“Okay class, we have a summer getaway this coming weekend. And take note lahat ay pupunta dahil dagdag din sa grades niyo ‘yan.” Naghiyawan naman ang mga kaklase ko pagkasabi ni Miss Sanchez noon. Mataman lang akong nakikinig sa kaniya pero ang totoo ay hindi ako nakaramdam ng excitement dahil nasa iba ang atensyon ko. Paano naman ako magtitiwala kay Jeremy kung hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ko siya kailangang pagkatiwalaan. Kung dahil ito kay Mint, it’s better to ask him right away bago ko pa sa iba malaman. Hindi ko namalayang tapos na pala ang klase ko at nagsisilabasan na ang ibang mga estudyante. Mabilis akong napatayo sa aking kinauupuan at isinukbit na ang aking shoulder bag. Pagkalabas ko ng classroom ay nakita ko naman si Ulysses na nakatayo sa ‘di kalayuan at na