CHAPTER 36

2283 Words
Nakatulala lang ako habang naghihintay sa labas ng kuwarto nila mommy. Bigla na lamang siyang nawalan ng malay nang makita niya si Jeremy at patuloy niya itong tinatawag sa pangalang Jk. Naihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha at mabigat akong napabuntong hininga. Katabi ko naman ang kakambal kong si Jk at katulad ko ay naguguluhan din siya sa nangyayari. Pareho kaming may mga tanong na gusto naming masagot kaagad at alam naming si daddy lang ang makakapagpaliwanag sa amin noon. Ilang minuto pa ay lumabas na rin si daddy at hawak pa nito ang stethoscope sa kaniyang kaliwang kamay. Kaagad namin siyang hinarap at tipid naman siyang ngumiti sa amin na ibig sabihin ay ayos na si mommy. “D-dad, is she okay? Can I see mom?” Mangiyak-ngiyak kong saad kay daddy. “She’s fine baby, hayaan muna nating makapagpahinga ang mommy mo.” Napapikit pa ako at pagkuwan ay muli kong tinitigan si daddy. “What’s going on dad? Bakit ganoon na lang si mommy nang makita niya si Jeremy? Si Jk ba na tinutukoy ni mommy ay si Ninong Jk? Mom’s bestfriend right?” Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Wala akong narinig na sagot mula kay daddy at tanging buntong hininga lang niya ang narinig ko. Hindi ako matatahimik nito hangga’t hindi ko nalalaman ang katotohanan at kung bakit nila pilit na itinatago ito sa’min. “Dad, we have the right to know the truth. May ugnayan ba si Jeremy kay Ninong Jk?” Ang kakambal ko naman ang nagtanong. “Maybe only your mom will tell you the truth” “Dad please! Ano bang kailangan naming malaman? Why you’re giving me a hard time to know the whole story?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na lang ako. “I will tell you Madeline.” Napalingon kaming lahat sa aking likuran at nakatayo si Papa Mazer malapit sa may hagdan. Nakapamulsa itong lumapit sa amin at binalingan naman niya nang tingin si daddy. Dumako naman ang tingin niya sa’kin at hinawakan niya pa ako sa magkabilang balikat ko at marahang tinapik roon. “Mazer__” “It’s okay Marco. I think this is the right time to tell them about Jk. Lalo na kay Madeline.” Napalunok akong bigla dahil sa sinabing iyon ni Papa Mazer. Nagpunta muna kami sa study room ni daddy at naupo naman kami ni Jk sa mahabang sofa. Si daddy at Papa Mazer naman ay nasa aming harapan. Kanina pa namamawis ang aking palad dahil sa kaba na kanina ko pa nararamdaman. Si Jk naman ay prente lang na nakamasid sa kanila at hinihintay lang nito ang kanilang sasabihin. Yumuko pa si Papa Mazer na tila nag-iisip at pinagsiklop pa niya ang kaniyang mga palad. Pakiramdam ko tuloy ay parang masakit sa kaniya ang sabihin sa amin kung ano talaga ang totoong nangyari. Ever since when we were young they never talk about Ninong Jk. They always said that he was lived far away and never came back. Akala ko pa noon ay nagkatampuhan lang sila ni mommy kaya never pa naming nakilala si Ninong Jk. Even in the picture, we never saw him. Pero parati niya itong kinukuwento sa amin kung gaano sila ka-close noon ni mommy at kung paano siya nito alagaan noong may sakit pa si mommy sa puso. “Madeline, are you ready to know the truth? Iyon ba talaga ang gusto mong mangyari?” Seryosong nakatingin sa’kin si Papa Mazer at sinalubong ko naman ang mga titig niya. Napakuyom pa ako ng palad at marahang tumango sa kaniya. Sumandal pa siya sa kaniyang kinauupuan at saka tumingala at pumikit. Iyong dibdib ko ay walang humpay sa pagdagundong nito dahil alam kong hindi maganda ang kahihinatnan nito. Gustuhin ko mang hindi na ito malaman pa pero ayokong magsisi sa bandang huli kapag huli na ang lahat. “Jk is your mom’s bestfriend since they were in high school. And he is your mom’s__” Sandaling huminto si Papa Mazer sa kaniyang pagsasalita at sandaling tinitigan kami ng aking kakambal. “He is our mom’s what Papa Mazer?” Curious kong tanong. Pansin ko ang pamumula ng kaniyang mga mata at hindi ko alam kung para saan iyon. May isang bagay na sumagi sa bahagi ng aking utak at sana ay mali ang aking iniisip. Mahigpit akong napakapit sa laylayan na suot kong bestida at walang kurap akong nakatingin kay Papa Mazer. “He’s your mom’s heart donor Madeline.” Pagkatapos kong marinig iyon ay basta na lamang sunod-sunod na nagsibagsakan ang aking mga luha. No! Mali ang narinig ko. Sana nga lang ay hindi totoo ang narinig ko. Masaya pang ikinukuwento ni mommy sa amin noon ang tungkol sa kaniya, pero bakit naman ganito? Nagsinungaling ba si mommy sa’min? Pero bakit naman niya gagawin ‘yon? Anong dahilan? “You must be kidding right Papa Mazer?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. Hindi siya tumugon at basta lamang siyang nakatitig sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at mabilis akong napatayo sa aking kinauupuan. Halos hindi ako makahinga sa aking narinig at hindi makapaniwala. Kaya pala hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakikita si Ninong Jk ay dahil wala na ito sa mundong ito. Hinarap ako ni Papa Mazer at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “Madeline, alam kong hindi madaling paniwalaan at may mabigat na rason ang mommy niyo kung bakit hindi niya sinabi sa inyo ang totoo” May kinuha pa sa bulsa ng pantalon si Papa Mazer at kinuha niya ang isang kapirasong litrato na nakasingit sa kaniyang wallet. Inabot niya ito sa’kin at kaagad ko naman itong kinuha. Halos mabitawan ko ito nang makita ko kaagad ang pumukaw sa aking atensyon. Kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ni mommy nang makita niya si Jeremy ay kamukhang-kamukha niya pala talaga ito. Ang pagkakaiba nga lang nila ay maamong tingnan ito at samantalang si Jeremy naman ay may pagka-matapang ang mukha. Nasa gitna si mommy at sa gilid naman niya ay si Papa Mazer at si Ninong Jk. Nanginginig ang aking kamay habang hawak ko pa rin ang picture at hindi ko inaalis ang pagkakatitig dito. Naalala ko naman ang naging pag-uusap namin ni Jeremy na mas lalong nagpabigat ng aking nararamdaman. Walang gana kong naibaba ang aking kamay at napatingin sa kawalan dahil mukhang napagdudugtong ko na ang pangyayari. Pabagsak akong naupo sa sofa at kita ko ang pagtataka ni Jk na lumipat pa sa aking harapan. Muli kong tinitigan ang litratong hawak ko at muling pumatak ang aking mga luha. Why is our situation so complicated now? Of all people why him? The world we lived in is too small for both of us to let this happen. “That is your Ninong Jk Madeline. He is Jazztine Kurt Arevalo.” Marahan akong napatingin kay Papa Mazer na ngayon ay nasa aking tabi na. “And he is Jeremy’s uncle Papa Mazer!” Humahagulgol kong wika sa kaniya. Hindi na sila nagulat sa aking isiniwalat dahil marahil ay alam na rin naman nila ang ugnayan ng dalawa. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit nila itinago ito sa amin ng mahabang panahon. “We didn’t know that he’s Jk’s nephew. Ang alam lang namin ay magkamag-anak silang dalawa.” Si daddy naman ang nagsalita na nasa aming harapan at nakaupo katabi ang aking kakambal. “How did you know Madeline?” Takang tanong sa’kin ni Papa Mazer. Napayuko ako at hinaplos pa ang litratong hawak ko na para bang si Jeremy ang naroon. Kung pagdidikitin ang mukha nilang dalawa ay aakalain mong mag-ama sila pero hindi, tito lang ni Jeremy si Ninong Jk. “He told me about his uncle but I didn’t know he is Ninong Jk. Alam niya kung paano namatay ang tito niya pero hindi ko alam kung alam ba niyang si mommy ang pinagbigyan niya ng puso nito,” humihikbi ko namang paliwanag kay Papa Mazer. “Stay away from him before it’s too late.” Mabilis napabaling ang tingin ko kay Papa Mazer at pagkuwan ay binalingan ko naman nang tingin si daddy. Seryoso lang na nakamasid sa’kin si daddy at walang imik. Alam kong ganito rin ang sasabihin niya sa’kin kaya hinayaan lang niya si Papa Mazer at hindi na nagprotesta pa. “Papa Mazer, what do you mean? You want Madeline to break up with him?” Napapikit na lang ako sa sinabing iyon ng kapatid ko. “Iyon lang ang paraan para makalimutan ng mommy niyo ang bangungot ng nakaraan dahil sa nangyari dahil siya ang sinisisi ng mama ni Jk kung bakit namatay ang pangalawang anak niya at dahil do’n ilang taon ding hindi dinalaw ng mommy mo ang puntod ni Jk.” Namilog ang mga mata ko sa gulat at halos mapuno na ng luha ang aking mga mata. Ito rin pala ang sinasabi ni Jeremy na sobra raw ang galit ng Lola niya sa babaeng naging dahilan kung bakit namatay ang tito niya. Paano pa kaya kung malaman niya na ako ang anak ng babaeng sinasabi niya na naging dahilan kung bakit hindi niya nakilala ang tito niya? I’d rather be the one to stay away from him kaysa naman kamuhian niya ang mommy ko. “Hindi kagustuhan ng mommy niyo ang nangyari sa Ninong niyo. Jk loves your mom so much, kaya pati maging ang buhay niya ay kaya niyang ibigay mabuhay lang ang mommy niyo.” Binalingan ko si daddy na matamang nakatitig sa’kin. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang ipahiwatig. We all do know that our mom suffer from a heart disease pero hindi namin akalain na ibibigay ni Ninong Jk ang sarili niyang buhay para lang kay mommy. Marahang lumapit sa’kin si daddy at umupo sa aking harapan. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at masuyo itong hinaplos na para bang pinapakalma niya ako. “D-dad,” tawag ko sa aking ama. “Jk loves your mom, more than a friend. Your mom doesn’t know about the sacrifice he made just to keep her alive. Huli na nang malaman niya ‘yon at iyon din ang dahilan kung bakit__” “Nagalit ang lola ni Jeremy kay mommy,” putol ko sa huling sasabihin ni daddy. Tumango lang si daddy at pagkuwan ay mahigpit na hinawakan ang aking mga kamay. Napabuga na lang ako sa hangin at hindi ko na malaman kung ano pa ang dapat kong sabihin sa kanila. Kung ipagpapatuloy ko pa ito ay baka lalo lang gumulo ang sitwasyon at iyon ang ayoko mangyari. Wala ako sa sarili kong naglalakad patungo sa aking kuwarto. Sana isa lang itong panaginip at sana ay mali lang ang akala namin. Pero kahit na anong gawin ko ay hindi maikakailang totoo ang lahat ng mga nangyari. Napahinto ako ng may humawak sa aking braso. Hindi ko siya nilingon pero alam ko na kakambal ko ‘yon dahil kanina niya pa ako sinusundan habang naglalakad ako patungo sa aking silid. Nasa harapan na ako ng pinto ng kuwarto ko at unti-unti naman akong pumihit paharap sa kaniya. Nakatitig lang siya sa’kin at maya-maya pa’y bigla na lang niya akong niyakap. He still knows how I feel, gano’n daw talaga kapag kambal kayo. Kapag nasasaktan ang isa ay ganoon din daw ang kaniyang nararamdaman. Hindi ko na napigilan pa ang mapaiyak at ngayon lang sa tanang buhay ko ang umiyak sa bisig ni Jk. Mahigpit ko siyang niyakap at hinahagod naman niya ang aking mahabang buhok. I’m in so much pain at hindi ko kayang basta na lang talikuran si Jeremy. Pero hindi ko kakayanin kung si Jeremy na mismo ang mamuhi sa’kin at lalo na kay mommy. Ilang minuto pa at bumitaw na ako sa pagkakayakap kay Jk at pinunasan naman niya ang aking mga luha sa aking pisngi. “Pinauwi ko na muna si Jeremy. And he said that he wants to talk to you tomorrow after your class.” Hindi ko siya sinagot at umiwas lang ako sa kaniya nang tingin. “What would you do Madel? Are you breaking up with him?” “I have no choice. Mas importante si mommy” “And how about him? Hindi rin ba importante sa’yo kung ano ang mararamdaman ni Jeremy?” “He’ll gonna hate me if he knows that I’m the daughter who is the reason why he never met his uncle!” Pagkasabi kong iyon ay kaagad na akong tumalikod at pumasok na sa aking kuwarto. Sumandal ako sa likod ng pintuan at sapo ko ang aking dibdib. Parang hindi ako makahinga dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pabagsak akong naupo sa sahig at napatutop pa ako sa aking bibig para pigilan ang aking paghikbi. Maya-maya pa ay tumunog naman ang aking telepono at nakita kong si Jeremy ang tumatawag. Nakatitig lang ako sa screen at mas lalong nadurog ang puso dahil ito na yata ang pinakamasakit na magagawa ko sa kaniya. Nang hindi ko sagutin ang tawag niya ay nagtext naman siya at basang-basa ko sa screen ng telepono ko ang nilalaman ng message niya. “Baby Madie, how’s your mom? Is she okay? Let’s talk tomorrow. I’m sorry about what happened earlier I’m also confused. See you tomorrow my wife” Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko matapos kong basahin ang message niya sa’kin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat. Mas matatanggap ko pang sa’kin na lang siya magalit kaysa naman kamuhian niya ang mommy ko na wala naman ginawang kasalanan. Nayakap ko na lang ang aking telepono at mahinang umiiyak. Pero kahit na anong gawin namin ay masasaktan at masasaktan din namin ang isa’t-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD