“Madz, saan tayo kakain? Sa Montecarlo Resto kaya? O ‘di kaya sa sa Boat Resto na lang? Mas masarap do’n!” Masayang turan sa’kin ni Nina habang inaayos ko ang gamit ko sa locker.
Katatapos lang ng morning class ko at meron pa akong afternoon class. Parang ayoko na tuloy pumasok dahil ang bigat ng katawan ko. Napahinto ako sa paglalagay ng mga libro ko at parang naririnig ko pa rin ang mga katagang sinabi ni Jeremy kay Mint. Ganito pala ang pakiramdam kapag sobra kang nasaktan, alam ko na ngayon ang nararamdaman ni Jeremy nang saktan ko siya.
“Uuwi na lang siguro ako Nina, medyo masama kasi ang pakiramdam ko eh,” walang gana kong sagot sa kaniya.
Lumapit siya sa’kin at hinawakan pa ang aking noo. Tiningnan ko siya at kita ko ang kaniyang pag-aalala.
“Hindi ka naman mainit eh. Teka, did you take your medicine? Nagpunta ka na ba ulit sa doctor mo?” Umiling ako sa kaniya at pilit na ngumiti.
“I’m okay Nina, hindi rin kasi ako gaanong nakatulog kagabi eh.” Sumandal siya sa locker at pinag-krus ang mga braso.
Nakasimangot siya na nakatingin sa malayo at sumandal din ako sa locker ko. Siguro ay alam na rin niya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Kahit hindi ko naman sabihin ay malakas ang pakiramdam ng kaibigan kong ito.
Marahan ko siyang sinulyapan at hindi pa rin siya kumikibo. Napabuga na lang ako sa hangin at doon lamang siya napatingin sa’kin.
“I know what’s going on between you and Jeremy Madz. Hindi ko siya kakampihan kapag alam kong sinaktan ka niya, pero hindi rin kita kakampihan kapag alam kong mali ang saktan mo rin siya without any valid reasons. Do you think it’s the right thing to do ang sumuko ng hindi niyo man lang pinaglalaban ang isa’t-isa?” Umiwas ako sa kaniya nang tingin at yumuko.
Tama naman si Nina. Paano ko malalaman kung ngayon pa lang ay sumuko na ‘ko? Pero sa tingin ko ay huli na rin ang lahat dahil kita ko sa mga mata ni Jeremy na seryoso siya sa kaniyang sinabi. Oo masakit at hindi ko alam kung paano ito tatanggapin na lamang. Kung sakali mang kausapin ko siya at hingin ang tawad niya baka magmukha lang akong tanga sa harapan niya.
“Do you think he will forgive me Nina?” Nakayuko ko namang sagot sa kaniya.
Nakita ko na lang ang mga paa niya sa aking harapan at doon na lang ako nag-angat nang tingin. Nakapamey-awang siya at nakataas pa ang isang kilay. Napatikom na lang ako ang aking bibig at tumingin na lang sa ibang direksyon dahil alam ko na ang ganoong awra niya.
“Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?!” Singhal niya sa’kin. “Mahal mo siya ‘di ba?” Walang pag-aalinlangan kong tango sa kaniya. “E ‘di ikaw naman ang gumawa ng paraan kung paano mo siya mapapaamo. Madeline, hindi sa lahat ng oras siya ang susuyo sa’yo, ano ka gold?” Inirapan ko siya at sabay talikod sa kaniya.
Muli kong binalingan ang locker ko at inayos ang iba kong libro roon. Nang buksan ko ang bag ko ay nakita ko ang notebook ni Ninong Jk. Nagkaroon na ‘ko ng idea kung paano ko siya kakausapin. I just want to make it clear betweeen us. Alam ko na ang sagot sa mga katanungan ko ngayon. I want to be selfish, at susundin ko kung ano man ang tinitibok nitong puso ko.
Nagmamadali kong ayusin ang mga gamit ko at kaagad na umalis. Ilang beses akong tinawag ni Nina at hindi ko na siya pinansin pa. Lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa building nila para hanapin siya. Napahinto ako sa aking paglalakad nang makita ko na siya at kasama naman niya ang kaibigan niyang si Brian. Ramdam ko ang bawat pagtibok ng puso ko at hindi ko malaman kung dahil ba ito sa kaba o baka dahil ay namiss ko siyang bigla.
Nakapamulsa siya habang naglalakad at nakayuko lang. Nakita naman akong kaagad ni Brian at kumaway pa siya sa akin. Samantalang si Jeremy ay nakayuko pa rin at tila malalim ang kaniyang iniisip. Malapit na sila sa kinaroroonan ko kung saan ako nakatayo at doon lamang nag-angat ng mukha si Jeremy. Tinitigan ko siya pero ang titig niya sa’kin ay mas malamig pa sa yelo. Para akong nahintakutan sa titig niya kaya umiwas na lang ako sa kaniya nang tingin.
Nilagpasan lang niya ako at para bang isa akong poste na dinaanan lang niya. Nilingon pa ako ni Brian at pagkuwa’y binalingan si Jeremy na may pagtataka. I don’t care what other people think of me, parusa sa’kin ito at dapat lang na magdusa ako.
Naglakad ako palapit sa kaniya at hinawakan ko ang kaniyang braso na ikinahinto niya. Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya at saka niya ako tiningnan ng nakataas ang isang kilay. Napalunok ako at dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko.
“Je-jeremy c-can we talk?” Nauutal kong saad sa kaniya.
“Do I know you?” Napatulala ako sa kaniyang sinabi at para bang bigla akong napahiya sa harapan ni Brian na mataman kaming pinagmamasdan.
“Jeremy please”
“Let’s go Bri, ayokong sayangin ang oras ko sa ibang bagay.” Pagkasabi niyang iyon ay tumalikod na siya.
Hinarap ako ni Brian na malungkot ang itsura at pilit pa rin akong ngumiti sa kaniya kahit na nasaktan ako sa binitiwang salita ni Jeremy. Tinapik niya lang ang kanang balikat ko bago niya sundan si Jeremy.
Tumingala ako para pigilan namang bumagsak ang mga luha ko. Yes, I deserve that kind of treatment. Pero kahit na ilang beses niya pa ako pagsalitaan ng masasakit hindi ko na siya susukuan at alam kong mapapatawad niya rin ako at nararamdaman ko ‘yon.
Palabas na ako ng campus dahil tapos na rin ang huling klase ko. Kahit na wala ako sa mood pumasok ay pinilit ko pa rin ang sarili ko. Naalala kong hindi pa pala ako kumakain simula kanina at ngayon ako nakaramdam ng gutom. Tatawagan ko sana si Nina para yayain kumain nang may biglang tumawag naman sa’kin sa ‘di kalayuan. Napamaang ako nang makita ko si Mint sa kabilang kalsada at masaya pa siyang kumaway sa’kin. Kumaway din ako sa kaniya at lumapit sa kaniyang kinaroroonan. Nang makalapit na ako ay umangkla siyang kaagad na ikinagulat ko.
“Let’s go Madeline!” Masigla nitong wika sa’kin.
“Saan tayo pupunta?”
“Kakain. Alam ko kasing hindi ka pa kumakain eh”
“How did you know?” Hindi siya kaagad nakapagsalita at parang iniisip niya pa ang kaniyang sasabihin.
“Narinig kong bumusina ‘yang tyan mo eh”
“Hindi naman ah!” nakanguso ko namang saad.
“Narinig ko! Hindi mo lang naramdaman.” Bago pa ako makasagot ay hinila na niya ako.
Pumunta kami sa Montecarlo Resto na kanina’y gustong kainan ni Nina. Kapag nalaman niyang kumain na ako rito ay tiyak magtatampo siya sa’kin Marami ring kumakain dito at isa pa ay maganda ang ambiance rito at nakakarelax din ang lugar.
“Bakit mo pala ako dinala rito?”
“Sorry Madeline.” Kunot-noo ko siyang tinitigan at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. “Hindi ko intensyon na saktan ka. Kaya kita gustong makausap dahil nasasaktan ako para kay Jeremy.” Binawi ko ang kamay ko at halos hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso.
Alam kong hindi malabong ikuwento ‘yon ni Jeremy sa kaniya dahil malapit silang magkaibigan. Hindi lang sila magkaibigan lang kun’di childhood friend at higit sa lahat pinagkasundo sila ng mga magulang nila. What if ikasal nga sila? Paano kung mas piliin ni Jeremy ang kasunduan kaysa sa’kin?
“I’m sorry Mint.” Umiling siya sa’kin at pinisil pa ang isang pisngi ko.
Why she’s so nice? Dapat nga ay magalit siya sa’kin dahil sinaktan ko ang kaibigan niya. Iyong iba nga sinasampal pa o ‘di kaya’y sinasabuyan ng tubig sa mukha parang telenovela lang ang ganap.
“He loves you Madeline. Noong malaman ko ‘yon sa kaniya nagalit ako syempre. How could you do this to him without proper explaination? Pero naisip ko na huwag na makialam sa lovelife ng iba dahil may sarili din naman akong lovelife na kailangang problemahin,” nangingiti nitong kuwento sa’kin.
“M-may boyfriend ka?” Hindi ko makapaniwalang turan sa kaniya. Tumawa lang siya at saka iiling-iling. “Pero ‘di ba__”
“Wala akong balak pakasalan siya ‘no! Kahit na pinagkasundo kami hindi ko siya pakakasalan. At iyong narinig mo kanina? Don’t worry hindi siya sincere sa sinabi niya. Ewan ko ba sa lalaking iyon kung anong pumasok sa maliit na espasyo niyang utak”
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa huling sinabi niya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko matapos kong marinig kay Mint ‘yon.
Nang dumating ang order namin ay halos malula ako sa dami ng pagkain. Biglang kumalam ang tyan ko at napalunok pa ako. Hinayinan naman ako ni Mint at nilagyan pa ng juice ang baso ko. I don’t know what’s going on and why she’s doing this to me.
“Mint, ayaw akong kausapin ni Jeremy sobra ko talaga siyang nasaktan.” Malungkot kong sabi sa kaniya.
Huminto siya sa kaniyang ginagawa at hinarap ako. “Jeremy is a softhearted guy. He maybe a childish sometimes pero nasisiguro kong hindi ka no’n matitiis. Ang tagal ka kaya niyang hinanap”
Natigagal ako sa kaniyang huling sinabi. Pansin ko rin ang pagkagulat niya sa kaniyang mukha at wari ko’y nabigla rin siya sa kaniyang sinabi. Uminom muna siya ng tubig at saka niya ako muling binalingan na may ngiti sa kaniyang mga labi.
“I mean, matagal niyang hinanap ang magiging forever niya at ikaw ‘yon,” tumango lang ako.
Habang kumakain kami ay muntikan na akong masamid nang halikan si Mint noong babaeng lumapit sa amin sa kaniyang labi. Napatulala na lang ako at papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa nang maupo na ito sa tabi ni Mint.
“By the way Madeline, she’s Eula, my long time girlfriend,” pakilala niya sa’kin.
Nakaawang lang ang mga labi ko at hindi makapaniwala sa kaniya. She’s beautiful, sexy at higit sa lahat ay maraming lalaki ang nahuhumaling sa kaniya kapag nagagawi siya sa school. Now I realize na hindi mo mapipigilan ang puso mo kung sino pa ang mahalin nito. Like I did, I do fell in love to the man I hate the most. Hindi ko akalain na sa isang tulad niya ako maiin-love at ibibigay ang sarili ko sa kaniya. Gusto kong itama ang mali kong nagawa sa kaniya at tatanggapin ko ang pagsusungit niya sa’kin bumalik lang siya ulit.
“H-hi,” nahihiya ko pang bati sa kaniya.
She’s beautiful like Mint at hindi mapaghahalataang tomboy siya. Oo nga pala hindi ko nga pala alam kung sino sa kanila ang tunay na babae.
“Nagulat ka ba Madeline?” Nahihiya naman akong tumango kay Mint. “Siya ‘yong kinukuwento ko sa’yo na hindi kami puwede at sa mata ng marami ay bawal ang pagmamahalan namin. Anong magagawa ko kung siya talaga ang gusto ko? Sa kaniya ko lang naramdaman ang totoong pagmamahal na hindi ko naranasan sa ibang nakarelasyon ko.” Napalitan naman ng awa ang nararamdaman ko.
Binalingan ko naman ang girlfriend niyang si Eula at malapad ko siyang nginitian. Gumanti din naman siya ng ngiti sa’kin at sa tingin ko naman ay mahal na mahal talaga nila ang isa’t-isa.
“I hope for your happiness. Hindi ko man gaanong kilala si Mint pero masasabi kong mabait siya at sana ay alagaan mo siyang mabuti,” wika ko kay Eula.
“Don’t worry Madeline habang-buhay ko siyang pagsisilbihan”
Masaya naman kaming kumain at ilang minuto pa ay nagpaalam na rin kami sa isa’t-isa. Nauna na silang umalis at nagpunta muna ako sa comfort room nitong resto. Humarap ako sa salamin at sinuri ang aking sarili. Medyo nagkaroon ako ng eyebag dahil na rin siguro hindi ako gaanong nakatulog. Medyo maputla rin ang mga labi ko kaya naglagay ako ng lipstick.
Papasok na sana ako sa loob ng cubicle ng may isang babaeng pumasok at kita ko ang mapanuring titig niya sa’kin. Namilog ang mga mata ko dahil kilala ko ang babaeng ito. Halos manlambot ang mga tuhod ko at nagsisimula nang manginig ang mga kamay ko. Iniisip ko na lang na sana hindi siya totoo, pero unti-unti siyang lumalapit sa’kin. Nanikip bigla ang dibdib ko na para bang hindi ako makahinga. Taas-baba ang aking dibdib dahil habol ko ang aking paghinga.
“Long time no see Madeline,” nakangisi pa nitong sabi sa’kin. “Kumusta ka na? Buhay ka pa pala?” Gusto ko siyang sampalin pero hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.
“A-anong g-ginagawa m-mo rito?” Nanginginig kong turan sa kaniya.
“Bakit bawal ba akong pumunta rito?” Tumawa pa siya nang pagak at saka nito hinawakan ang aking panga. Halos mapaiyak ako sa sakit at mas lalo niya pa itong hinigpitan. “Dahil sa’yo iniwan ako ni Ulyssses! Dapat namatay ka na lang noon pa! Bakit hindi ka pa mamatay?!” Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko pagkasabi niyang iyon.
Biglang bumalik ang mga alaala ko noon na halos mamatay na ako. Allergic ako sa cheese at seafoods at hindi ko alam na nakakain na pala ako noon. Siya ang huli kong nakita noon at tawa pa siya nang tawa bago ako mawalan ng malay. Siya ang may kagagawan kung bakit ako ganito ngayon. I suffer so much with this kind of illness at iniisip ng iba na baliw ako noon. Dalawang taon din akong nag-home schooling dahil ayokong makihalubilo sa ibang tao dahil sa takot ko na makita siya.
Nang maka-recover na ako ay saka lamang ako bumalik sa school at unti-unting bumalik ang dating ako sa tulong ng mga kaibigan ko. Pero hindi ko alam na siya pala ang girlfriend ni Ulyssses ngayon. Pero bakit siya?
Pabalagbag niya akong binitawan at napasandal na lang ako sa pader. Hindi ko mapigilan ang panginginig ko at ayoko na siyang tingnan pa.
“I’m warning you Madeline kung ayaw mong maulit ang nangyari sa’yo noon. Nakuha ko na siya at ‘wag mo na siyang lalapitan pa, naiintindihan mo?” Matapos niyang sabihin ‘yon ay saka lang siya lumabas ng banyo.
Pabagsak akong naupo sa sahig at hinanap ko naman sa bag ko ang aking gamot. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko at pagbukas ko ng bote ng gamot ko ay natapon ito sa sahig. Umiiyak akong tinitigan ito at pinulot isa-isa ang mga ‘yon. Naisipan ko namang tawagan si daddy at mabilis ko lang itong idinial dahil nasa emergency contacts ko lang siya.
“Hello baby, tapos na ang klase mo? Katatapos lang ng surgery ko ngayon.” Hindi kaagad ako nakapagsalita at napatutop na lang ako sa aking bibig. “Baby, what’s wrong?”
“D-dad, c-can you please pick me up?” Umiiyak kong saad.
“Where are you?!” Sinabi ko naman kung nasaan ako at doon na niya pinutol ang tawag.
Pinakalma ko naman ang sarili ko at mariing pumikit at panay hinga ko nang malalim para maibsan ang pagkabalisa ko. Sa ganitong sitwasyon ay naaalala ko si Jeremy dahil dalawang beses na rin niya akong nakitang ganito. Sa pagmulat ko ay sana nasa harapan ko siya at makita ang pag-aalala niya sa’kin. But I was wrong, he’s not here and he’ll never be here.
“J-jeremy where are you?” Nasabi ko na lang habang mahina akong umiiyak at patuloy na tinatawag ang pangalan niya at nagbabakasakali na marinig niya ako.