“Hoy Madz! Will you please explain to us kung bakit kayo magkasama ni Ulysses at kung bakit iba ang kasama ni Jeremy? Hindi ba boyfriend mo siya? Anong nangyari?” Nagtatakang tanong sa’kin ni Nina.
Nandito kami ngayon sa bahay nila at maagang natapos ang klase namin dahil may meeting ang mga prof. Malapit na kasi ang school anniversary kaya lahat sila ay abala. Nakaupo kami sa bermuda grass at nagmemeryenda at kaharap ko naman ang dalawang kaibigan ko na animo’y isa akong kriminal kung tingnan nila ako.
Napayuko ako at nilaro-laro na lang ang mga damo dahil hindi ko alam kung paanong paliwanag ang sasabihin ko sa kanila. Duwag na ba ako dahil hindi ko kayang harapin si Jeremy? Tutal kasalanan ko naman kaya dapat lang ako ang gumawa ng paraan para magkaayos kami. Pero sa nakikita ko parang ang hirap niyang lapitan gayong kasama niya si Mint.
“Ano na Madz?! Magkukuwento ka ba o sasabunutan pa kita?” May halong pagbabanta pa ni Ellaine.
Sa aming tatlo ako ang pinaka-malihim. Ayoko lang kasi silang pinag-aalala o ‘di kaya ay pinamomroblema. Hangga’t kaya kong lutasin ay ginagawa ko na lang. Pero ngayon, parang hindi ko na kayang sarilinin ito masyado na akong nasasaktan.
Nag-angat ako nang tingin at tinitigan sila na nasa aking harapan. I smiled bitterly at hindi ko na rin alam kung paano pa ngumiti ng totoo. Tumikhim ako na para bang hirap na hirap akong sabihin sa kanila ang nagyayari. Hindi rin naman nila ako tatantanan kaya sasabihin ko na rin.
“I created a mistake.” Nanunubig ang mga mata kong nakatitig sa kanila.
Tila lumambot naman ang ekspresyon ni Ellaine na kanina ay naiinis na. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at marahang pinisil. Doon na pumatak ang mga luha ko at kaagad ko naman itong pinunasan. Tumingala pa ako at huminga ng malalim dahil magpasa hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang dibdib ko.
“Mahal mo na ba siya Madz?” Si Nina na matamang nakatingin sa’kin.
Tumango ako at kinagat ang ibabang labi ko. “S-sobra Nina. Parang hindi ko kaya na gano’n siya sa’kin. Kasalanan ko kung bakit siya nagalit.” Tumabi pa sa’kin si Nina at niyakap naman ako. “Anong gagawin ko?” Umiiyak na ako habang sinasabi ‘yon.
“Sssh, mahal ka ni Jeremy at nakikita namin sa kaniya ‘yon. Hindi naman siya mag-aaksaya ng oras at panahon kung hindi ka niya talaga mahal eh,” pag-aalo pa sa’kin ni Nina.
Kumalas ako sa kaniya nang pagkakayakap at pinunasan ang aking mga luha. Posible kayang magbago ang nararamdaman niya dahil dumating na ang first love niya? Gusto kong marinig mula sa kaniya kung talaga bang ako ‘yong mahal niya.
“S-si Mint, siya ‘yong unang minahal ni Jeremy.” Kita ko ang pagkagulat ni Nina at ganoon din si Ellaine.
“Wait Madz, you mean ‘yong babaeng kasama ni Jeremy kanina?” Nakataas pa ang kilay ni Nina pagkasabi niyang iyon.
Marahan akong tumango at narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. Tumingin ako sa malayo dahil pakiwari ko ay babagsak na naman ang mga luha ko.
“Trust me Madz, mahal ka ni Jeremy at napaka-imposible nang sinasabi mo. Dahil lahat ng gusto niyang malaman tungkol sa’yo tinatanong niya sa’min. Saka hindi si Mint na ‘yon ang first love niya kun’di__” Hindi na naituloy pa ni Nina ang sasabihin niya nang sikuhin siya ni Ellaine at pinandilatan pa ito ng mga mata.
Kunot-noo ko silang pinagmasdan dahil alam kong may itinatago sila sa’kin. Papalit-palit pa ang tingin ko sa kanila at napapikit pa si Nina nang mariin at para bang narealize niya kung ano ang kaniyang sinabi. Bumuga pa siya sa hangin at mataman akong tinitigan pero naunahan ko siyang magsalita.
“Ellaine, Nina, what is it? Meron ba akong kailangan malaman?”
“Kay Jeremy mo itanong ang mga gusto mong malaman Madz at hindi sa amin. At ikaw na ang gumawa ng paraan para magkaayos kayo. Lower your pride Madz hindi panty ang ibinababa.” Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa huling sinabi ni Nina.
Napalunok akong bigla at ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Napainom ako ng wala sa oras ng tubig at pakiramdam ko ay bigla akong nauhaw. Bahagya pang lumapit sa’kin si Nina at tinigan ako nito sa mata kaya napakurap-kurap naman ako sa kaniya.
“Ibinaba mo na ba ‘yang panty mo sa kaniya Madeline?!” Halos magkanda-ubo naman ako dahil sa tanong ni Nina sa’kin.
Pinalo ko pa siya sa kaniyang braso pero balewala lang ‘yon sa kaniya at hindi niya inaalis ang makahulugang titig nito. Napasulyap akong bigla kay Ellaine na tahimik lang at wari ko’y hinihintay ang aking isasagot. Alam nila kapag nagsisinungaling ako kaya wala na rin akong maiitago sa kanila.
Shit! Ano bang sasabihin ko sa kanila na may nangyari at bumigay ako? iisipin pa nila na marupok ako at basta na lang isinuko ang mapa ng Pilipinas.
“Naku Madeline ha! Pinakain mo na ba?” Mas lalong lumaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan na pati ‘yon ay itatanong ni Nina.
Si Nina talaga ang barumbado ang bibig sa’min at walang preno sa pagsasalita. Pero kami lang naman tatlo ang nag-uusap sa mga gano’ng bagay. Kaya minsan mahirap din magtago ng sikreto sa babaitang ito kahit na hindi mo sabihin ay kusa nilang nalalaman ‘yon.
“Nina, sa tingin ko nabusog naman yata ‘yong ipis na ‘yon.” Ngumisi pa si Ellaine sa’kin ng nakakaloko at parang umurong bigla ang luha ko dahil sa dalawang ito.
“Hindi ko knows na favorite flavor pala ni Jeremy ang Pepe-roni!” Kunwa’y irap pa nito sa’kin.
“Correction Nina, Pepe-Madie!” Sabay tawa pa nila.
“Don’t worry Madz dahil sure akong sa’yo lang t**i-bok ang puso ni papa Jeremy!” Kinikilig pang wika Nina.
Hindi ko alam kung maiinis ba ‘ko o tatawa dahil sa mga pinagsasabi nila. Alam ko rin naman na pinagagaan lang nila ang loob ko at pinapatawa dahil sa nangyayari sa’min ni Jeremy. Tama si Nina ako na mismo ang kakausap kay Jeremy at ipapaintindi sa kaniya ang lahat.
Wala naman kami masyadong ginawa ngayong araw dahil abala ang ibang prof sa paghahanda ng school anniversary ngayong week. Tumawag sa’kin si Ellaine at sinabi nitong nasa coffee shop daw sila ni Nina. Wala na rin naman akong klase ngayon at palabas na rin ako ng campus nang mamataan ko si Jeremy na naglalakad at makakasalubong ko pa ito.
Hindi ko mapigilang humanga sa kaniya. He’s wearing a white shirt na may maliit na printed lang sa bandang gitna nito at naka-suot ng pang-basketball na short at mukhang may practice sila. Napahinto ako sa paglalakad at nakamasid sa kaniya habang papalapit siya sa kinaroroonan ko. Hindi siya nakatingin sa’kin at nakayuko lang habang naglalakad. Pagkakataon ko na ito para makausap siya at sana lang ay pakinggan niya ako. Mabuti na lang at walang estudyante rito sa second floor at malamang ay lumabas na rin ang mga ito.
Nag-angat siya nang tingin at napahinto pa sa kaniyang paghakbang nang makita ako at ilang dipa na lang ang pagitan namin. Napalunok ako dahil titig na titig ito sa’kin na wala man lang kaemo-emosyon ang itsura. Ni hindi ko man lang ito nakitang nagulat o ‘di kaya ay ang pagka-miss niya sa’kin. Siguro nga ay sobra-sobra siyang nasaktan kaya gusto kong magkaayos na kami.
Marahan akong lumapit sa kaniya at kinagat ko pa ang ibabang labi ko ng nasa kaniyang harapan na ako. Sa totoo lang ngayon lang ako ninerbyos ng ganito. Nakatingala ako sa kaniya at pakiwari ko ay hinihintay lang niya na magsalita ako.
“J-jeremy p-puwede ba kitang makausap? Kahit saglit lang.” Umiwas siya sa’kin nang tingin at pansin ko ang kaniyang paglunok. “I-I’m s-sorry.” Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko at hirap na hirap kong sabihin ‘yon sa kaniya.
Napabaling ang tingin niya sa’kin at saka tumingala at bumuga sa hangin at muli ako nitong tinitigan. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba dahil parang ibang Jeremy ang kaharap ko. Hindi siya ‘yong Jeremy na kapag nakikita ako ay nakataas na kaagad ang kilay nito at parang palagi akong iniinis.
“Why do you always say sorry Madeline? Is that all you can do?” Iritang sabi nito sa’kin.
Kumirot naman ang puso ko at nangilid ang aking mga luha. Hindi ko ito pinahalata sa kaniya at pinipigilan ko ang sariling damdamin ko kahit na masakit ang sinabi niya sa’kin, I deserve all that treatment.
“Please listen to me Jeremy. Iyong kay Ulysses, mali ang iniisip mo. He’s just a friend”
“And he’s your top priority am I right?”
“W-what?” Umigting ang panga niya hudyat na galit na siya. “Akala ko ba naiintindihan mo na kung anong relasyon ang meron kami? At akala ko ba ay alam mong ikaw ang gusto ko?”
“Is that what I thought also.” Natigilan ako sa sinabi niya at kunot-noo ko siyang pinagmasdan. “Akala ko sapat na pinapakita ko sa’yong mahal kita. Akala ko sapat na rin ‘yong ginagawa ko para sa’yo, hindi pa pala”
“Jeremy you’re wrong. Hindi mo rin ba nakikita kung gaano ka kahalaga sa’kin?” Pansin ko ang pamumula ng kaniyang mga mata.
Umiwas siya sa’kin nang tingin at akmang lalagpasan na niya ako nang hawakan ko siya sa kaniyang braso. Humigpit ang pagkakakapit ko roon at unti-unti siyang tiningala. Hindi niya ako binalingan nang tingin at sa ibang direksyon siya nakatuon. Hinarap ko siya pero hindi pa rin niya ako tinitingnan. Para sa’kin ayos lang na magmukhang tanga ako sa harapan niya ang mahalaga ay masabi ko sa kaniya ang mga gusto kong sabihin.
“Jeremy, please. Mahalaga ka para sa’kin,” garalgal kong saad sa kaniya.
Tumingin siya sa’kin na may panunubig ang mga mata. Halatang nasaktan ko talaga siya. Gano’n na lang ba talaga ang epekto ng pagseselos niya kay Ulysses? Sa dami naman ng lumalapit sa’kin at isa na roon si Joaquin pero kay Ulysses siya matinding nagselos.
“Really? Pinapakita mo pero hindi mo pinaparamdam. Madeline, I’m always begging you to like me back. Pero bakit parang manhid ka? Ano pa bang gusto mong gawin ko? You’re always cold to me pero pagdating sa kaniya you’re too kind! Why Madeline? Why?!” sigaw niya na nagpapitlag sa’kin. “So, you didn’t know in the first place how much I like you. You didn’t even bother to know me”
“I asked you many times Jeremy, pero parang ayaw mong sabihin sa’kin. Sa madaling salita parang may itinatago ka na ayaw kong malaman”
“Dahil gusto kong kulitin mo ‘ko tulad nang ginagawa ko sa’yo! Hindi mo ba talaga matandaan Madeline? Dahil ikaw lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon”
Hindi ako nakapagsalita at mariin na lang pumikit. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya at napaawang na lang ang aking mga labi. Nang tingnan ko siya ay parang nag-aapoy na siya sa galit. Bakit? Anong meron ba kay Ulysses at galit na galit siya ro’n.
Nang lagpasan na niya ako ay doon lang ulit ako nagsalita. “Who’s Mint? Pumihit ako paharap sa kaniya at hindi man lang siya nag-atubiling harapin din ako.
“Someone you don’t need to know.” Pagkasabi niyang iyon kaagad siyang naglakad palayo sa’kin.
Wala na ba talaga kaming pag-asa? Kahit na anong gawin at sabihin ko ay sarado na ang isip niya at hindi niya ako pakikinggan. Nagtataka ako dahil hindi normal ang galit na nararamdaman niya at pakiramdam ko ay may kinalaman talaga ‘yon kay Ulysses.
Abala ang ilang mga estudyante dahil sa paghahanda sa school anniversary ngayon. Ang ilan naman ang nag-aayos na ng kani-kanilang mga booth. Bawat course ay may mga sariling booth at kung ano-ano ang mga binebenta nila. Nag-aayos naman kami ni Nina ng booth namin at dalawa lang kami rito dahil absent na naman si Ellaine. Nag-aalala na ‘ko dahil parati na lang masama ang pakiramdam niya.
“Grabe Madz ang gaganda pa ng mga damit na ‘to ah! Sigurado ka bang hindi mo na ginagamit ang mga ito?” manghang tanong ni Nina sa’kin.
Isa-isa ko namang hinahanger ang mga damit para idisplay. Ito naman ang napili naming ibenta at ang iba naman sa mga damit ay bigay pa ni Mama Tin. Ang kikitain namin sa pinagbentahan ng mga damit ay ibibigay namin sa charity. May mga charity na tinutulungan si mommy at Mama Tin kaya iyon din ang naisip ko na ibigay na lang sa charity ang kikitain namin.
Humarap ako sa kaniya at tipid na ngumiti. “Hindi na, saka ang liit na kaya ng mga ‘yan”
“Oo nga pala Madz, nagkausap na ba kayo ni Jeremy?” Umupo naman ako at inayos ang mga damit na nasa box pa.
Kagabi ko pa iniisip ang bawat salitang binitawan sa’kin ni Jeremy. Alam kong hindi siya basta-basta magagalit ng gano’n kung walang kinalaman si Ulysses. Siguro si Ulysses na lang ang tatanungin ko kapag nakita ko siya.
“Oo,” tipid kong sagot sa kaniya.
“Magkuwento ka naman! Okay na ba kayo?” Mapait akong ngumiti at pinapatuloy ko na lang ang ginagawa ko. “Sa nakikita ko sa’yo mukhang hindi pa. Sa lahat ng lalaki bakit kay Ulysses pa siya matinding nagselos? Dahil ba sa sobrang guwapo ni Ulysses? Or dahil sa dati kang patay na patay ka kaniya kaya selos na selos ang jowa mo?”
“Hindi ‘yon Nina eh, I think something is not right.” Umarko bigla ang kilay ni Nina at tumabi sa’kin.
Magsasalita pa sana ako nang dumating naman si Ulysses. Malapad itong ngumiti sa’kin at may bitbit pa siyang dalawang paper bag. Inilapag niya ito sa lamesa at isa-isa niyang inilabas ang laman noon. Pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos niya at bigla akong napatitig sa kaniyang mukha.
Bakit gano’n? Bakit ngayon ko lang napansin ‘yon? Marahan akong napatayo sa kinauupuan ko at hindi pa rin maalis ang pagkakatitig ko sa kaniya. Hindi ko namalayang nakalapit na pala sa tabi ko si Nina at pasimple niya akong siniko. Tumikhim ako at umiwas na lang sa kaniya nang tingin at kunwa’y inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng mga damit.
“Hoy Madeline, anong klaseng tingin ‘yan? Don’t tell me__”
“Shut up Nina,” mariing saway ko sa kaniya para hindi marinig ni Ulysses.
“Anong pinag-uusapan niyo?” Muntikan pa kaming mapatalon ni Nina sa gulat nang magsalita siya sa aming likuran.
Papalit-palit pa ang tingin nito sa’min ng hindi kami makasagot. Nagkatinginan pa kami ni Nina at pasimple pa siyang tumalikod sa amin ni Ulysses at may kakaibang ngiti. Ang sarap lang batukan ng kaibigan kong ito.
“U-ulysses, saan nga pala ‘yong booth niyo?” Pag-iiba ko na lang ng usapan.
“Limang booth mula rito. Dinalhan ko na rin kayo ni Nina ng pagkain alam ko kasi na dalawa lang kayo at busy na rin kayo baka kasi malipasan kayo ng gutom eh,” sabay ngiti niya pa sa’kin.
Nakaramdam ako ng pagka-ilang at narinig ko pa na pabirong umubo si Nina. Sinamaan ko siya nang tingin at nginisian naman niya ako. Dapat siguro ay iwasan ko muna si Ulysses habang hindi pa kami nagkakaayos ni Jeremy. Pero paano ko naman gagawin ‘yon? Kaibigan ko si Ulysses at hindi rin naman tama na iwasan ko siya gayong wala naman siyang ginagawang masama. Pero ang masama ay ang pagselosan siya ni Jeremy na hindi ko alam ang totoong dahilan.
“May gusto sana akong itanong sa’yo.” Tumango lang siya at para bang biglang namawis ang mga kamay ko.
“Kilala mo na ba si Jeremy noon pa?” Walang paligoy-ligoy kong tanong sa kaniya.
“Ngayon ko lang siya nakilala, why?” Tiningnan ko siya sa mata kung nagsasabi ba siya ng totoo.
Oh my God! Bakit parang? No, hindi totoo ‘yon.
Pumunta na lang ako sa mesa at binigyang pansin ko na lang ang mga dala niyang pagkain. Inalok ko na rin si Nina at ganoon din si Ulysses. Saktong pagkatapos naming kumain ay dumating na rin ang iba pa naming kasama sa booth at nagpalaam na muna kami ni Nina para maglibot sa ibang mga booth.
Nakakatuwa dahil para kaming nasa peryahan. Meron ding mga laro at premyo. Nakaagaw pansin sa’kin ang isang booth na puro stuff toy. Lumapit ako roon at nakita ang isang shark na stuff toy. Naalala kong bigla si Jeremy dahil ito ang kauna-unahang binigay niya sa’kin. I really miss him so much.
“Miss gusto mong maglaro?” tanong sa’kin ng isang babaeng estudyante nang makita niyang titig na titig ako sa isang stuff toy.
Tumango ako at binigyan niya ako ng limang bola para tamaan ang target. Natamaan ko naman ‘yon lahat at pinapili niya ako kung anong gusto ko sa mga stuff toys. Naagaw ng pansin ang isa sa mga stuff toy sa gitna kaya iyon ang kinuha ko. Napangiti na lang ako at pinisil iyon. Taka namang nakatitig sa’kin ‘yong babae dahil akala niya ay iyong shark na stuff toy ang gusto kong kunin.
“Madz!” Napatingin ako sa ‘di kalayuan at tumatakbong palapit sa’kin si Nina.
Hinihingal pa siya nang makalapit sa’kin at sapo pa nito ang kaniyang dibdib. Kanina ko pa siya hinahanap dahil nagkahiwalay kami at nagpunta sa ibang booth.
“Saan ka ba galing?”
“Tara Madz dali! And I’m sure hindi ka maniniwala!” Hinawakan ako nito sa kamay at basta na lang hinila.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Nina at hila-hila niya ako papasok sa loob ng campus. Dinala niya ako sa gym at marami na ring tao roon. Halos lahat yata ng estudyante ay naririto at ‘di magkamayaw sa pagsigaw. Mukhang may laro yata sina Jeremy dahil ganitong senaryo palagi ang naaabutan ko sa tuwing may game sila.
Nakipagsiksikan pa kami para makaraan at hindi na rin kami makakaupo dahil wala na ring bakante. Halos mapuno na ang buong gym at si Jeremy lang naman ang nakakagawa noon.
Sa wakas ay nakarating na rin kami sa bandang unahan at hinagilap kaagad ng mga mata ko si Jeremy. Ang team lang ni Jk ang nakita ko at team ni Jeremy pero hindi ko siya nakita.
Nakakabingi ang mga hiyawan nila na may kasama pang paghampas ng drum kaya halos dumagundong na ang buong gym. Nakatayo naman kami ni Nina at halata sa itsura niya na excited siyang manuod ng laro. Hindi nagtagal ay lumabas na rin si Jeremy at mas lalong nagsigawan ang mga estudyanteng nanunod.
Napalunok ako at ito ang pangalawang pagkakataon na mapapanuod ko siyang maglaro. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami okay. Kung noon ay sinusuyo-suyo niya pa ako, ngayon ay kaya na niya akong tiisin. Hindi ko na kaya na ganoon ang trato niya sa’kin at hindi ko rin alam kung sino si Mint sa buhay niya.
Nang maupo na si Jeremy sa bench nila ay bigla namang tumabi si Mint sa kaniya. Mas lalo akong nasaktan kapag nakikita ko silang magkasama. Ngayon alam ko na kaya pala niya ako binabalewala ay dahil sa kaniya. Parang hindi ko na kayang manuod pa ng laro nila dahil mas lalo lang akong nasasaktan sa nakikita ko ngayon.
Tatalikod na sana ako nang hawakan ako ni Nina sa kanang braso ko. “Saan ka pupunta? Hindi mo ba siya papanuorin?”
“Hindi na siguro Nina.” Mapait akong ngumiti sa kaniya.
“First time niyang maglalaro at need niya ng support natin Madz!” Sigaw nito sa’kin at nangunot ang noo ko.
Magsasalita pa sana ako nang magsalita naman ang emcee at tumayo na rin ang mga players. Kalaban nila ang kapatid ko at masasabi kong pareho silang mahusay maglaro. Naging varsity rin si Jk noong nag-aaral pa kami sa highschool at mahigpit niyang kalaban naman noon si Ulysses. Matagal na ring hindi nakakapaglaro si Ulysses dahil sa isang aksidente.
“Okay may we call on our players. The Mad Tiger vs The Rising Phoenix!” Pakilala ng emcee sa kanila.
Isa-isa nitong tinawag ang mga players at nakakabinging hiyawan nang tawagin na ang pangalan ni Jk at ni Jeremy. Halos hindi naman kami malayo sa kanila kaya medyo kita rin kung saan ako naka-puwesto. Pero ni sulyap ay hindi nito nagawa. Napayuko na lang ako at mukhang napansin naman ito ni Nina at tinapik niya ako sa aking balikat.
“Good news! Meron tayong bagong player at maglalaro siya sa The Rising Phoenix.” Muling naghiyawan ang mga tao pagkasabing iyon ng emcee. “Ready na ba kayo kung sino siya?”
“Ready na!” Sabay-sabay nilang sagot.
“I’m sure guwapo rin ‘yan tulad ng dalawang heartrob na nasa unahan.” Narinig kong sabi ng nasa likuran ko at ang tinutukoy nila ay si Jk at Jeremy.
Nang sulyapan ko naman si Jeremy ay nakatingin din ito sa’kin at saka siya umiwas nang tingin. Seryoso lang siyang nakikinig sa sinasabi ng emcee pero ako hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatitig ko sa kaniya.
“And now, the new player of The Rising Phoenix is no other than Ulysses Castillejo!” Napabaling bigla ang tingin ko sa emcee dahil baka nagkakamali lang ako nang dinig.
Pero hindi. Nakita ko siyang naglalakad papalapit sa mga team mates niya at ng nasa gitna na siya ay humarap pa siya sa’min at ngumiti. Napatingin akong bigla kay Jeremy at nakita kong napakuyom pa siya ng kaniyang palad. Titig na titig siya kay Ulysses hanggang sa makalapit na ito sa kaniyang mga team mates.
Marahan akong napailing at wala ako sa sariling napahawak sa braso ni Nina. Hindi ito maaari, masama ang kutob ko at may mangyayaring hindi maganda. Ano bang naisipan ni Ulysses at bakit pa siya sumali sa basketball gayong nagka-injury na ito?
Kanina pa ‘ko naririndi sa mga sigawan nila nang lumabas na si Ulysses. Paano pa kaya kung makita nila itong maglaro? Hindi ko maipagkukumpara si Ulysses at Jeremy dahil alam kong pareho silang magaling. Pero ang inaalala ko ay ang injury ni Ulysses at dahilan kung bakit siya tumigil sa paglalaro.
Ilang sandali pa ay mag-uumpisa na ang laro at mas lalo akong kinabahan nang si Jeremy at Ulysses ang magkakaharap para sa jump ball. Nagkatitigan pa sila at isa sa kanila ay ayaw magbaba nang tingin. Ngumisi pa si Ulysses sa kaniya at masama naman ang titig ni Jeremy.
“Oh my God! Dalawang hottie magkalaban”
“Pansin niyo magkahawig sila?”
Dinig kong sabi ng mga katabi ko kaya mas lalo akong naguluhan. Hindi lang pala ako ang nakapansin noon at nagkataon lang siguro ‘yon.
Hindi puwedeng mangyari ang iniisip ko dahil matagal ko ng kilala si Ulysses at wala siyang nababanggit tungkol sa personal niyang buhay.
“This is not right Nina, I know there is something wrong,” bulong ko kahit alam kong hindi niya narinig ang sinabi ko.
Nakatitig lang ako sa kanila and the game is about to begin.