Parang hindi ko na naririnig ang mga hiyawan nila dahil kay Ulysses at Jeremy lang ako nakatuon. Pareho silang magaling at tingin ko ay isa sa kanila ang ayaw magpadaig.
Kanina pa pala ako kinakausap ni Nina ng hindi ko napapansin kaya siniko na niya ako. Doon lamang ako napabaling sa kaniya at taka siyang nakatitig sa’kin. Ikinawit niya pa ang braso niya sa’kin at mukhang napansin niya ang pagkabalisa ko.
Hindi ko inaasahan ito at kung bakit basta na lamang lumipat ng school si Ulysses. Sinabi niya na nakakuha raw siya ng scholarship dito pero alam kong hindi iyon ang dahilan kung bakit siya ngayon nandito.
Nanlaki pa ang mga mata ko nang napahiga si Ulysses. Napahakbang akong bigla at naalala na nandito nga pala kami sa gym. Napabaling ang tingin ko kay Jeremy at parang wala siyang pakialam kahit na nabangga niya si Ulysses.
“Grabe ang harsh naman ni Papa Jeremy!” Tiningnan ko si Nina at nakanguso ito at naka-krus pa ang mga braso. “Hindi naman niya kailangan gawin ‘yon. Galit siya kay Ulysses pero sana iisantabi muna niya ang galit niya”
“Nag-uusap pa ba kayo ni Jeremy?”
“Paano kami mag-uusap, palagi naman niyang kasama ang haliparot na babaeng iyon! Kita mo nga kulang na lang sumapupo siya sa kandungan ng boyfriend mo!” Napatingin ako sa kinaroroonan nila dahil nagtawag ng time out ang coach nila kaya nakaupo si Jeremy sa bench.
Kita ko pa ang pagngiti niya kay Mint kaya napaiwas na lang ako nang tingin sa kaniya. Alam kong sinasadya niyang makita ko ‘yon at saktan din ako. Pero anong magagawa ko? Hindi ko siya masisi at kapag naririto si Ulysses iisipin niya pa rin ang gusto niyang isipin.
Nang mag-umpisa ulit ang laro ay nakaupo na ang kapatid kong si Jk. Mainit ang labanan nila at kada puntos ng kabila ay bumabawi rin naman ang isa. Iyong kaba ko ay kanina ko pa nararamdaman simula nang pumasok kami rito sa gym. Butil-butil na rin ang pawis ko sa aking noo dahil sa napapanuod ko.
Sunod-sunod na hiyawan naman ang naganap nang maka-puntos si Jeremy ng tatlong sunod na 3 points shot. Mukhang sanay na talaga siya at wala man lang itong reaksyon. Napaka-cold ng mga mata niya at pati na rin ang ikinikilos niya sa court.
Nagulat pa ako nang banggain ni Ulysses si Jeremy para maka-shoot at nagawa naman niya ito pero tumama si Jeremy sa katawan ng kakampi niya at mabuti na lang ay nahawakan siya nito.
Sinugod ni Jeremy si Ulysses at hinawakan siya nang mariin sa damit nito kaya naman nagkagulo na sa gitna ng court. Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagkagulat. Inawat pa siya ng mga team mates niya at doon na lumapit ang kapatid kong si Jk at pumagitna sa kanila. Inilayo niya si Ulysses at binalingan ko naman nang tingin si Jeremy na masama pa rin ang tingin kay Ulysses.
“Nakita niyo ‘yon? Galit na galit talaga si Jeremy kay Ulysses.” Dinig kong sabi ng babaeng katabi ko pero hindi ko na siya nilingon pa at nakatuon ang atensyon ko kay Jeremy habang pinapakalma ang sarili niya.
“Oo nga eh. Narinig ko kaninang umaga lang na magkausap sila at sabi ni Jeremy sa kaniya na hindi siya nababagay sa lugar na ‘to at mabuti na lang daw na ‘wag na siyang magpakita nang tuluyan tulad ng dati.” Mabilis akong napalingon sa dalawang babaeng nag-uusap at biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa narinig sa knila.
Tinanong ko si Ulysses kanina kung magkakilala na ba sila ni Jeremy pero ang sabi niya nito lang daw niya nakilala si Jeremy. Pero ano ‘yong narinig ko? Bakit kailangan niyang itago ang bagay na ‘yon?
Malapit nang matapos ang laro at lamang lang sina Jeremy ng tatlo. May ilang minuto pa at posible pang makahabol sina Ulysses. This game is a breath taking at lahat ng mga nanunuod ay nakatutok sa laro kung sino ba ang mananalo.
Nawala ako sa ulirat ko nang yakapin ako ni Ulysses. Halos huminto ang t***k ng puso ko at tiningala siya. Kita ko ang pag-aalala niya sa kaniyang itsura at nangunot naman ang noo ko.
“Are you okay Madel? Nasaktan ka ba?” Hindi ako makapagsalita dahil alam kong sa amin nakatingin ang ilan sa mga katabi namin.
“s**t Madie I’m sorry! Hindi ko sinasadya, kay Jeremy ko sana ipapasa ‘yong bola pero hindi ko alam na sa direksyon mo pala mapupunta ‘yon.” Hinging paumanhin ni Macky nang makalapit siya sa kinaroroonan namin.
Nang balingan ko naman si Jeremy ay nakatalikod na ito at mukhang palabas na ng gym at kasunod na nito si Mint. Nangilid ang mga luha ko at hindi ko naman ito pinahalata sa kanila.
Hindi ko na tinapos pa ang laro at niyaya na si Nina umalis. Kahit na ayaw pa ni Nina dahil gusto niyang malaman kung sino ang panalo ay sumunod na rin ito sa’kin.
“Madz, are you okay?” May pag-aalinlangan pang tanong sa’kin ni Nina.
Naglalakad na kami palabas ng building namin at huminto muna ako para harapin siya. Tumango ako sa kaniya at muling tumalikod. Hindi pa ako nakakahakbang nang hawakan niya ako sa braso ko. Niyakap niya ako sa aking likuran at alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko. Kung wala siguro siya baka hindi ko na alam ang gagawin ko.
“Nina, puwede bang iwan mo muna ako?” Pakiusap ko sa kaniya.
Unti-unti niyang tinanggal ang mga braso niya sa baywang ko at pumihit paharap sa’kin. Kita ko sa mukha niya na naaawa siya sa’kin at ayoko ring makita niya ako sa ganitong sitwasyon.
“Pero Madz, hindi kita kayang iwan ng ganiyan”
“Please Nina.” Mariin akong pumikit.
Nang magmulat ako ay nakita kong papalayo na siya sa’kin. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay kanina pa ako sasabog. Mabilis akong nagtungo sa pinaka-malapit na comfort room dito at pumasok ako sa isa sa mga cubicle.
Ibinuhos ko naman ang mga luha ko at sinuntok-suntok ko pa ang aking dibdib ng sa gano’n ay maging manhid na ako nang tuluyan. Pero kahit anong gawin ko ay nararamdaman ko pa rin ang sakit, hindi dahil sa pagsuntok ko kun’di dahil sa ginagawa ni Jeremy.
Nakaupo lang ako sa toilet bowl at nakayuko. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong hindi maiyak pero kusa naman itong bumabagsak. Nagpasya akong lumabas ng cubicle at pumunta ako sa sink at maraming beses kong binasa ang aking mukha.
Napatukod ako sa sink at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Hindi na masyadong halata ang pula ng mata ko at pinunasan ko ng panyo ang aking mukha. Pagtingin ko sa salamin ay pumasok naman si Mint at nagulat pa ito pagkakita sa’kin.
“Oh hi! Hindi ba ikaw ‘yong nasa canteen? You must be?” Nanliit pa ang mata niya at iniisip ang pangalan ko.
“M-madeline”
“That’s right! So, where’s your boyfriend?” Napamaang akong napatitig sa kaniya at hinahagilap kung ano ang aking sasabihin.
Alam ba niya na si Jeremy ang boyfriend ko? Imposible! Dahil hindi niya gagawin ang pagiging sweet kay Jeremy kung alam niyang boyfriend ko ang nilalandi niya.
“S-sino?”
“Iyong kasama mo. That hottie guy!” Pilit na lang akong napangiti.
Hindi nga talaga sinabi ni Jeremy kung sino ako sa buhay niya. Kung sa bagay ipagpapalit niya talaga ako sa isang katulad ni Mint.
“Kaibigan ko lang si Ulysses”
“Oh, I thought he’s your boyfriend. Ang sweet niya kasi sa’yo eh.” Matamis pa siyang ngumiti sa’kin.
Kung titingnan ko siya ay mukha naman siyang mabait. Simple lang ang itsura niya at halata ring hindi siya mahilig magsuot ng kung anu-ano sa katawan niya at tanging relo at hikaw lang ang suot niya.
Kinuha niya ang panyo ko at nagulat ako nang punasan niya ang mukha ko. Inayos niya pa ang buhok ko habang titig na titig naman ako sa kaniya. Ang ganda niya, kaya pala nagkagusto si Jeremy sa kaniya.
“Alam mo maganda ka,” puri niya sa’kin.
“H-ha?” Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya.
Mahina pa siyang tumawa at saka kinurot nito ang pisngi ko. Ramdam ko ang pamumula ko at pakiwari ko ay biglang nag-init ang pisngi ko. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang pakikitungo niya sa’kin. Mukha siyang masiyahin at parang walang iniisip na problema. Paano kung malaman niya na girlfriend ako ni Jeremy? Ganito pa rin kaya ang pakikitungo niya sa’kin?
“Let’s be friends, and I’m sure magkakasundo tayo.” Inilahad niya pa ang kamay niya at matagal ko iyong tinitigan.
Mas lalo lang akong malalagay sa alanganin kapag nakipag-kaibigan ako sa kaniya. Alam kong gugulo lang kami lalo ni Jeremy. Siguro nga ay hindi talaga kami puwede at hahayaan ko na lang na lumayo siya sa’kin. Pero paano ko naman gagawin ‘yon gayong hindi ko kayang talikuran siya. Gagawin ko lamang ‘yon kapag sinabi niyang ayaw na niya sa’kin o ‘di kaya ay may pahintulot niyang iwan ko siya tulad ng sabi niya.
Tumikhim ako at tinitigan siya. Masasabi kong tunay ang mga ngiti niya at walang halong kaplastikan. Tinanggap ko ang kamay niya at pagkuwa’y niyakap ako. Nagulat pa ako sa ginawa niya at nang kumalas siya sa’kin ay malapad pa siyang napangiti.
“So, friends na tayo ah?” Napamaang ako at unti-unti na lang napatango.
“Transfere ka ba rito?” Nahihiya ko pang tanong sa kaniya.
“Nope! Actually dinalaw ko lang talaga si Jems dito. Ang tagal din kasi naming hindi nagkita eh. Oo nga pala, hindi niya nabanggit na meron pala siyang babaeng kaibigan. Masyado kasing mailap sa babae ‘yon eh.” Kumunot ang noo ko at nagtaka sa kaniyang sinabi.
Paanong mailap? E saksakan nga ng babaero ang ipis na ‘yon. Ewan ko ba kung bakit ako nahulog sa kaniya kaya heto nasasaktan ako. Mas lalong masakit no’ng malaman kong siya ‘yong kinukuwento ni Jeremy sa’kin. Pero ang nakakapagtaka hindi naman daw si Mint ang first love niya sabi ng mga kaibigan ko. Chance ko na ‘to para tanungin si Mint kung sino ba siya sa buhay ni Jeremy.
“M-may itatanong sana ako sa’yo”
“Sure! What is it?” Huminga pa ako nang malalim at halata sa kaniya ang excitement.
“Ano mo si Jeremy?”
Sa totoo lang ay ayoko pa sanang itanong ‘yon dahil natatakot akong malaman ang totoo pero dahil sa curiosity ko ay gusto kong malaman ang katotohanan.
Tumalikod pa siya sa’kin at naglakad palayo. Maya-maya’y humarap siya sa’kin at inilagay ang isang kamay niya sa kaniyang baba. Napalunok ako at mukhang alam ko na kung ano ang kaniyang isasagot.
“I’m his fiancé .” Halos manlambot ang tuhod ko dahil sa aking narinig at mabuti na lang ay napigilan ko ito.
Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko at pilit pa akong ngumiti sa kaniya para itago ang nararamdaman ko. Parang isang kutsilyo naman ang nakatarak sa aking dibdib at ramdam na ramdam ko ang sakit nito.
Paanong nangyari ‘yon? Bakit nagawa sa’kin ni Jeremy ang bagay na ‘to? Pinaglaruan din ba niya ako tulad ng ibang mga babae? Napakagat-labi na lang ako at pilit na pilit ang mga ngiti ko sa kaniya.
“Ah, g-ganoon ba? W-wala kasi siyang nababanggit sa’kin eh”
“Hindi talaga niya sasabihin ‘yon dahil sikreto lang ‘yon.” Mas lalo akong naguluhan at taka siyang tinitigan. “Actually, pareho naming hindi ka__” Nahinto lang ang kaniyang sasabihin ng biglang magring ang kaniyang telepono. “Yes, Jems?” Namilog ang mga mata ko at halos hindi na ako makahinga.
Bakit niya ba ako sinasaktan ng ganito? Kung ayaw na niya sa’kin bakit hindi niya sabihin ng deretso? Ito ba ang dahilan kung bakit hindi niya magawang tanggapin ang mga paliwanag ko at si Ulysses ang ginagawang dahilan nito?
Hinarap akong muli ni Mint at inilagay na sa bulsa ng kaniyang pantalon ang telepono niya. “Sorry Madeline ah, I need to go hinahanap na ‘ko ni Jems eh. Nice meeting you and sana makapag-bonding tayo minsan.” Hindi na ako nakasagot pa ng bumeso siya sa’kin at kaagad na lumabas ng banyo.
Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakatayo at tulala sa kawalan. Wala man lang isang luhang pumatak sa aking pisngi at siguro ay nagsawa na rin ang mga mata kong lumuha. Pero ang sakit, ang sakit marinig ang mga katagang iyon. Si Jeremy na natutunan ko nang mahalin ay niloko lang pala ako. Wala ng mas sasakit pa sa ginawa niya sa’kin ang paniwalain akong mahal niya ako.
Habang naglalakad ako sa corridor ay hindi ko namalayang kanina pa pala tumutunog ang telepono ko. Matagal kong tinitigan ang screen noon at si Ulysses ang tumatawag. Ayoko sanang sagutin ‘yon pero meron lang akong gustong linawin sa kaniya. Pinindot ko ang answer button at sinadya kong hindi magsalita.
“Madel, nandito ako ngayon sa restaurant malapit sa school. Gusto sana kitang i-treat eh.” Halata sa boses niya ang sobrang excitement.
“Anong meron?”
“Gusto kong ikaw ang kasama ko sa unang panalo ko.” Napayuko na lang ako.
So, ang team pala nila ang nanalo sa laro nila kanina. Nag-alala akong bigla kay Jeremy dahil hindi niya siguro inaasahan na matatalo sila at si Ulysses pa ang nakatalo sa kaniya. Napabuntong hininga ako kung papayag ba ako dahil ang bigat ng pakiramdam ko ngayon dahil sa mga nalaman ko mula kay Mint.
“Ulysses, gusto rin sana kitang makausap. Sige pupuntahan kita riyan ngayon.” Ibinaba ko na ang tawag at lumabas na ng school.
Nagtungo ako kung saan siya naroon at marami na ring mga estudyanteng kumakain. Madalas kasing tambayan ito ng mga estudyante dahil malapit lang naman ito sa university. Iyong iba naman ay sadyang gusto lang dito tumambay dahil sa itaas nito ay isa itong coffee library.
Hinanap ko si Ulysses dito sa ibaba at ng hindi ko siya makita ay nagtungo ako sa itaas. Nagpalinga-linga pa ako at nakita ko rin siya sa bandang dulo malapit sa may bintana. Naalala ko noong mga highschool pa lang kami kapag kumakain kami nila Nina at Ellaine kasama siya. Nakikipag-unahan pa siya kay Ellaine kung sino ang mauupo sa may bintana. Gustong-gusto niya kasi malapit doon at magsusulat siya sa bintana ng kung anu-ano na hindi naman din namin maintindihan ang ibig sabihin.
Masaya ako kapag kasama siya dahil iyon ang mga panahong may gusto pa ako sa kaniya. Naiisip ko minsan na sabihin na sa kaniya ang tunay kong nararamdaman pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka makaapekto pa ito sa pagkakaibigan namin. Mabuti na ring hindi niya nalaman ang totoo dahil hindi naman pala ako ang gusto niya.
Nakayuko lang siya at nagtaka ako dahil sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Lalapitan ko na sana siya ng may biglang sumampal sa kaniya. Napatutop ako ng aking bibig dahil sa matinding pagkagulat. Si Ulysses ay basta lamang na nakatitig sa kaharap niya at walang reaksyon. Natatakpan ito ng pader kaya hindi ko makita kung sino ang kausap niya. Nasa may hagdan pa lang ako at humakbang pa ako paakyat para makita kung sino ‘yon.
Laking gulat ko nang mapagsino ito. Napaatras akong bigla at napahawak sa sandalan ng upuan dahil para akong tutumba sa aking kinatatayuan. Ang babaeng nasa harapan niya, siya ang dahilan kung bakit ako nagka-trauma ngayon. Anong ginagawa niya rito? At bakit niya kausap si Ulysses?
Unti-unting naninikip ang dibdib ko at hindi na ako makahinga. Gusto kong tawagin si Ulysses pero walang salitang lumabas sa aking bibig. Parang bumalik ang alaala kong iyon na kamuntikan na akong mamatay. Napaluhod na lang ako at binulatlat ko ang laman ng bag ko para hanapin ang aking gamot. Pero dahil sa panginginig ng mga kamay ko ay gumulong na lang ito palayo sa’kin. Naluluha na ako at alam kong pinagtitinginan na rin ako ng mga tao rito pero ni isa ay hindi man lang ako tinulungan.
Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin at itinayo ako. Hinarap ako nito at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Kita ko sa itsura niya ang labis na pag-aalala. Hindi naman siguro ako nananaginip dahil nasa harapan ko siya ngayon.
“Madie, please breath. You have to breath hmmn?” Doon na ako tuluyang napaiyak at kaagad siyang niyakap.
Para akong isang bata na nagsumiksik sa kaniya at para rin siyang isang gamot na basta na lamang nawala ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko magawang magalit sa kaniya dahil mahal ko siya, mahal na mahal ko ang lalaking ito. Kung ano man ang dahilan niya ay makikinig ako sa kaniya at sa kaniya lamang ako maniniwala.
Dinala niya ‘ko sa parke kung saan kami nagpunta noon. Inabot niya sa’kin ang isang bottled water at kaagad ko naman iyon ininom. Gumaan na ang pakiramdam ko at alam kong siya ang dahilan noon. Sinulyapan ko siya na nasa aking tabi at nakayuko lang siya at pinagsiklop niya ang kaniyang mga kamay.
Hinahagilap ko kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kaniya. Marami akong gustong itanong sa kaniya pero hindi ko alam kung ano ba ang uunahin ko. Narinig ko pa ang mahinang pagbuntong hininga niya at hinarap ako. Nakatingin lang din ako sa kaniya at masasabi kong wala na ang galit sa kaniyang itsura.
“Feeling better now?” Tumango ako at tipid na ngumiti Sandaling katahimikan ng muli siyang magsalita. “Let’s go ihahatid na kita”
“I’m sorry,” garalgal kong sabi. “I’m so sorry Jeremy. Alam kong deserve kong saktan mo rin pero maniwala ka sa’kin__”
“I know.” Putol niya sa aking sasabihin. “ You don’t have to explain.” Napayuko ako at huminga ng malalim.
Wala pa siyang sinasabi pero nasasaktan na ako kaagad. Paano kung sa kaniya na manggaling ang salitang gusto kong marinig? Makakaya ko pa kaya? Kaya ko pa bang tiisin ang sakit?
Pinagsiklop ko ang mga kamay ko at iniisip ko kung dapat ko bang itanong pa si Mint sa kaniya. Parang hindi ko kayang marinig ang totoo dahil baka pagsisihan kong minahal ko siya.
“Nagkita kami ni Mint kanina, and she told me everything about your relationship.” Tumingin ako sa kaniya na ngayo’y nakatitig na sa’kin. “Is t-that t-true?” Nauutal ko pang tanong sa kaniya.
Nakatingin lang siya sa’kin na para bang ayaw niyang sabihin ang totoo. Hindi na niya kailangan pang magsalita dahil alam ko na base sa kaniyang titig at alam kong ayaw lang niya akong saktan.
Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko dahil para nang sasabog ang dibdib ko at hindi ko na kayang marinig ang mga sasabihin niya. Tumalikod ako at naglakad na palayo sa kaniya. Napahinto ako nang yakapin niya ako mula sa aking likuran. Humigpit pa ito lalo at maya-maya ay iniharap niya ako sa kaniya. Hinaplos niya ang aking pisngi at pagkuwa’y hinalikan ang aking noo. Napakagat-labi ako at doon na pumatak ang aking mga luha.
Hindi ko magawang magalit sa kaniya. Kung sa iba ay sampal at mura ang aabutin nila kapag alam nilang niloloko na sila, pero hindi ko ‘yon kayang gawin sa kaniya. Oo, aaminin ko marupok na nga ako pero anong magagawa ko mahal ko siya. Tama nga ang sabi ng iba, malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na sila sa piling mo. Paano naman kung alam mong niloloko ka na? Paano mo pa siya mamahalin?
“Don’t cry baby. If you want to know, you can ask me anything and I’ll tell you the truth.” Pinunasan niya ang mga luha ko at hinaplos ang aking pisngi.
“Is she your fiancé?” Wala siyang pag-aalinlangan tumango at itinulak ko na lang siya palayo sa akin.
“And then why?! Why did you lie to me? Bakit hinayaan mong mahulog ako sa’yo?!” Umiiyak kong turan sa kaniya.
Akmang lalapitan niya ako nang umatras naman ako sa kaniya. Patuloy pa ring umaagos ang luha ko at ramdam na ramdam ko ang sakit sa aking dibdib. Mas masakit ito kumpara kanina dahil sa kaniya na mismo nanggaling ang katotohanan.
“Let me explain everything baby okay?”
“Explain? Ikaw ba hinayaan mo akong magpaliwanag? You want me to listen to you but you never listen to me whatever I say.” Hindi siya nakapagsalita at umiwas sa’kin nang tingin.
“I know. I’m such a coward right? I’m selfish and I won’t let you explain. I’m sorry if I act that way. I’m sorry if I loved you so much or get obsessed, I’m trying to give you the love that I never got.” Ako naman ang natigilan sa kaniyang sinabi.
Kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata at alam kong mabigat ang pinagdadaanan niya. Lumaki siya na walang ina at masakit para sa kaniya ang mamuhay mag-isa. At isa pa, alam kong hindi sila magkasundo ng ama niya kaya siya nagkakaganito ngayon.
Lumapit siya sa’kin at niyakap ako. Mahina akong napahagulgol at gumanti ako nang yakap sa kaniya. I really miss him, namiss ko ang lahat-lahat sa kaniya. Kumalas siya nang pagkakayakap sa’kin at masuyo niyang hinalikan ang aking buhok.
“Mint is my childhood friend and my acting fiancé.” Napataas ang kilay ko at taka ko siyang tiningala.
“Acting what?”
“Mabait siya at gusto ka niya talaga maging kaibigan”
Ibig sabihin ay totoo ngang gusto akong maging kaibigan ni Mint. Alam na rin ba niyang girlfriend ako ni Jeremy? Pero paano? At ano ang sinasabi niyang acting fiancé niya si Mint?
“Teka lang, hindi ko maintindihan”
“I’ll explain everything to you later. But first, iuuwi na muna kita.” Ngumiti siya sa’kin at muntikan na akong masamid ng laway dahil sa aking naiisip.
“Bakit iuuwi mo ‘ko sa bahay mo?” Kunwa’y galit kong tanong sa kaniya.
Nangunot ang noo niya at ngumisi pa siya sa’kin nang nakakaloko. “Gusto mo ba talagang iuwi na kita sa bahay ko? Kapag ginawa ko ‘yon kailangan mo na ‘ko pakasalan. Ayoko ng live-in lang tayo”
Namilog ang mga mata ko at ang kaninang sakit na nararamdaman ko ay napalitan na ng kung anong saya sa aking dibdib. Kahit kailan talaga ang ipis na ‘to ay parati na lang binabanggit ang kasal. Alam kong biro lang ‘yon at mukhang sigurado na siya na kami talaga ang magkakatuluyan.
Gusto ko rin naman na kami na hangggang sa huli just like my parents. Kahit anong pagsubok ang dumating ay sila pa rin hanggang sa huli. I really envy them for such a wonderful love story. Sana gano’n din ang kahihinatnan namin ni Jeremy.
“Wala ako sa mood makipagbiruan sa’yo ah.” Inirapan ko pa siya at narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya.
Ang sarap lang pakinggan ang tawa niya na tila naging musika na sa aking pandinig. Hindi ko akalain na mapapatawa ko siya ng ganito sa kabila ng pagiging badboy at playboy nito.
“Don’t worry hindi pa kita ibabahay. Ihahatid muna kita sa inyo at alam kong hindi pa masyadong maganda ang pakiramdam mo”
Oo nga pala nakalimutan ko ‘yong gamot ko. Muli akong napatingin sa kaniya para itanong kung nakuha niya ba ‘yong gamot ko nang may bigla namang sumagi sa isip ko.
Hindi, imposibleng siya ang lalaking iyon. It’s been five long years at isa pa si Ulysses ang nakita kong nasa aking harapan ng mga oras na ‘yon. Napailing na lang ako at pilit akong ngumiti sa kaniya.
“Wait for me here kukunin ko lang ‘yong motor ko.” Bago siya tumalikod ay hinalikan niya muna ako sa aking noo.
Napalabi ako at bumuga pa sa hangin. “Hoy Jeremy!” Lumingon pa siya sa’kin pagkatawag ko sa kaniya. “Bakit ba palagi na lang sa noo mo ‘ko hinahalikan? Hindi naman ako ang lola mo! Ito ‘yong labi ko oh!” Turo ko pa sa aking labi. “Malapit lang naman ‘yong noo ko sa labi ko pero hindi mo magawang bumaba. Ito ‘yon oh! Ito!” Mariin ko pang turo sa labi ko.
Mabilis siyang naglakad patungo sa’kin at kaagad niya akong hinalikan. The way he kiss me is absolutely killing me. s**t! Ano bang ginawa sa’kin ng ipis na ‘to at baliw na baliw na ‘ko sa kaniya?
I want to feel him how much he means to me and how much I love him. Wala na akong ibang lalaking mamahalin pa kun’di siya lang.