“Congratulations Madeline!”
“Oy Madeline, Congrats! Hindi mo Kami in-invite”
“Ikaw Madeline ha, binigla mo kami”
Hindi ako nakapagsalita sa mga estudyanteng nakakasalubong ko at tanging pagbati nila ang naririnig ko. At iyong iba naman ay mga nakataas ang kilay sa’kin at panay irap ang inaabot ko sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nila kung bakit iyon ang unang bungad nila sa’kin.
Nagpunta ako sa unang klase ko at pagkapasok ko sa silid ay pinagtitinginan naman ako ng ilang mga kaklase ko. Hindi ko na lamang ito pinansin at nakita ko ang dalawang kaibigan ko na tila abala sa kanilang telepono. Umupo ako sa kanilang tabi at nakiusyoso kung ano ang tinitingnan nila.
Nakita ko ang litrato naming dalawa ni Jeremy na siyang headlines sa isang university site. Napamulagat ako dahil sa nabasa at kaagad kong kinuha ang cellphone ni Ellaine at pinaka-titigan itong mabuti. Napatutop pa ako ng aking bibig at saka mariing kinagat ang ibabang labi ko.
“Anong ibig sabihin nito? At saka paano nila nalaman ang tungkol sa kasal-kasalan namin ni Jeremy?” May halong kaba kong tanong kay Ellaine.
Pabagsak akong napasandal sa aking upuan at saka tumingala at pumikit. Hindi malabong malaman ito ng kapatiid ko dahil naka-post ito sa site ng university at kami pa ang headlines doon. Nagmulat ako ng aking mga mata at muling binalingan si Ellaine.
“Oh, ‘wag kami ang sisihin mo ah! Wala kaming kinalaman diyan support friend lang kami. Ang tanungin mo ‘yong asawa mong ipis.” Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi nga malabong siya ang may kagagawan nito.
“Paano ‘yan kapag nalaman ni Tito Marco? Hindi mo pa naipapakilala si papa Jeremy ng pormal sa kanila bagsak na kaagad siya, tsk tsk!” Iiling-iling namang wika ni Nina na nasa bandang bintana nakaupo.
“Humanda talaga sa’kin ang ipis na ‘yon lalatayan ko talaga siya at titirisin ko nang pino.” Naibagsak ko ang palad ko na nakakuyom at malalim ang aking paghinga dahil sa inis sa kaniya.
Pagkatapos ng sunod-sunod na klase ko ay si Jeremy naman ang haharapin ko. Naiinis talaga ko sa kadaldalan ng ipis na ‘yon. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko sinabi sa kaniya na ilihim ang bagay na ‘yon. Masyadong exaggerated din ang insektong iyon kaya pati ang kasal-kasalan namin ay pinagkalat pa niya.
Nagtungo ako sa court kung saan sila nagpapractice pero wala siya roon. Sa laki ba naman ng school namin ay hindi kaya ng isang araw lang kung hahagilapin mo siya kaya dapat alam mo kung saan siya parating naglalagi. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage naman ang telepono niya kaya mas lalo akong nainis.
“Peste ka talaga Jeremy! Sa tuwing tatawagan na lang kita laging nakapatay ‘yang telepono mo!” Sigaw ko kaya ang ibang mga dumaraang estudyante ay napapatingin sa’kin.
Papunta naman ako sa locker room nila nang makita ko si Macky na nakasandal sa pader at tila may kausap sa kaniyang telepono. Hindi ko muna siya nilapitan dahil mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.
“Love naman please, hanggang kailan natin itatago sa kanila? I can’t wait any longer. Kaibigan mo sila at maiintindihan ka nila. I want to take care of you and our baby.” Namilog ang mga mata ko sa gulat dahil sa huling sinabi nito.
Nang matapos siyang makipag-usap sa kaniyang telepono ay saka lamang ako lumapit at nagkunwaring walang alam. Baka isipin pa niya ay dakilang tsismosa ako. Pero hindi ko naman sadyang marinig ‘yon kung hindi ko lang talaga hinahanap ang ipis na asawa-asawahan ko.
Nagulat pa siya nang makita ako at kaagad niyang inilagay sa bulsa niya ang kaniyang telepono. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at kaagad na ngumiti siguro ay para maitago ang kanina’y nararamdaman niya.
“What are you doing here Madie? Hinahanap mo ba ang asawa mo?” Alam kong inaasar niya lang ako kaya pilit akong ngumiti sa kaniya.
“Ah, oo nasaan ang asawa ko?” May diing tanong ko sa kaniya.
“Nasa locker siya ngayon katatapos lang kasi naming maglaro at nalili__” Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya nang lagpasan ko siya para pumunta sa locker room nila.
Tinawag pa ako ni Macky pero hindi ko na siya pinansin pa. Hindi na ako kumatok at basta ko na lang binuksan ang pintuan. Napamaang pa ako sa aking nakita at hindi kaagad ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung tatakpan ko ba ‘yong mata ko o tatalikod at tatakbo palabas.
“Oh my God! s**t! I’m sorry!” Sigaw ko at nagdadalawang-isip pa akong takpan ang mga mata ko dahil sa pagkapahiya.
Bakit naman kasi pagala-gala sila ng naka-brief lang at bakat na bakat ‘yong ano nila? Iyong iba naman nakita kong nakatalikod at ni walang suot na brief. My God! Ang weird naman nila naging makasalanan tuloy ang mga inosente kong mata.
Nagulat na lang ako ng may biglang humila sa’kin at niyakap ako. Pag tingala ko ay si Jeremy na masama ang titig sa mga lalaking nagbibihis. Lilingon pa sana ako nang ilihis niya ang ulo ko at siya na ang nagtakip sa mga mata ko.
“Don’t you ever turn around kung ayaw mong madagdagan ang kasalanan mo.” Bulong niya na nakapagpataas ng balahibo ko sa katawan. “All of you, take your clothes on and get out”
“Don’t worry Jer, hindi naman nakita ng personal ng asawa mo ‘yong sandatang nakakabit sa’min eh.” Sabi noong isa na tatawa-tawa pa.
“Shut up!” Hindi siya kumalas ng pagkakayakap sa’kin habang nakatakip pa rin ang isang palad niya sa aking mga mata.
At nang alam kong wala ng tao sa paligid ay doon ko na siya itinulak at pinamey-awangan pa. Pinagkrus naman niya ang mga braso niya at tinaasan pa ako ng kilay. Aba’t siya pa ang may ganang magalit ngayon dahil sa ginawa niyang pagkakalat ng balita. Malalagot ako sa daddy ko niyan kapag nalaman niya na hindi naman talaga totoong kasal ‘yon.
“What did you do?” Inis kong turan sa kaniya.
“Do what? Ah, gusto mong makita ‘yong ano nila ‘no? That’s why you’re mad.” Namilog ang mga mata ko at gusto kong tirisin na talaga ang ipis na ‘to.
Napapikit na lang ako nang mariin at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili kong mas lalong mainis sa kaniya. At nang magmulat ako ay mas lalo kong ikinagulat na maghubad siya sa harapan ko at akmang huhubarin na niya ang suot niyang short ay kaagad ko siyang pinigilan.
“Hoy Jeremy ano bang ginagawa mo?!” May halong inis kong sigaw sa kaniya.
“Taking my clothes off”
“I know, what I mean is, bakit naghuhubad ka?” Ngumisi siya sa’kin at unti-unti naman siyang humahakbang palapit sa’kin.
Napapaatras ako hanggang sa napasandal na lang ako sa may pintuan. Napalunok akong bigla at mariing humawak sa seradura noon. He’s looking at me gently and I don’t know what’s on his mind. Ewan ko ba, sa tuwing titingnan niya ako sa ganoon ay bigla na lang akong kinakabahan na para bang hindi na ako masanay-sanay sa ganoong awra niya.
Itinukod niya ang isang palad niya sa gilid ko at bahagya pa siyang bumaba para magpantay kami. Sunod-sunod na paglunok ang iginawad ko at hindi ko mawari ang kakaibang pakiramdam ko ngayon.
“I miss to touch you, my lovely wife,” mahinang wika niya.
“Je-jeremy naman”
“You used to tease me that sugar what, and then Jeremy na lang?” Ngumuso ako at umiwas sa kaniya nang tingin. “What did I tell you my wife? Sabi ko ‘di ba pagnanasaan mo lang dapat ‘yong katawan ko at hindi ka puwedeng tumingin sa iba?” Binalingan ko siya nang tingin at sabay tulak ko naman sa kaniya.
Naisuklay ko naman ang mga daliri ko sa mahabang buhok ko at pinasadahan pa ng aking dila ang ibabang labi ko. Loko talaga ‘tong ipis na ‘to pati ba naman ‘yon big deal sa kaniya.
“Malay ko ba na nakahubad pala sila. At saka hindi ko naman sinasadyang makita ‘yong malaking ano nila eh!” Napatulala akong bigla at napagtanto ang aking sinabi.
Si Jeremy ay nakamulagat sa’kin at tila nagulat din sa aking sinabi. Napatapik na lang ako sa aking noo at ng muli ko siyang tingnan ay pinanliitan niya ako ng mata na para bang sinusuri ako.
“Ahhm, ano kasi eh.” Tumikhim pa ako na para bang bigla akong nasamid sa pagpapaliwanag sa kaniya. “I mean, ano kasi__”
“Is it huge?”
“Oo. Ah hindi!”
Nalintikan na! Ano bang problema ng ipis na ‘to? E ano naman sa kaniya kung nakita ko, hindi ko naman kasi sinasadya.
“Wow Madeline, you really something else,” sarkastikong saad pa niya.
“Teka nga muna ha, dapat ako pa nga ang magalit dahil sa ginawa mo eh.” Pinamey-awangan ko siya at sinamaan pa siya nang tingin. “Bakit mo pinagkalat na kinasal tayo? Saka naka-post pa siya sa mismong site nitong school. Hindi mo ba alam na baka malaman ‘yon ni daddy? Patay ako nito eh.” Nagpapadyak pa ‘ko dahil sa inis sa kaniya.
Napaka-sira-ulo talaga ng ipis na ‘to. Kapag nalaman nga ng tuluyan ni daddy ang ginawa kong kalokohan at dahil sa kadaldalan ng ipis na ‘to hindi ko tuloy siya maipapakilala ng maayos sa pamilya ko.
Lumapit naman siya sa’kin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Tila wala na ang inis sa kaniyang mukha at mahina pa itong bumuntong-hininga. Niyakap niya ako at hinaplos naman ang aking buhok na para bang sinasabi niyang huminahon ako.
Bakit ba sa simpleng haplos lang niya ay nag-iiba na ang pakiramdam ko? Okay pa ba ako? Wala naman sigurong masama kung maging marupok ako paminsan-minsan.
“Hindi ako ang may gawa no’n.” Humiwalay siya sa’kin nang pagkakayakap at tinitigan ako. “Don’t worry, hindi ako gagawa ng isang bagay na ikapapahamak mo. Don’t you trust me?”
Hindi ako sumagot at basta lamang nakatitig sa kaniya. Alam kong hindi siya nagsisinungaling dahil natuto ko na ring basahin ang mga mata niya kung nagsasabi ba siya ng totoo.
Ngumiti lang ako sa kaniya at marahang tumango. “Who is it anyway?”
“Isang tsismosa na napadaan at pinost kaagad ‘yon. Don’t worry my wife, it’s already deleted.” Namilog ang mga mata ko at kaagad kong kinuha ang aking telepono para i-confirm ‘yon.
Nakahinga na ako nang maluwag at binalingan ko naman si Jeremy ng may matamis na ngiti. Hinawakan niya ang isang pisngi ko at pagkuwan ay hinalikan ako sa aking noo.
“Do I have a reward?” Bulong niya.
“Okay, my treat. Where you do want to eat?”
“Here,” tipid niyang sagot.
“Hmm? Okay, sige mag-order na lang tayo tutal wala naman__” Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko nang hilahin niya ako at ipinasok sa loob ng banyo.
Isinandal niya ako sa pader at parehong mabibilis ang aming paghinga. Mahigpit akong nakakapit sa kaniyang braso at masuyo niyang hinaplos ang mukha ko pababa sa aking mga labi.
“What I mean is, here. I want our honeymoon memorable”
“W-what? P-pero Jeremy__” Hindi na ako nakapagsalita pa nang sakupin niya ang aking mga labi.
Mas lalong humigpit ang kapit ko sa kaniyang mga braso at pagkuwan ay isa-isa niyang tinanggal ang aking mga saplot at hinagis sa kung saan. This is not the right time and place to do this, but how can I resist him? Tila may sariling isip ang katawan ko at basta na lamang sumunod kay Jeremy.
He kissed my neck down to my breast and then he licked it. Napasabunot ako sa kaniya habang ginagawa niya ‘yon at hindi ko namalayan na napihit ko na pala ang shower. Ang lamig na nararamdaman namin na mula sa shower ay balewala kumpara sa init ng pagtatagpo namin.
Lumuhod siya sa harapan ko at isinampay niya ang isang hita ko sa kaniyang balikat. Sinimulan niyang sipsipin ang aking p********e at kitang-kita ko kung paanong paghagod ng dila niya ang kaniyang ginagawa. Halos mawala na ako sa ulirat at hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang aking ulo.
Ilang minuto pang tinagal niya sa aking ibabang bahagi ay saka lamang siya tumayo at hinubad ang kaniyang natitirang saplot. Halos hindi ko ‘yon matingnan at tanging sa mukha lang niya ako nakatingin.
Lumapit pa siya sa’kin at bumulong. “Bakit ngayon hindi ka makatingin sa ibaba ko? Mas gusto mo bang tingnan ‘yong iba kaysa sa’kin?”
Tiningnan ko pa siya nang masama at unti-unti kong ibinaba ang mga mata ko sa kaniyang sandata. Napalunok ako at umiwas na lang doon nang tingin.
Bakit ba ngayon ko lang napagtanto na mahaba at mataba pala ‘yon? My gosh! Nagkasya ‘yon sa’kin? Kung ikukumpara ko ‘yon sa nakita ko kanina wala silang sinabi sa kargada ni Jeremy.
“I am f*****g mad Madeline, hindi ka dapat tumitingin sa iba.” Inilagay niya sa baywang niya ang isang hita ko at sinimulan na niyang ipasok ang p*********i niya sa’kin.
Aaminin ko, this is not my first pero may sakit pa rin akong nararamdaman sa tuwing ipapasok niya ‘yon sa aking loob. Marahan lang siyang umulos at ang mga braso ko’y nakapulupot sa kaniyang leeg.
Habang tumatagal ay pabilis nang pabilis ang kaniyang pag-ulos at hindi ko na mapigilan ang mapaungol pa. Instead, he kiss me while doing that and he gently pressed my left breast.
Pareho naman kaming hinihingal at mahigpit niya akong niyakap. Marahan niyang ibinaba ang aking hita at ramdam ko pa rin ang panginginig noon. Muli niya akong hinalikan sa mga labi at pinagdikit niya ang aming mga noo.
“You get dressed before someone sees us.” Tumango lang ako at siya na ang nagpulot ng mga damit ko na nagkalat. Mabuti na lamang at hindi iyon nabasa at inihagis niya ito sa malayo. “Kukuha lang ako ng damit ko sa locker, wait for me here okay?” Dinampian niya pa ako nang halik sa aking mga labi bago lumabas ng banyo.
Nang maisuot ko na ang aking mga damit ay hinintay ko na lang siya rito dahil baka may makakita pa sa’kin oras na lumabas ako ng banyo. Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik si Jeremy kaya nagpasya na akong lumbas dahil baka kung ano na ang nangyari sa kaniya.
Marahan lang akong naglakad at pasilip-silip pa sa paligid kung may tao o wala. Pero ni anino ni Jeremy ay hindi ko nakita. Naihilig ko ang aking ulo at inisip na baka lumabas ito ng locker room. Pipihitin ko na sana ang seradura ng pintuan nang makarinig naman ako ng tila nag-uusap sa labas. Napahinto ako at unti-unting inalis ang pagkakahawak sa may pintuan.
“You better tell her the truth Jems. Ano bang kinakatakot mo at hindi mo masabi sa kaniya?” Tila bulong na sabi ni Mint kay Jeremy.
Anong totoo? May tinatago ba sa’kin si Jeremy na hindi ko puwedeng malaman? Pinagpatuloy ko ang pakikinig sa kanilang pag-uusap dahil sa aking kuryosidad. Kung tungkol ito kay Ulysses ay maiintindihan ko naman siya at hindi ko siya huhusgahan.
“Someday Mint, ayokong mamis-understood niya kapag nalaman niya ang tungkol sa__”
“Kaya ka nandito just to protect her right? Now do it. Love her as much as you could. Alam kong balang araw malalaman niya, pero sana hindi iyon ang maging dahilan nang pagsuko mo sa kaniya.” Parang nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa aking mga narinig.
Napaatras ako at dali-dali akong nagtungo sa banyo. Wala ako sa sarili kong napaupo sa toilet bowl at tulala. Iniisip ko kung anong ibig nilang sabihin na kailangan nang ipagtapat sa’kin ni Jeremy. Do I have to trust him this time?
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at kaagad akong dinaluhan ni Jeremy. Nagtataka siguro siya nang makita ako at hinawakan niya pa ang magkabilang kamay ko.
“Something bothering you? Masama ba ang pakiramdam mo?” May pag-aalalang wika niya.
Niyakap ko na lang siya na alam kong ikinagulat niya. May tiwala ako sa kaniya. Alam kong may dahilan at hihintayin ko ang araw na ‘yon na ipagtapat niya sa’kin kung ano man ang kailangan kong malaman. Humiwalay ako sa kaniya nang pagkakayakap at pilit na ngumiti sa kaniya.
“Let’s go somewhere else.” Kaagad kaming lumabas ng university at tinungo kung saan naka-park ang motor niya.
Napanguso ako habang kinukuha naman niya ang isang helmet sa kaniyang compartment. Akmang ilalagay na niya ito sa akin nang umiwas ako at pinag-krus ang aking mga braso.
“What? You told me that you want to go somewhere right?”
Tumango ako sa kaniya. “Mayaman ka nga, pero bakit laging motor ang gamit mo? Ni minsan hindi kita nakitang nagkotse man lang”
“Ayaw mo na bang sumakay sa motor? It makes you uncomfortable right?” Napamaang ako at mukhang mali yata ang pagkakasabi ko sa kaniya noon.
“Ahhm, I mean. Parati kasi kitang nakikitang naka-motor kung puwede ka naman din magkotse. Saka hindi ko naman sinasabi na hindi ako kumportable sumakay sa motor mo eh. I’m comfortable when I’m with you, kahit na kakarag-karag pa ‘yong sasakyan mo basta kasama kita ayos lang.” Napangiti naman siya at niyakap ako.
Nang humiwalay siya sa’kin ay hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palayo. Nagpara ako ng taxi at ng hindi ito gumalaw ay saka ko lamang siya binalingan.
“S-sasakay t-tayo riyan?” Nauutal niyang tanong sa’kin.
“Oo, ayaw mo ba? Gusto ko rin kasi ma-experience ang magcommute kung anong feeling. Pero kung ayaw mo okay lang naman”
“H-hindi naman. I-iba na lang ang sakyan natin ‘wag lang ‘yan.” Pansin ko ang pamumuo ng pawis niya sa kaniyang noo na ikinataka ko.
“Jeremy okay ka lang?” Hahawakan ko sana ang noo niya nang umiwas siya sa’kin.
Namumutla na siya at butil-butil na ang pawis sa kaniyang noo. Nataranta akong bigla at pinaalis na ang taxi na sana’y sasakyan namin. Binalingan ko siya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
“You don’t have to worry my wife, I’m okay. Nahilo lang ako siguro dahil sa pagod, pinagod mo kasi ako kanina eh”
“Jeremy naman eh! Halika dadalhin kita sa ospital.” Hihilahin ko na sana siya nang pigilan niya ako.
“I’m okay Madie. Look,” sabay turo niya sa isang pampasaherong jeep. “I want to ride that one”
“Are you sure?” Para naman siyang batang tumango.
Tumawid na kami sa kabilang kalsada at saka sumakay. Wala pang masyadong pasahero dahil pinupuno pa ang jeep. Natatawa naman ako sa itsura ni Jeremy dahil para talaga siyang batang paslit at palinga-linga sa kaniyang paligid. Pareho kaming hindi pa nakakasakay sa ganitong klaseng sasakyan at ito na siguro ang magandang experience ko kasama siya.
“Magbayad ka na,” siko ko sa kaniya.
Kinuha naman niya ang wallet niya at humugot doon ng isang libo. Nanlaki ang mga mata ko at akmang ibabayad na niya ito nang kunin ko ito mula sa kaniya.
“Bakit isang libo ang ibabayad mo? Wala ka bang barya?” Bulong ko sa kaniya.
Tiningnan niyang muli ang wallet niya at nakita kong puro tig-iisang libo ang laman noon. Napabuntong hininga na lang ako at ibinalik sa kaniya ang pera niya. Ako na ang magbabayad dahil baka pagalitan pa kami ng driver kapag iyon ang binayad namin.
Pagtingin ko naman sa wallet ko ay kahit bente pesos ay wala rin pala akong barya. Kaagad kong isinara ang pitaka ko at taka akong tinitigan ni Jeremy.
“Wala rin pala akong barya,” mahinang sabi ko sa kaniya.
“Tsss. Manong, do you accept any card?”
“Naku hijo, nagkamali yata kayo ng sinakyan. Dapat nag-grab na lang kayo. Naku naman! Ang mayayaman talaga o-o!” Iiling-iling na sabi ng driver.
“Here’s our payment and keep the change,” sabay abot ni Jeremy ng isang libo niya.
Alam kong galit na siya at padabog naman siyang sumandal sa kaniyang kinauupuan. Pinagtitinginan naman kami ng ilang pasahero at medyo nahiya ako dahil sa inasal niya. Hindi pa talaga kami nakakasakay sa ganito kaya gusto rin naman naming maexperience ang makasakay sa ganitong klaseng sasakyan.
Maya-maya pa ay may sumakay na ilang estudyante na tila nakikipag-unahan pa para makatabi si Jeremy o ‘di kaya ay masulyapan ito ng maigi. Napairap ako at umismid nang tingnan ko ang isang babae at halatang nagpapa-cute pa ito.
Umarko ang isang kilay ko at kaagad akong umangkla sa braso ni Jeremy at pinagsiklop ko pa ang aming mga kamay. Alam kong sinulyapan niya ako at saka ako nito hinagkan sa aking sentido. Napangiti ako nang makita ng babaeng iyon at saka ako nito inirapan.
Ilang minuto na rin ang tinatakbo ng jeep at nagsibabaan na rin ang ibang mga pasahero. Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta ni Jeremy at mukhang naligaw pa yata kami. Nagpalinga-linga ako sa dinaraanan namin at may nakita akong isang mall.
“Jeremy, baba na tayo do’n na lang tayo pumunta,” turo ko sa mall.
“Okay. Manong stop na po!”
“Ano kamo?!” Sigaw ng driver.
Umikot ang mata ko at napatapik na lang ako sa aking noo. Masyadong sosyal naman pumara itong lalaking ito.
“Dito na lang po kami manong.” Pagkahinto ng jeep ay bumaba na rin kaming kaagad.
Magkahawak kamay naman kami habang naglalakad kami sa loob ng mall at ngayon ko lang naranasan ang kakaibang saya kasama siya. Noon, kapag kasama ko siya ay parating na lang akong naiinis sa kaniya lalo na kapag kinukulit niya ‘ko. Pero this time, parang ayoko nang mawalay sa tabi niya gusto ko parati siyang nakikita at parati ko siyang kasama. Ito na siguro ang matinong date namin na magkasama bilang mag-boyfriend.
Nang maggabi na ay naupo naman kami sa isang malawak na parke malapit lang sa mall. Kumakain kami ng cotton candy na paborito ko noong bata pa ako.
“Paborito mo talaga ‘yan ‘no?” Tumango lang ako kay Jeremy habang sinisipsip ang cotton candy sa aking bibig. “You used to like that”
“Hmmn?” Tumingin ako sa kaniya at mahinang pinisil ang pisngi ko. “Nasaan na kaya siya?”
“Who?”
“Iyong batang nakilala ko noon. Hindi ko na nga matandaan ang itsura niya eh. Actually paborito rin niya ‘to eh”
“I don’t think so.” Sinulyapan ko si Jeremy at nagtaka dahil may kakaibang ngiti ang nakaukit sa kaniyang mga labi.
Tumikhim ako at kinain na lang ang natitirang cotton candy ko. Nang muli ko siyang sulyapan ay nakatitig pa rin siya sa’kin kaya roon na ‘ko nakaramdam ng pagkailang.
“Alam kong maganda ako, pero ‘wag mo naman ako masyadong titigan ng ganiyan.” Natawa na lang siya at umiling-iling.
Natahimik ako sandali at kanina ko pa rin gusto itanong ang ilang mga bagay. Wala akong karapatang manghimasok sa buhay niya pero alam ko na itinatago lang niya ang kalungkutan niya para masabing masaya siya.
“Jeremy, I want to know the other side of you.” Kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka. “I want to know you better if it is okay with you?” Mapait siyang ngumiti at narinig ko pa ang mahinang pagbuntong hininga niya.
Doon pa lang ay ramdam ko na ang bigat na nararamdaman niya. Wala siyang karamay kapag may problema siya. Hindi niya masabi na nasasaktan siya at higit sa lahat wala siyang magulang na handa siyang damayan kapag nasasaktan siya.
“I have a half brother. Anak siya ng daddy ko sa ibang babae. It’s hard to accept the fact that I have a brother pero it’s not a big deal for me. Wala naman siyang kasalanan sa pagkakasala ng mga magulang namin. I accept him and we became friends also.” Mataman lang akong nakikinig sa kaniya at siya nama’y nakatingin sa malayo.
Sandali siyang huminto at para bang nagpipigil lang siya sa kaniyang pagluha. Hinawakan ko ang isang kamay niya at doon lang niya ako sinulyapan. Ngumiti siya sa’kin pero malungkot ang kaniyang mga mata.
“Go on, makikinig ako”
“My mom, want a seperation but my dad don’t like it. Alam kasi ni mommy na mas minahal ng daddy ko ‘yong inanakan niya. Their marriage didn’t work out dahil isa lang ‘yong kasunduan. Until one night, hindi na ako nakatiis. Niyaya ko na si mommy umalis ng bahay para iwan si daddy. And then, we had an accident, and that is my, it is my__” Hindi ko na siya hinintay pang tapusin ang kaniyang sasabihin nang hawakan ko ang magkabilang pisngi niya at iharap sa’kin.
Alam kong sisisihin na naman niya ang sarili niya dahil sa pagkamatay ng mommy niya. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan. All this years kinaya niya ang lahat nang sakit.
Ayoko munang sabihin sa kaniya na alam kong si Ulysses ang kapatid niya dahil ayokong dagdagan ang sakit na nararamdaman niya. Gusto kong siya mismo ang magsabi sa akin noon.
Namumula ang mga mata niyang nakatitig sa’kin at pagkuwan ay siya na ang umiwas sa’kin. Huminga siya nang malalim at tumingin sa kalangitan na para bang nakikita niya roon ang mommy niya.
“I don’t want to be like them. I want to build a happy family that I never got.” Muli niya akong sinulyapan at hinaplos ang aking pisngi. “And that is you Madeline. Ever since, my heart beats only for you.” Nangunot ang noo dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
Ipinagkibit-balikat ko na lamang ito dahil iyon marahil iyong pagkikita namin na tinagusan pa ako at siya pa mismo ang nakakita noon. Unang araw pa lang ay inis na inis na ‘ko sa kaniya dahil sa kagaspanagn ng pag-uugali niya. But now, I am deeply in love with him. At siya lang din ang gusto kong kasamang bumuo ng isang masayang pamilya tulad ng nais niya.
Pauwi na kami at naglalakad sa gilid ng kalsada ng may mahagip ako na pamilyar sa’kin. Tinitigan ko pa ito at nakilala ko ito nang humarap siya kung saan kami naroroon. Tila may hinihintay siya at tatawagin ko sana siya nang may isang babaeng lumapit sa kaniya. Pinagbuksan niya ito ng pintuan ng kotse at hindi ako makapaniwala kung sino ang babaeng iyon. Napatulala na lang ako at para bang hindi makapagproseso ng maayos ang isip ko.
“Baby Madie, are you okay?” Napatingala ako kay Jeremy at nagtaka naman siya sa inasal kong iyon dahil nakatulala lang ako sa kaniya. “Baby, may masakit ba sa’yo?” Hinawakan niya pa ako sa magkabilang balikat ko at kita ko ang pag-aalala niya sa kaniyang itsura.
“I saw M-macky and, and…”
“And who?”
“E-ellaine, t-they’re t-together,” nauutal kong sabi sa kaniya.
“What? How did they know each other?” Umiling ako sa kaniya at muling tiningnan kung saan ko sila nakita pero wala na sila roon.
May kutob ako na baka si Ellaine ang kaninang kausap ni Macky. And she got pregnant? Napapikit na lang ako at umiling-iling dahil baka mali lang ang iniisip ko at baka nagkataon lang na nagkita ang dalawa at isinabay ni Macky si Ellaine.