CHAPTER 46

3433 Words
Masaya kong inilalagay ang mga cookies na binake ko sa isang malaking box at nilagyan ko pa ng ribbon ito sa ibabaw. Napangiti na lang ako nang makitang nakaayos na ito at kinunan ko pa ito ng picture. I wanna give this Jeremy and I hope he likes it. Hindi man ako kasing galing ni mommy magbake alam ko naman na magugustuhan pa rin ito ni Jeremy. Binitbit ko na ito at handa na akong pumasok nang maabutan ko naman si daddy na kakauwi lang din galing sa ospital. Halatang pagod ito at puyat na rin dahil siguro sa dami ng pasyente nila. Pabagsak siyang naupo sa mahabang sofa at isinandal niya pa ang likod niya at hinilot ang batok. Lumapit ako sa kaniya at mabilis siyang hinalikan sa kaniyang pisngi. Napabaling ang tingin niya sa’kin na namumungay ang mga mata at tipid na ngumiti. “Just go to your room and have a rest dad,” malambing na wika ko sa kaniya. “I will baby.” Tumingin siya sa hawak kong box at muling ibinaling ang tingin sa’kin na tila nagtatanong. “Ahhm, regalo ko kay Jeremy dad. Wala kasi akong regalo sa kaniya noong birthday niya eh.” Kinagat ko pa ang ibabang labi ko at pagkuwa’y pinanliitan niya ako ng mga mata. “S-sige dad aalis na ‘ko baka kasi ma-late ako sa school eh” Akmang tatayo na ako ng muli siyang magsalita. “Dati ako lang ‘yong pinagbe-bake mo pero ngayon may kahati na ‘ko?” Ito na naman si daddy umiral na naman ang pagiging seloso. Lumapad ang pagkakangiti ko sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. I love how he smell, just a natural scent. Hindi siya gumagamit ng pabango kapag nasa ospital siya dahil mas nangingibabaw daw ang amoy ng mga gamot na kumakapit sa katawan niya. “I will be your forever baby right?” Hindi ko alam pero parang nalungkot ako nang sabihin ko sa kaniya ‘yon. Sandali niya akong inilayo sa kaniya at hindi ko namalayang napaiyak na pala ako. Pinunasan niya ang luha na dumaloy sa aking pisngi at saka hinalikan ang aking noo. I miss the old days, we were hanging out kapag walang trabaho si daddy at kadalasan ay nagpupunta pa kami sa mga paborito naming pasyalan. But this time is different. We were both busy at minsan ay hindi nagtutugma ang mga oras namin. But dad make sure he will have enough time to us. “Of course, you, Jk, Mavy and Margaux are my babies. Kahit na magkaroon na kayo ng sari-sariling pamilya you are always my baby.” Ngumiti ako sa kaniya at saka tumango. Namiss ko talaga maglambing kay daddy at sa tuwing gagawin ko ‘yon ay kaagad na gumagaan ang pakiramdam ko. I don’t know why I’m being so emotional this past few days. Dahil kapag ngalalambing naman ako kay daddy o ‘di kaya kay mommy ay normal lang naman sa’kin ‘yon. Maaga pa lang ay nasa school na ‘ko at bitbit ang cookies na ibibigay ko kay Jeremy. Hinugot ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon at sinimulang idial ang numero niya. Pero nakakailang dial na ‘ko ay hindi pa rin niya ito sinasagot. Nagpasya na lang akong magtungo sa locker room nila dahil baka sakaling nandoon na siya. Naabutan ko naman si Macky sa labas ng Locker room nila at tila balisa ito at panay naman ang pindot niya sa kaniyang telepono. Nanatili lang akong nakatayo sa ‘di kalayuan at pinagmamasdan lang ang bawat galaw niya. Maya-maya pa’y ibinato niya ang kaniyang telepono na ikinapitlag ko at napaatras pa ako. Napaupo pa siya sa sahig at mariing ginulo ang kaniyang buhok. Hindi ko tuloy alam kung lalapitan ko ba siya o hahayaan ko na lang muna. Siguro ay nag-away sila ni Ellaine kaya ganoon na lamang siya. Hindi kaagad ako nakagalaw nang bumaling ang tingin niya sa’kin at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin dahil sa nasaksihan ko. Kaagad naman siyang tumayo at saka inayos nito ang kaniyang sarili. Marahan akong lumapit sa kaniya at pilit ang aking mga ngiti. “S-si Jeremy nandiyan ba siya?” Nahihiya kong turan sa kaniya. “He’s not here,” tipid naman niyang sagot. Tumango lang ako sa kaniya at saka tumalikod na. Pero hindi pa ako nakakalayo nang tawagin niya ako kaya pumihit ako paharap sa kaniya. Lumapit siya sa’kin at para bang may pag-aalinlangan sa kaniyang itsura. “May problema ba?” Nakatingin lang siya sa’kin at narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. “Macky?” Tawag ko sa kaniya. “Alam mo ba kung nasaan ngayon si Ellaine?” Gulat akong napatitig sa kaniya. “Hindi ba siya pumasok ngayon? Teka lang tatawagan ko siya baka late lang ‘yon.” Akmang kukunin ko ang telepono ko sa bulsa nang pigilan naman niya ako sa kamay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nang sulyapan ko siya ay sunod-sunod ang patak ng luha niya sa kaniyang pisngi. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya ay kaagad niyang binitawan ang kamay ko at mabilis na pinunasan ang luha sa kaniyang pisngi. “I’m sorry naabala pa kita. Sige na mauna na muna ako may klase na rin ako eh.” Hindi na ako nakapagsalita pa at mabilis siyang naglakad sa’kin palayo. Dahil sa kuryosidad ko ay tinawagan ko naman ang number ni Ellaine. Nakailang subok na ako pero laging out of coverage ang cellphone niya. Binuksan ko naman ang social media ko at nakita kong may message siya roon kaya kaagad ko itong binasa. “Madz, I’m sorry for not telling you, I hope you’ll forgive me someday. Ayokong suwayin ang mga magulang ko, wala akong lakas ng loob para ipagtanggol si Macky dahil alam kong masisira ko rin pati ang buhay niya. Kapag nakausap mo siya pakisabi na mahal na mahal ko siya at sana maintindihan niya ako dahil sa ginawa kong paglayo sa kaniya.” Malakas akong napabuga sa hangin pagkabasa ko sa message niya. Naawa naman akong bigla kay Macky dahil ramdam ko ang sakit at pagmamahal niya para sa kaibigan ko. Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya haharapin at sasabihin sa kaniya ang totoo. Bagsak ang balikat kong bumaba ng hagdan dahil iniisip ko kung ano na ang mangyayari sa kanila gayong buntis pa si Ellaine. Alam ko naman na handang panagutan ni Macky si Ellaine pero si Ellaine ayaw niyang masira ang kinabukasan ni Macky at mas pinili na rin niyang lumayo dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang niya. “Bakit ang lungkot yata ng asawa ko?” Napatingin ako sa aking harapan at nakita kong nakasandal si Jeremy sa pader at nakapamulsa. Unti-unti siyang lumapit sa’kin at bumaba pa para magpantay kami. Tumingin ako sa mga mata niya at napaisip na paano kung sa’min mangyari ‘yon? Paano kung hindi pa pala siya handa? Paano kung maisip kong lumayo dahil do’n? Napapikit na lang ako dahil sa mga naiisip ko at pagmulat ko ay nakakunot na ang noo ni Jeremy. Napanguso ako at kunwa’y sinamaan siya nang tingin. “Saan ka ba galing? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo naman ako sinasagot” “Do you miss me that much?” Nakangiting tanong niya. “Miss mo mukha mo! Ewan ko sa’yo!” Lalagpasan ko na sana siya nang kunin niya ang isang box ng cookies na sana’y ibibigay ko sa kaniya. “Thank you for this my wife,” sabay kindat niya pa sa’kin. Ang ipis na ‘to inunahan pa ‘ko. Tinangka ko ‘yon kunin pero itinaas niya pa ito at halatang inaasar ako. Pinamay-awangan ko siya at tinaasan ko pa siya ng isang kilay pero ang loko-lokong ipis na ito ay nakangiti pa rin sa’kin at gustong-gusto na ginagalit ako. “Sinong may sabi sa’yo na sa’yo ‘yan?” Sabay irap ko sa kaniya. “Bakit hindi ba akin ito? Sino naman ang damuhong lalaking bibigyan mo nito?” Mariin akong napapikit at kinagat pa ang ibabang labi ko dahil sa inis sa kaniya. “As if naman sa lalaki ko ibibigay ‘yan” “As if din naman na sa babae mo ibibigay ‘to. Kailan ka pa nag-I love you so much sa babae at may nakalagay na sugarpop? Sino ba ‘yang sugarpop na ‘yan? Don’t tell me may iba ka pang tinatawag na sugarpop bukod sa’kin?” Napanganga na lang ako dahil sa sinabi niya. Oo nga pala nilagyan ko ng sulat ang ibabaw ng box at masyadong malinaw ang mata niya para mabasa ‘yon kaagad. Hindi ko na lang siya sinagot at umiwas na lang sa kaniya nang tingin. Nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa mga labi kaya napabaling bigla ang tingin ko sa kaniya. Nagpalinga-linga pa ako dahil baka may makakita sa’min at tiyak laman na naman ako ng tsismis society rito sa loob ng campus. “Jeremy naman!” Sigaw ko sa kaniya. “Let’s go somewhere else.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na niya ako palayo. Nagtungo kami sa gym at binuksan naman niya isa-isa ang mga ilaw. Naupo kami sa bench at inilapag ang box ng cookies. Pansin ko pa ang pagsilay ng mga ngiti niya sa labi kaya lihim na rin akong napangiti dahil alam kong nagustuhan niya ‘yon. “Did you bake this?” “Hmmn. Hindi ‘yan kasing-sarap nong mga nabibili sa mga restaurant ha, pero sana magustuhan mo.” Hindi siya nagsalita at basta lang siyang nakatitig doon. “Ayaw mo ba? Akin na kung ayaw mo.” Kukunin ko na sana ‘yon nang ilayo niya naman sa’kin ‘yon. “This is the first time you gave me a present and I really appreciate it. I don’t care how it taste like, basta galing sa’yo.” Nakaramdam naman akong bigla nang kilig at hindi ko na lang ito pinahalata sa kaniya. Pansin ko na parang may kakaiba sa kaniya. Malungkot ang mga mata niya at hindi ito kagaya kanina na kapag tinititigan ko siya. Naalala ko naman ang sinabi sa’kin ni Mint. He doesn’t want to show his sadness and pain. I want to make him feel the love he hasn’t experienced since his mom died. “Jeremy,” tawag ko sa kaniya. Nag-angat siya ng kaniyang mukha at hindi ako nagdalawang isip ay hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at mabilis na sinakop ang kaniyang mga labi. Naramdaman ko naman ang isang palad niya sa aking baywang at mas lalo pang lumalim ang mga halik namin. Pareho kaming nagulat ni Jeremy nang marinig namin ang tunog ng bola. Malakas ko pa siyang naitulak at nahulog siya sa kaniyang pagkakaupo sa bench. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga na lang ako dahil hindi lang mga kaibigan niya ang naririto. Kung noon ay ilang mga kaibigan lang niya ang nakakita sa’ming naglalandian sa bahay niya, ngayon ay buong team niya yata ang naririto at nakita kami. Shit talaga! Bakit naman napaka-malas ko yata? Bakit ba sa tuwing may landiang nagaganap palagi na lang may sumusulpot? Napatayo akong bigla at nakita kong patayo na rin si Jeremy mula sa kaniyang pagkakabagsak at himas-himas naman nito ang kaniyang puwitan. Humarap ako sa mga team mates niya at ang iba ay nakatulala sa’ming dalawa. Napalunok ako at hindi alam kung ano ang sasabihin, at the same time nakaramdam na naman ako ng pagkapahiya. “Sige Jeremy mauna na ‘ko, magkita na lang tayo mamaya.” Hindi ko na siya hinintay pang makapagsalita nang kumaripas na kaagad ako nang takbo palabas ng gym. Paglabas ko naman ay halos magpapadyak ako sa inis at napaupo na lang ako. Narinig ko pa ang malakas na hiyawan ng mga kasama niya at wari ko’y inaasar nila si Jeremy ngayon. Tamad akong tumayo at nagmamadaling umalis na sa lugar na ‘yon. Ginugol ko na lang ang atensyon ko sa klase ko at inabala ang aking sarili ng sa gayon ay hindi ko maisip ang nangyari kanina. Late na rin natapos ang klase ko dahil marami ring activities ang pinagawa sa’min ng prof. Nauna nang umalis sa’kin si Nina at gaya ko ay malungkot din siya dahil sa paglayo ng kaibigan namin. Halos hindi ko makausap si Nina nang maayos dahil ito ang unang beses na hindi namin siya makakasama at hindi rin namin tiyak kung makikita pa ba namin siya. Kinuha ko ang aking telepono at tatawagan ko sana si Jeremy para magkita kami nang bigla namang tumawag si mommy. Napangiti ako at saka ko naman sinagot ang kaniyang tawag. “Yes mom?” “Hi Madie, me and your dad are going to the States this night. Ikakasal na kasi ang Ninong Leonard mo this coming weekend eh. Hindi naman puwedeng hindi kami pupunta at magtatampo naman ‘yon, alam mo naman ang ninong mo matampuhin.” Napatutop ako sa aking bibig dahil sa narinig na balita kay mommy. “Really? How come na nagkaroon siya ng girlfriend?” “Not a girl baby, you know him hindi siya pumapatol sa babae,” sabay halakhak naman ni mommy. Napatawa na rin ako at isinukbit ko na ang aking bag habang kausap ko pa si mommy sa telepono. Nagbilin lang siya ng ilang mahahalagang bagay sa’kin at tatlong araw lang ang ilalagi nila roon at babalik na rin daw sila rito. Naalala ko naman na tatawagan ko nga pala si Jeremy. Malapit na ako sa gate at palabas na ng campus. Napasimangot ako ng hindi niya sinasagot ang tawag ko. Siguro ay busy pa siya o ‘di kaya ay may practice pa sila ng basketball. Hahakbang na sana ako nang tumunog naman ang cellpohone ko. Nakita kong si Jeremy ang tumatawag at napaikot ang mata ko sa ere. Sinagot ko ito at nagulat ako ng hindi ‘yon boses ni Jeremy ang nagsalita. Medyo maingay sa kabilang linya at parang nag-iinuman pa ang mga ito. “Madeline, puwede ka bang pumunta rito ngayon?” Umarko ang kilay ko. “Who’s this? Saka nasaan si Jeremy?” “It’s me Brian, nandito kami ngayon sa Club Central I’ll send you the address, lasing na kasi itong asawa-asawahan mo eh. Kanina ka pa nito hinahanap.” Napabuntong-hininga na lang ako at napakamot na lang ako sa aking batok. Binigay naman sa’kin ni Brian ang address at kaagad ko rin naman itong natunton. Sinabi ko sa kaniya na hintayin na lang niya ako at ako na lang ang maghahatid kay Jeremy. Napatulala na lang ako nang makita ang club na pinuntahan nila Jeremy. May mga babae sa labas ng club at ang mga damit animo’y mga wala nang suot. Iyong iba naman ay halata na ang biyak sa kanilang ibaba at mga walang pakialam kahit nakikita na ito. Mabilis akong pumasok sa loob at halo-halong usok ng sigarilyo ang sumalubong sa’kin. Nagpalinga-linga pa ako at sa bandang itaas daw sila nakapuwesto. Pumunta naman ako sa taas at hindi ko alam kung saang kuwarto sila naririto. Saktong pagbukas naman ng unang pinto ay lumabas si Brian at isa nitong kaibigan na akay-akay na si Jeremy. Nagulat ako sa itsura nito at halatang lasing na talaga ito. “I don’t wanna go home! Let’s drink until we die!” Sigaw pa nito sa mga kasama niya. I don’t have any idea why he’s like that. Alam kong may mabigat siyang problema base na rin sa nakita ko sa kaniya nang tingnan ko ang mga mata niya. Sa kabila ng mga ngiti niya kanina ay may nababalot na lungkot sa katauhan niya. Huwag ko siyang kaawaan, iyon ang huling sinabi sa’kin ni Mint dahil ayaw niya na kinakaawaan siya. She want me to express to him how important he is at iyon ang mas kailangan niya. Kaagad ko siyang dinalohan at inangat pa ang mukha ni Jeremy. Namumungay ang mga mata niya at mapula na rin ang kaniyang mukha. Ngumisi pa siya sa’kin at saka siya tumindig ng deretso. Napahawak ako sa braso niya dahil gumegewang na siya at hinawakan din siya ng kaniyang dalawang kaibigan. “It’s you, ma wayp! Ma buteful wayp! Where have you been? Are you going to leave me too hmmn?” Papikit-pikit nitong turan sa’kin. “Let’s go Jeremy you’re drunk.” Umiling siya at iwinaksi pa niya ang kaniyang kamay. “Hindi mo rin ba ako gusto tulad nila?” Hindi ako nakasagot dahil naaawa ako sa nakikita ko sa kaniya. I feel that he’s in too much pain kaya siya nagkakaganito. “Stay with me please?” pagkasabi niyang iyon ay niyakap niya ako at wari ko’y nawalan na siya nang malay. Inalalayan naman namin siyang makalabas ng bar at pinaupo muna namin siya sa gilid. Nakatulog na ito at pansin ko ang luhang dumaloy sa kaniyang pisngi. Marahan ko itong pinunasan at hinaplos ang kaniyang pisngi. Hinarap ko naman si Brian at isa nitong kaibigan na nagyon ay humihithit na ng sigarilyo. Nang makita nila ako ay kaagad din nila itong tinapon. Sinulyapan naman ni Brian si Jeremy at saka ako nito binalingan nang tingin. “Madeline I’m sorry.” Umiling ako at tipid na ngumiti sa kaniya. “Anong nangyari sa kaniya? May problema ba siya?” “Siguro si Jeremy na lang ang tanungin mo. He needs you the most Madeline” “Sige tatawag lang ako ng taxi at ihahatid ko na siya sa kanila.” Tatalikod na sana ako nang hawakan ni Brian ang pala-pulsuhan ko. Napatingin din ako roon kaya kaagad din naman niya akong binitawan. Pansin ko na parang may itinatago siya at parang hindi niya ito masabi-sabi. “M-magjeeep na lang kaya kayo?” Napanganga ako sa kaniyang sinabi. “Brian, look at him lasing na lasing siya tapos pasasakayin mo kami ng jeep? At least sa taxi komportable pa siya” “Hindi siya sumasakay ng kotse eh, h-hindi kasi siya sanay. Teka tatawag ako ng jeep.” Pipigilan ko pa sana siya nang pumara na siya ng jeep. Wala naman itong gaanong sakay pero nakakahiya naman kung sasakay kami tapos gano’n pa ang itsura ni Jeremy. Wala na akong nagawa nang alalayan na ng dalawa si Jeremy pasakay ng jeep. Sumama na rin si Brian sa amin para may katulong daw akong umalalay sa kaniya at naiwan naman ang isa nilang kaibigan. Habang tinatahak namin ang daan pauwi ay pinagtitinginan naman kami ng ilang pasahero rito sa jeep. Nakahilig sa’kin si Jeremy at si Brian naman ay nasa aming harapan at nakasandal at nakapikit. “Mga kabataan talaga ngayon, ewan ko ba paano sila pinalaki ng mga magulang nila,” dinig kong sabi ng isang matandang babae. Napapikit na lang ako at pinigilan ang aking sarili at naikuyom ko na lang ang aking kamao dahil sa inis. Hindi ko na lang pinansin ang mga mapagmatyag nilang mga titig hanggang sa makarating kami sa bahay ni Jeremy. Dahil sa bigat nito ay hindi na namin nakaya ni Brian na ihiga siya at napaupo na lang siya sa sahig sa gilid ng kama niya. “Brian, puwede mo ba akong ikuha ng maligamgam na tubig saka bimpo?” Utos ko sa kaniya. Tumango lang siya at lumabas na ng kuwarto. Binalingan ko naman si Jeremy na nakatungo at sinimulan ko na siyang hubaran. Nang matanggal ko na ang damit niya ay pinunasan ko naman ang mukha niya. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at unti-unti siyang nag-angat ng kaniyang tingin. Naniningkit ang mga mata niya at parang pinipilit lang niya itong idilat. Ipinatong niya ang kaniyang noo sa aking balikat at narinig ko ang mahina niyang paghikbi. “J-jeremy,” mahinang tawag ko sa kaniya. “I don’t know that he suffers too much. He suffers more than mine.” Umiiyak siya habang sinasabi niya ‘yon. “I just want to be happy, I want a normal life like others. Bakit kami ang kailangan maghirap sa kasalanan ng iba? Why it has to be us? Why?!” Sigaw niya. Nayakap ko na lang siya nang mahigpit at pakiwari ko’y ako ang siyang nasasaktan para sa kaniya. Hindi ko man alam ang totoong nangyari pero naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Lalong lumakas ang pag-iyak niya at ngayon ko napagtanto na sa kabila ng mga ngiting ipinapakita niya sa tuwing magkasama kami ay isa lamang pala iyong peke. Ito pala ang tunay na katauhan niya na nababalot ng kalungkutan at sakit na nararamdaman. “I’ll stay with you Jeremy. Iwan ka man ng lahat pero ako, hindi kita iiwan”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD