CHAPTER 40

2729 Words
Nasa ospital kami ni daddy at dito niya kaagad ako dinala nang puntahan niya ako sa restaurant. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang panginginig ng aking mga kamay at nanlalamig pa rin ito. Sa dating doctor ko pa rin ako nagpatingin at katabi ko naman si daddy at hawak nito ang aking isang kamay. “Madeline, okay ka na ba?” malumanay na tanong sa’kin ng doctor. Marahan akong nag-angat nang tingin sa kaniya at unti-unting tumango. Medyo nakakahinga na ‘ko ng maluwag kumpara kanina na halos malagutan na ‘ko ng hininga. Akala ko ay okay na ‘ko at hindi ko na muling mararanasan ito. Pero sa tuwing maaalala ko ang nakaraan at nakikita ang babaeng iyon ay hindi pa rin ako magiging okay. “I’m sorry doc, pero hindi ako okay. I’m not okay, I’m not!” Sabay hagulgol ko pagkasabi kong iyon. Niyakap naman akong kaagad ni daddy. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa sakit ko o dahil sa nararamdaman kong bigat sa aking dibdib dahil sa nangyayari sa amin ni Jeremy. Kung kailan ko naman siya kailangan ay saka ko naman siya hinahanap-hanap. Namimiss ko na siya, gusto kong sabihin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ako nasasaktan dahil sa mga maling desisyon ko. Si daddy na ang kinausap ng doctor ko at ako nama’y nakaupo sa isang mahabang upuan at nakayuko. Dinig ko naman ang usapan nila at narinig ko pa ang pagbuntong-hininga ni daddy. “I think Doctor Mendes she needs a rest. Hindi biro ang magkaroon ng panic disorder. Mabuti na lang at hindi ito katulad ng dati na mas malala. Kausapin niyo siya madalas, she needs that” “Thank you Doctor Vicente.” Pagkatapos nilang mag-usap ay lumabas na rin kami ng clinic. Tulala naman ako habang naglalakad kami at alam kong nakatingin sa’kin si daddy. Gustuhin ko mang magsabi sa kaniya ng tungkol kay Jeremy pero naisip kong ayoko ng dagdagan pa ang alalahanin nila. Huminto kami sa paglalakad nang masilayan namin si Tito Wallace at nagmamadaling lumapit sa amin. Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at sinuri nito ang aking kabuuan. “Madel, what happened? Are you okay?” May pag-aalalang turan niya sa’kin. Tipid akong ngumiti sa kaniya at marahang tumango. Tinapik naman ni daddy si Tito Wallace sa kaniyang balikat kaya natuon ang atensyon nito sa kaniya. “Sabi ng doctor sa kaniya kailangan lang niya ng kaunting pahinga. She’ll be okay in a few days, right baby?” Ngiti lang ang isinagot ko kay daddy. “Gusto mo ba Madel na pumunta sa bahay? Isa pa namimiss ka na rin ni Celine. Ipapalinis ko ‘yong kuwarto mo ro’n at saka kailangan mo rin ng___” Kaagad kong niyakap si Tito Wallace na ikinatahimik niya. I know they’re worried about me. Pero kailangan kong ipakita sa kanila na ayos lang ako. Ayoko nang ibalik ang nakaraan na halos lahat sila ay ayokong kausapin at ayokong makakita ng sino man sa kanila. “I’m okay tito, please tell Celine that I missed her too.” Kumalas ako nang pagkakayakap sa kaniya at pilit na ngumiti. Sandali akong iniwan ni daddy sa entrance ng ospital para kunin naman ang sasakyan. Napadako ang tingin ko sa ‘di kalayuan sa’kin at mukhang nakatingin din siya sa gawi ko. Halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan at nakatingin din ako sa saan siya nakapuwesto. Kilala ko ang tindig na ‘yon at kahit nakasuot siya ng kaniyang helmet at tanging mata lang ang nakikita ay hindi mapagkakailang siya ‘yon. Nakasandal siya sa kaniyang motor at sinusuri ko naman kung tama nga ang hinala ko. Ibang motor nga lang ang gamit niya at hindi ito ang karaniwang dinadala niya. Unti-unti naman akong naglakad palapit sa kinaroroonan niya para mas lalo ko pa siyang makita. Sa bawat paghakbang ko ay siya namang pagdagundong ng puso ko. I totally miss him, I miss him so much. Kung maaari nga lang ay tatakbuhin ko siya at yayakapin nang mahigpit. Kung kinakailangang lumuhod ako sa harapan niya ay gagawin ko mapatawad lang niya ako at bumalik ulit siya sa’kin. Parang hindi ko na kayang mawala pa siya at nasasaktan ako dahil sa sitwasyon namin. Pero ngayon handa na akong harapin ang lahat, ipaglalaban ko siya hangga’t ako pa rin ang nasa puso niya. Nahinto ako sa paghakbang nang mabilis siyang sumakay sa kaniyang motor at pinaharurot ito. Tinatanaw ko na lang siya habang papalayo siya at saka tumulo ang aking mga luha. Iniisip ko na lang na sana ay hindi siya ‘yon at sana ay nagkamali lang ako. Pero kung siya man ‘yon, how did he know that I was here? I was startled when my dad hold my arm. He frowned and wondering why I was standing in the middle of the road. Mabuti na lamang at wala masyadong dumaraan at para bang natauhan akong bigla nang dumating si daddy. “Madel, what’s wrong? Okay ka lang?” Napatingin ako sa kalsada kung saan dumaan si Jeremy. “Let’s go dad, pagod lang siguro ako.” Nauna na akong tumalikod at sumunod na rin si daddy sa’kin. Wala kaming imik habang tinatahak namin ang daan pauwi. Hanggang sa makauwi na kami sa bahay ay hindi na kami nag-usap pa ni daddy. Kaagad akong nagpunta sa kuwarto ko at pabagsak akong nahiga sa kama. Ipinikit ko ang aking mga mata na para bang pagod na pagod ako. Ilang minuto ako na nasa ganoong ayos nang may tumulong luha na lang sa aking pisngi. Nagmulat ako at napatingin ako sa nag-iisang stuff toy na nakapatong sa study table ko. Napabangon ako at kinuha ko ang baby shark na stuff toy na napanalunan niya pa noong naglaro siya sa amusement park. Niyakap ko ito at nagulat pa ako nang magsalita ito. Sandali akong napatitig sa stuff toy at mariing pinindot ito. “I love you baby, I love you baby.” Napatutop akong bigla sa aking bibig at pinaulit-ulit itong pindutin. Bakit ngayon ko lang narinig ito? Samantalang binalibag ko pa ito noong naiinis ako sa kaniya. Siguro ay hindi ko lang narinig ito at napansin dahil sa sobrang inis ko sa kaniya. Mas lalo akong nagsisi sa ginawa ko dahil wala siyang ibang ginawa kun’di ang mahalin ako pero ako parati ko na lang siyang binabalewala at sinasaktan. Binalingan ko naman ang singsing na binigay niya at tinanggal ko ito sa aking daliri. Simple lang ito pero halatang mamahalin. Tinanggal ko naman ang kuwintas na suot ko at siya naman ginawa kong pendant. Napaiyak na lang ako at parang ako pa ang mas nasaktan dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya. Ilang araw din akong hindi nakapasok dahil pinagbawalan ako ni daddy. Gustuhin ko mang pumasok na pero mariin niya akong pinagbawalan at pinagpahinga ng ilang araw. Hindi na namin sinabi kay mommy ang nangyari sa’kin dahil alam naming mag-aalala lang siya. Dinahilan na lang ni daddy na walang klase ang department namin dahil sa mga activities sa school. Pilit akong bumangon kahit na medyo masama ang pakiramdam ko. Nakaramdam ako nang hilo at para bang ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Hindi pa sana ako papasok at isa pa wala rin akong gana magkikilos ngayon. Habang naglalakad naman ako patungo sa klase ko ay samo’t-saring bulungan ang aking mga naririnig. Hindi ko na lang ito pinansin at pasimpleng umirap na lang ako. Wala rin naman akong mapapala kung papatulan ko sila. Kahit na anong pagpapapansin pa nila kay Jeremy ay balewala lang ito sa kaniya. Napahinto ako nang makita ko si Ulysses na nakatayo sa labas ng classroom ko. Nakayuko siya at nakasandal siya sa pader at ang isang paa niya ay nakataas at nakasandal din. Nakamasid ako sa kaniya at naalala ang nangyari sa restaurant. Hindi ako makapaniwala na naging kasintahan niya ang babaeng dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Wala akong ideya kung alam niya na ang girlfriend niya ang may pakana nito. Nag-angat siya nang tingin at umayos siya sa kaniyang pagkakatayo nang makita niya ako. Lumapit siya sa’kin at kaagad na nangunot ang noo nang masilayan ako at akmang hahawakan niya ang mukha ko nang umiwas naman ako sa kaniya. “Namumutla ka. May sakit ka ba?” Hindi ko siya tinapunan nang tingin at narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. “May problema ba?” Doon ko lang siya tiningnan at kita ko ang pag-aalala niya sa kaniyang itsura. “May kailangan ka bang sabihin sa’kin?” Ipinilig niya pa ang kaniyang ulo at takang tumitig sa’kin. “Wala naman. May problema ba Madeline?” Huminga ako nang malalim para kahit papaano ay maibsan ang inis na nararamdaman ko. Kaibigan ko si Ulysses at ayokong masira ‘yon dahil lang sa babaeng iyon. Hindi niya magagawang ipahamak ako at maniniwala pa rin ako sa kaniya. “Nagkita kami ng girlfriend mo.” Nanlaki pa ang mga mata niya at tila hindi niya inaasahan na maririnig ‘yon mula sa’kin. “Now tell me Ulysses, may kinalaman ka ba sa nangyari sa’kin? Or let’s just say na alam mo kung sino ang gumawa sa’kin no’n?” Pansin ko ang kaniyang paglunok at hindi makapagsalita. “M-madeline__” “Just answer me with a yes or no Ulysses.” Hinihintay ko ang kaniyang isasagot at pagkuwan ay marahan lang siyang tumango. Napapikit na lang ako dahil hindi ko inaasahan na gagawin sa’kin ito ni Ulysses. I trusted him at pinagkatiwalaan ko siya pero bakit niya ginawa sa’kin ito? Gusto ko siyang sampalin at pagsalitaan ng kung anu-ano pero mas nangingibabaw ang pagkakaibigan naming dalawa. Mas pinagkatiwalaan ko siya sa lahat pero hindi ko alam na aabot kami sa ganito. “Why Ulysses? Bakit hindi mo sinabi sa’kin?” Sadyang pumatak na ang mga luha ko sa aking pisngi at pinipigilan ko lang ang sarili kong magalit sa kaniya. “Let me explain Madeline” “Sana noon ka pa nagpaliwanag sa’kin at sana kung talagang kaibigan kita sinabi mo sa’kin. Alam mo Ulysses kung ano ang ginawa niya, pero bakit?!” Hindi ko na napigilan ang sarili kong sigawan siya. Mas dumoble pa ang sakit na nararamdaman ko at kabaligtaran naman ito ng nangyari sa’min ni Jeremy. Ako ang sinaktan ni Ulysses and he betrayed me. Ramdam ko ang mga tingin ng mga estudyante na napapadaan sa gawi namin. Wala akong pakialam kung ano pa ang sabihin nila. Mas lalo akong masasaktan kung hindi ko ilalabas ang nararamdaman ko. “Madeline, I know it’s my fault pero sana pakinggan mo muna ako please?” Umiling ako sa kaniya at pinunasan ang mga luha ko. “Ayoko munang makausap ka Ulysses. Pinagkatiwalaan kita pero mas pinili mong magsinungaling sa’kin. Dahil ba mas importante siya? Ganoon mo ba siya kamahal kaya pati ako nagawa mong lokohin?” “It’s not like that Madeline.” Magsasalita pa sana si Ulysses nang lumapit naman ang dalawa kong kaibigan. Taka silang nakatitig sa aming dalawa at mukhang kanina pa nila kami pinagmamasdan. Papalit-palit naman ang tingin nila sa amin at tila nagtatanong ang kanilang mga tingin. Hindi na ako nagsalita pa at nilagpasan na lang siya. Masama ang loob ko at ayoko muna siyang makausap pa. Hindi pa ako nakakalayo nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Nilingon ko siya at pansin ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Sinadya man niya ‘yon o hindi nagawa niya pa rin akong lokohin. Nagustuhan ko siya dahil iba siya sa lahat. Tanggap ko noon na ako lang ang may gusto sa kaniya at masaya ako dahil sa unang pagkakataon ay may nagpatibok ng puso niya. Pero hindi ko inaasahan na ang babaeng muntik nang kumitil ng buhay ko ay siya palang magugustuhan niya at higit sa lahat ay alam pa niya ang totoo. “Madeline please? Nakikiusap ako sa’yo makinig ka naman sa’kin.” Hinila ko ang kamay ko at tinitigan siya nang masama. “Simula ngayon Ulysses huwag mo na akong lalapitan pa. Ayokong magkaroon ng kaibigan na sinungaling” “Madz, ano bang nangyayari sa inyo ni Ulysses?” Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Ellaine at kaagad na akong tumalikod sa kanila. Bago pa ako pumasok sa loob ng classroom ay nakita kong nakatayo si Jeremy sa ‘di kalayuan sa amin at kasama niya pa si Macky. Binalingan niya ako nang tingin at saka siya naglakad palayo. Alam kong narinig niya ang lahat at mukha namang wala siyang pakialam kung ano ang mangyari sa’min. Hindi na ako tinanong nila Nina dahil alam nilang hindi ko pa gustong pag-usapan kung ano ang nangyari sa amin ni Ulysses. Naglalakad na ako at pauwi na sana nang makasalubong ko si Jeremy. Nagdadalawang isip ako kung kakausapin ko ba siya o iiwas na lang muna sa kaniya. Nakayuko lang ako at naglakad ako ng may pagmamadali. “See me at the soccer field.” Natigilan ko at nilingon siya nang makalagpas na siya sa’kin. Nagpalinga-linga pa ako dahil baka hindi ako ang kausap niya. Pero tanging kami lang ang magkasalubong na naglalakad at malayo naman sa amin ang mga estudyanteng naglalakad palabas ng campus. Sumunod naman ako sa kaniya. At ng nasa soccer field na ako ay hinanap ko naman siya at nakasandal siya sa ilalim ng malaking puno at nakapikit. Marahan akong lumapit sa kaniya at saka siya nagmulat marahil ay naramdaman na niya ang presensya ko. Sandali kaming nagkatitigan at ako na ang umiwas sa kaniya nang tingin. “You look pale.” Napatingin ako sa kaniya at hinawakan ko ang aking pisngi. “M-medyo masama kasi ang pakiramdam ko.” Hindi siya sumagot at ramdam ko ang sakit sa aking dibdib. “I-ikaw? Kumusta ka na?” may halong kabang tanong ko. “As you can see okay naman ako.” Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko pagkasabi niyang iyon. Balewala na ba talaga ako sa kaniya? Kung titingnan ko siya parang normal na lang sa kaniya ang magkaharap kami. Samantalang ako mabaliw-baliw na kakaisip kung paano ko siya kakausapin at hihingi ng sorry. “Sa nakikita ko mukha namang okay ka na rin.” Akmang tatalikod na siya nang magsalita naman ako na ikinatigil niya. “Will you forgive me Jeremy?” Tinitigan niya ako ng walang halong emosyon sa kaniyang itsura. Pagak siyang tumawa na ikinataka ko at saka nito ako binalingan. Bahagya pa siyang yumuko para pakatitigan ako at napaatras pa ako ng isang beses. “Why should I? Hindi ba ikaw na ang tumapos ng relasyon natin? I grant what you want.” Ngumisi pa siya sa’kin at umayos ng kaniyang tindig. “Huwag mong isipin na makikipag-ayos ako sa’yo. Pinakakamusta ka lang sa’kin ni Mint at wala akong balak na kahit na ano” “I’m sorry Jeremy,” humihikbi kong wika sa kaniya. “Do you think if you say sorry I feel better right away?” Natahimik ako at hindi nakapagsalita. Tama naman ang lahat nang sinabi niya dahil ako ang dahilan kung bakit siya ganito ngayon. Masakit marinig sa kaniya ang mga katagang iyon at ramdam ko ang galit niya sa’kin. “Why do you keep pushing me away? I know I made a mistake but I hope you’ll listen to me.” Ngumisi pa siya at saka nito ako muling binalingan. “It was you who drove me away and not me. Listen to you? Did you listen to me also? So why do you have to act that way?” Ang mga katagang binitawan niya ay siyang unti-unting tumutusok sa aking dibdib. “Kung wala kang tiwala sa ibang tao at ayaw mong pakinggan ang paliwanag nila sa’yo, bakit kailangan din nilang makinig sa’yo? Don’t be selfish Madeline.” Matapos niyang sabihin ‘yon ay tuluyan na siyang umalis sa harapan ko. Naiwan naman akong walang imik at tulala sa kawalan. Naging makasarili nga ako at hindi inisip kung ano ang mararamdaman niya. Sumagi naman sa isip ko si Ulysses. Siguro ay patungkol din kay Ulysses ang mga sinabi niya sa’kin dahil nakita niyang kausap ko siya kanina. Ayokong isipin na may alam din si Jeremy dahil in the first place ay ngayon lang din sila nagkita ng kapatid niya. Saka ko lang ititigil ang kahibangan kong ito kung marinig ko mismo sa kaniya na wala na akong halaga at hindi na ako ang babaeng mahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD