Marahan kong idinilat ang mga mata ko nang tumatama ang sinag ng araw sa aking mukha. Medyo malabo pa ang aking paningin at isang bulto naman ng lalaki ang naaninag ko. Kinusot ko ang aking mga mata at saka muling tiningnan ang lalaki na sadyang pinagmamasdan ako. Nakilala ko siya nang unti-unting luminaw ang aking paningin. Nakangiting-nakangiti siya sa’kin at nakatukod ang isang kamao niya sa kaniyang ulo habang pinagmamasdan ako.
Bakit ba ang ganda ng panaginip ko at siya kaagad ang nabungaran ko? Parang ayoko pang bumangon at gusto ko pa siyang pagmasdan. Medyo inaantok pa ako kaya pinikit ko ulit ang mga mata ko at saka naman ako tumihaya. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi kagabi at hindi ko na rin matandaan kung ano na ang nangyari dahil sa pagkakaalam ko ay inasikaso pa namin ni Brian si Jeremy dahil lasing na lasing ito.
Naramdaman ko naman ang mainit na labi na dumampi sa aking mga labi at pilit nitong pinapasok ang dila niya sa loob ng aking bibig. Pero teka, bakit parang totoo ang panaginip ko? Dahil ramdam ko ang init ng kaniyang mga labi. Mabilis kong idinilat ang mga mata ko at nakalapat pa rin ang mga labi niya sa labi ko. Halos hindi ako makagalaw sa pagkabigla at maya-maya pa’y unti-unti siyang lumayo sa’kin. Ngumisi pa siya sa’kin at hinalikan ako sa aking noo.
“Good morning sleeping beauty,” kindat niya pa at ako nama’y nakatitig lang sa kaniya.
Kaagad akong napatayo at tinitigan pa siya ng maigi. Naka-topless lang ito at halatang kagigising lang din dahil gulo pa ang kaniyang buhok.
“Anong ginagawa mo rito Jeremy? Paano ka nakapasok dito?” Gulat kong tanong sa kaniya.
Kunot-noo niya akong tinitigan at bumuga pa siya sa hangin. “Are you still dreaming baby? Ako dapat ang magtanong sa’yo niyan eh. What are you doing in my room?”
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kuwarto at napagtanto ko na wala pala ako sa aking kuwarto. Natatandaan ko na nakatulog pala ako kagabi dahil binantayan ko siya at inasikaso muna. Napatapik na lang ako sa aking noo at naihilamos ko naman ang dalawang palad ko sa aking mukha.
“Are you okay?” Masuyong tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot at basta lang siyang nakatitig sa’kin. “Jeremy?”
“Is there anything that I have to explain last night?” Mukhang nakuha na niya ang itatanong ko sana sa kaniya.
Tumango ako sa kaniya at hinawakan ang isang kamay niya. Sa totoo lang magaling siyang magtago ng tunay na nararamdaman niya, iyong tipong hindi makikita sa kaniya na sobra na pala siyang nasasaktan. I don’t know how to heal his pain and why it’s happening to him.
“I will listen whatever you have to say.” Tipid naman siyang ngumiti at hinaplos niya pa ang kanang pisngi ko.
“Remember the notebook you gave to me?” Napaisip ako saglit at napagtanto ko ang ibig niyang sabihin. “I already read it”
Kita ko sa mga mata niya ang lungkot nang sabihin niya ‘yon. I never attempt to read Ninong Jk’s journal dahil alam kong mas makabubuti na si Jeremy ang makabasa noon. Pero hindi ko alam na ganito pala ang magiging epekto nito sa kaniya.
“Iyon ba ang dahilan kung bakit ka naglasing kagabi?”
“I’m sorry Madeline, I’m so sorry. That would be the last and that would never happened again,” hinging paumanhin niya.
“I undertsand what you are going through. I’m always here to listen Jeremy.” Hinalikan niya ang isang kamay ko at inilagay niya pa ito sa kaniyang dibdib.
“My grandmother left him when he was only 10 years old. His older brother got sick and they need some money to get him better. Iniwan lang siya sa isang kapitbahay para alagaan si Tito Jk dahil kailangang makahanap ng malaking halaga ang lola ko para sa operasyon ng daddy ko na kapatid ni Tito Jk. As the time goes by, she never came back. Nalaman na lang niya na nag-asawa na ng bago ang magulang nila.” Saglit siyang nahinto sa pagkukuwento niya at wari ko’y nagpipigil lang siya ng kaniyang damdamin.
I never imagine na may magulang na magagawa ‘yon sa kanilang sariling anak. How I wish that Ninong Jk is still alive, at sigurado akong magkakasundo silang dalawa ni Jeremy dahil alam kong mas mamahalin siya ng tito niya kaysa sa sarili niyang ama.
“J-Jeremy__”
“I’m okay baby. Gusto ko ring malaman mo ang mga pinagdaanan ng tito ko, because he is your mom’s bestfriend.” Hindi na ako nagprotesta pa at sumang-ayon na lang sa kaniya. “While I was reading his journal, parang sa akin mismo nangyari ang lahat ng mga pinagdaanan niya. He never have someone to lean on, he never have someone to cry on. He is lonely after all. Hanggang sa huling hininga niya malungkot pa rin siya”
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kaniya gayong si mommy ang naging dahilan ng pagkamatay ng tito niya. Naalala ko ang sinabi niya na sobra ang galit ng lola niya kay mommy dahil sa pagkamatay ng anak nito. Paano kung malaman niya na ako ang anak ng pinagbigyan ng puso ni Ninong Jk? Is it the end of us?
Mataman siyang tumitig sa’kin at pansin ko ang pamumula ng mga mata niya. I never knew that he feel the pain of his uncle na kahit hindi niya ito nakilala ay nakaramdam siya ng awa para rito. Inilapit ko siya sa’kin at saka ko naman siya niyakap para kahit papaano ay meron siyang taong nasasandalan sa mga oras na ito.
“Because of your mom, he didn’t feel alone. Siya ang naging tanging pamilya niya at itinuring din siyang pamilya. Pero hindi raw siya nagsisisi nang mahalin ang mommy mo, masaya siya dahil kahit papaano ay mabubuhay siya at patuloy na mamahalin ang daddy mo.” Nangilabot ako sa sinabi ni Jeremy at kaagad akong napahiwalay sa kaniya nang yakap.
“S-sinabi ni ninong ‘yon?” Ngumiti siya sa’kin at marahang tumango.
“Iyon ang huling sinulat niya sa journal niya. At may sinulat din siya para sa’kin kung sakali mang mabasa ko ‘yon.” Nangunot naman ang noo ko.
Naipilig ko ang aking ulo at tila nagtataka sa kaniyang sinabi. I want to ask him everything I want to know para hindi na ako ganitong pilit na hinuhulaan ang sagot sa mga katanungan ko. Huminga pa ako nang malalim at pinasadahan pa ng dila ang ibabang labi ko.
“Jeremy, I want you to be honest with me,” seryosong saad ko.
Umarko ang kilay niya at bahagya pang lumayo sa’kin. Tinitigan naman niya ako ng may pagtataka sa kaniyang itsura at pagkuwan ay saka tumango sa’kin bilang pagtugon.
“Alright, what is it baby?”
“How old are you?” Tumungo siya at narinig ko pa ang mahinang pagbuntong hininga niya.
“Is that all you want to know?”
Ang totoo niyan ay hindi lang iyon ang gusto kong malaman tungkol sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kaniya na alam ko na kung ano ang ugnayan nilang dalawa ni Ulysses. Kaya ganoon na lang ang galit niya noon kay Ulysses kapag nakikita niya kaming magkasama iyon pala ay magkapatid sila sa ama. Pero alam kong hindi niya ‘yon magugustuhan kapag sinabi ko sa kaniya ang tungkol doon. Ulysses is still my bestfriend kahit na may nalaman ako sa kaniya na hindi ko inaasahan na magiging gaano’n kakumpikado.
“Hmmn, I want to know you better. P’wede ba ‘yon my sugarpop?” May lambing na saad ko sa kaniya.
Napangiti na lang siya at nagulat na lang ako sa mabilis niyang pagkilos. Inihiga niya ako at dumapa naman siya sa ibabaw ko at ipinako pa nito pataas ang dalawang kamay ko. Nakailang lunok pa ako at hindi ko sinasadyang mapatingin sa kaniyang katawan.
“Nanghihina ako kapag tinatawag mo akong sugarpop”
“H-ha? B-bakit naman?” Nauutal ko namang saad sa kaniya.
“Masyadong masarap sa pandinig eh.” Umikot ang mata ko at gusto kong matawa sa kaniyang sinabi. “Bakit parang natatawa ka?”
“Akala ko ba ayaw mo na tinatawag kita no’n?”
“I’m used to it. Gusto ko ‘yon na ang itatawag mo sa’kin. Kapag narinig kong tinawag mo ‘ko sa pangalan ko.” Inilapit niya pa ang bibig niya sa aking tainga at saka bumulong. “Makakapagmulta ka at alam kong hindi mo gugustuhin kung ano ‘yon.” Lumayo siya sa’kin at nginisian pa ako.
Napakurap-kurap pa ako at doon ko lang din napagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin. Baliw talaga ang ipis na ‘to! Baka nakakalimutan niya na wanted siya ngayon sa daddy ko at pareho kaming malalagot kapag nangyari ‘yon.
Sinimulan niya akong halikan at nag-uumpisa nang lumikot ang isang kamay niya. Ipinasok niya pa ang isang palad niya sa loob ng t-shirt ko at hinimas ang isang dibdib ko. Bahagya akong napaungol nang hawiin niya ang bra ko at laru-laruin ang n****e ko.
“Jeremy uuwi na pa__” Kaagad kong naitulak si Jeremy at nahulog naman siya sa kama.
Hinablot ko ang kumot at pinantakip ito sa aking katawan. s**t talaga! Bakit ba sa tuwing may ganito lagi na lang may sumusulpot? Kung nagkataon pala na nasa kalagitnaan na kami tiyak katakot-takot na kahihiyan ito.
“The f**k Brian! What are you doing here?!” Sigaw ni Jeremy sa kaniya nang makatayo na siya mula sa kaniyang pagkakahulog
Nakatalikod na sa amin si Brian at tila hindi mapakali sa kaniyang nasaksihan. Napapikit na lang ako at nagtalukbong na lang ng kumot.
“At ako pa talaga ang tinanong mo ha! Sa susunod ‘wag ka nang maglalasing ah, hindi na ako nakauwi dahil sa’yo. Mabuti na lang nand’yan si Madeline. Sige na uuwi na ako, i-lock mo ‘yong pinto dahil__”
“Shut up! Just leave!” Narinig ko na lang ang malakas na pagsara ng pinto at wari ko’y si Jeremy ang may gawa noon.
Tinanggal ko na ang kumot na nakataklob sa aking mukha ang nakita kong papalapit na sa kinaroroonan ko si Jeremy. Naupo siya sa gilid ng kama at sinuklay naman niya ng kaniyang daliri ang kaniyang buhok. Binalingan niya ako at pinag-krus ang kaniyang mga braso.
“Why you didn’t lock the door? Saka bakit hindi mo sinabi na dito pala natulog ang ugok na ‘yon?” May halong inis niyang sabi sa’kin.
Napabangon ko at humalukipkip din. “Bakit kailangan ko pang i-lock ‘yong pinto? Malay ko bang may gagawin kang kamanyakan!”
“What did you__” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin at mariin na lang itong napapikit.
Malakas siyang nagpakawala ng buntong hininga at sabay tayo sa kaniyang pagkakaupo. Naglakad siya palayo sa’kin at nagtaka naman ako dahil mukhang nagalit yata siya sa sinabi ko. May kinuha siya sa drawer niya at isa ‘yong year book. Binuklat niya muna ito at saka nito inabot sa’kin. Napatitig muna ako roon at ibinaling ko muna ang tingin ko sa kaniya.
“What’s that?” takang tanong ko sa kaniya.
“You said that you want to know me better right? Well, I don’t want to lie to you anymore. Para ano pa at magsisinungaling ako sa’yo kung nakuha na naman kita?” Tumaas ang isang kilay ko at padabog kong hinablot sa kaniya ang hawak niyang year book.
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa at hindi makapaniwala. How can this be? It means two years ago ay graduate na pala siya. Napatulala na lang ako sa kawalan at marahan pa siyang tiningnan. Kaya pala hindi ko man lng siya nakikitang pumapasok sa klase o ‘di kaya’y abala sa ibang school activities iyon pala ay matagal na siyang graduate sa school na ‘yon.
“I know you’ll be shocked”
“Malamang! Anong gusto mong maramdaman ko? Matuwa? Wow Jeremy graduate ka na congrats! Gano’n?!” Sabay irap ko sa kaniya pagkasabi kong iyon.
Umupo siya sa tabi ko at pinagsiklop ang aming mga kamay. Akala siguro ng ipis na ‘to ay madadaan niya ko sa pa-sweet niyang ito. Graduate na pala itong ipis na ‘to at kung hindi ko pa tatanungin kung ilang taon na siya wala na talaga siyang balak sabihin sa’kin. Pero ano naman ang ginagawa niya sa school kung graduate na pala siya at nagpapanggap pa siyang estudyante roon?
Hinalikan niya ang leeg ko kaya mariin akong napapikit at mariin ko ring nakagat ang ibabang labi ko. Naku naman talaga mukhang mapapabilis mawala ang galit ko sa ginagawa niya sa’kin. Hindi ko pa rin siya tinitingnan at nasa ibang direksyon pa rin ang atensyon ko.
“You’re mad?” Malambing nitong sabi sa’kin.
Hindi ako umimik at salubong pa rin ang kilay ko. Anong akala niya sa’kin konting kiss lang at himas ayos niya? Pagtitripan ko muna ang ipis na ‘to bahala siya sa buhay niya!
Maya-maya pa’y nagulat na lang ako nang dalhin niya ang palad ko sa kaniyang alagang agila. Napapitlag ako at kagad n napatayo mula sa aking pagkakaupo at gulat na gulat siyang tinitigan. Samantalang ang sira-ulong lalaki na ‘to ay nagpipigil naman nang tawa.
“Are you crazy?! What do you think you’re doing Jeremy?!” galit kong turan sa kaniya.
“Ah, ah, may usapan tayo right? You’re not going to call me by my name dahil may kapalit ‘yon,” ngisi niya pa sa’kin.
Pinamey-awangan ko siya at tinaasan pa siya ng kilay. Pero siya konti na lang ay hahagalpak na siya nang tawa at tuwang-tuwa pa sa nakikita niya. Naku Jeremy! Pipisain ko na talaga ‘yang pingpong ball mo ewan ko lang kung makatawa ka pa.
Tiningnan ko pa ang palad ko na tila ba sinusukat kung gaano kahaba ‘yon. Nakita ko na naman ‘yon pero hindi ko akalain na gano’n pala ang texture no’n. Gano’n ba talaga ‘yon matigas na agad? Sunod-sunod akong napailing sa mga naiisip ko at muling hinarap si Jeremy na ngayon ay matamang nakatitig sa’kin.
“Jer—I mean, sugarpop”
“Yes, my lovely wife?” Napapikit na lang ako sa kaniyang tinuran.
Hindi ko na nasabi pa ang gusto kong sabihin dahil na-distract na ako at hindi makapag focus. Bwisit kasi na ipis ‘to kung anu-anong kalokohan ang pumapasok sa isip niya. Tinitigan ko siya at nagsisimula na naman ang nakakalokong ngiti nito sa’kin. How I wish na parati siyang nakangiti at walang iniinda na problema. Alam ko na pinepeke lang niya ang mga ngiti niyang iyon para hindi ako mag-alala.
“I want to see those smile everyday. Gusto ko kapag may problema ka ako ang una mong sasabihan. Gusto ko kapag nasasaktan ka, ako ang kasama mo para damayan ka. I don’t want you to feel alone, I want you to__” Nahinto ako sa pagsasalita ko nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at sakupin ang mga labi ko.
Gusto kong maramdaman niya na parati akong nasa tabi niya. Wala man siyang karamay sa oras na kailangan niya na may masasandalan, nandito ako para sa kaniya at para intindihin siya.
Humigpit ang kapit ko sa kaniyang magkabilang braso at ang isang palad naman niya ay nakaalalay sa aking likod. Masyado na nga yata akong naaadik sa mga halik niya at parang ayoko nang tigilan pa ‘yon. Ewan ko ba, parang gusto ko siyang halik-halikan maya’t-maya.
Sabay kaming natigilan nang makarinig kami ng sunod-sunod na doorbell at nagkatinginan pa kaming dalawa. Kumuha siya ng t-shirt sa drawer at muli niya akong hinarap.
“Wait for me here, baka si Mint lang ‘yon. You can take a shower and then let’s have some breakfast together bago kita ihatid sa inyo.” Tumango lang ako sa kaniya at hinalikan niya muna ako sa mga labi bago siya lumabas ng kuwarto.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa saya na nararamdaman ko ngayon. Naligo muna ako at pagkatapos ay inayos ko ang aking sarili. Mabuti na lang at wala kaming pasok ngayon dahil kung hindi ay tiyak magmamadali ako ngayon.
Tiningnan ko ang orasan sa wall clock niya at mag-iisang oras na rin ang nakalipas. Naisipan kong lumabas ng kuwarto at puntahan na lang siya sa baba at para rin makita ko si Mint. Namimiss ko na rin siya at para rin makapagkuwentuhan kami.
Napahinto ako sa pagbaba nang makarinig ako ng isang sigaw. Sigaw ‘yon ng tila may edad na lalaki at wari ko’y daddy ‘yon ni Jeremy. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at hinanap kung saan nanggagaling ‘yon. Nakita kong daddy nga iyon ni Jeremy at nasa may garden sila. Sadyang nakatingin lang sa kaniya si Jeremy na walang emosyon at para bang wala siyang pakialam kung ano pa ang sabihin ng kaniyang ama.
“Ganiyan ba talaga kakitid ‘yang utak mo Jeremy?!” Halos umalingawngaw ang boses niya sa buong bahay pero hindi pa rin nagpatinag si Jeremy sa kaniya.
Tatalikod na sana ako dahil baka makita pa nila ako at para na rin bigyan sila ng space makapag-usap na mag-ama nang marinig kong magsalita si Jeremy. Kalmado lang siya at hindi makikitaan nang takot sa kaniyang itsura.
“Pumunta ka lang ba dito para sabihin sa’kin ‘yan? Sabagay, naaalala mo lang naman ako kapag napapakinabangan mo.”
Muntikan na akong mapasigaw nang sampalin niya si Jeremy. Napatutop na lang ako sa aking bibig at hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa nasaksihan ko. Iyong pagmamahal na inaasam niya ay hindi maibigay ng sarili niyang ama.
Tumawa pa siya nang pagak at isinuklay niya ang daliri niya sa kaniyang buhok. Masama niyang tinitigan ang ama niya at hindi pa ito nakuntento nang hawakan siya ng ama niya sa kuwelyo.
“Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganiyan dahil nakikinabang ka sa perang tinatamasa mo ngayon!” Pagkasabi niyang iyon ay pabalagbag niyang binitawan si Jeremy.
“I don’t care about the money. Wala akong pakialam kahit na matulog pa ako sa lansangan. At least do’n malaya ako at baka nga doon pa ako magiging masaya eh!”
“Makasarili ka talaga! Wala kang__”
“Wala akong kuwenta ganoon ba?! Sigaw naman niya.
Parang unti-unting dinudurog ang puso ko sa katagang binitawan niya. How can his dad to this to him? Alam kong sobra siyang nasasaktan pero pinipigilan lang niya ito. Kita ko ang galit sa mukha ng kaniyang ama at napatingala na lang ito.
“Baka nakakalimutan mo na ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang mommy mo”
“And you’re also the reason why she suffer so much pain! Mas pinili mo ang pamilyang ‘yon kaysa sa amin dahil in the first place mas minahal mo sila pero nanatili pa rin si mommy sa tabi mo kahit na alam niyang hindi mo siya minahal kahit kailan!” Lumapit pa siya sa kaniyang ama at saka ito may binulong.
Hindi ko na narinig kung ano ang sinabi niya at kita ko ang pagkagulat sa mukha ng kaniyang ama. Ilang sandali pa ay tumalikod na ang daddy niya at nagmamadali naman akong umalis at kaagad na umakyat papunta sa kuwarto ni Jeremy. Para akong lantang gulay na naupo sa gilid ng kama at paulit-ulit na iniisip ang nangyari sa kanilang mag-ama.
Napapitlag ako nang bumukas ang pintuan at bumungad si Jeremy na malapad ang pagkakangiti na animo’y walang nangyari. Naglakad siya papunta sa’kin pero hindi pa siya nakakalapit nang tumayo ako at dinalohan siya. Mahina ko siyang pinagsusuntok sa kaniyang dibdib habang umiiyak ako at hinuli niya ang dalawang kamay ko. Napatingala ako sa kaniya at medyo nanlalabo na ang aking paningin dahil sa mga luha na namumuo sa aking mga mata.
“What happened? Is there something wrong baby?” May pag-aalalang tanong niya.
“Napaka sinungaling mo talaga, sabi mo hindi ka na magsisinungaling sa’kin?”
“What did I do?” Suminghot-singhot pa ako at pinunasan ang aking luha na dumaloy sa aking pisngi.
“You don’t have to pretend. If you’re in pain, just tell me. If you want to cry, lean on my shoulder. But why? Bakit kailangan mong magpanggap na hindi ka nasasaktan?” Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapalakas nang paghagulgol.
Naitakip ko na lang ang mga palad ko sa aking mukha at niyakap naman ako ni Jeremy. Imbes na siya ‘yong nasasaktan ay ako ang nasasaktan para sa kaniya.
“Did you hear it?” Hindi ko siya sinagot at inilayo naman niya ako sa kaniya at inangat ang mukha ko. “I’m not afraid to lose everything I have. Do you know what I fear the most? Is to lose you. Ikaw ang kahinaan ko at kaya kong tiisin ang sakit na pinaparamdam nila sa’kin basta dito ka lang sa tabi ko.” Mahigpit ko na lang siyang niyakap at sinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib.
Siya rin ang kahinaan ko. Mas nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang pilit na itinatago ang tunay niyang nararamdaman kaysa ang ipakita na nasasaktan siya.