay tumulo naman ang mga luha ko sa aking pisngi. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ko ang aking paghikbi dahil katabi ko lang ang dalawang kaibigan ko. Kaagad akong tumayo sa kinauupuan ko at mabilis na lumabas ng gym. Patakbo akong lumayo roon at nahinto lang ako nang makita ko si Ulysses na naglalakad. Napatitig siya sa’kin sandali at saka umiwas nang tingin. Naglakad ito papunta sa kinaroroonan ko at nilagpasan lang niya ako. I admit that I hurt him with my words and I never listen to him. “Huwag kang mag-alala Madeline, tutuparin ko ‘yong sinabi mo. Pero sana huwag mong sabihin sa’kin na ‘wag na kitang mahalin dahil ‘yon ang hindi ko kayang ibigay sa’yo.” Sandali akong napatulala sa kaniyang sinabi at nang lingunin ko siya ay malayo na siya sa akin. Paanong nangyari ‘yon? Kailan pa? Ibig sabihin ay hindi ako nagkamali nang dinig sa kaniya noong magpunta ako sa tinutuluyan niya. Halos mawala naman ako sa ulirat habang naglalakad ako at hindi alam kung saan patungo rito sa loob ng campus. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na magkakagusto rin sa’kin si Ulysses. Parati ko naman hinihiling na sana ay magustuhan din niya ako, pero dumating si Jeremy sa hindi inaasahang pagkakataon at bigla na lamang akong nahulog sa kaniya. Huminto ako sa may gitna at napabaling ang tingin ko sa broadcasting room. Naalala ko ang unang beses na ginawa sa’kin ‘yon ni Jeremy. Kahit na wala siya sa tono ay nagawa niya pa ring kumanta at dinig na dinig pa ‘yon sa buong campus. Mas lalo akong nalungkot dahil lahat ginawa ni Jeremy para sa’kin at para mapatunayan lang niya ang pagmamahal niya. Pinihit ko ang seradura ng pintuan at marahan ko itong binuksan. Nakita ko ang dalawang estudyanteng nakaupo at mukhang abala sa kanilang binabasa. Isasara ko na sana ang pintuan ng may biglang magsalita sa aking likuran na ikinapitlag ko. Matangkad siya at nakasuot siya ng salamin. Medyo kulot ang kaniyang buhok na bumagay naman sa kaniyang itsura. Kahit na nakasalamin siya ay hindi mapagkakailang guwapo ito. Napaayos ako nang tayo at tiningala naman siya. “Are you looking for someone?” Napakurap-kurap ako at umiwas sa kaniya nang tingin. “Ahhm, a-ano kasi eh. P-puwede bang kumanta?” Napatapik na lang ako sa aking noo dahil iyon ang naisip kong dahilan. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya. Pinagkrus niya pa ang mga braso niya at seryoso niya akong tinitigan. Medyo nailang ako sa mga tingin niya at nagulat ako nang unti-unti siyang lumalapit sa’kin. Napasandal akong bigla sa may hamba ng pintuan at itutulak ko sana siya nang hawakan niya ang seradura at saka nito itinulak. “Bakit parang nagulat ka?” Nakangisi nitong wika sa’kin. Napalunok ako at saka lumayo sa kaniya. Nang umalis ako sa may pintuan ay saka lamang niya malapad na binuksan ang pinto. Binati naman siya ng dalawang estudyante at abot tainga ang ngiti ng mga ito. Napangiwi na lang ako at halatang kilig na kilig sila. Naiwan naman ako sa labas at aalis na lang dahil wala naman talaga akong balak pumunta rito at kusa lang akong napadpad. “Sino siya Toby?” tanong ng isang may kaliitang babae. Toby pala ang pangalan niya. Estudyante rin kaya siya rito? Pero kung titingnan siya ay hindi siya halatang estudyante. Tumingin siya sa’kin at saka niya muling pinagpatuloy ang pagliligpit sa kaniyang mesa. Napairap na lang ako dahil mukhang antipatiko ang isang ito. Oo guwapo nga siya pero wala naman siyang modo. Sa totoo lang nakakainis ang awra niyang iyon. Tumalikod ako nang marinig ko siyang magsalita. “Wala ka bang balak pumasok?” “H-ha?” “I thought you wanted to sing?” “Ha?” “Wala ba akong ibang maririnig sa’yo kun’di ha?” May halong inis nitong turan. Padabog akong pumasok sa loob at pabagsak ko namang isinara ang pinto at hinarap siya. Pinagkrus ko ang aking mga braso at kunwa’y abala siya sa kaniyang ginagawa. Tutal estyudyante rin naman siya rito at hindi ko na naman kailangan maging pormal sa kaniya. “Bakit ba ang sungit mo inaano ba kita?!” Huminto siya sa kaniyang ginagawa at binalingan ako. “Broken hearted ka?” Natigilan ako sa kaniyang sinabi. “Mukhang tama ang hula ko.” Hindi ulit ako nakapagsalita at basta lang nakatingin sa kaniya. “I saw you earlier on my way here. And based on what I see to you, it looks like your boyfriend dumped you.” Sinamaan ko siya nang tingin at pagkuwan umupo pa siya sa dulo ng kaniyang mesa. Halos magsing-pantay na lang kami at siya naman ang naka-krus ang mga braso. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga mata ko at para hindi niya ito mahalata at kung ano pa ang sabihin niya ay ako na ang nagbaba nang tingin. “It’s not that, gusto ko lang talaga kumanta” “Why?” Nag-angat ako nang tingin. “Kailangan ba may dahilan ang lahat ng bagay? Hindi ba puwedeng gusto ko lang?” Nanginginig ang boses ko hindi dahil sa inis, kun'di dahil sa tuwing maaalala ko si Jeremy ay parang unti-unting sinasaksak ang puso ko. Lumapit sa’kin ang isang maliit na babae at tinulak ako nito sa aking balikat. Masama ang tingin niya sa’kin pero inirapan ko lang siya. “Anong karapatan mong pagsalitaan si Toby namin ng ganiyan?” “That’s enough Clara! And who told you to call me by my name?” Taas ang kilay nitong baling sa babae. “S-sorry po Sir Toby” Sir? Binalingan ko siya pero nakatuon pa rin ang tingin niya do’n sa babaeng nagngangalang Clara. Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo sa lamesa at humarap sa’kin. Parang gusto ko tuloy manliit dahil sa inasal ko sa kaniya. Hindi naman ako makatingin sa kaniya ng deretso at nakatungo lang ako dahil sa hiya. “Bakit hindi ka makatingin sa’kin?” Mariin akong napapikit at huminga muna nang malalim bago ako nag-angat nang tingin sa kaniya. “I’m sorry sir I didn’t know that you’re a professor here,” nahihiyang hinging paumanhin ko. “Who told you that I’m a professor?” Naningkit ang mga mata ko at saka siya tumalikod sa’kin. Umupo siya sa tapat ng control monitor kung saan nagsasalita ang mga announcer. Umikot naman siya paharap sa’kin at ang dalawang siko nito ay nakatukod sa arm rest at pinagsiklop ang mga palad. “Kung hindi ka prof. ano ka rito?” “I’m a director here. Ako ang nagdidirek ng mga announcer dito.” Naitikom ko ang aking bibig at tumingin sa isang kuwarto kung saan nakapuwesto ang announcer. Parang nakikita ko si Jeremy na nakaupo roon at kumakanta. Lihim naman akong napangiti at pagkuwan ay tumingin ako sa kisame dahil nararamdaman ko na nagtutubig ang aking mga mata. “Pasensya ka na kung naabala pa kita at pasensya na rin kung hindi maganda ang pinakita ko sa’yo. Aalis na ‘ko.” Kaagad na akong tumalikod at naglakad palayo sa kaniya. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng muli siyang magsalita. “Gusto kong marinig kang kumanta ulit” Lumingon ako sa kaniya at seryoso ang kaniyang itsura. Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo at may kinuha sa kaniyang lamesa. Lumapit siya sa’kin at iniabot ang isang papel. Tinitigan ko lang ito at saka ko siya binalingan nang tingin. “Anong gagawin ko riyan?” takang tanong ko sa kaniya. “I want you to sing this. Gusto kong marinig ka ulit kumanta.” Lalong nangunot ang noo ko pagkasabi niyang iyon. “Ulit? Have you heard sing me before?” Tumango lang siya. Inilahad niya sa’kin ang papel na may lyrics ng kanta at binasa ang title noon. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba ito o nagkataon lang talaga na patungkol kay Jeremy ang kantang ito. Naisip ko naman na ito na siguro ang pagkakataon ko para iparating sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. “I want to sing this live.” Umarko ang mga kilay niya na wari’y nagtataka sa aking sinabi. “I want to give it a try baka sakaling maayos pa ang sinira ko,” malungkot kong saad. Hindi siya sumagot bagkus ay binuksan niya ang announcer room hudyat na pinapapasok niya ako roon. Kaagad naman akong pumasok at naupo sa swivel chair at pinasadahan nang tingin ang kabuuan nito. Tumingin ako sa aking harapan at nakita kong may kinakalikot siya roon. Sinenyasan naman niya akong isuot ang head phone na nakapatong sa lamesa at kaagad ko naman itong isinuot. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa isang nakabukas na drawer na nasa aking gilid. May picture frame na nakatumba roon at dahil sa kuryosidad ko ay inangat ko ‘yon at kinuha. Pero hindi ko pa nakikita ang picture nang magsalita naman si Sir Toby kaya napaangat ako sa aking upuan dahil sa gulat. Taka siyang nakatingin sa’kin at mabilis kong isinaoli ang picture frame kung saan ko ito kinuha. “Are you ready?” Marahan akong tumango sa kaniya. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang intro ng kakantahin ko. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lamang ito gagawin. Kumakanta naman ako noon pero natigil lang dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Hindi ko rin akalain na si Jeremy pala ang magpapabalik sa’kin sa pagkanta na matagal ko nang itinigil. I like your eyes, you look away when you pretend not to care I like the dimples on the corners of the smile that you wear I like you more, the world may know but don't be scared Coz I'm falling deeper, baby be prepared I like your shirt, I like your fingers, love the way that you smell to be your favorite jacket, just so I could always be near I loved you for so long, sometimes it's hard to bear But after all this time, I hope you wait and see. Love you every minute, every second Love you everywhere and any moment Always and forever I know I can't quit you Coz baby you're the one, I don't know how Love you til the last of snow disappears Love you til a rainy day becomes clear Never knew a love like this, now I can't let go I'm in love with you, and now you know. Hindi ko alam kung kailan ko siya nagustuhan. At lalong hindi ko alam kung kailan ko naramdamang mahal ko na siya. Iyong tipong parati ko siyang gusto makita kahit na naiinis ako sa kaniya. Nagsisisi ako sa ginawa kong pananakit sa kaniya at hindi man lang inisip ang nararamdaman niya. Kung kailan naman unti-unti na siyang lumalayo sa’kin saka ko naman naisip ang halaga niya. Kaya niya akong ipaglaban sa iba pero ako hindi ko man lang magawa ‘yon at imbes ay naging duwag ako. I like the way you try so hard when you play ball with your friends, I like the way you hit the notes, in every song you're shining oohhh I love the little things, like when you're unaware I catch you steal a glance and smile so perfectly Though sometimes when life brings me down You're the cure my love In a bad rainy day You take all the worries away Love you every minute, every second Love you everywhere and any moment Always and forever I know I can't quit you Coz baby you're the one, I don't know how In a world devoid of life, you bring color In your eyes I see the light, my future Always and forever with you, now I can't let you go I'm in love with you, and now you know I'm in love with you, and now you know. Pagkatapos kong kumanta ay hinaplos ko ang singsing na ginawa kong pendant na binigay naman sa’kin ni Jeremy. I’ll talk to him right now and tell him how much I missed him and also how much I loved him. Tumayo ako sa aking kinauupuan at nagmamadaling lumabas pero hinarang ako ni Sir Toby nang palabas na sana ako sa main door. Sumandal pa siya sa gilid ng pintuan at ipinilig ang kaniyang ulong nakatitig sa’kin. “That was great and you have a nice voice” “T-thank you,” nahihiya ko pang sagot. Gusto ko na siya hawiin para makalabas na ‘ko dahil kanina pa ako naiilang sa kaniya kapag nakatingin siya sa’kin habang kumakanta ako kanina. Binalingan ko naman ang dalawang babae na kasama niya rito at panay pa rin ang irap ng mga ito sa’kin. “You dedicated that song for him right?” Hindi ko alam sa taong ito kung paano niya nahuhulaan ang bawat galaw ko. “Wala ka na ro’n.” Pagsusungit ko naman sa kaniya. “Kung talagang mahal mo siya maniniwala ka dapat sa kaniya. Kusa mo rin naman mararamdaman ‘yon kapag hindi na ikaw ang mahal niya.” Ano bang sinasabi ng lalaking ito? Ano bang alam niya sa’kin. Hindi ko na lang siya pinansin at mabilis akong lumabas ng broadcasting room. Panay ang buntong-hininga ko dahil hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ng lalaking iyon. Nanghuhula lang ‘yon dahil nakita niyang malungkot ako kanina. Galing ako sa locker ko dahil kinuha ko ang ilang gamit ko nang makita ko si Jeremy na halatang katatapos lang ng laro. Tamang-tama at mag-isa lang siya at hindi niya kasama ang mga kaibigan niya. I run towards him and I blocked his path. Tumaas ang isang kilay niya at saka tumingin sa malayo. Kung noon ay gustong-gusto niya akong tinititigan pero ngayon halos iiwas na niya ang tingin niya sa’kin. “Puwede ba tayo mag-usap?” “May lakad ako ngayon.” Hahakbang na sana siya nang pigilan ko siya sa kaniyang braso. “Please? Kahit sandali lang” Doon ulit kami nagpunta sa open field kung saan wala ng taong nakatambay. Naupo ako sa upuang bato at ganoon din siya. Ilang hakbang lang ang layo niya sa’kin at sa malayo naman siya nakatingin. Tanggap ko naman ‘yong galit niya sa’kin, pero ang hindi ko siguro matatanggap kapag sinabi niyang hindi na niya ako mahal. Inilabas ko mula sa aking bag ang notebook na galing kay Ninong Jk. Iniabot ko ito sa kaniya at doon lang natuon ang kaniyang atensyon. Tiningnan niya pa ako at saka niya ito kinuha sa’kin. Binuklat niya ang notebook at alam kong bumungad kaagad sa paningin niya ang mukha ng tito niya. Matagal niya itong tinitigan at mariin niyang isinara ito. “Pagmamay-ari ‘yan ni Ninong Jk. Nakuha ‘yan ni mommy sa apartment niya.” Hindi ko siya narinig na magsalita at basta lang siyang nakatitig sa notebook na hawak niya. “Jeremy___” “My uncle loves your mom and I knew that in the first place. You never let me what I wanted to say. And you gave me this notebook? For what?” Nagyuko na lang ako para makaiwas sa kaniya nang tingin. “You never knew what I’ve been through. I hated my grandmother so much for hating your mom but you never let me explain my side, and now you’re here for what reason?” Napapikit na lang ako dahil sa mga ibinabatong salita niya sa’kin. Hindi ko siya masisi kung bakit siya ganito ngayon dahil ako naman talaga ang may kasalanan nito. Inilapag niya sa tabi ko ang notebook at saka siya tumayo. “Hindi mo ba ako kayang patawarin?” Humihikbi kong tanong sa kaniya. “I forgive you but I give up.” Bumagsak ang balikat ko pagkarinig ko sa kaniyang sinabi. Doon na tuluyang bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. I always said to myself that I never give up on him kahit na saktan niya pa ako sa mga salita niya at kahit na paulit-ulit niya pa itong gawin sa’kin. Pero siya na ang sumuko. Kailangan ko na rin bang bumitiw at tanggapin na lang ang lahat na hindi na kami babalik sa dati? “I’m sorry Jeremy,” nakayuko kong wika sa kaniya habang patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko at tila nabasa na rin ng luha ang aking pantalon. “Is that all you can say? Sorry na lang ba ang maririnig ko sa’yo?” Napakuyom ako ng aking palad at hindi ko na kaya pang sagutin siya. Ilang sandali pa ay narinig ko na lang ang tunog ng sapatos niya na papalayo sa aking kinaroroonan. Sa ganito na lang pala matatapos ang kuwento namin at sinukuan na rin niya ako. Napagod na rin siguro siya sa kakaintindi sa’kin kaya nagpasya na lang siyang tapusin ang relasyon namin. Mas lalong dumoble ang sakit na nararamdaman ko dahil tuluyan na siyang nawala sa’kin. “Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita sobra! Hindi ko kayang mawala ka, so please stay with me! I’m sorry for taking you for granted.” Alam kong hindi na niya maririnig ang katagang iyon dahil iniwan na niya akong mag-isa. Marami pa akong gustong sabihin sa kaniya pero alam kong hindi na rin naman niya ako pakikinggan pa. I hurt him and then he left me. He gave up, but I’m not. Huli na ang lahat para malaman niya kung gaano ko siya kamahal ng sobra at higit pa sa inaakala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD