CHAPTER 32

3971 Words
Maaga akong pumasok kahit na may isang oras pa bago ang unang klase ko. Kasabay ko naman si Jk at hihikab-hikab pa itong naglalakad. Tiningnan ko siya sa aking likuran at masama ang tingin nito sa akin. Mamaya pa rin kasi ang klase niya at niyaya ko na siyang pumasok para naman hindi obvious na si Jeremy talaga ang sadya ko. Sa locker kasi kaagad dumederetso si Jk at kinukuha nito ang gagamitin niyang damit panglaro. Pagkapasok namin sa main building ay nagkakagulo na agad ang ilang estudyante at ang iba naman ay napapasigaw pa dahil sa gulat. Nagkatinginan pa kami ni Jk at nilapitan sila kung ano ang nangyayari. Nang makalapit na kami ay napatutop ako sa aking bibig nang makita si Jeremy na tila nag-aapoy sa galit. Hawak nito ang kuwelyo ng isang lalaki at duguan na rin ang bibig. Mas lalo kong ikinagulat nang suntukin niya ito at napahiga sa semento. Lalapitan ko sana siya nang pigilan naman ako ni Jk sa kaliwang braso ko. Mariin siyang umiling at ayaw niyang makialam ako sa gulong kinakaharap ni Jeremy. Narinig ko pa ang malakas na mura ni Jeremy kaya napabaling muli ang tingin ko sa kaniya. Nakaibabaw na siya sa lalaking kaaway niya at akmang susuntukin niya itong muli nang isigaw ko ang pangalan niya na ikinahinto niya. Naiwan sa ere ang kamao niya at kita ko ang gigil sa kaniyang itsura. Mabilis akong lumapit sa kinaroroonan nila at hinila ko si Jeremy patayo. Mabibilis ang kaniyang paghinga at nakakuyom pa rin ang palad niya. Nang tingnan ko naman iyong lalaking estudyante ay hirap itong tumayo at pikit na rin ang isang mata nito. Napapikit na lang ako at hinarap si Jeremy na hindi inaalis ang masamang tingin doon sa estudyanteng binugbog niya. “What do you think you’re doing Jeremy?” Binalingan naman niya ako ng walang emosyon ang mukha. “Out of my way Madeline, I’m not done yet.” Akmang susugurin niya itong muli nang pigilan ko siya. Mahigpit ang kapit ko sa braso niya at sinamaan pa ako nito nang tingin. Hindi ko hahayaang parati na lang siyang ganito kapag nagagalit siya sa isang tao. Sinulyapan ko ang mga estudyanteng nakatingin sa amin at ang iba pa ay kinukuhanan pa siya ng video. Napabuntong hininga na lang ako at pilit kong pinapakalma ang aking sarili. “Umalis ka na, ako na ang bahala sa kaniya.” Tukoy ko sa lalaking estudyante at na kay Jeremy ang atensyon ko. Nangunot ang noo ni Jeremy pagkasabi kong iyon at malakas pa itong bumuga sa hangin. Namay-awang pa ito at saka yumuko, at pagkuwa’y binalingan ako. “Do you know what that f*****g bastard did?!” Sigaw nito at dinuro pa ang lalaking nakaaway niya na nasa aking likuran. “W-wala n-naman akong ginagawang__” “Shut up! Or I’m gonna kill you right now!” Muling sigaw ni Jeremy. Kaagad na umalis iyong lalaking estudyante at hahabulin pa sana ito ni Jeremy nang humarang ako sa harapan niya. Nagsukatan kami nang tingin at pagkuwan ay siya na rin ang umiwas. Hinila ko siya palayo at dinala siya sa isang bakanteng classroom. Humalukipkip ako sa harapan niya at tinaasan pa siya ng kilay at hinihingi ang paliwanag niya. “What did I saw earlier Jeremy? Kulang na lang mapatay mo siya eh” “Matigas mukha niya kaya hindi siya basta mamamatay.” Napairap na lang ako at naisuklay ko ang aking buhok dahil sa inis sa kaniya. “Kita mo ’yong ginawa mo sa kaniya, paano kung magreklamo ‘yon at maexpelled ka?” Tinaasan niya ‘ko ng kilay at nginisan ako. Ito ang ayaw ko sa kaniya masyadong mainitin ang ulo. Ayoko lang na mapahamak siya at kung maaari ay babaguhin ko siya sa abot ng makakata ko. Lumapit pa siya sa’kin at kita ko pa rin sa mga mata niya ang nagbabagang galit nito. Napalunok ako at hindi pinahalata sa kaniya na natatakot ako. “Do you know what really happened? You’re not bothered to ask me why. I’m f*****g mad Madie! I am fuckin’ want to kill that jerk!” Pagkasabi niyang iyon ay walang pag-aalinlangang nasampal ko siya. Maging ako ay nagulat sa aking tinuran. Hindi ko gusto ang ikinikilos niya ngayon. Para bang ibang tao siya, nagiging mabangis kapag nagagalit. Marahan siyang tumingin sa’kin at naisuklay na lamang niya ang kaniyang mahahabang daliri sa kaniyang buhok. Bumuga siya sa hangin at pagkuwan ay pinasadahan ng kaniyang dila ang ibabang labi nito. Walang nagsalita sa’min at tila napipi kami pareho dahil sa pagkabigla. Ilang sandali pa’y ako na ang bumasag ng katahimikan. “I-I’m s-sorry Jeremy, I didn’t mean that” “Of course you’re disappointed.” Bahagya siyang lumapit sa’kin at hinaplos ang aking pisngi. “I’m sorry if you have a boyfriend like me” Umiling ako sa kaniya at hinawakan ko ang pisngi niyang nasampal ko. “Nabigla lang ako, hindi ko kayang makita kang nagkakagano’n.” Ngumiti lang siya sa’kin at huminga nang malalim. “Sige na pumasok ka na baka malate ka pa sa first class mo.” Pagkasabi niyang iyon ay mabilis siyang tumalikod sa’kin at lumabas na ng classroom. Hindi siya galit, pero ramdam kong masama ang loob niya sa’kin. After my class, I went straight to the canteen. And there I saw my two friends bluffing each other. Walang gana akong umupo sa kanilang harapan at inabutan naman ako ni Nina ng paborito kong pagkain. Napangiti ako at hindi pinahalata sa kanila ang nararamdaman ko ngayon. “Have you heard Madz na nakipag-away daw si Jeremy kanina?” Natigilan ako at mataman kong tinitigan si Nina. “Ah, yes,” tipid kong sagot. Naalala ko na naman ‘yong ginawa ko kay Jeremy kanina. I know he doesn’t want to talk to me right now. At ang magagawa ko lang ay palipasin na muna ang galit niya. “Ang tanga naman kasi no’ng lalaking ‘yon eh. Ang nakarinig pa ay mismong si Jeremy, tsk tsk. E ‘di bugbog-sarado siya ngayon.” Taka kong sinulyapan si Ellaine na nilalantakan ang three layer burger niya. “Anong sinasabi mong narinig ni Jeremy?” Nilunok muna niya ang kinakain niya bago nito ako sagutin. “Kaya siya napaaway it’s because of you Madz” “W-what? Pero bakit? Anong ginawa ko?” Naguguluhan kong tanong. Papalit-palit naman ang tingin ko sa kanilang dalawa at humalumbaba naman si Nina sa lamesa. Napataas ang kilay ko dahil lumabas na naman ang kakaibang ngisi nito. Inirapan ko siya at pabiro ko siyang binato ng plastic na pinaglagyan ng burger. “Wala ka talagang idea Madz?” Tanong ni Nina. “Magtatanong ba ‘ko kung alam ko? Nag-away na nga kami kanina dahil diyan eh. And the worst is, nasampal ko__” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at mariin na lang akong napapikit. “What?! Sinampal mo siya?” Sabay pa nilang tugon. Nagpalinga-linga pa ako dahil ang iba ay nakatingin sa amin. Napatapik na lang ako sa aking noo at hinilot ang aking sentido. Tumabi naman sa’kin si Ellaine at iniharap ako nito sa kaniya. Pinanliitan niya ‘ko ng mata at alam ko na ang ibig niyang sabihin. Pagdating talaga kay Jeremy ay mas kampi pa sila roon kaysa sa akin. Ewan ko ba kung ano ang pinalamon ng ipis na ‘yon sa mga kaibigan ko. “What’s with you Madz? Nakipag-away siya because of you. Ayaw na ayaw niya na may bumabastos sa’yo o ‘di kaya ay may naririnig siyang hindi maganda tungkol sa’yo.” Napamulagat ako dahil sa sinabi ni Ellaine. “A-anong sinabi mo?” “Hay naku Ellaine, mahal daw niya si Jeremy pero hindi naman niya alam ang puno’t dulo kung bakit siya nagkagano’n,” nakaismid namang wika ni Nina. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo palabas ng canteen. Hinanap ko si Jeremy sa mga posible niyang puntahan pero wala siya roon. Hindi ko rin makita ang mga kabigan niya na parati niyang kasama para itanong siya. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage naman ang telepono niya. Siguro nga ay nagtatampo siya sa’kin at ayaw niya akong makausap. Babalik na sana ako sa loob ng campus nang makarinig naman ako ng tila nag-uusap. Tahimik sa paligid dahil oras na ng klase ng ibang estudyante. Hindi ako maaaring magkamali, tinig ‘yon ni Jerremy at medyo mataas ang boses nito sa kaniyang kausap. Dahil sa kuryosidad ay lumapit pa ako at hinanap kung nasaan siya. Nakita ko siyang nakatayo pero hindi ko makita kung sino ang kausap niya dahil natatakpan ito ng pader. Prente lang siyang nakatingin kung sino man ang kausap niya at ang dalawang kamay niya ay nasa kaniyang bulsa. “I don’t know what’s your reason and what’s your motive why you’re here. Umalis ka na ‘di ba? Pero bakit ka pa bumalik?” Mahinahon niyang sabi pero ramdam ko ang galit niya habang binibigsak ang katagang ‘yon. “Ah, is it because of her?” Dagdag pa niya. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Biglang kumuyom ang palad niya at nanlaki ang mga mata ko dahil baka bigla na lang niyang suntukin ang kausap niya tulad ng ginawa niya kanina roon sa kaaway niya. Lalapitan ko na sana siya para pigilan ang binabalak niya nang marinig ko namang magsalita ang isang pamilyar na boses. Mariin akong napalunok dahil kahit hindi ko siya nakikita at natatakpan ito ng pader ay kilalang-kilala ko ang boses na ‘yon. “Ikaw ang pinunta ko rito. I’m sorry if I left you, pero maniwala ka Homer__” “Don’t you fuckin’ call me that again! We’re strangers at hindi na tayo magkakilala. Don’t you dare call me in my second name because I hate it” Nagulantang akong bigla sa narinig ko at hindi makapaniwala. Ano pa ba ang hindi ko alam kay Jeremy bukod sa isiniwalat ni Mint? Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang magawang tanungin siya. “Jeremy, hindi ko hinihingi na patawarin mo ‘ko. Gusto ko lang na__” “You left me without any words! Ikaw lang ang naging kakampi ko. Kahit na anak ka ni daddy sa ibang babae tinanggap kita! So, what did you do to me noong kailangan ko ng kapatid? Tapos ngayon magpapakita ka as my brother. That’s bullshit!” Bawat salita niya ay parang tumatagos sa aking dibdib. Ako ang siyang nasasaktan dahil ganoon na lang kahirap ang kaniyang pinagdaanan. Kaagad ko namang pinunasan ang luhang dumaloy sa aking pisngi na hindi ko namalayang tumulo na pala. “You want her?” Dagdag pa niya. “Kaya kong ibigay ang lahat ng kayamanan ko sa’yo, pero siya? Hindi mo puwedeng kunin ang pag-aari ko na kailanman ay hindi naging sa’yo.” Hindi na niya ito hinintay pang magsalita nang tumalikod na rin si Jeremy at naglakad palayo. Nakatanaw naman ako sa kaniya habang papalayo siya at doon ko na nakita ang kanina’y kausap niya. Nakamasid din siya kay Jeremy at kita ko ang pagnanais niyang magkaayos silang magkapatid. Kung tutuusin ay bihira lang na may tumatanggap na may kapatid pala sa iba ang ama nila. Pero si Jeremy ay tinanggap niya si Ulysses kahit na anak ng daddy niya ito sa ibang babae. But how does it happened? Ni walang binabanggit si Ulysses about sa kapatid niya na si Jeremy pala. Matagal na kaming magkaibigan since elementary pa lang at isa pa tanging mama na lang niya ang nag-iisa niyang kamag-anak at ang tatay daw niya ay matagal ng patay. Alam kong may mabigat na rason kung bakit hindi niya sinabi sa amin ang totoo at nirerespeto ko ‘yon. Hihintayin ko ang araw na handa na silang sabihin ang totoo. Saktong pagpihit ko ay muntikan pa akong mapatalon sa gulat nang makita ko si Mint na nakangiti sa’kin at tila hinihintay ako. Lumapit pa siya sa’kin at hinila naman ako palayo sa lugar na ‘yon. Dinala niya ako sa soccer field at naupo naman kami sa pinaka-itaas. Malawak ang field at ilang mga estudyante ang naglalaro roon. Inabutan niya ako ng in-can softdrinks at kaagad ko naman itong binuksan at nilagok. Nasa naglalaro pa rin ako nakatuon pero ang isip ko ay lumilipad sa naging pag-uusap ni Jeremy at Ulysses. “Something bothering you?” Sinulyapan ko si Mint na nasa aking tabi at siya naman ang nanunuod sa mga naglalaro. “Kanina ka pa ba nandoon?” “Hmmn,” tipid niyang sagot at saka siya tumingin sa’kin. So, you knew?” Nahihiya naman akong tumango sa kaniya at nagpakawala ng malalim na paghinga. “He doesn’t want to talked about it. He’s hurt at hindi ‘yon basta-basta magagamot lang” Mataman lang akong nakikinig sa kaniya. Ibig sabihin ay si Jeremy ang dahilan kung bakit lumipat ng school si Ulysses. Gusto niyang magkaayos sila pero sa nakikita ko ay hindi pa handang patawarin ni Jeremy si Ulysses sa pag-iwan nito sa kaniya. “What happened to them? At saka matagal mo na rin bang kilala si Ulysses?” Bumuga pa siya sa hangin at tipid na ngumiti. “When I first saw him na magkasama kayo, I knew it was him. His eyes, his nose are similar to Jems” Totoo nga na may pagkakahawig silang dalawa pero hindi ko inakala na totoo ang hinala ko. Akala ko ay may pagkakahawig lang sila pero ngayon naging totoo na ang kutob ko. “Pero bakit mo ‘ko tinanong kung boyfriend ko siya?” “That’s my way to introduce myself to you” “Eh?” Mahina pa siyang tumawa at binalingan naman ako. Hinawakan niya ang isang kamay ko na ikinataka ko na para bang may kung ano ang ibig sabihin noon. Nag-alala akong bigla at alam kong tanging si Mint lang ang makakapagsabi ng tungkol kay Jeremy. “Mint, may problema ba? May kailangan ba kong malaman tungkol kay Jeremy?” “Jems is a nice guy. Wala kang ibang gagawin kun’di ang pasayahin siya. Alam kong nakakagulat ang pinapakita niyang kagaspangan minsan ng ugali niya pero believe me he’s not like that. Sinasaktan niya minsan ang sarili niya kapag sobra siyang nagagalit at ayoko nang maulit pa ‘yon. Try to understand him Madie” Malapad akong ngumiti sa kaniya at tumango. Ginantihan din niya ako ng matatamis na ngiti. Masuwerte si Jeremy dahil nagkaroon siya ng isang kaibigan na katulad ni Mint. Hindi ko akalain na magiging kaibigan ko rin siya lalo na sa ganitong sitwasyon. “May ipapakiusap sana ako sa’yo kung puwede?” Tumango naman siya bilang pagpayag. I have a plan at alam kong ito ang gusto rin ni Jeremy. Kahit na hindi naman talaga ito totoo pero ipapakita at ipaparamdam ko sa kaniya na nandito lang ako sa tabi niya at kaya siyang intindihin sa kabila ng mga pinagdadaanan niya. Tuwang-tuwa naman si Mint at napayakap pa sa’kin at halatang excited ito. Hinayaan ko na muna si Jeremy at hindi na muna siya kinausap dahil alam kong nagtatampo pa rin siya sa’kin. Sana lang ay gumana ang plano namin ni Mint and that’s my way to say sorry to him. Nandoon na kami sa lugar at hinihintay na lang siya. Nagulat pa ako nang hawak ni Macky at Brian si Jeremy sa magkabilang braso at may piring ang mga mata. “Asshole! Let me go! Ano bang kalokohan ‘to ha Macky?!” Sigaw niya at nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kaniya. Binalingan ako ni Macky na alam niyang nagtataka ako dahil hindi naman ito ang sinabi ko sa kanila. Nalintikan na! Lalong magagalit si Jeremy kapag nalaman niyang ako ang may pakana nito. Oh Diyos ko! Gabayan niyo sana ako sa karagdagang galit ng ipis na ito. “Sorry Madie ayaw kasing sumama eh” “Madeline?” Kaagad namang tinanggal ni Jeremy ang telang nakapiring sa kaniyang mga mata at pilit na inaaninag ako. Nagpalinga-linga pa siya at gulat niyang tinitigan sina Ellaine at Nina at gayon din si Mint na nasa aking tabi. Napabuntong hininga pa siya at masamang tinitigan naman ang dalawang kaibigan niya na si Macky at Brian. “Kasi naman ayaw mong sumama sa’min eh. Gusto mo pang kakaladkarin ka,” ani ni Brian. Binalingan ako ni Jeremy na may pagtataka at para akong napipi bigla dahil sa klase ng mga tingin niya. Siniko naman ako ni Mint at inginuso si Jeremy hudyat na sabihin ko na ang binabalak ko. “Ahhm, a-ano kasi eh, m-may g-gusto sana akong sabihin” “Now, say it. At bakit dito pa sa chapel? Saka bakit kasama sila kung may sasabihin ka lang naman?” Halatang irita na ito. Napasimangot naman ako at nilapitan siya. Ni hindi man lang siya nagulat at umiwas na lang sa’kin nang tingin. Kainis talaga itong ipis na ‘to! Kung hindi ko lang siya mahal hindi ko gagawin ito eh. Huminga muna ako nang malalim at hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatitig sa kaniya. “Let’s get married.” Mabilis na napabaling ang tingin niya sa’kin at tumaas naman ang isang kilay nito. “What?” “Bingi ka ba? Sabi ko magpakasal__” “I don’t want to.” Tila nabingi ako sa sinagot niya sa’king iyon. Nagulat ako sa sinabi niya at maging ang mga kaibigan niya ay nagulat din. Nakailang lunok ako at hinihintay muli ang kaniyang sasabihin pero hindi na ito muling nagsalita pa. “Jems, alam mo ba kung ano ‘yang sinasabi mo?” Tanong ni Mint sa kaniya. “Yeah,” tipid niyang sagot pero sa’kin nakatuon ang atensyon niya. “All of you get out.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tinuran niya. Walang pag-aalinlangang lumabas sila ng chapel at kami na lang dalawa ang naiwan. Para na akong maiiyak dahil sa lamig ng pagkakatitig niya sa’kin. “What’s this Madeline? Is this the way you say sorry?” Hindi ako nakapagsalita at napayuko na lang. “You’re making me uncomfortable” “I’m sorry if you felt that way. Kalimutan mo na ‘yong sinabi ko, sorry sa nangyari kahapon. Sige na baka kasi may gagawin ka pa eh.” Tumalikod ako sa kaniya para punasan ang luhang pumatak sa aking pisngi. Natigagal ako nang yakapin niya ako mula sa aking likuran. Humigpit ang yakap niya kaya mas lalo ang naluha. Hinalikan niya ang tuktok ng aking buhok at pagkuwan ay iniharap niya ako sa kaniya. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa hiya at iniangat naman niya ang baba ko at doon lang ako napatingin sa kaniya. “You’re making me uncomfortable kasi dapat ako ang nagsasabi sa’yo niyan at hindi ikaw. Nagbago na ba ang isip mo at gusto mo na ‘ko pakasalan?” “For now, kasal-kasalan muna” “Paano kung ayoko?” Napamaang ako at unti-unti namang sumilay ang ngiti niya sa mga labi. “Kapag nag-I do ka na ibig sabihin akin ka na talaga at wala ng puwedeng umaligid sa’yo naiintindihan mo ba?” “I do. I do love you and love you more than you love me,” ngumiti ako sa kaniya samantalang siya ay seryoso lang na nakatingin sa’kin. “Jeremy, okay ka lang?” “Say it again please?” Kunwa’y napasimangot ako at halata sa kaniya na gustong-gusto niya ang naririnig niya. Shit ang puso ko! Ganito pala talaga kapag mahal mo na ang isang tao. Kahit anong pigil mo ay hindi mo talaga ito kayang pigilan kapag puso na ang kalaban mo. “I do love you Jeremy.” Pagkasabi kong iyon ay mabilis niya akong hinalikan sa mga labi. He kisssed me passionately like no tomorrow. His kissed gives me chill down to my bones. I really love him, I really do love him. Nang maghiwalay kami ay pareho naming habol ang aming paghinga at pinagdikit niya pa ang aming noo. Marahan niyang hinaplos ang aking mukha habang nakapikit naman ako at ninanamnam ang bawat haplos niya. Bahagya pa siyang lumayo sa’kin at may kinuha sa bulsa ng kaniyang pantalon. Nagtipa siya sa kaniyang cellphone at saka ipinakita iyon sa’kin. Napamulagat ako dahil sa nakasulat doon at saka naman siya binalingan. “I need you to sign that. Syempre dahil sa mag-asawa na tayo or soon to be husband and wife kailangan may pirma ka at pirma ko” “Ang childish naman niyan. Hindi ka nga nag-I do eh,” umikot pa ang mata ko sa ere. “Kahit hindi naman ako sumagot no’n alam mo naman kung ano ang isasagot ko kahit na hindi mo ‘ko tanungin. At saka anong childish? Ikaw nga nagyaya sa’kin magpakasal tapos ayaw mong pumirma,” nakanguso nitong reklamo. Heto na naman, nag-uumpisa na namang maggalit-galitan ang ipis na ito. Wala na akong nagawa kun’di sundin ang gusto niya. Pagkatapos kong gawin ‘yon ay masaya niyang tinitigan ang telepono niya. Kahit sa simpleng bagay na ‘yon alam kong napasaya ko na siya at iyon ang gagawin ko tulad nang sabi ni Mint. “What are you going to call me Baby Madie? Is it Honey, sweetheart, babe or my lovely husband?” Nakangiti pa niyang wika sa’kin. Napangiwi naman ako at hindi ko akalain na pati iyon ay kailangan pang gawin. Nahihiya ako na tawagin siya sa ganoon dahil siya ang unang boyfriend ko at hindi ko alam kung korni ba sa’kin na may gano’n pang tawagan. “Jeremy na lang, mas kumportable ako ro’n eh” “Tsss! I used to call you baby ever since tapos sa’kin Jeremy lang? Maging sweet ka naman paminsan-minsan,” reklamo niya pa. “Okay na kasi ‘yon bakit kailangan pa may tawagan?” “Ewan ko sa’yo. Let’s go, nagugutom na ‘ko.” Mabilis siyang tumalikod at mabibigat naman ang kaniyang hakbang. Cute naman palang magtampo ang isang ipis. Kung hindi pa siya naaasar ay aasarin ko pa siya nang aasarin kaso baka maging dragon na siya sa galit sa’kin. Bahala na, iyon na ang naisip kong tawag sa kaniya para unique naman. “Sugar pop wait lang!” Natigilan siya sa paglalakad at pumihit paharap sa’kin. “W-what? Su-sugar what?” “You’re my honeybunch, sugar pop pumpipumpipumkin, you’re my sweety pie,” sabay kanta ko. “Sugar pop, that’s what I want to call you” Bumuga siya sa hangin at humalukipkip. Base sa kaniyang itsura ay hindi niya gusto kung ano man ang itawag ko sa kaniya. Bahala siya, basta iyon ang itatawag ko sa kaniya sa ayaw at sa gusto niya. “Ano ‘yon sugar lolo?” Inirapan ko siya at umangkla na lang sa kaniyang braso at hinila na siya palabas ng chapel. “Let’s go sugar pop, nagugutom na rin ako” “Yuck that sugar pop! Palitan mo ‘yan Madeline, I hate that!” Gusto kong humagalpak nang tawa dahil sa pagkairita nito. Pagkalabas namin ay napatalon pa ‘ko sa gulat nang may magsaboy sa’min ng mga bulaklak. Si Ellaine at Nina ang nagsasaboy at sina Mint, Macky at Brian naman ang tiga-palakpak. “Congratulations to the newly wed, hindi na pala kami kailangan pinahirapan mo pa kaming kaladkarin ‘yang asawa mo,” natatawang turan ni Brian sa’kin. “Hala, humayo kayo at magpakarami. Huwag magkakalat sa labas laging sa loob ang bira!” Pinalo ko naman sa braso si Nina dahil sa lumalabas sa bibig niya. Kahit kailan bastos talaga ang bunganga ng kaibigan kong ito. “Ano ka ba Madz, sayang ang lahi niyan.” Napatapik na lang ako sa aking noo dahil sa kapilyuhan niya. “Lagot ka sa’kin Baby Madie. Sugar pop pala huh, well three pops ka sa’kin,” bulong niya nang makalabas na kami ng campus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD