CHAPTER 37

2936 Words
Kinaumagahan habang nasa hapag-kainan kami at kumakain ay halos hindi ko malunok ang kinakain ko. Wala akong gana at para bang nawalan ako ng panlasa. Nag-aalala ako kay mommy at tiyak akong pupuntahan niya si Jeremy sa school para alamin ang totoo. Ayoko dumating sa punto na ganoon ang mangyari at nakapagdesisyon na akong layuan siya habang maaga pa. “Don’t worry too much Madel. Your mom is fine, all she need is to rest.” Nag-angat ako ng mukha at matamang nakatitig sa’kin si daddy na nasa aking harapan. “What if she wants to talk to him? Anong mangyayari dad?” “I will never let it happen, baby. So, forget all your worries and focus on your studies.” Hindi na ako nagsalita pa at pagkuwan ay nagpaalam na rin ako para pumasok na. Kahit sa loob ng sasakyan ay hindi ko pa rin mapigilang mag-isip. Hindi ko basta-basta maiiwasan si Jeremy lalo na’t nasa iisang school lang kami. Pero kailangan kong gawin ito para sa kapakanan ni mommy. Kung kinakailangang lumipat ako ng school para lang hindi na siya makita pa ay gagawin ko. Pero kaya ko nga ba siyang talikuran na lang? Pareho silang mahalaga sa’kin pero hindi ko naman kayang may mangyaring masama pa kay mommy. Bago pa malaman ni Jeremy ang lahat ay ako na mismo ang lalayo sa kaniya. Hindi ko naman namalayang nasa tapat na pala kami ng school at kanina pa pala ako tinatawag ni Manong Eddie. Bababa na sana ako nang mamataan ko si Jeremy sa harap ng gate at nakasandal ito sa kaniyang motor. Nakasuot pa ito ng black leather jacket at ang dalawang kamay ay nasa bulsa nito. Nakayuko siya at mukhang malalim din ang iniisip niya dahil din siguro sa nangyari kagabi. “Hija, may problema ba?” Nakakunot ang noo ni Manong Eddie na nakatingin sa rear view mirror na siyang tiningnan ko rin. “Manong Eddie puwede po bang pakipasok mo na lang sa loob ng school ‘yong sasakyan? Ano po k-kasi eh, medyo masakit po ‘yong puson ko at para hindi na rin malayo ang lalakarin ko papasok sa loob,” pagdadahilan ko na lang sa kaniya. Sinunod din naman niya ito at nadaanan pa namin si Jeremy. Hindi niya ako napansin sa loob dahil tinted ang sasakyan. Kaagad akong bumaba at dali-dali naman akong pumasok sa loob ng aming building. Halos sapo ko ang aking dibdib nang makarating na ako sa mismong silid ko at pabagsak naman akong naupo sa aking upuan. Kinuha ko naman ang aking telepono dahil kanina pa ito nagvivibrate. Nakita kong si Jeremy ang tumatawag. Hinintay kong matapos ito at nabasa ko sa screen na marami na siyang text sa’kin. Hindi ko na ito pinansin pa at pinatay ko na lang ang aking telepono. Parang hindi ko siya kayang harapin pa ngayon at halo-halong kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko siya kayang saktan, hindi ko kayang saktan ang lalaking natutunan ko nang mahalin at walang ibang ginawa kun’di ang mahalin din ako ng sobra. Napaluha na lang ako habang naiisip ang mga bagay na ‘yon. Tatayo sana ako para magpunta ng banyo ng biglang umikot ang aking paningin. Napapikit ako at napahawak na lang sa aking noo dahil sa sobrang pagkahilo. Nang imulat ko ang aking mga mata ay saka naman dumating ang propesor namin. Huminga ako nang malalim at hinilot ko na lang ang aking sentido. Masyado na akong nag-iisip sa mga nangyayari kaya siguro nararamdaman ko ito. Sunod-sunod ang mga naging klase ko at mabuti na lamang ay hindi pa ako pinupuntahan ni Jeremy. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya kapag nakaharap ko na siya at tiyak ay marami siyang katanungan na hindi ko kayang sagutin. Dapit-hapon na nang matapos ang huling klase ko. Inaayos ko na ang mga gamit ko nang mapatingin ako sa labas ng bintana. Humarap ako roon at tinitigan ang papalubog na araw. Kay gandang pagmasdan. Naalala kong bigla si Ninong Jk at mariin pa akong napapikit. Napasinghap ako nang may isang braso na pumulupot sa aking baywang. Kahit hindi ko siya lingunin ay alam na alam ko na kung sino siya at pati ang nakakaadik na amoy niya. Inilagay niya pa ang baba niya sa aking balikat at pagkuwan ay hinalikan ito. Mahigpit ko namang hinawakan ang kaniyang mga braso na nasa aking baywang at ngayon pa lang ay pinipigilan ko na ang sarili kong maiyak. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang mga gusto kong sabihin ay nasasaktan na ako, hindi ko kaya. “I called you many times but you didn’t answer my call. Is there something wrong?” Huminga muna ako nang malalim at saka pumihit sa kaniya paharap. Malamlam ang mga mata niya at para bang puyat siya. Lalapit pa sana siya sa’kin nang umatras naman ako palayo sa kaniya. Alm kong nagulat siya sa ginawa ko at basta lang siyang nakatitig sa’kin. “Je-jeremy g-gusto ko sanang__” “I’m sorry.” Natigilan ako at tinitigan siya na may pagtataka. “I’m sorry about what happened last night. I want to ask you, I mean I want to tell you__” “Let’s break-up,” walang pagligoy-ligoy kong sabi sa kaniya. Napatulala siya at pakiwari ko’y hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. Parang gusto kong bawiin sa kaniya ang sinabi ko pero kailangan ko nang tapusin ang lahat sa’min bago pa ito lumala. Akmang lalapitan niya pa ako nang umatras ulit ako sa kaniya. Mabigat siyang napabuga sa hangin at sandaling umiwas sa’kin nang tingin. Konting-konti na lang ay babagsak na ang aking mga luha. “Who told you to break up with me? Is this what happened last night?” Hindi ako nagsalita at basta lamang nakayuko. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya dahil kapag nagkataon ay baka hindi ko kayanin at mas piliin ko siya kaysa sa sitwasyon ni mommy. Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang masaktan dahil sa mahabang panahon ay alam kong nagsakripisyo rin siya kaya ayoko nang mangyari pa ‘yon. “Narealize ko na hindi pala talaga tayo puwede.” Mahina siyang napamura pero hindi ko ‘yon pinansin. “Look at me Madie and tell me your f*****g reasons!” sigaw niya pa pero hindi ako nagpatinag. “I don’t have to explain it to you. I’m sick and tired of this relationship kahit na anong gawin ko, natin, hindi talaga puwede.” Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko na kanina pa nagbabadya. Kaagad ko itong pinunasan at mabilis siyang tinalikuran. Ayoko nang magsalita pa dahil baka hindi ko na kayanin. Hindi ko na kayang makita siyang nasasaktan at hindi ko na kayang magsinungaling pa sa kaniya. Ilang hakbang na lang ay malapit na ako sa pintuan nang tawagin niya ako na ikinahinto ko. Hindi ko siya nilingon at basta lamang akong nakatayo sa tapat ng pintuan at hinihintay siyang magsalita. “Is it about them right?” Kumalabog ang dibdib ko pagkasabi niyang ‘yon. Unti-unti akong pumihit sa kaniya paharap at marahan pa siyang lumapit sa’kin. Hindi ko inaalis ang pagkakatitig sa kaniya habang unti-unti siyang lumalapit sa’kin. Napalunok ako dahil iba ang kutob ko, may kakaiba akong nararamdaman at hindi ko matukoy kung tama ba ako. “W-what d-do you mean?” nauutal kong tanong sa kaniya. “Answer me first Madie. Is it about them why you’re breaking up with me right?” Taas-baba ang balikat niya dahil sa mabilis nitong paghinga. “You knew?” Pansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga at mukhang nahulaan ko na ang sagot sa aking katanungan. In the first place he knew it already? How? Bakit pati siya itinago sa’kin ang totoo? Tumalikod siya sa’kin at naglakad naman ako paharap sa kaniya. Nanunubig ang mga mata kong tiningan siya at gusto kong malaman ang totoo sa kaniya. “I already knew about that Madie. Your mom and my uncle.” Halos manlumo ako sa kaniyang sinabi at napaatras pa ako palayo sa kaniya. “How could you do this? You already knew? Why Jeremy? Why?!” sigaw ko. Tahimik lang siya at para bang pinagplanuhan niya ang lahat. Kaya niya ba ginagawa ito para malaman niya ang totoo? All this years he knew who my mom is at nagpanggap lang siya na walang alam. “Kaya ba in-entertain mo ‘ko because of that? Para malaman mo kung totoo bang kasalanan ng mommy ko kung bakit namatay ang tito mo, si Ninong Jk gano’n ba?!” “That’s not true!” Mabilis siyang lumapit sa’kin at hinawakan ako sa magkabilang braso ko. “I don’t care what really happened. What I care is about us.” Tinanggal ko naman ang mga kamay niya sa aking braso. “Wala ka bang pakialam? Your grandmother hates my mom! Siya ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Ninong Jk at kahit kailan ay hindi niya ito kayang patawarin. Now tell me Jeremy, Who do you care now?” Umiiyak kong turan sa kaniya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at ramdam ko ang panginginig nito. Tinitigan niya ‘ko na may panunubig ang mga mata. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit at huwag na siyang pakawalan pa pero masyadong kumplikado ang sitwasyon namin ngayon. “Baby, please. I will tell my grandmother everything and I know she’ll understand.” Hinila ko ang kamay ko na hawak niya at naisuklay ko pa ang daliri ko sa aking buhok. “Do you think it will work? My mom suffers from a heart disease. Ayokong ako ang maging dahilan nang pagbalik ng sakit niya. I think this is the right thing to do.” Tinalikuran ko na siya at nagmamadaling maglakad patungo sa may pintuan. Saktong pagbukas ko ng pintuan ay itinulak naman niya ito pasara at niligon ko siya. Kita ko ang panggigigil sa kaniyang mukha at pagkuwan ay may kinuha pa ito sa bulsa ng kaniyang pantalon. Isa itong maliit na black box at marahan niya pa itong binuksan. Tumambad ang isang simpleng white gold ring na may maliliit pa na bato at wari ko’y may pagkamahalan ang singsing na ‘yon. Kinuha niya ito at isinuot sa daliri ko. Parang sinukat lang ito at kasyang-kasya lang din sa’kin. “Wear this, sayang naman kung itatapon ko. Pero kung gusto mong itapon, go on.” Pagkasabi niyang iyon ay lumabas na siya ng classroom at naiwan naman akong nakatitig sa singsing na isinuot niya sa’kin. Pabagsak akong napaupo at halos maisigaw ko na ang pangalan niya dahil sa sakit na nararamdaman ko. Iyong tipong gusto ko siyang habulin at bawiin ang mga sinabi ko pero hindi ko kayang saktan ang mommy ko. Gusto kong maging selfish kahit ngayon lang at piliing maging masaya pero kung ang magiging kapalit naman nito ay ang pagkawasak ni mommy mas gugustuhin ko pang ako ang masaktan. Mabibigat ang mga hakbang ko habang naglalakad ako palabas ng campus ng bigla namang pumatak ang ulan. Napahinto ako at isinahod ko ang aking isang palad ko at pinapanood ang maliliit na patak ng ulan na dumadapo sa aking palad. Parang nakikisimpatya rin ito dahil sa nararamdaman ko ngayon at kasabay naman nito ang siyang pagpatak ng mga luha ko sa aking pisngi. Lumingon ako sa aking likuran at nagbabakasakali na makita ko si Jeremy tulad ng dati. Pero kahit na anino niya ay hindi ko makita. Hindi na ako nagpasundo kay Manong Eddie at sumakay na lang ako ng taxi. Basang-basa na ako ng ulan at hindi ko na alintana ang lamig ng aircon at siguro pati ang katawan ko ay namanhid na rin. “Ma’am saan po tayo?” tanong sa’kin ng driver. Sandali akong nag-isip at nakayuko lang at nilaro-laro ang aking daliri. Napatitig naman ako sa singsing na nasa kaliwang daliri ko at pagkuwan ay huminga ako nang malalim. Tiningnan ko ang driver na nakatingin sa rear view mirror at tila hinihintay ang aking isasagot. “S-sa San Raphael Village po tayo.” Tumango lang ang driver at saka nito pinaandar ang sasakyan. Habang tinatahak namin ang daan ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinapanuod ang malalakas na patak ng ulan. Ilang minuto pa ay huminto na ang taxing sinasakyan ko at nagpalinga-linga naman ako sa paligid. “Nasaan na po tayo Manong?” “Nandito na po tayo ma’am, ituro niyo na lang po sa’kin ang papasok ihahatid ko na po kayo.” Napatapik na lang ako sa aking noo dahil mali pala ang nasabi ko sa driver at dito pa ako nagpahatid. “Hindi na po manong, dito na lang po tutal malapit na naman po ‘dito ‘yong pupuntahan ko eh” “Pero malakas po ‘yong ulan eh.” Hindi ko na siya pinansin at kaagad na akong bumaba ng taxi. Kahit na malakas ang ulan ay naglakad pa rin ako papunta sa bahay niya. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing masama ang loob ko ay siya ang nagiging takbuhan ko. Nasanay na siguro ako dahil matagal rin naman kaming naging magkaibigan. Nasa tapat na ako ng bahay niya at nagdadalawang-isip kung kakatok ba ako o aalis na lang. Ayokong maging sagabal at alam kong makakaabala lang ako sa kaniya. Tumalikod na ako at narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan kaya para akong naestatwa sa aking kinatatayuan. “Madeline?” Napapikit ako at nanatili lang akong nakatalikod sa kaniya. “Madeline, what happened to you?” Hindi ko pa rin siya nilingon at nakayuko lang ako. Nag-angat lang ako nang tingin ng nasa harapan ko na siya. Kita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha at sinuri niya pa ang aking kabuuan. “U-Ulysses” “Teka, kukuha lang ako ng tuwalya baka magkasakit ka eh.” Lalagpasan na sana niya ako nang pigilan ko naman siya sa kaniyang braso. Isinandal ko ang aking noo sa kaniyang dibdib at doon ay malaya akong umiyak. Sa ganitong sitwasyon alam kong siya lang ang taong makakaintindi sa’kin at makakaunawa. Kahit na basang-basa ako ng ulan ay niyakap niya pa rin ako at mahinang tinapik ang aking likod. Hindi ako nakarinig sa kaniya na ano mang salita at pakiwari ko’y nahulaan na rin niya kung bakit ako naririto ngayon. Pinapasok niya ako sa loob ng bahay niya at pinagpalit naman niya ako ng damit. Pinasuot niya sa’kin ang damit niya at jogging pants pero kahit na malaki ito ay husto lang din naman sa’kin. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng sala niya at kahit na maliit lang ito at hindi kagaya ng bahay ni Jeremy ay masasabi kong malinis ito at masinop siya pagdating sa gamit, parehong-pareho sila ng kapatid niya. Dumako ang tingin ko sa nag-iisang picture na nakapatong sa bookshelf at mukhang kuha pa ito noong nasa elementary pa lang sila. Lumapit ako roon at pinakatitigan pa ‘yon. Mga bata pa ang mga ito at sa tantiya ko ay nasa edad na nine or ten years old pa lang sila. Magkaakbay sila at pareho pang nakangiti. “That’s me and my brother.” Napapitlag ako at lumingon sa aking likuran. May hawak si Ulysses na isang tasa na may lamang gatas at iniabot nito sa akin. “He’s my older brother.” Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala na mas matanda pa pala si Jeremy kaysa kay Ulysses. “Mas matanda siya sa’yo?” Tumango siya at tipid na ngumiti. Muli kong binalingan ang picture nila at nakaramdam ako nang kirot sa aking dibdib. “Masaya ba siya noong mga bata pa kayo? Anong madalas niyong gawin noon?” sunod-sunod kong tanong habang nakatitig pa rin sa picture nila. “We’re happy that time. Pero ako ang sumira no’n.” Nilingon ko siya at sa’kin siya nakatuon. “You already knew that he’s my brother right?” Napamaang ako at hindi ako makapagsalita. Yumuko ako at marahan naman akong tumango sa kaniya. Lumapit siya sa’kin at inangat ang mukha ko kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya. Hinaplos niya ang magkabilang pisngi ko at ramdam ko ang init ng kaniyang mga palad. Tinanggal ko ang mga kamay niya sa aking pisngi at umiwas sa kaniya nang tingin. Tumikhim ako bago nagsalita. “I heard you talking to him that’s why” “I know. I already saw you.” Sandaling katahimikan at hindi ko pa rin siya matingnan. Ewan ko ba, bigla akong nailang nang gawin niya ang bagay na ‘yon. Hindi naman siya ganito sa’kin noon at normal naman kung mag-usap kami. Pero ngayon ay parang may kakaiba sa kaniya at hindi ko maintindihan. “Ulysses__” “I called your parents, sabi ko nandito ka sa bahay at nagdahilan na lang ako na nagpapatulong ka sa assignment mo para hindi sila mag-alala sa’yo. Sinabi ko rin na bukas na lang kita ihahatid sa inyo.” Nakatulala lang ako sa kaniya at pagkuwan ay tumingin ako sa ibang direksyon. “What do you like about him?” biglang tanong niya. “He’s not perfect, but he’s all that I want. Pero hindi kami puwede,” garalgal kong saad sa kaniya. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ‘ko. Hindi simpleng yakap lang ‘yon kun’di niyakap niya ako nang mahigpit. Iniisip ko na lang na ito ang paraan niya para pagaanin ang loob ko at walang ano mang kahulugan ito. “Hindi ka man maging akin, I’m always here by your side no matter what.” Hindi ako nakapagsalita at napatulala na lang ako sa kawalan. What did he say? Tama ba ang narinig ko? How? When? Mga tanong na gumugulo sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD