CHAPTER 49

2328 Words

“Ate Madeline!” Napalingon ako sa kung sino ang tumawag at nakilala kong kaagad si Janelle. Nasa kabilang kalsada siya at kalalabas ko lang ng campus namin dahil katatapos lang ng klase ko. Kumaway pa siya sa’kin at ganoon din ako. Tumakbo siyang tumawid papunta sa kinaroroonan ko at napangiti na lang ako dahil para siyang batang paslit na tumatakbo at nakahawak pa ito sa kaniyang bag pack. Hinihingal naman siya nang nakalapit na siya at ikinawit niya ang braso niya sa aking braso. Para ko siyang nakababatang kapatid at kahit na ilang beses pa lang naman kaming nagkita ay magaan na kaagad ang loob ko sa kaniya. “Wala ka na bang klase?” Umiling siya at tiningala ako. “Hinahanap mo ang Kuya Jeremy mo?” “Ikaw talaga ang sadya ko ate.” Nangunot ang noo ko at tinanggal niya ang braso niya sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD