CHAPTER 30

3346 Words
Bumaba na ako sa motor ng nasa tapat na kami ng aming bahay. Medyo madilim na nang makarating kami at mabuti na lang ay wala si daddy at mommy sa bahay dahil kasalukuyang nasa ospital pa si daddy at si mommy naman ay nasa kaniyang business. Hindi pa kasi ako handang ipakilala si Jeremy sa kanila at higit sa lahat kay mommy. Kung totoo man ang mga narinig ko ay hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin. But I want to know the truth, at humahanap lang ako ng tamang pagkakataon para ipakilala siya sa parents ko. Siya na ang nagtanggal ng helmet ko at inayos ang nagulong buhok ko. Napatitig ako sa kaniya habang hinahawi naman niya ang aking buhok. Oh God! Bakit ang perfect niya? Bakit masyadong mabait si lord at biniyayaan ako ng ganitong lalaki? “You really like looking at my face huh?” Napaiwas ako sa kaniya nang tingin at pekeng umubo pa ako. “Ang pangit mo kasi ngayon” “Tss! Kaya pala titig na titig ka sa’kin no’ng naglalaro ako kanina.” Mabilis akong napabaling sa kaniya nang tingin at tinaasan pa siya ng kilay. Napaatras akong bigla ng kaagad siyang lumapit sa’kin at bahagyang bumaba para magpantay kami. Napakurap-kurap ako dahil titig na titig siya sa’kin na para bang matutunaw na ‘ko dahil sa klase ng mga tingin niya. “I miss you.” Hindi ako nakapagsalita at basta lamang akong nakatingin sa kaniya. Para akong maiiyak dahil alam kong totoo ang sinabi niya. Sobra ko rin siyang namiss at masaya ako dahil alam kong ako pa rin ang nasa puso niya. I know that I’ve been cold to him at siya ay binibigay niya ang pagmamahal at atensyon na alam niyang magpapasaya sa’kin. Kailangan kong bumawi sa kaniya and this is my second chance para ipakita sa kaniya kung gaano siya kahalaga sa’kin at kung gaano ko siya kamahal. Imbes na sagutin ko siya ay mahigpit ko na lang siyang niyakap at sinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib. I smell his natural scent at kahit na wala siyang ginamit na pabango ay mabango pa rin siya at gusto ko ang natural na amoy niya. “You miss me too?” Tumango lang ako habang nakayakap pa rin sa kaniya. “Wait, you’re dad is looking at us.” Kaagad akong kumalas nang pagkakayakap sa kaniya at tumingin sa aming bahay. Napapikit pa ako dahil wala namang tao at nakasara pa rin ang gate. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Jeremy kaya humarap ako sa kaniya at tinitigan siya ng masama. Marahan niya pang pinisil ang dalawang pisngi ko at tinapik ko naman ang kamay niya. “Lumayas ka na nga!” Irap ko pa sa kaniya. “You’re cute” “Hindi mo ‘ko madadaan sa ganiyan! Hindi ako marupok ‘no.” Pinagkrus ko pa ang mga braso ko at tinalikuran siya. Loko ‘tong ipis na ‘to. Ngayon na nga lang ako naglalambing sa kaniya tapos tinakot pa ‘ko! Paano nga kaya kung nakita kami ni daddy sa ganoong sitwasyon? Ayoko namang isipin ni daddy na porke pinayagan na niya akong magkaroon ng boyfriend ay puwede ko nang gawin ang gusto ko. Sumagi bigla sa isip ko na higit pa pala sa inaakala ko ang magagawa ko. Napakagat-labi na lang ako at mariing napapikit. Napasinghap ako nang yakapin niya ako mula sa aking likuran. Heto na naman ‘yong puso ko parang lindol sa lakas nang t***k nito. Hinalikan niya ang buhok ko at inikot niya ako paharap sa kaniya at pagkuwa’y hinaplos ang aking pisngi. “If he saw us, I’ll introduce myself to him. Na ako ang lalaking nakatakdang pakasalan mo.” Parang biglang tumigil ang paghinga ko at napaawang ang mga labi ko sa kaniyang sinabi. Paanong hindi ako mababaliw sa lalaking ito kung parati niyang pinapasaya ang puso ko? “Masungit ‘yon,” pananakot ko sa kaniya. “I can handle him” “Suplado rin ‘yon” “Yayayain ko siyang mag-inom and I will let him know me.” Natigagal ako sa sinabi niya. “That I’m serious to her princess,” dagdag pa niya. Doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko at pinunasan naman niya ‘yon. Alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkamali nang minahal. He maybe a badboy but he is the sweetest guy ever for me. Iyong akala ko na ganoon talaga siya pero alam kong may rason siya kaya niya nagagawa ang mga bagay na ‘yon. Naalala ko ‘yong mga sinabi niya sa’kin kanina. I want to ask him everything I want to know. “Jeremy, iyong tungkol kay Mint. I want to know how you ended to be her fiancé?” Mataman siyang nakatingin sa’kin at maya-maya’y nagbaba nang tingin. “You mean acting fiancé?” May lungkot niyang tanong at nasa baba pa rin ang tingin. Hindi ako tumugon at kinagat ko na lang ang ibabang labi ko. Mali siguro ang pagkakasabi ko noon kaya ganoon na lang ang naging reaksyon niya. Sasagot na sana ako nang magsalita naman siya. “I’m sorry if I didn’t tell you about that” Lumapit ako sa kaniya at inangat ang mukha niya ng hindi niya magawang tingnan ako. Hindi ako nagpatumpik-tumpik pa nang halikan ko siya sa kaniyang mga labi. Dampi lamang ‘yon at kita ko ang gulat sa mukha niya. “It’s okay. Gusto ko lang malaman ang totoo.” Tipid siyang ngumiti at hinawakan ang isang kamay ko. “It’s my dad’s doing.” Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na magagawa sa kaniya ‘yon ng sariling ama niya na ipagkasundo siya sa iba. “Mint is my childhood friend at pareho naming hindi gusto ang idea na ‘yon. My father wants me to marry her because of their business.” Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at ramdam ko ang mainit na palad niya. “Kaya ba hindi rin kayo magkasundo ng daddy mo?” Umiling siya at malakas na bumuga sa hangin. “Matagal na kaming hindi magkasundo ni daddy and it getting worse when my mom died. My mom died because of me, because of my wrong decision that’s why my dad hate me even more.” Ramdam ko ang bigat sa kaniyang dibdib at hindi ko inaakala na matindi ang pinagdadaanan niya. His dad hate him and his mom died at sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari. Niyakap ko na lang siya para iparamdam sa kaniya na nandito lang ako at naiintindihan siya. Niyakap niya rin ako pabalik at hinaplos ang aking buhok. Gusto ko pa sana siya makasama ng matagal, gusto ko siyang palagi makita at higit sa lahat gusto ko siyang pasayahin kahit sa simpleng bagay lang. “Ikaw na lang ang meron ako baby Madie, so don’t you ever leave me,” bulong niya. “I won’t leave you without your permission right?” He chuckle. Lumayo pa siya sa’kin at bumaba para magpantay kami. Nangunot ang noo ko nang panliitan niya pa ‘ko ng mata. Mapanuri niya pa akong tiningnan at tinapik ko pa ang noo niya para umiwas siya. “What’s that look Jeremy?” “I’m warning you Madeline, hindi ka puwedeng tumingin sa iba at tanging ako lang ang puwede mong tingnan at sa katawan ko lang dapat ka tumingin understood?” Umikot ang mga mata ko dahil nag-uumpisa na naman ang ipis na ‘to. “Paano kung bigla akong napatingin? May mata ako Jeremy, hindi naman ako bulag” “Ah, you want a punishment hmmn?” Napalunok ako at tila ba nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Mukhang napansin naman ito ni Jeremy kaya mapaglaro pa itong ngumisi sa’kin. Hindi ko gusto ang binabalak ng ipis na ito at sigurado akong pagsisisihan ko ‘yon. “Kahit kay Ulysses?” Natigilan siya at napatapik na lang ako sa aking noo dahil pati ako ay nabigla sa sinabi ko. “J-jeremy, kung siya ang dahilan nang pag-aaway natin, sige iiwasan ko siya at hindi na ‘ko sasama sa kaniya. Ayoko lang kasi na__” “It’s okay.” Napatulala ako sa kaniya at hindi ko inaasahan sa kaniya ‘yon. “You don’t have to do that. He’s your friend anyway and besides, I will not let him take what’s mine. I will show him who’s Jeremy Villafuerte.” Malapad pa siyang ngumiti sa’kin at saka sumakay na sa kaniyang motor at kaagad na umalis. Anong ibig niyang sabihin? Saka imposible ang sinasabi niya dahil may girlfriend na si Ulysses. Siguro ay namiss-interpret lang niya ang pagkakaibigan namin. Pero bakit kausap ni Ulysses ang babaeng nakita ko sa restaurant? Iyong babaeng naging dahilan kung bakit muntikan na akong mamatay noon. It’s Saturday and I need to go to school dahil maraming activity doon at kailangan din ng complete attendance. At syempre mukhang sisipagin akong pumasok dahil makikita ko si Jeremy. Nagmamadali akong bumaba sa hagdan at naabutan kong paalis na si daddy. “Dad!” Lumingon siya sa’kin at sinalubong naman niya ako at hinalikan sa aking noo. “Aalis ka ulit?” “Yes baby, marami kasing pasyente ngayon sa ospital eh” “Pero kakauwi mo lang kanina eh.” Inakbayan niya ako at sabay na kaming lumabas ng bahay. “I have to baby. Siguro kapag nagkaapo na ‘ko do’n lang ako magreretired.” Napalabi ako at hinarap siya. “Matagal pa ‘yon dad eh.” Tumawa pa siya at ginulo ng bahagya ang buhok ko. Isa sa’ming magkakapatid ay walang gustong maging doktor. Even Jk ay ayaw niyang sumunod sa yapak ni daddy dahil ayaw niyang mawalan ng oras sa magiging pamilya niya. But dad is different, kahit na sobrang busy niya sa trabaho ay hindi siya nawawalan ng oras sa’min. “Saka bata pa ‘ko para magretired” “E kung bigyan na kaya kita ng little Madeline para naman dito ka na lang sa__” Napahinto ako sa pagsasalita nang humarap sa’kin si daddy at pinamey-awangan ako. Halata ang galit sa kaniyang itsura at hindi ko alam kung matatawa o matatakot ba ako sa kaniya. Kunwa’y izinipper ko ang aking bibig at pekeng ngumiti sa kaniya para maibsan ang kabang nararamdaman ko. Ni minsan ay hindi pa kami nasigawan ni daddy o ‘di kaya’y pagalitan kami ng matindi. Siguro ay ngayon pa lang ako makakatikim ng totoong galit niya dahil sa biro ko sa kaniya. “That’s not a good joke Madeline Mendez. I want to meet him as soon as possible to know his place,” mariing sabi niya. Salubong ang kilay niya at hindi ko na napigilan pang matawa. Niyakap ko siya para kahit papaano ay mabawasan ang pagkainis niya sa’kin. Bumuntong hininga siya at inilayo niya ako sa kaniya at lumambot na ang ekspresyon ng kaniyang mukha. “You really love that snobbish guy huh?” “You’re more than him dad. And his name is Jeremy dad. And take note, mas in-love siya sa’kin,” pagmamayabang ko pa kay daddy. “Sana lang hindi ka niya saktan dahil ipapasalvage ko talaga siya kay Tito Gascon mo.” Umikot ang mga mata ko at napailing na lang ako. Pagkalabas namin ng gate ay may nakaparada namang isang red sports car at lumabas doon si Mint. Namilog ang mga mata ko sa gulat dahil alam niya kung saan ako nakatira. Malapad siyang ngumiti at lumapit pa sa amin. Sa totoo lang ay nakakatomboy talaga ang ganda niya. Kung tutuusin nga parang siya pa ang nababagay kay Jeremy. Nanliit akong bigla ng nasa tabi ko na siya. “Anong ginagawa mo rito?” Inakbayan niya ako at napatingin pa siya kay daddy na takang nakatingin din sa’min. “Tito mo?” Bulong sa’kin ni Mint. Muntikan pa akong matawa dahil napagkamalan niyang tito ko si daddy. Hindi kasi kami magkamukha dahil si Jk at Margaux lang nakakuha ng mukha ni daddy. “Dad, she’s Mint. She’s my__” Napatingin pa ako kay Mint at hinihintay niya ang susunod kong sasabihin. “Hello po tito, I’m her girlfriend!” Pansin ko ang pagkunot ng noo ni daddy at nagets ko na ang ibig sabihin ni Mint. “Dad, what she means is, babaeng kaibigan.” Tumango lang si daddy at nginitian din niya si Mint. Nauna nang umalis si daddy at sinabi naman ni Mint na isasabay na lang niya ako papunta sa school. Nang nasa sasakyan na kami ay hindi ako mapakali at naiilang pa ako sa kaniya. Panaka-naka ko siyang sinusulyapan at seryoso lang ang atensyon niya sa daan. Ilang beses pa akong napabuntong hininga at mukhang napansin niya ito dahil narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Napakagat labi na lang ako dahil kanina pa ako may gustong itanong sa kaniya. “You want to ask something?” Napabaling ang tingin ko sa kaniya at sandali rin niya akong sinulyapan at itinuon muli ang tingin sa daan. “Ahhm, ano kasi.” Napakamot pa ako sa aking ulo at hindi ko alam kung saan ako magsisimula. “How do you know where I live?” Tanging nasabi ko na lang kahit hindi naman ‘yon ang itatanong ko. “Tinanong ko kay Jems. Because I told him na gusto kitang maging kaibigan and I want to know you also kung bakit ka nagustuhan ng isang Jeremy Villafuerte.” Nagyuko ako dahil tama naman siya. Bakit nga ba ‘ko nagustuhan ni Jeremy? Ano bang meron sa’kin na wala ang iba? Sikat siya sa buong campus at halos sambahin na siya ng ibang kababaihan. Inaaway pa nga ako ng ibang nagkakagusto sa kaniya dahil bakit ako pa raw ang nagustuhan niya. “Hey! Kung ano man ang iniisip mo that’s not what I mean. What I mean is, masyado kang mabait para sa kaniya. You know who’s Jeremy right?” Tumango lang ako sa kaniya at pilit na ngumiti. “Jems is an introvert. Hindi siya mahilig makihalubilo sa iba. I’m his only friend na palaging nakakaintindi sa kaniya. When his mom died doon na nagbago ang lahat pati ang ugali niya nagbago.” Mataman lang akong nakikinig kay Mint. Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng isang ina at kung siya ang dahilan ng pagkawala nito. Gusto ko sanang tanungin pa si Jeremy ng tungkol sa mama niya pero baka lalo lang niyang sisihin ang sarili niya kapag naalala niya ang mga pangyayari. Nahinto si Mint sa pagkukuwento niya at biglang lumungkot ang kaniyang mukha. Siguro ay mahirap talaga ang mga pinagdaanan niya sa murang edad niya na walang kumakalingang magulang. Mayaman ka nga pero hindi ka naman lubos na masaya dahil may kulang sa pagkatao mo. “Bakit namatay ‘yong mama niya? At saka bakit niya sinisisi ‘yong sarili niya?” “Car accident,” tipid niyang sagot. I don’t know how it happened at nagsisisi ako na umalis ako sa tabi niya dahil kinailangan kong pumunta ng Italy para do’n ipagpatuloy ang pag-aaral ko. At ang mas ikinadurog ng puso niya nang iwan din siya ng isa sa tinanggap niyang tao at naging mahalaga sa buhay niya.” Parang biglang sumakit ang puso ko nang marinig ‘yon kay Mint. Sa kabila ng mga ngiting pinapakita niya sa’kin ay may lungkot na nakabalot sa kaniya. Tumikhim ako dahil pakiramdam ko ay tutulo na ang aking luha. “S-sino ‘yong tinutukoy mo? Namatay din ba siya tulad ng mama niya?” Umiling siya at mabigat ang kaniyang paghinga na para bang hirap itong sabihin sa’kin. “His half brother.” Inihinto niya ang sasakyan at hindi ko namalayang nasa university na pala kami. Sinulyapan niya ako at gulat ko siyang tinitigan. Seryoso siyang nakatingin sa’kin at hindi pa rin ako makapaniwala sa aking natuklasan. Napatingin naman ako sa labas ng bintana at natanaw ko si Jeremy sa ‘di kalayuan. Nakasandal siya sa kaniyang motor and I know he’s waiting for me. Naaawa ako sa kaniya dahil lahat ng mahalagang tao sa kaniya ay iniwan siya. Naalala ko ang isang salitang sinabi niya sa’kin. Ako na lang ang meron siya, and I promise that I won’t leave him no matter what. “Huwag mong ipakita sa kaniya na naaawa ka. I’m sure he didn’t like it.” Hinarap ko si Mint at pansin ko ang pamumula ng mga mata niya. “He has his reasons kaya hindi pa niya sinasabi sa’yo ang tungkol do’n. Kaya ko sinasabi ang lahat ng ito sa’yo para pasayahin siya. Ngayon ko lang ulit siya nakitang gano’n kasaya at ngayon ko lang din siya nakita kung paano siya magselos. He’s madly in-love with you Madeline at ikaw ang dahilan no’n.” Tumulo na lang bigla ang mga luha ko at hinawakan ni Mint ang dalawang kamay ko. “Thank you Mint for telling me that,” garalgal kong wika sa kaniya. “No Madeline, I should be the one to thank you. Ikaw ang dahilan kung bakit siya nagbago. Para ko ng kapatid si Jems at nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan” “Pero ‘di ba fiancé ka niya?” Ngumiti siya sa’kin at pinunasan ang luha ko sa aking pisngi. “Iyong daddy lang naman niya at daddy ko ang nagsasabi no’n. May iba akong gusto at hindi kami puwede dahil sa mata ng karamihan isang kasalanan ‘yon.” Mapait siyang ngumiti at sumandal sa kaniyang upuan. Magtatanong pa sana ako nang tumunog naman ang telepono ko. Nakita kong si Jeremy ang tumatawag at sandali kong sinulyapan si Mint na nakatitig din sa telepono ko. Pabiro pa siyang umirap nang mabasa niya ang pangalan ni Jeremy at muntikan pa siyang matawa dahil sa pangalan na nilagay ko kay Jeremy. “H-hello” “Baby Madie where are you? Saan ka dinala ni Mint?” Sinulyapan ko pa si Mint at sinenyasan ko na lang siya na bababa na ako. Tumango naman siya at saka ako bumaba ng sasakyan niya. Marahan akong naglakad patungo sa kaniya at hindi pa rin niya ako napapansin at nakalagay pa rin sa tainga ko ang aking telepono. “Nagdate muna kami,” biro ko sa kaniya. “What?! May isa pa ba akong karibal?” Umiling na lang ako dahil pati ang kaibigan niya ay pinagseselosan niya. “Friendly date. Girl’s date gano’n. Bawal na ba magdate ang parehong babae?” Huminto ako sa paglalakad nang malapit na ako sa kinaroroonan niya. Para siyang bata dahil ngumuso pa ito. Napatingin siyang bigla sa’kin at umayos siya sa kaniyang pagkakatayo. He ended the call and he open wide his arms. Natawa na lang ako at mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. I don’t care anymore if everyone see’s us. Kung dati ay nahihiya ako kapag kasama ko siya dahil alam kong maraming matatalim ang matang nakamasid sa’min dahil si Jeremy ang boyfriend ko. Kumalas ako nang pagkakayakap sa kaniya at tiningala siya. Tumaas naman bigla ang kilay niya nang tingnan ako kaya umiwas ako sa kaniya nang tingin dahil wari ko’y napansin niya ang pamumula ng mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kanina. “What happened? Is there any problem?” Umiling ako at pilit na ngumiti sa kaniya. “What did Mint told you?” Nang hindi ako sumagot ay kinuha niya ang telepono niya at tingin ko’y tatawagan niya si Mint. “Jeremy, wala naman siyang sinabi sa’kin eh” “I don’t believe you.” Nakita kong dinadial na niya ang number ni Mint kaya mas lalo akong kinabahan. “Jeremy please.” Hindi niya ako pinansin. “I love you.” Para siyang naestatwa sa sinabi ko at dahan-dahan niya pa akong binalingan. Hindi siya kaagad nakapagsalita at lihim naman akong napangiti. Tinalikuran ko siya at narinig ko pa ang pagtawag niya sa’kin pero hindi ko na siya nilingon pa. Bahala siya riyan, gusto niya pang ipaulit sa’kin narinig naman niya ‘yong sinabi ko. Guwapo nga siya pero bingi naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD