Nag-aalmusal naman ako at ready na rin pumasok sa school. Naupo si Jk sa tapat ko at ibinaba naman nito ang bag pack niya. Busy ako sa pagkain ko at natigilan lang ako nang mapansin kong naka-krus ang mga braso niya at titig na titig sa’kin. Ibinaba ko muna ang hawak kong kutsara at sumandal ako sa aking upuan.
“What’s that look Jk?”
“Where have you been last night?” Napalunok ako at parang bigla akong pinagpawisan sa tanong niyang iyon.
Oo nga pala at hindi ako nakapagpaalam na hindi ako makakauwi. Nawala na rin sa isip ko dahil sa pag-aasikaso kay Jeremy. Siguro ay hinanap niya ako sa kasambahay namin at sinabi nito na hindi ako nakauwi.
Huminga ako nang malalim para ng sa gano’n ay mapawi ang kaba ko. Iba kasi itong kapatid ko, ang mga hinala niya minsan ay nagkakatotoo. Magsinungaling ka na sa iba basta ‘wag lang sa kaniya at lalong-lalo na kay daddy dahil parehong-pareho sila ng ugali.
“Galing ako kina Nina hindi niya ba nasabi sa’yo?” Kampanteng wika ko naman sa kaniya.
Tumaas ang kilay niya at maya-maya nama’y kinuha niya ang telepono niya at may tinipa roon. Naka-loudspeak ‘yon at dinig ko ang pagring noon. Hindi ko pinahalata sa kaniya na kinakabahan ako at prente lang din akong nakatingin sa kaniya.
“Hello Jk, napatawag ka?” Namilog ang mga mata nang marinig ang boses ni Nina sa kabilang linya.
“Hi Nina, sorry to disturb you. Diyan ba nanggaling si Madie sa inyo no’n isang gabi?” Napakuyom ako ng aking palad na nakapatong sa hita ko at nakatitig naman sa kakambal ko.
Hindi ko narinig na sumagot agad si Nina at malamang niyan ay sasabihin niya sa kapatid ko na hindi naman talaga ako nanggaling doon. Bakit ba naman kasi naisipan ko pang magsinungaling? Sana sinabi ko na lang ang totoo maiintindihan naman siguro ako ni Jk. Natakot lang kasi ako sa awra niyang iyon kaya nasabi ko na nanggaling ako kay Nina.
“Ah, yes! Hindi ba siya nagpaalam sa’yo? Sorry kasi nagpatulong lang ako sa kaniya sa ibang subjects ko. Nakatulog na rin kasi kami habang nag-aaral.” Nakahinga naman ako nang maluwag nang sabihin ‘yon ni Nina.
Siguro nga ay natunugan ni Nina na siya ang pinangsakalan ko kaya nagawa na rin niya akong pagtakpan. Tumango lang si Jk at saka nito binaba ang tawag. Kaagad siyang tumayo at isinukbit niya ang bag pack niya.
“Make sure na wala kang ginagawang kalokohan Madie”
“W-wala ah! Doon lang naman ako pumupunta eh.” Hindi na siya nagsalita at umalis na siya sa harapan ko.
Napabuntong hininga na lang ako pagkaalis niya at napainom na lang ako ng tubig. Hindi ko na natapos ang pagkain ko at nawalan na rin ako ng gana. Kung kanina ay gutom na gutom ako, ngayon naman ay parang nabusog ako sa inasal ni Jk. Pareho talaga sila ni daddy na nakakatakot ang ganoong awra.
Pagkapasok ko sa loob ng building namin ay nagulat ako ng may humawak sa kamay ko. Napatingala ako at nakita ko si Jeremy na malapad ang pagkakangiti nito. Hindi ko lubos maisip ‘yong nangyari noong nakaraang gabi na umiiyak siya at may iniindang problema. Sa likod ng mga ngiti niyang ito ay hindi ko akalain na masaklap pala ang pinagdaanan niya.
“What took you so long? I’ve been waiting for you.” Ngumuso pa siya at ipinilig ang kaniyang ulo.
Napangiti na lang ako sa inasal niya at huling-huli naman niya ang kiliti ko. Lumapit pa ako sa kaniya at idinikit ko pa ang sarili ko. Kita ko ang pagkagulat niya at pansin ko ang pagtaas ng adams apple niya.
“You miss me?” Malapad pa akong ngumiti sa kaniya at pinapungay ko pa ang mga mata ko.
“H-ha? O-oo.” Napalayo pa siya sa’kin at humakbang naman ako palapit sa kaniya.
Napasandal na lang siya sa pader at muntikan pa akong matawa sa kaniyang itsura. Akala yata ng lalaking ito ay siya lang ang marunong lumandi. Napakurap-kurap pa siya at ako nama’y pinipigilang tumawa.
“Do you have something to tell me?” Malambing ang tono kong tanong sa kaniya.
“W-wala naman kakaiba ka lang kasi ngayon. Anong nakain mo? Why you’re being like that?”
“I just missed you too that’s why.” Napasinghap na lang ako nang hawakan niya ang baywang ko at hinapit ako palapit sa kaniya.
Inilapit niya ang bibig niya sa aking tainga at ramdam ko ang mainit na hininga niya. Wala pa namang dumaraang tao rito sa building namin dahil masyado pang maaga.
“You miss me? Kaya ba inaasar mo ‘ko ngayon?” Dahan-dahan siyang lumayo sa’kin at nginisian naman ako.
Loko talaga ‘tong ipis na ito. Nalaman niya agad na inaasar ko lang siya. Kaagad naman akong lumayo sa kaniya at kunwa’y nagtampo. Pinag-krus ko ang mga braso ko at ang loko-loko ay tinawanan lang ako.
“Mukha bang inaasar kita?” Pagpapanggap ko naman.
Kinuha niya ang isang kamay ko at tinitigan pa ito. Nangunot ang kaniyang noo at pagkuwa’y binalingan ako. Nag-iba bigla ang ekpresyon ng mukha niya at para bang nadismaya siya.
“Where’s the ring that I gave you?”
Inilabas ko ang kuwintas ko at ipinakita ito sa kaniya. Ginawa kong pendant ‘yon dahil iyon ang time na nakipaghiwalay ako sa kaniya. Hindi ko rin naman inaasahan na hahanapin niya ito sa’kin at nawala na rin sa isip kong isuot ito.
“Why you didn’t wear that? Hindi naman ‘yan pendant eh. Did I tell you to put that ring on your neck?” may halong inis nitong turan sa’kin.
Bakit ba ang sungit nitong ipis na ‘to? Kala mo naman may regla kung umasta.
Tinanggal ko ang kuwintas ko at kinuha ang singsing doon at saka ko ito inilagay sa daliri ko. Ipinakita ko pa ito sa kaniya pero inirapan lang ako.
Aba’t talagang nagtatampo ang ipis na ‘to ah. May nalalaman ka pang pairap-irap sa’kin.
Bahagya naman akong lumapit sa kaniya at ipinulupot ko ang mga braso ko sa kaniyang baywang. Nakatingala ako sa kaniya pero hindi pa rin niya ako tinitingnan. Nakaisip naman ako ng kalokohan at lihim na lang akong napangiti. Ipinasok ko ang isang kamay ko sa loob ng kaniyang t-shirt at hinimas ang kaniyang likod. Napapikit na lang siya at kinagat niya pa ang ibabang labi niya.
“s**t baby, ‘wag mo ‘kong ginaganiyan dahil baka sa banyo kita dalhin.”
Lalayo na sana ako dahil sa gulat ko sa sinabi niya nang hawakan niya ang braso ko at idiniin niya pa ako sa kaniya. Nakatitig lang siya sa’kin at unti-unting sumilay ang ngisi niya at tumaas pa ang isang kilay niya.
Kainis! Bakit parang ako pa yata ang inaasar niya ngayon.? Dumako ang isang palad niya sa aking likod at ipinadausdos niya pa ito pababa sa aking baywang. Nakaramdam ako nang kiliti roon kaya naman mahigpit akong napakapit sa kaniyang baywang.
“Huwag mo ‘kong inaasar baby Madie dahil mabilis akong kumagat sa ganiyan,” sabay kindat niya pa sa’kin. Binitawan na niya ako at hindi naman ako makatingin sa kaniya ng deretso.
“Tabi nga riyan! Tulak naman ni Nina sa amin at dumaan sa gitna namin ni Jeremy. “Pahara-hara kayong mga itik diyan! Kairita ah! Kanina ko pa kaya kayo pinagmamasdan.” Napangiwi pa siya at umikot pa ang mata sa ere. “Mag-usap tayo mamaya bruha ka! May kasalanan ka sa’kin”
Napatapik na lang ako sa aking noo at naalala ang nangyari kanina. Umalis na siya sa harapan namin at muli kong binalingan si Jeremy na iiling-iling.
“Madeline.” Napalingon ako sa aking likuran at nagulat ako nang makita si Ulysses.
Sinulyapan ko naman si Jeremy na nasa tabi ko at nakatitig din siya kay Ulysses. Lumapit pa sa amin si Ulysses at pagkuwa’y binalingan niya nang tingin si Jeremy. Muli niya akong tiningnan at saka tipid pa siyang ngumiti sa’kin.
The truth is, I misssed him. Oo nagalit ako sa kaniya dahil sa inilihim niya sa’kin ang ugnayan nila ng babaeng nanakit sa akin noon. Alam kong may dahilan siya and I’m ready to listen to him. After all kaibigan ko pa rin siya at ayokong masayang ‘yon dahil sa hindi pagkakaunawaan. Alam ko rin naman na magagalit si Jeremy dahil isa siya sa pinagseselosan niya. Maiintindihan din naman ako ni Jeremy dahil naniniwala siya sa’kin at alam kong malawak ang pang-unawa niya.
“Can we talked?” Tumango ako at sinulyapan ko naman si Jeremy.
Hindi niya inaalis ang pagkakatitig niya kay Ulysses at hinawakan ko naman ang kamay niya kaya doon lang siya napatingin sa’kin. Mukhang alam na niya agad ang mga tingin kong iyon sa kaniya kaya naman lumambot ang ekpresyon ng kaniyang mukha. Mahina siyang bumuntong hininga at sandaling napapikit.
“Alright, see you later.” Pagkasabi niyang iyon ay hinalikan niya ako sa aking mga labi.
Nanlaki ang mga mata ko dahil alam kong sinadya niya ‘yon para makita ni Ulysses. Sinulyapan ko si Ulysses at nakatitig din ito sa’kin. Umiwas na lang ako sa kaniya nang tingin at muli kong binalingan si Jeremy. Tipid naman akong ngumiti sa kaniya at bago siya umalis ay sinulyapan niya pa si Ulysses.
Nang makaalis na siya ay niyaya ko naman si Ulysses sa roof top at dahil maaga pa naman ay hindi naman ako nagmamadali. May isang oras pa bago ang unang klase ko at ganoon din siya. Narinig ko pa ang pagbuga niya sa hangin at doon lang ako napatingin sa kaniya. Magkatabi kami at nakatingin naman siya sa harapan at nakapamulsa. Malayo ang tingin niya at para bang hindi siya nakakatulog ng maayos dahil namumungay ang mga mata nito. Nag-aalala ako sa kaniya dahil baka sa nangyari sa’min kaya siya nagkakaganito ngayon.
“You seem so happy.” Binalingan niya ako at pansin ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.
Humarap ako sa kaniya at pinakatitigan siya. I want to hug him at pakiwari ko’y may pinagdadaanan din siya base sa kaniyang ekspresyon. Nagkamali ako at dapat ay pinakinggan ko muna ang paliwanag niya.
“Is everything alright Ulysses?”
“Okay na ‘ko nang makita kita. “Napamaang na lang ako sa kaniyang sinabi at hindi na ‘yon pinansin pa. “I just want to say I’m sorry. I’m sorry for not telling you the truth. Gusto kong sabihin sa’yo lahat-lahat if you want me to explain everything.” Tumango ako sa kaniya bilang pagtugon.
Sandali siyang tumahimik at hinihintay ko lang na muli siyang magsalita. I know there is something in him na hirap siyang ipaliwanag sa’kin at panigurado ay ayaw lang niya akong masaktan kaya mas pinili niyang itago ito sa’kin. Pero mas lalo akong nasaktan nang malaman ko ang totoo at ang babaeng nanakit pa talaga sa’kin na siyang dahilan ng pagkakaroon ko ng panic disorder.
“Kung hindi mo pa kayang sabihin okay lang, maghihintay ako.” Umiling siya sa’kin at mataman akong tinitigan.
“I think you have to know. She is with me, I mean she’s my girlfriend for a long time.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig mula sa kaniya. “She blackmailed me. I don’t know how does it happened. Basta ang alam ko lang ay mailigtas kita mula sa kaniya. Ipinaramdam ko sa kaniya na masaya ako pag kasama siya, na siya ang babaeng mahal ko, na siya lang ang babaeng mamahalin ko. Alam mo ba kung gaano kasakit sa’kin ang magpanggap? Para akong pinipira-piraso. Wala akong magawa dahil buhay mo ang nakasalalay.”
Ewan ko, pero biglang tumulo ang luha niya pagkasabi niyang iyon. It’s been five years pero ngayon ko lang nalaman ang lahat. Sa loob ng limang taon na ‘yon ay hindi ko nahalatang may pinagdadaanan pala siya just like his brother. Ganoon ba talaga sila magaling magpanggap na masaya?
“U-ulysses, I’m sorry I didn’t know”
“She tried to kill you, and it is because of me. She has the power to control me and also the school we just studied. Natakot ako sa posibleng mangyari sa’yo kaya ginawa ko kung ano ang gusto niya. At iyon din ang dahilan kung bakit ako humiwalay ng university sa inyo. And I know it’s too late kahit na nakipaghiwalay na ako sa kaniya.” Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang isang kamay niya.
“It’s not Ulysses. Dahil kaibigan pa rin naman ang turing ko sa’yo”
“I’m too late to have your feelings back.” Napatulala na lang ako at hindi malaman kung ano ang sasabihin sa kaniya.
How does he knows that? Ang alam ko ay ang dalawang kaibigan ko lang ang nakakaalam noon. Pero kahit kailan ay hindi naman nila sinabi kay Ulysses na may gusto ako sa kaniya dahil ayaw nilang masaktan ako kung sakali mang hindi ako magustuhan ni Ulysses.
“H-how did you__”
“I already know that kahit na hindi mo sabihin dahil nararamdaman ko naman ‘yon. Kung sinabi ko ba sa’yo ang totoo ako pa rin ba Madeline? Kasi kung ako ang tatanungin mo, ikaw lang ang babaeng minahal ko hanggang ngayon.” Napalunok akong bigla at nakatitig lang din ako sa kaniya.
Bahagya pa siyang lumapit sa’kin at hinawakan ang isang pisngi ko. Hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan at para bang nakapako ang mga paa ko. Maya-maya pa’y para akong binuhusan ng malamig na tubig at bigla na lang akong napaatras sa kaniya. Umiwas ako sa kaniya nang tingin at ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi.
“H-hindi ko alam na a-alam mo na pala ‘yon,” nauutal kong saad sa kaniya.
“Kaso ‘yong puso mo nasa kapatid ko na. Hindi ko na ba puwedeng bawiin ‘yon? Na sana ako na lang ulit Madeline”
Kung puwede lang talaga Ulysses, kaso si Jeremy na ang siyang parating laman nitong puso ko at mahal na mahal ko. Kahit na ilang milyon pa akong tanungin at papiliin, ay si Jeremy pa rin ang pipiliin ko.
“Ulysses, tanging pagkakaibigan na lang talaga ang maibibigay ko sa’yo. Mahal ko si Jeremy, mahal na mahal ko na siya.” Mapait siyang ngumiti sa’kin at marahang tumango.
Nauna na akong umalis sa kaniya at para bang ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Sinugal niya ang nararamdaman niya para sa’kin para lang hindi ako guluhin ng babaeng iyon. Pero hindi ako nakasisiguro na tumigil na siya gayong nakipaghiwalay si Ulysses sa kaniya.
Habang naglalakad ako ay napaisip akong bigla. Baka bigla akong balikan ng babaeng iyon dahil nakipaghiwalay si Ulysses sa kaniya. Naalala ko ang sinabi niya na kaya niyang gawin ang lahat at marahil ay may sinabi sa buhay ang naging girlfriend niya kaya naman kaya siyang kontrolin nito. Nakaramdam ako ng takot at hindi malabong mangyari ang iniisip kong iyon.
“Bakit ang tagal niyo mag-usap?” Napatalon pa ako sa gulat at nakita ko si Jeremy na nakasandal sa pintuan ng classroom namin.
Napataas ang isang kilay ko at tiningnan ang mga classmate ko na halatang pinanunuod din kami. Napapikit na lang ako at mabilis siyang nilapitan at pinamey-awangan pa siya.
“Anong ginagawa mo rito? Wala ka bang klase?” Bulong ko sa kaniya.
“Graduate na ‘ko remember?” Naibuka ko na lang ang mga labi ko at huminga ng malalim.
“Kung graduate ka na dapat wala ka na rito sa school at dapat nagtatrabaho ka na.” Humalukipkip pa ako at siya nama’y umayos ng kaniyang tindig.
“Nagtatrabaho naman ako for our future. Saka kaya ako nandito para bantayan ka, mamaya may umaaligid na naman sa’yong elepante rito eh.” Napaikot ang mata ko sa ere.
Kahit kailan talaga ‘tong ipis na ito wala sa tamang pag-iisip. Anong akala niya sa’kin bata na kailangan ng bantay?
“Maging body guard na lang kaya kita? Kaso wala akong papasahod sa’yo eh,” may inis kong turan sa kaniya.
Lumapit pa siya sa’kin at bahagyang bumaba para magpantay kami. Kapag gano’n na siya ay alam kong may sasabihin na naman itong kalokohan.
“Hindi naman pera ang ipapasahod mo sa’kin eh,” ngisi pa nito sa’kin.
“E ano?”
Inilapit niya ang bibig niya sa aking tainga at bumulong. “Just pay me with a baby”
Marahan siyang lumayo sa’kin at namilog ang mga mata ko sa aking narinig. Sira-ulo talaga ‘tong lalaki na ito kahit kailan puro kamanyakan ang nasa isip. Naku Jeremy sarap pisain niyang pingpong balls mo talaga!
“Jeremy, hindi ako natutuwa sa kalokohan mo ah.” Pigil ang sarili kong mainis sa kaniya dahil nakatingin sa’min ang mga ibang estudyante rito sa loob ng classroom.
“Jeremy? I told you not to call me that. See you later my wife, mamaya kita paparusahan sa kama para magtanda ka and don’t forget to watch our game later.” Hindi na ako nakapagsalita nang tumalikod na kaagad siya at naiwan naman akong tulala sa kawalan.
Sinamaan ko naman siya ng tingin habang papalayo siya sa kinaroroonan ko at padabog akong pumasok sa loob ng silid. Pabagsak naman akong naupo sa upuan ko at katabi ko naman si Nina na naglalagay ng lipstick. Ibinaba niya ang salamin at red listick niya at hinarap naman ako.
“Hoy Madz, kina Jeremy ka nagpunta ‘no?!” Tinakpan ko ang bibig niya at tiningnan ang mga estudyante sa paligid namin.
Iyong iba ay napatingin lang dahil sa lakas ng boses ni Nina pero itinuon muli ang atensyon nila sa kanilang ginagawa. Tinanggal niya ang kamay ko na nakatakip sa kaniyang bibig at pinunasan ko naman ang palad ko dahil bumakat doon ang pulang lipstick niya.
“Kainis ka naman Madz! Nawala na tuloy ang lipstick ko.” Padabog siyang umayos sa kaniyang pagkakaupo at tiningnan ang sarili niya sa salamin.
“Ang ingay mo kasi eh,” Humarap pa siya sa’kin at tinaasan ako ng kilay.
“Nagyutyutan na kayo ‘no?” Mahinang wika nito. Pinalo ko siya sa kaniyang braso at inismiran siya. Naitukod ko na lang ang palad ko sa aking noo at para akong lalagnatin dahil sa sinasabi nitong kaibigan ko. “Naku Madz ha, baka naman putok lang nang putok si Jeremy sa wola-wola mo tapos ang ending iiyak ka tulad ni Ellaine. Sinasabi ko sa’yo Madz kakalbuhin talaga kita”
Mabilis ko siyang hinarap at nagkibit lang siya ng balikat. Malakas akong bumuga sa hangin at biglang napaisip sa sinabi ni Nina. I think I missed my period, at hindi naman ako konti kung magkaro’n. Pero nitong nakaraang araw ay spotting lang ‘yon at dalawang araw lang akong dinatnan imbes na isang linggo. I think this is due to stress pero wala rin naman akong nararamdamang kakaiba sa’kin.
Naglalakad kami ni Nina sa corridor at nagtaka kami dahil maaga pa naman pero wala ng estudyante kaagad. Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang notification sa screen ko. Napatutop ako sa aking bibig dahil naalala kong may laro nga pala sila ngayon. Hinila ko si Nina papunta ng gym at kaagad na sumalubong sa’min ang hiyawan ng mga nanunuod dito. Halos magsumiksik kami para lang makadaan at makapuwesto sa harapan. At nang nasa harapan na kami ay laking gulat ko pa nang makita na ang kalaban pala nila ay ang team ni Ulysses.
“Oh my God Madz! Magkalaban pala sila.” Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Nina at basta lang akong nakapanuod sa kanila.
Mahigpit ang labanan at ang isa ay ayaw magpalamang. Pareho na rin silang nakakaramdam nang pagod at sa kanilang dalawa lang nakatuon ang atensyon ko na para bang sila lang ang naglalaro. Ilang sandali pa’y bumagsak si Ulysses dahil binangga siya ng team mate ni Jeremy. Nanlaki ang mga mata ko dahil namilipit siya sa sakit at hawak nito ang kaliwang braso niya. Nagkaroon na siya ng injury noon sa braso kaya natigil ang paglalaro niya ng basketball. Mabilis ko siyang nilapitan at wala akong pakialam kung marami man ang nakakakita.
“Ulysses, are you okay?” May pag-aalalang turan ko sa kaniya.
“Iyong b-braso ko m-masakit,” hirap nitong sagot sa’kin.
“Paki buhat niyo naman siya dalhin natin siya sa clinic.” Kaagad naman nilang inalalayan si Ulysses at ako nama’y tumayo sa aking pagkakaupo.
Maglalakad na sana ako para sundan sila nang hawakan ako ni Jeremy sa braso. Nakatingin lang siya sa’kin at wala man lang salita ang lumabas sa kaniyang bibig at pagkuwan ay sinulyapan si Ulysses na akay-akay na ng ibang team mates niya.
“Jeremy, sorry mamaya na tayo mag-usap”
“I’ll go with you.” Hinila na niya ako palabas ng gym at habang naglalakad kami ay sa kaniya lang ako nakatingin.
Alam kong magagalit siya at mamaya ko na rin ipapaliwanag sa kaniya ang lahat and I hope he’ll understand me. Pero nakikita ko sa kaniya na nag-aalala pa rin siya para sa kapatid niya kahit na hindi niya ito ipahalata.
Nasa clinic na kami at ginagamot na siya ng nurse. Nakasandal lang si Jeremy sa pader at nakayuko. Kanina pa siya na nasa ganoong ayos at hindi kumikibo. Nang matapos nang gamutin si Ulysses ay nilapitan ko siya at naka benda ang kaniyang braso.
“Masakit pa ba?” Ngumiti siya sa’kin at itinaas pa ang kaniyang kamay para ipakita sa’kin.
“Wala ito, parang kagat lang ng langgam. Thank you Madie for always there for me.” Narinig namin ang pagtikhim ni Jeremy kaya sabay kami ni Ulysses na napalingon sa kaniya.
“I’ll wait for you outside.” Pagkasabi niyang iyon ay lumabas na siya ng clinic.
Binalingan ko naman si Ulysses at yumuko naman siya at sumilay ang ngiti niya sa kaniyang mga labi kahit na halatang pilit lamang iyon. Namutawi ang sandaling katahimikan sa’min at ako na rin ang bumasag noon.
“Why don’t you talked to him again?” Umiling siya sa’kin at nag-angat siya ng tingin.
“Time will tell kung kailan niya ako mapapatawad. Iniisip niya na iniwan ko siya noong panahong kailangan niya ako, pero hindi. Inilayo lang namin ni mama ang sarili namin dahil ayokong isipin niya na inaagaw namin sa kaniya ang lahat.” Nangunot ang noo ko at ipinilig ko pa ang aking ulo.
“Anong ibig mong sabihin?”
“His dad, I mean my dad also wanted to transfer all his property to us. Hindi nagustuhan ni mama ‘yon kaya nagpasya na lang kaming lumayo sa kanila para walang gulo.” Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi at iyon ang hindi alam ni Jeremy.
Matamlay akong lumabas ng clinic at naabutan ko naman na nakaupo si Jeremy sa waiting chair. Nakasandal siya at nakapikit. Ang amo ng mukha niya at para bang walang iniindang problema. Marahan akong lumapit sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi. Doon lamang siya nagmulat at saka naman niya hinawakan ang kamay ko.
“Hindi ka galit?” Mahinahon kong tanong sa kaniya.
“Why should I? He’s your friend after all at ayokong siya ang pagmulan ng hindi natin pagkakaunawaan.” Pinisil niya ang kamay ko at naghahanap din ako ng tiyempo para sabihin sa kaniya na alam ko na ang tungkol sa kanila ni Ulysses.
“Jer__ I mean sugarpop”
“Hmmn?” Huminga ako ng malalim at saka siya muling tinitigan.
“Hindi mo pa ba kayang patawarin ang kapatid mo?” Natigilan siyang bigla at wari ko’y nagulat sa aking sinabi.
Bahagya pa siyang lumayo sa’kin at tinitigan ako kung tama ba ang narinig niya. Napangisi na lang siya at mahinang bumuntong hininga. Concern lang ako sa kanila at ayokong nakikita silang parehong sinasaktan ang isa’t-isa dahil sa pagkakamali ng iba.
“Did he tell you that?”
“I heard it. Narinig ko ‘yon no’ng mag-usap kayo at doon ko nalaman na kapatid mo siya.” Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo at hinilot ang kaniyang batok.
“I don’t want to talked about it Madeline, not now please?” Tumango na lang ako sa kaniya at hindi na siya pinilit pa.
Tumayo ako at dinalohan siya nang yakap. Ulysses’s right. Time will tell kung kailan siya mapapatawad ni Jeremy. Nararamdaman ko na may konting malasakit pa rin siya kay Ulysses dahil sa nakita kong pag-aalala niya sa sarili niyang kapatid.
“I love you sugarpop,” wika ko sa kaniyan habang nakayakap at nakapikit.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa’kin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. “Thank you for your understanding, pero hindi ko pa siya kayang kausapin tungkol do’n.” Hindi na ako nagsalita pa at ninamnam na lang ang mga yakap niya sa’kin.