Last day na ng school fair at inaayos na namin nila Nina at Ellaine ang mga gamit namin dito sa booth. Pupunta raw dito mamaya si Mama Tin dahil isasama raw niya ako sa orphanage kung saan siya lumaki. Malaki-laki rin naman ang nalikom namin at ibibigay namin ang pinagbentahan ng mga damit sa charity. Bata pa lang ako nang isama ako roon ni Mama Tin para mamigay ng mga regalo sa mga bata tuwing pasko.
Matatapos na kami sa aming ginagawa nang dumating naman si Ulysses at may bitbit siyang inumin. Ibinigay niya ito sa dalawa at pagkuwan ay binalingan ako. Napaiwas ako nang tingin sa kaniya at kunwa’y inabala ko ang sarili ko sa aking ginagawa.
Ramdam ko ang paglapit niya sa’kin at iniabot sa’kin ang isang iced coffee kaya napahinto ako sa aking ginagawa. Kinuha ko ito at saka siya hinarap. Malapad pa siyang ngumiti sa’kin at pansin ko pa ang malalim niyang dimple sa kaliwang bahagi ng pisngi. Nangunot ang noo ko dahil napansin ko ang maliit niyang pasa sa pisngi at dahil maputi siya kaya naman halata ito na wari ko’y dahilan nang pagkakasampal sa kaniya noong babaeng kausap niya.
I want to ask him everything at kung bakit niya kilala ang babaeng iyon. Who the hell is she? At kung bakit niya ginawa ‘yon kay Ulysses? I want to know the truth also about him and Jeremy. May kutob ako na para bang matagal na silang magkakilala at kung bakit hindi nila sinasabi sa’kin ang ugnayan nila.
“I’ve been waited for you, but you never came,” may halong lungkot nitong turan.
Napakagat na lang ako ng ibabang labi ko at ayokong sabihin sa kaniya ang dahilan dahil ayoko siyang mag-alala pa. Hindi ko man lang siya nasabihan at baka naghintay pa ito nang matagal sa restaurant.
“I-I’m sorry Ulysses may nangyari lang kasi kaya hindi ako nakapunta”
“Like what?” Natigilan ako at hindi ko alam kung ano ang idadahilan sa kaniya.
Puwede ko rin namang sabihin sa kaniya na kasama ko si Jeremy kaya hindi ako nakarating. Naalala ko ‘yong nangyari sa’kin at kung hindi siguro dumating si Jeremy ay baka hanggang ngayon nasa ospital pa rin ako. May trauma pa rin ako sa nangyari sa tuwing maaalala ko ‘yon at makikita ang babaeng ‘yon.
Binalingan ko siya nang tingin at huminga pa ako nang malalim. “I want to ask you something Ulysses.” Nangunot ang noo niya at saka tumango. “I want you to be honest with me.” Mas lalong nangunot ang noo niya. “Matagal mo na ba siyang kilala? I mean si__”
“Ano ba naman ‘yan Nina, ang clumsy mo naman! Sabay kaming napatingin ni Ulysses sa kinaroroonan ng dalawa naming kaibigan dahil sa iritang sigaw ni Ellaine.
Natapon kasi ang kapeng iniinom ni Nina sa paa ni Ellaine. Kaagad kong kinuha ang wet tissue na nasa ibabaw ng lamesa at ibinigay iyon kay Ellaine.
‘’Nagulat kasi ako eh, may gumapang na ipis sa paa ko!” sabay padyak pa ng paa ni Nina.
“Hay naku Nina para ipis lang eh! Si Madz nga hindi takot sa ipis kahit na kagatin pa siya.” Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Ellaine.
May kakaibang ngisi ang naglalaro sa kaniyang mga labi kaya napatapik na lang ako sa aking noo. Alam nila ang tawag ko kay Jeremy kaya ganoon na lamang kung asarin ako ni Ellaine.
“Takot pa ako sa ipis kasi wala namang kakagat sa’kin. Kapag meron na kahit araw-araw pa ‘ko magpagapang sa kaniya hindi na ‘ko matatakot.” Mariin na lamang akong napapikit dahil sa gatong naman ni Nina.
Diyos ko ang mga bunganga talaga ng mga ito! Kung puwede nga lang magpalit ng kaibigan at itakwil sila ay matagal ko nang ginawa.
Napabaling naman ang tingin ko kay Ulysses na tahimik lang na nakikinig. Wari ko’y alam niya kung sino ang tinutukoy ng dalawa naming kaibigan. Hindi naman siguro gano’n ang iniisip ko sa kaniya ngayon dahil una sa lahat ay baka gaya rin ito nang iniisip ko na akala ko ay may gusto rin siya sa’kin. He’s just concern and it’s normal because we’re bestfriends.
“Puwede na ba kitang yayain maglunch? Tutal wala na naman tayong klase eh. Sana naman hindi mo ‘ko tanggihan”
Gusto ko sanang pumayag kaso baka ito na naman ang pagmulan nang away namin ni Jeremy. Yes, he’s my friend at ayoko rin namang iwasan siya. Pero syempre may boundaries na ‘yon and I want to give my time to Jeremy.
Sasagot na sana ako nang hilahin na lang niya ako palabas ng booth. Hindi pa kami nakakalayo nang may bigla namang humawak sa isang kamay ko kaya napatigil ako. Nang lingunin ko siya ay nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang aking mga labi. Parang bigla akong pinagpawisan dahil sa masamang titig nito kay Ulysses. Nang lingunin ko naman si Ulysses ay prente lang itong nakatitig kay Jeremy at isa sa kanila ay mukhang walang balak magbaba nang tingin. Pareho nilang hawak ang kamay ko at ramdam ko ang paghigpit nang hawak sa’kin ni Jeremy.
“Where do you plan to take my girlfriend?” May diing tanong nito kay Ulysses.
Ngumisi pa siya at pagkuwan ay hinila ako ni Ulysses palapit sa kaniya. Doon lamang napabitaw nang pagkakahawak sa kamay ko si Jeremy. Halata naman ang galit sa mukha ni Jeremy dahil sa pag-igting ng panga niya.
“Mind your own business.” Imbes na sagutin niya si Ulysses ay mabilis niya akong hinila papunta sa kaniya kaya naman napasubsob ako sa kaniyang dibdib.
Shit! Kung wala lang kami sa daan kanina ko pa pinag-untog ang dalawang ito. Anong akala nila sa braso ko tug of war? Mukhang mababalian pa yata ako ng buto sa lakas nang pagkakahila nila sa’kin.
“I have to know because she’s my girlfriend and you’re only a friend.” Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pinagtitinginan na kami ng ilang mga estudyante.
“She’s only your girlfriend but not your wife.” Mas lalong humigpit ang hawak ni Jeremy sa’kin kaya tiningala ko siya.
Magsasalita sana ako nang may tumawag naman sa’kin at nakita ko sa ‘di kalayuan si Mama Tin at kasama pa nito si Mamita. Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata ko dahil bumaba ang tingin ni Mama Tin sa mga kamay namin ni Jeremy. Kaagad ko naman itong hinila at alam kong napatingin sa’kin si Jeremy.
Hindi pa nila alam ang tungkol sa’min ni Jeremy at tanging si daddy pa lang ang nakakaalam at gusto ko ay sa kaniya ko muna ipakilala si Jeremy. Papa Mazer is strict like my dad at mas takot ako sa kaniya. Pero ayokong maglihim sa kanila and soon ay ipapaklilala ko na si Jeremy sa pamilya ko.
Lumapit sila sa amin at habang papalapit sila sa kinaroroonan ko ay unti-unting lumalakas ang pagkabog ng aking dibdib. Humalik ako kay Mama Tin at ganoon din kay Mamita. Ginawaran din nang halik sa pisngi ni Ulysses si Mamita na karaniwang ginagawa niya kapag nagkikita sila.
“Kumusta ka na hijo? Dito ka rin pala nag-aaral?” Masiglang bati ni Mamita kay Ulysses.
“Opo Mamita, actually kakatransfer ko lang last week”
“Good to hear that! Para naman magkasama na ulit kayo nitong apo ko. At para hindi ka na rin namimiss nitong si Madel.” Gulat akong napatingin kay Mamita.
Nakangiti pa siyang nakatitig kay Ulysses at binalingan ako ni Ulysses nang marinig niya iyon kay Mamita. Pasimple ko namang tiningnan si Jeremy na nasa aking tabi pero nasa malayo ang tingin nito. I feel bad for him at mukhang kailangan ko na namang magpaliwanag sa kaniya.
“And who’s this handsome guy?” Baling naman ni Mamita kay Jeremy.
Doon lamang tumingin si Jeremy at lumapit pa siya kay Mamita para magmano. Ngumiti naman si Mamita sa kaniya at hindi ko inaasahan ang ginawa ni Jeremy.
“I’m Jeremy Villafuerte po,” pakilala niya.
Nakaramdam ako nang kaba dahil baka bigla niyang sabihin na girlfriend niya ‘ko. Gusto ko pa naman siyang ipakilala sa pormal na paraan at gusto ko sana na iharap muna siya kay daddy as I promise.
Hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko kay Jeremy at ang tanging atensyon niya ay na kay Mamita. Seryoso siyang nakatitig at magsasalita na sana ngunit naunahan niya ako.
“Madeline’s friend,” dagdag pa niya.
Napakurap-kurap akong nakatitig sa kaniya at doon lamang niya ako binalingan nang tingin. Tipid siyang ngumiti sa’kin at mukhang alam niya na ang nasa isip ko.
“Oh! I’m glad to meet you hijo. Mabuti naman at may nakilala pang kaibigan si Madeline bukod kina Ulysses, Nina at Ellaine. Matagal na silang magkakaibigan at ni minsan ay wala pang naipakilalang ibang kaibigan si Madeline sa amin bukod sa’yo”
“Ano po palang ginagawa niyo rito Mamita?” pag-iiba ko nang usapan.
“I’m here because I miss you hija, baby. You’re Daddy Cedric misses you too. Medyo nagtatampo na nga rin ang Daddy Lo mo dahil hindi ka na dumadalaw sa bahay. Iyong tatlong kapatid mo na lang ang pumupunta ro’n. Pakiramdam tuloy niya hindi mo na raw siya mahal.” Napangiti naman ako dahil sa inasal ni Mamita habang sinasabi niya ‘yon.
Umakbay ako sa kaniya at inihilig ko pa ang ulo ko sa kaniyang ulo. Bukod kasi kina mommy at daddy ay sila rin halos ang nagpalaki sa aming magkakapatid. May mga oras pa nga na ayaw na nila kaming iuwi sa bahay dahil malulungkot daw sila kapag wala kami roon.
“I’m sorry Mamita busy lang po kasi talaga rito sa school eh. And I miss you too also. Don’t worry one of these days dadalawin ko kayo”
“Siguro may boyfriend na itong apo ko kaya nakakalimutan na kami?” Muntikan pa akong masamid ng laway at napatingin bigla kay Jeremy. “Okay, hija I understand but don’t forget to come to our wedding anniversary this coming Friday hija. At isama mo rin si Ulysses at si Jeremy.” Natahimik akong bigla at hindi alam kung ano ang isasagot ko.
Nagkatinginan kami ni Jeremy at saka siya biglang yumuko. Nalungkot ako dahil alam kong gusto na niyang ma-meet ang parents ko. I think this is the right time to tell them about us.
“Of course Mamita, and may gusto rin po sana akong sabihin sa inyo”
“What is it hija?”
“Sa wedding anniversary niyo na lang po malalaman.” Ngumiti siya at hinawakan ang dalawang kamay ko.
Niyaya na ako nila Mama Tin na umalis at kaya pala sila nandito ay para sunduin ako dahil ngayon ang punta namin sa orphanage. Hindi na kami nakapag-usap pa ni Jeremy dahil hinila na akong kaagad ni Mamita paalis.
“Siya ba Madeline?” Bulong sa’kin ni Mama Tin habang papunta kami sa sasakyan at nauna nang maglakad si Mamita.
Gulat akong napatingin sa kaniya na nakaawang ang mga labi at mahina pa siyang tumawa. Marahan akong tumango at hinawakan ang magkabilang balikat ko pagkaharap sa’kin.
“Pormal mo na siyang ipakilala sa kanila and I’m sure magugustuhan nila si Jeremy”
“You think so Mama Tin?” May pag-aalinlangan kong tanong.
“Sa nakikita ko naman sa kaniya na mukhang gusto ka talaga niya.” Taka ko siyang tinitigan. “If you’re asking me why? Because of his action. Hindi niya sinabing girlfriend ka niya or boyfriend mo siya because he respect you. Gusto niyang ikaw mismo ang magsabi noon dahil ayaw niyang magalit ka sa kaniya.” Natigilan ako sa mga sinabi ni Mama Tin at manghang napatitig sa kaniya.
Akala ko ay galit sa’kin si Jeremy kaya kaibigan lang ang pakilala niya kanina. Ayokong nakikita siyang gano’n at iniisip niya na itinatago ko ang relasyon namin. I want him to be comfortable at siguro ay iniintindi lang niya ako pero ang totoo ay itinatago lang niya ang tunay niyang nararamdaman.
Gabi na nang makarating ako sa bahay galing sa orphanage at pabagsak akong nahiga sa kama. Nakatingin ako sa kisame at iniisip ang mga sinabi ni Mama Tin. Muli akong bumangon at hinagilap ang aking telepono. Napasimangot ako ng wala ni isang tawag o text man lang si Jeremy sa’kin.
Napabuga ako sa hangin at nagtipa sa aking telepono. Ilang minuto pa ay wala pa rin siyang reply. Pabagsak kong naibaba ang telepono ko sa kama at tatayo na sana akong nang biglang tumunog ang telepono ko. Kaagad ko itong kinuha at binasa. Nangunot ang noo ko dahil ang haba ng chat ko sa kaniya tapos tatlong letter lang ang sagot niya.
“Are you mad?” Reply ko sa kaniya.
Kaagad din naman siyang sumagot. “No”
Padabog akong tumayo sa kama at kinuha ang binigay niyang stuff toy at doon ko binaling ang inis ko sa kaniya. Pinagsusuntok ko ito at nang hindi pa ako nakuntento ay ibinalibag ko ito. Hingal na hingal ako pagkatapos at napasalampak pa ako sa sahig.
Tumunog ang telepono ko at hinayaan ko lang ito. Ilang segundo pa ay muli itong tumunog at walang gana ko naman itong kinuha sa ibabaw ng kama.
“Can I see you before I got home?” Napatulala ako sa aking telepono at tiningnan pa kung siya talaga ang nagmessage noon. Nang hindi ako nagreply ay muli siyang nagmessage. “I’m here. Tingin ka sa bintana mo.” Kaagad akong tumayo at hinawi ang kurtina sa bintana ko.
I saw him standing and he gently looking at me. Nakasandal siya sa kaniyang motor at pagkuwan ay inilagay sa tainga niya ang telepono. Tiningan ko naman ang telepono ko at nakita kong siya ang tumatawag at kaagad ko namang sinagot.
“How long have you been there?” Bungad ko sa kaniya.
“One hour or two hours I think?”
“What?!” Sigaw ko sa kabilang linya.
I heard him chuckle. Kahit na medyo malabo ang ilaw sa kinatatayuan niya ay kita ko pa rin ang guwapo niyang mukha at ang magaganda niyang mata na una kong napansin sa kaniya noon na animo’y hinihipnotismo ka kapag tinitigan ka.
“Okay lang kahit gaano pa katagal akong maghintay basta makita lang kita.” Lihim naman akong napangiti. “I miss you baby Madie.” Nakagat ko ang ibabang labi ko at basta na lang na may tumulong luha sa aking pisngi.
I felt so emotional, siguro ay dahil miss ko na rin siya. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at pilit akong ngumiti sa kaniya kahit alam kong hindi naman niya ito nakikita. I don’t want to be unfair to him at alam kong ako lang ang hinihintay niya na ipakilala ko siya sa lahat at iyon ang gagawin ko. I want to surprise him that day.
“Hey baby why are you crying?” Natawa na lang ako dahil napansin niya pala ‘yon.
“Because I miss you too. By the way, are you going to my grandparents wedding anniversary?” Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.
“If you want me to be there, I’ll go with you. But if you don’t want to, pupunta pa rin ako dahil ayokong iba ang katabi mo.” Natawa na lang ako dahil kilala ko kung sino ang tinutukoy niya. “See you tomorrow my baby Madie and please give me a poweful hug and also more kisses. I want a torrid one or maybe more than that.” Umikot ang mga mata ko dahil sa kapilyuhan niya. “I love you so much Madeline.” Hindi na niya ako hinintay pang makapagsalita nang putulin na niya ang tawag.
Nakatanaw naman ako sa kaniya habang papalayo siya sa kinaroroonan ko. Nanatili pa ring nakalagay sa tainga ko ang telepono kahit na wala na ito.
“I love you too my baby Jeremy, more than you love me”