CHAPTER 38

2791 Words
“Magkita na lang tayo bukas Madeline, mauuna na rin ako.” Malungkot akong tumango sa kaniya. Hinatid ako ni Ulysses at nasa tapat naman kami ng aming bahay. Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi at iniisip ang mga nangyari. Mali na kung mali ang desisyon ko kung para naman ‘yon sa ikabubuti namin. Pagkapasok ko ng bahay ay naabutan ko si mommy na nakatayo at tila may tinititigan ito at may hawak itong isang bagay. Nakatalikod siya sa’kin at pumihit lang siya paharap nang maramdaman niya ang presensiya ko. Sinalubong niya ako ng mga ngiti pero halata sa mga mata niya ang lungkot. Kaagad ko naman siyang nilapitan at hinagkan sa kaniyang pisngi. “Nasaan si Ulysses?” Hanap niya kay Ulysses at nagpalinga-linga pa siya. “Umuwi na siya ma, may gagawin pa raw po siya eh.” Hinawakan ni mommy ang isang kamay ko at marahang hinimas ito. Pansin ko ang panunubig ng kaniyang mga mata kaya bigla akong nag-alala. “Mommy, are you okay? May masakit ba sa’yo? Wait, I’ll call dad.” Akmang tatalikod na sana ako para tawagin si daddy nang pigilan naman niya ako. Kunot-noo ko siyang tinitigan at marahan niyang tinapik ang likod ng aking palad. Umupo muna kami sa mahabang sofa at pagkuwa’y tipid siyang ngumiti sa’kin. “Anak, I’m sorry for not telling you the truth, I just want to protect you. Pero hindi ko alam na aabot ito sa ganito,” humihikbing wika ni mommy. Mahigpit ko siyang niyakap at hinimas ang kaniyang likod. I don’t want her to feel that way. Ayokong sisihin niya ang sarili niya at alam kong ginagawa lang niya ang alam niyang makakabuti sa’min. Kumalas ako nang pagkakayakap sa kaniya at narinig ko pa ang mahina niyang pagbuntong-hininga. Hindi ko man lang alam kung ano ang pinagdaanan ni mommy pero nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang ganito. “Mom, wala kang kasalanan.” Umiling siya at tinitigan ako. “Jk’s mom hate me. Halos isumpa na niya ako dahil sa nangyari kay Jk. I never visit him dahil inilipat nila ang puntod niya.” Napamaang na lang ako dahil sa nalaman ko kay mommy. Iyon pala ang sinasabi ni Papa Mazer kaya pala matagal ng hindi binibisita ni mommy si Ninong Jk at pati ang katawan nito ay inilayo rin sa kaniya. Ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat. “Mom__” “Ayokong dumating ang araw na pagsisihan mo ang lahat Madel,” putol naman niya sa aking sasabihin. “What do you mean mom?” Huminga pa siya ng malalim at pagkuwan ay binalingan ang isang notebook na kanina niya pa hawak. Nanlaki ang mga mata ko dahil minsan ko na ring nakita ‘yon. Oo, naalala ko na. Iyon ‘yong notebook na hawak ni mommy nang pumasok ako sa kuwarto nila noong minsan. Iniabot niya ito sa akin at hindi ko inalis ang pagkakatitig dito. Ewan ko ba, pero bigla akong kinabahan sa kung ano ang mga nakasulat doon. “That’s belong to your Ninong Jk, Madel. I want you to give that to him.” Mabilis akong nag-angat nang tingin kay mommy at seryoso siyang nakatitig din sa’kin. “A-alam mo na mommy?” Tumango lang siya sa’kin at hinaplos ang aking kaliwang pisngi. “Your dad tell me everything. Jk is Jeremy’s uncle, Madeline.” Napayuko ako at wari ko’y nagbabadya nang pumatak ang aking mga luha. Alam ko na ang sasabihin ni mommy sa’kin at katulad din ito ng mga sinabi sa’kin ni daddy at Papa Mazer. Pero kahit hindi naman niya sabihin ‘yon ay tapos na sa amin ang lahat. Siguro ay ako na lang din ang lalayo para hindi na kami mas lalo pang masaktan. I decided to go to states at doon na rin ako magtatapos ng pag-aaral ko, tutal may bahay naman kami roon at hindi na ako mahihirapan pa. “Mommy about doon.” Huminto muna ako sa aking pagsasalita at binalingan siya.” Nakipaghiwalay na po ako.” Gulat siyang napamaang sa’kin at pakiwari ko ay hindi niya nagustuhan ang aking sinabi. “Madel, why? Dahil ba ito sa nangyari? What your dad and your Papa Mazer told you, it’s not a big deal for me Madeline. I want you to be happy” “But I don’t want you to suffer anymore and feel so much pain like before.” Naiiyak kong turan sa kaniya. Kahit na anong sabihin pa sa’kin ni mommy ay hindi ko na babalikan pa si Jeremy. Ayokong isang araw ay magsisi ako kung bakit mas pinili ko ang sarili ko kaysa sa kapakanan ng mommy ko. Pinunasan ni mommy ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi at tipid pa siyang ngumiti sa’kin. Kahit na ganito ang pinapakita niya sa’kin ay nararamdaman ko na nasasaktan siya dahil sa nangyayari. And I know all this years ay hindi pa rin siya napapatawad ng lola ni Jeremy. “Not anymore Madel, I’m glad that you found someone who really cares for you. Hindi man kami ang itinadhana ni Jk, alam kong kayo ang tutupad no’n.” Nangunot ang aking noo at hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. “Your dad and I already talked about that Madel. Gusto niyang ipaglaban ang pagmamahal niya sa’yo. Marami rin siyang katangian na nakuha sa tito niya.” Napatulala na lang ako sa mga sinabi ni mommy at tila ba’y may kung anong kutob akong naramdaman. “M-mommy, d-did he__” Mabilis niya akong niyakap at sunod-sunod namang nagsibagsakan ang aking mga luha. Did Jeremy talked to my mom? How? When? Hindi ako makapaniwalang magagawa ‘yon ni Jeremy kung sakali. Pero may mga tanong pa rin akong gumugulo sa aking isipan. Hindi ko alam kung kaya ko bang harapin ang lola niya balang araw at ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Matagal na panahon na rin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matanggap ang sinapit ni Ninong Jk. Kumalas nang pagkakayakap sa’kin si mommy at hinagkan ang aking noo. “Give that to Jeremy, Madel. Nakita ko ‘yan sa apartment ni Jk noong nagpunta ako roon bago pa kunin ng mama niya ang mga naiwang gamit niya. Matagal na rin sa’kin ‘yan at gusto kong ipabasa sa kaniya ang mga nakasulat diyan.” Tiningnan ko naman ang notebook na hawak ko at medyo may kalumaan na rin ito dahil sa tagal na rin. Binuklat ko ang unang pahina at bumungad kaagad sa’kin ang nakangiting picture ni Ninong Jk. Kung pagmamasdan ko siya ay kamukha nga talaga ni Jeremy ang tito niya. Maging sa mata, ilong pati ang mga labi ay parehong-pareho sila. Kung meron sanang ibang makakakita ng litrato ni Ninong Jk ay mapagkakamalan itong si Jeremy. “Bakit hindi ka na-in-love kay Ninong Jk, mom? He really cares for you at mahal na mahal ka niya” “May mga bagay talaga na hindi para sa’yo anak. Na hindi tayo ang nakalaan para sa taong ‘yon.” My mom’s right, hindi natin puwedeng ipilit ang sarili natin sa taong hindi tayo kayang mahalin. Pangarap ko talagang makatagpo ng tunay na pagmamahal katulad ng kina mommy at daddy. Through their hardship at sa huli ay sila pa rin ang magkasama. Pero sa’min ni Jeremy, I don’t know if we can make it to the end. Siguro kung isa sa’min ang susuko na lang at pipiliing lumayo at ang isa naman ay mananatili kahit alam niyang nasasaktan na siya. Natatakot ako na baka isang araw ay siya na ang tuluyang sumuko. Halos malalim na sa gabi at hindi pa ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang mga naging pag-uusap namin ni mommy. Napabangon ako sa aking kama at tumayo sa harap ng aking bintana. Naalala kong bigla si Jeremy. Marahan kong hinawi ang kurtina ng aking bintana at tumingin sa baba nito. Iniimagine ko na nakatayo siya at nakatanaw sa akin habang matamis itong nakangiti. Malakas akong nagpakawala ng buntong-hininga at kaagad akong tumalikod at lumabas ng aking kuwarto. Pupunta sana ako ng kusina para magtimpla ng gatas para mabilis akong makatulog nang mapansin ko ang bukas na pintuan ng kuwarto ng kambal ko. Taka akong nakatingin doon dahil hindi naman ugali ni Jk na iwang bukas ang pintuan ng kuwarto niya. Naglakad ako papunta sa kaniyang kuwarto para silipin siya dahil baka naiwan lang nitong bukas ang pintuan at nakatulog na. Sumilip ako sa maliit na awang ng pinto niya at nakabukas din ang lamp shade na nakapatong sa study table niya. Tiningnan ko ang wrist watch ko at ala-una na pala ng madaling araw. Isasara ko na sana ang pintuan nang mapansin kong umupo si Jk sa kaniyang study table. Hawak nito ang isang makapal na libro at seryoso siyang nakatuon doon. “Grabe naman siyang mag-aral, wala ba siyang pasok bukas?” Sabi ko sa aking sarili habang pinagmamasdan siya. Akmang tatalikod na ako nang dumako ang tingin ko sa kama niya. Nagkalat doon ang ilang mga libro at nagulat pa ako nang mapagtanto ko kung anong libro ang mga ‘yon. Bakit naisipang magbasa ng kapatid ko ng medical books? Kahit kailan ay hindi ko pa nakitang magbasa ng ganoon ang kapatid ko. Hindi naman niya course ‘yon pero bakit niya binabasa ang mga ‘yon? Hindi ko na lamang iyon pinansin at hinayaan ko na lang na nakabukas ang kaniyang pintuan. Tamad akong bumangon sa aking higaan at pupungas-pungas pa akong tumayo. Tiningnan ko ang orasan na nasa side table ko at alas-sais pa lang ng umaga. Napabuntong-hininga na lang ako at nagtungo naman sa banyo para maligo. Pagkatapos kong mag-ayos ay kaagad na akong bumaba at naabutan ko naman si mommy na tila paalis na at pupunta na siya sa kaniyang restaurant. “Mom!” tawag ko nang makababa na ako. Nilingon naman niya ako at malapad naman niya akong nginitian. Sinalubong ko siya nang yakap at hinagkan naman ang aking noo. “Anak, bakit parang namamaga ‘yang mata mo? Hindi ka ba gaanong nakatulog kagabi?” takang tanong niya. Umiling ako sa kaniya at pilit na ngumiti. Ang totoo niyan ay ang bigat pa rin nang pakiramdam ko hanggang ngayon. Dapat ko bang sundin ang sinasabi ng puso ko o ang sinasabi ng isipan ko? I want to be selfish but I can’t help thinking what it may cause in the future. “I’m okay mom, napuyat lang ako kagabi dahil may tinapos lang akong assignments,” pagsisinungaling ko na lang. “I’m your my mom Madel. Alam ko kung kailan ka nasasaktan. You don’t have to worry about me anak, ayokong dumating ang oras na pagsisihan mo ang bagay na pinili mo kapag huli na ang lahat” “Actually mommy, hindi talaga ako okay. I’ll try to endure the pain pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang magsinungaling at basta na lang siyang kalimutan mommy. I love him that’s why I’m hurting so much.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong umiyak. Lumapit si mommy sa’kin at pinunasan ang luha ko sa aking pisngi. “As I said Madel, you don’t have to worry about me. Mas lalong malulungkot ang ninong mo dahil sa nangyayari sa inyo ni Jeremy.” Mahigpit ko naman siyang niyakap at panay pa rin ang hikbi ko. Mom’s right. Ayokong pagsisihan ang isang bagay kapag huli na ang lahat. Kaagad naman akong umalis ng bahay at pumasok na sa school. I don’t know how can I talk to him because I know I hurt him even more. Kaagad akong bumaba ng sasakyan at hinanap ko naman si Jeremy. Napahinto ako sa paglalakad nang tumunog naman ang aking telepono. Inakala kong si Jeremy ang tumatawag kaya kaagad ko itong sinagot at hindi ko na tiningnan ang screen ng aking telepono. “Hello, sugarpop! Can I talk to you? Well, I-I’m sorry.” Hindi ko siya narinig na magsalita kaya kinabahan ako. “Jeremy, please” “Madeline, it’s me, Mint.” Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya at tiningnan ko naman ang screen ng telepono ko. Mariin pa akong napapikit at kinagat ko naman ang ibabang labi ko dahil sa labis na pagkapahiya. Napalunok ako at muli ko namang inilagay sa tainga ko ang aking telepono. “Ikaw pala Mint. Ba’t napatawag ka?” “Can we talk?” seryoso niyang saad. May halong lungkot ang tono niya at rinig na rinig ko pa ang bawat hinga niya sa kabilang linya. Tiningnan ko ang oras sa suot kong wrist watch at may isang oras pa naman ako bago pa ang unang klase ko. Sinabi kong magkita na lang kami sa open park dito sa school at pumayag naman siya. Habang naglalakad ako patungo roon ay samo’t-sari ang bulungan na naririnig ko sa mga estudyanteng nadaraanan ko. Iyong iba naman ay masama ang tingin sa’kin at ang iba naman ay kung anu-anong parinig pa ang tungkol sa’kin. Napahinto ako sa aking paglalakad ng may humarang sa aking harapan at tiningala ko naman siya. Napaikot na lang ang aking mga mata nang makilala ko sila at nakangisi pa sa’kin ang babaeng wari ko’y lider nila. “What do you want?” matapang kong sabi sa kaniya. “Aba, ikaw pa ngayon ang matapang ha. Mabuti na lang talaga at iniwan ka na nang tuluyan ni Jeremy dahil in the first place hindi naman talaga kayo bagay eh. Maganda ka nga pero wala ka namang appeal. Buti na lang at nagising na sa katotohanan si Jeremy at mas pinili niya ang first love niya.” Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Wala akong panahong makipagtalo sa kaniya dahil alam kong gawa-gawa lang niya ‘yon para inisin ako. Sa dami ba namang nagkakagusto kay Jeremy rito at alam kong isa na siya roon. Well, wala akong pakialam sa kanila as long as na hindi sinasabi ni Jeremy na hindi na niya ako mahal ay wala akong paniniwalaan kun’di siya lang. Akmang tatalikuran ko na sila nang mahigpit niyang hawakan ang braso ko. Napangiwi ako dahil sa sakit nang pagkakahawak niya at ramdam ko ang pagbaon ng kuko niya sa aking balat. “Just stay away from him dahil sagabal ka lang sa relasyon nila naiintindihan mo?” May diing wika nito sa’kin at pabagsak niyang binitawan ang braso ko. Hinimas ko ang braso ko at napapikit ako dahil sa hapdi nito. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi niya dahil alam kong tsismis lang ang lahat ng iyon. Nang makarating na ako kung saan kami magkikita ni Mint ay nabungaran ko kaagad siya na nakatayo sa ilalim ng puno at naka-krus ang kaniyang mga braso. Hindi muna ako lumapit at pinagmasdan ko muna siya mula sa aking kinatatayuan. Pakiwari ko’y may mabigat siyang pinagdaraanan at gusto niya ng may makakausap. Lalapitan ko na sana siya ng bigla namang lumapit sa kaniya si Jeremy. Ang lalaking gusto kong makita at makausap. Biglang bumilis na naman ang t***k ng puso ko at mabibilis ang aking paghinga. Napaatras ako at tatalikod na sana dahil mukhang may mahalaga silang pag-uusapan nang marinig kong magsalita si Mint. “What are you doing here Jems?” “Let’s do what your parents wants from us.” Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ako nang panlalamig ng aking katawan. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin at parang hindi ko gusto ang marinig iyon mula sa kaniya. Nanatili pa rin akong nakatayo at pinagmamasdan sila sa ‘di kalayuan sa’kin at hindi pa nila napapansin ang presensiya ko. “Jems, you know that I can’t” “But I have to do that” “How about Madeline? Ayokong gawin mo ‘yon na alam kong may masasaktan ka.” Hindi kaagad nagsalita si Jeremy at basta lamang siyang nakatitig kay Mint. “Let’s get married Mint.” Napaatras akong bigla dahil sa narinig ko mula sa kaniya. Wala siyang kakurap-kurap nang sabihin niya ang katagang ‘yon at hindi man lang siya nag-isip. Naramdaman ko na lang na may luhang dumaloy sa aking pisngi at kasabay noon ang may dalawang palad na tumakip sa magkabilang tainga ko. Kilala ko kung sino ‘yon at siya lang ang bukod tanging gumagawa sa akin no’n. Hindi na ako nagulat pa nang humarap naman sa kinaroroonan namin si Mint at gulat siyang napatitig sa’kin. Samantalang si Jeremy ay wala man lang ekspresyon ang kaniyang mukha at hindi na rin siya nagulat pa nang makita ako at kasama ko si Ulysses. Kaagad akong tumalikod at naglakad palayo sa kanila. Iyong puso ko ay parang sasabog dahil sa sobrang sama ng loob. Yes, I hurt him but I hurt even more lalo na nang marinig ko ang hindi ko inaasahang marinig sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD