CHAPTER 27

4766 Words
Tulala ako habang naglalakad ako palabas ng campus. Napahinto na lang ako dahil naramdaman ko na lang na pumatak na ang mga luha ko sa aking pisngi na kanina ko pa pinipigilan. I know he saw us. He saw me and Ulysses kaya gano’n na lamang ang naging reaksyon niya. Akala niya ay si Ulysses pa rin ang siyang gusto ko at hindi siya. It’s my fault, nasaktan ko siya at hindi binigyang halaga. Wala ako sa sarili kong napaupo na lang at mahinang napahagulgol. Gusto kong magpaliwanag sa kaniya, I want to talk to him and say how much I loved him. Pero mas nangingibabaw ang takot na nararamdaman ko and I don’t know why. Parati niyang pinaparamdam sa’kin kung gaano ako kahalaga pero sinaktan ko siya. Naramdaman kong may humawak sa isang braso ko at inalalayan niya akong makatayo. Napatingala ako at nakita kong si Ulysses ‘yon. Nakatitig lang siya sa’kin at pinunasan ng hinlalaki niya ang mga hilam kong luha. Napaatras ako sa kaniya at yumuko dahil naalala ko ang mga sinabi ni Jeremy sa’kin kanina. Nagseselos siya kay Ulysses at pati ito ay ayokong bigyan niya pa ng kahulugan. “Did he hurt you?” Napatingin ako sa kaniya at seryoso lang siyang nakatingin din sa’kin. “How did you know about us?” Hindi siya sumagot at basta lamang siyang nakatitig sa’kin. Huminga pa siya ng malalim at bahagyang lumapit sa’kin. Hinawakan niya pa ako sa magkabilang balikat at pagkuwa’y hinaplos ang aking buhok. Medyo nakaramdam ako ng pagka-ilang kaya naman umiwas ako sa kaniya nang tingin at saka muling umatras. “Let’s go, ihahatid na kita sa inyo saka gabi na rin baka nag-aalala na sina Tito Marco,” malumanay na sabi nito sa’kin at hinawakan niya pa ako sa isa kong braso. Magsasalita pa sana ako nang makita ko naman na paparating si Jeremy at kasama nito ang dalawa niyang kaibigan na si Macky at Brian. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil nakatuon ang tingin niya sa braso ko na hawak pa rin ni Ulysses. Binawi ko itong kaagad at alam kong nagulat si Ulysses sa aking tinuran. Parang hindi niya ako kilala dahil nilagpasan niya lang ako at deretso lang ang kaniyang tingin. Mas lalong kumirot ang puso ko dahil alam kong galit siya at hindi man lang niya ako hinayaang makapagpaliwanag sa kaniya. Huminto pa sa harap namin ang dalawa niyang kaibigan at wari ko’y nagtataka rin sila dahil sa ginawa ni Jeremy. Nakamasid lang ako sa kaniya habang papalayo siya sa aming kinaroroonan at muli na namang nagbabadyang pumatak ang aking mga luha. “Jeremy!” Nagulat ako nang tawagin ni Ulysses si Jeremy at pati ang mga kaibigan niya ay napalingon din sa kaniya. Napahinto naman si Jeremy at nilingon kami, ni wala man lang emosyon ang itsura niya at hindi man lang ito nagulat nang tawagin siya ni Ulysses. Kita ko ang galit sa mukha ni Ulysses at mabilis siyang naglakad papunta naman sa kinaroroonan ni Jeremy. Namilog ang mga mata ko dahil baka kung ano na lang ang gawin nito kaya sinundan ko na rin siya at hinawakan si Ulysses sa kaniyang braso. “Ulysses, what are you doing?” May diing wika ko sa kaniya. Nilingon ko si Jeremy ngunit hindi man lang niya ako pinagtuunan ng pansin at tanging kay Ulysses lang siya nakatingin. Pansin ko pa ang pag-igting ng panga ni Jeremy kaya mahigpit akong napahawak sa braso ni Ulysses. “Wala ka ba talagang manners?” Ngumisi naman si Jeremy sa sinabi ni Ulysses sa kaniya. “What?” Bumuga pa siya sa hangin saka muling hinarap si Ulysses. “Do you really want to see my rudeness? If you don't want to get into trouble, out of my sight and out of my way.” Nagulat ako sa sinabi niya at kaagad siyang tumalikod sa’min. Gusto ko siyang tawagin at kausapin pero hindi ko alam kung pakikinggan niya pa ako. Galit siya at alam kong hindi ito ang tamang oras para kausapin siya. Lumapit pa sa amin ang dalawang kaibigan niya na naiwan at hinarap naman ako. Tipid lang akong ngumiti sa kanila na tila nagtatanong naman sila kung ano ang nangyayari sa’min. “Madie, are you okay?” may pag-aalalang tanong sa’kin ni Macky. Tumango lang ako sa kaniya at saka ko sila tinalikuran dahil kung magtatagal pa ako roon ay tiyak makikita lang nila kung gaano ako nasaktan sa ginawa ni Jeremy. Lakad-takbo ang ginawa ko habang papalabas ako ng campus at hindi ko na alam kung saan ako patungo. May bigla namang humablot sa braso ko at nagulat pa ako nang yakapin na lang niya ako. I know it’s not Jeremy dahil kilala ko ang amoy niya pati na rin ang hubog ng katawan niya. Humigpit pa ang pagkakayakap niya sa’kin at para lang akong tuod sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw. Maya-maya pa’y kumalas siya sa’kin nang pagkakayakap at marahan ko siyang tiningala. Kaagad naman akong napaiwas nang tingin dahil pakiramdam ko ay may kakaiba sa ikinikilos niya. “Don’t worry Madel, I’m here. Alam mo namang palagi akong nandito sa tabi mo dahil__” Napahinto pa siya at pansin ko ang ilang paglunok niya. “Because I’m your friend.” Hindi ako nagsalita at sadyang sa ibang direksyon lang ako nakatingin. “How much you liked him?” Doon lang ako napabaling sa kaniya nang tingin at mapait pa siyang napangiti. “I, I…I really__” “Why him?” Napamaang ako dahil hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang ipahiwatig. Minsan tinatanong ko rin ang sarili ko kung bakit siya? Pero sadyang naramdaman ko na lang ito na hindi ko alam ang dahilan. Pero ang tanging alam ko lang ay para na akong mababaliw kapag wala siya sa tabi ko, kapag hindi ko siya nakikita, kapag hindi ko siya nakakausap. At ang pinaka-masakit pa ngayon ay hindi ko matanggap na galit siya sa’kin. Para akong biglang natauhan at kaagad na bumalik sa school. Hindi ko na nilingon pa si Ulysses at nagmamadali akong bumalik ng campus. I made up my mind, ako na ang kakausap sa kaniya at kahit na sigawan niya pa ako o kaya ipagtabuyan ay wala na akong pakialam. Sasabihin ko sa kaniya ang mga gusto kong sabihin at sasabihin ko rin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Una akong pumunta sa basketball gym dahil baka nagpapractice sila ngayon. Wala akong naabutang tao roon kaya bumaba ako at naisipan ko naman siyang puntahan sa locker room nila at tiyak nandoon na siya. Nakasalubong ko naman sina Macky at Brian na tila pauwi na at nilapitan ko pa sila para itanong si Jeremy. Gulat nila akong tinitigan na para bang nakakita sila ng multo. “M-madeline, I thought you had already left.” Nauutal pa si Macky at sabay tingin sa kaniyang likuran “I need to talk to Jeremy, nakita niyo ba siya?” “Aaahm, Madeline kasi ano eh, m-may ano kasi eh” “I think hindi mo makakausap ngayon si Jeremy.” Si Brian na ang sumagot. Kunot-noo naman akong papalit-palit sa kanila nang tingin at bigla namang lumabas si Jeremy sa locker room nila at saka isinuot ang puting t-shirt nito. Nagulat pa siya nang makita ako at binalingan niya ang dalawang kaibigan niya na nasa aking tabi. Lalapitan ko pa sana siya nang biglang may lumabas din na babae sa loob noon. Nakasuot ito ng isang white short sleeve at naka-rip jeans. Maganda siya at maihahalintulad ito sa isang manika. She’s like a living doll at may maamong mukha rin ito. Umangkla pa ito sa braso ni Jeremy at matamis pa siyang ngumiti sa amin. “Oh hi! You must be Jems’ friends. By the way, I’m Mint, I’m his__” “Enough Mint!” Pigil niya sa sasabihin nito. Sinulyapan niya pa ako at pagkuwa’y nilagpasan niya. Hahabulin ko pa sana siya nang lapitan siya noong nagngangalang Mint at muling kumawit sa braso ni Jeremy. Siya pala iyong tumatawag kay Jeremy noong gabing nasa bahay niya ako. Who is she? At Kaano-ano niya si Jeremy? No! Ayokong mag-isip at baka katulad lang ito no’ng kay Janelle. Pero bakit iba ang pakiramdam ko sa kaniya? Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako kinakausap ni Macky at Brian dahil nakatanaw lang ako sa kanila habang papalayo. “Anong relasyon nila?” Tanging salitang lumabas sa bibig ko. Nang hindi nila ako sagutin ay hinarap ko sila at para bang may itinatago sila na ayaw nilang sabihin sa’kin. Napakuyom na lang ako ng isang palad ko at saka may naalala ako noong sinabi ni Jeremy sa’kin ng nasa Amusement Park kami. Siya siguro ‘yong first love niya na tinutukoy niya at hindi niya makalimutan. Para akong biglang nanlumo at kaya pala hindi niya ito kinukuwento sa’kin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at naglakad na palayo kina Macky at Brian. Alam kong nakasunod sila sa’kin kaya naman napahinto ako at hinarap sila. “Okay lang ako.” Pagkasabi kong iyon ay mabilis akong naglakad. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagpapaikot-ikot dito sa loob ng campus at para bang isa akong batang paslit na nawawala at hinahanap ang daan palabas. Gusto kong sumigaw para kahit papaano ay mawala ang bigat sa dibdib ko. Nang mapagod ako ay sumandal ako sa pader at napadausdos paupo. Wala ng mga estudyante rito at lahat sila ay nagsi-uwian na. May narinig naman akong isang yabag na papunta sa kinaroroonan ko at huminto pa siya sa harapan ko. Nakita ko naman ang isang pares ng sapatos at alam ko kung kanino ‘yon. Sinundan niya pala ako rito at baka kanina niya pa ako hinahanap. Umupo pa siya sa harapan ko at nanatili pa rin akong nakatungo. “I’m hurting. Tell me, how to endure this pain? May gamot ba para mawala kaagad ‘yong sakit? Kasi kung meron, kailangan kong bumili ng marami,” garalgal kong saad. “Baka ma-overdose ka.” Tiningala ko siya at pakiwari ko’y ramdam din niya ang lungkot sa’kin. Hindi ko na napigilan pa ay napahagulgol na lang ako at niyakap naman niya ako. I need a friend like him, na alam kong makakaintindi sa nararamdaman ko. He’s still Ulysses that I used to know na kapag kailangan ko ng kaibigan ay kaagad siyang dumarating at hindi ako iniiwan. Pero sadyang binigyang kahulugan ito ni Jeremy at hindi hiningi ang paliwanag ko. Pero ang mas masakit ay makita ko siyang kasama niya 'yong una niyang minahal. Am I just a substitute? Habang naglalakad kami ni Ulysses papasok sa subdivision dahil nagpresinta siyang ihatid ako ay hindi pa rin makapagproseso ng maayos ang isipan ko. Ilang beses ko na tinatanong ang sarili ko kahit hindi ko naman alam ang sagot. Si Mint, totoo kayang siya ang first love ni Jeremy na hindi niya makalimutan? Dinaan lang ba niya ako sa matatamis niyang salita? Naguguluhan na ako at parang lalong sumakit ang ulo ko kakaisip. Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng bahay namin kung hindi pa hinawakan ni Ulysses ang pala-pulsuhan ko dahil dere-deretso ang aking paglakad. Wala pala ako sa sarili ko habang tinatahak namin ni Ulysses ang daan pauwi. “See you tomorrow Madel.” Tumango lang ako sa kaniya at saka tumalikod na. Nagulat na lang ako nang takpan niya ng kaniyang palad ang mga mata ko. Natigilan ako dahil ito ang kadalasang ginagawa niya noon kapag gusto kong umiyak. Ayaw niya kasing nakikita niya akong umiiyak sa harapan niya. Pero kanina ilang beses na niya akong nakitang umiyak at siguradong kanina niya pa gustong gawin ito. “I let you cry Madeline. Pero sana ito na ang huling beses na makikita kitang umiiyak.” Hindi ako makagalaw sa sinabi niya at hinayaan ko lang na nakatakip ang mga palad niya sa aking mata. Ilang sandali pa ay marahan kong tinanggal ang kamay niya at pumihit paharap sa kaniya. Mapungay ang mga mata niyang nakatitig din sa’kin at mapait akong ngumiti sa kaniya. “Sige na Ulysses umuwi ka na rin saka late na rin eh,” pagtataboy ko na sa kaniya. Ang bigat ng dibdib ko ngayon at pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. I want to be alone. Gusto kong sarilinin ito pero kapag mag-isa na ako ay lalo lamang akong naiiyak at nasasaktan na para bang unti-unti akong sinasaksak sa dibdib. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay sumalubong kaagad ang malakas na tawanan ng mga kapatid kong sina Mavi at Margaux at ganoon din sina mommy at daddy na naglalaro ng Uno. Hindi nila ako napansing dumating kaya dere-deretso lang akong nagtungo sa hagdan para umakyat na sa aking kuwarto. Ayokong makita nila ang namumugtong mata ko dahil tiyak hindi ako titigilan ni mommy kung ano ang nangyayari sa’kin at lalong-lalo na si daddy. “O baby, you’re here! Kumain ka na ba? Nagluto si mommy mo ng paborito mong Afritada.” Nahinto ako sa paghakbang nang magsalita si daddy. Unti-unti naman akong pumihit paharap sa kanila at pilit na ngumiti para itago ang lungkot na nararamdaman ko. I know dad notice it behind my smile dahil biglang umarko ang kilay nito pagkakita sa’kin. “B-busog pa po ako eh saka may gagawin pa po akong mga assignment” “Gusto mo bang dalhan na lang kita ng pagkain sa kuwarto mo?” tanong naman ni mommy na may hawak pang Uno card. Tumango lang ako at mabilis na tumalikod sa kanila at nagmamadaling umakyat. Nakasalubong ko naman si Jk na tila nagtataka sa itsura ko at iniwasan ko na lang ang mapanuring titig niya. Pero hindi ako nakaligtas, hinawakan niya ako sa kaliwang braso ko na nagpatigil sa aking paglalakad papunta sa aking kuwarto. Tiningala ko siya at nangunot naman ang noo niya pagkakita sa’kin. Tinanggal ko ang kamay niya sa aking braso at mariin pang napapikit at saka siya nilagpasan. Hindi na rin niya ako pinigilan pa at kaagad na pumasok sa aking kuwarto. Ang kaninang luhang pinipigilan kong pumatak ay sadyang nag-uunahang bumagsak sa aking pisngi. Is she the one he’s talking about? Siya ba ‘yong babaeng hindi niya makalimutan? How could he do such thing at hinayaan niya akong mahulog sa kaniya? Napasandal ako sa likod ng pintuan at unti-unti dumausdos doon hanggang sa mapaupo na ako sa sahig. Kusang bumubuhos ang aking mga luha at nararamdaman ko rin ang kirot sa aking dibdib. Ilang minuto akong nasa ganoong ayos ay napagpasyahan kong maligo na muna dahil tiyak maya-maya lang ay aakyat na rito si mommy at ayokong mag-alala pa siya sa’kin. Pagkatapos kong maligo ay pinunasan ko ng tuyong tuwalya ang aking buhok at nakasuot na rin ako ng pantulog. Lumabas ako sa walk-in closet ko at naabutan kong nakatayo si daddy sa tabi ng study table ko at hawak pa nito ang picture frame na ako ang nandoon. Napahinto ako sa pagpunas ng aking buhok at pinagmamasdan siya. Naramdaman na siguro niya ang presensya ko kaya nagsalita na rin siya. “I captured this picture of you.” Panimula ni daddy habang titig na titig pa rin sa picture ko. “You smiled genuinely baby. Kahit sa maliit na bagay lang masaya ka na. At alam na alam ko kapag malungkot ka.” Inilapag ni daddy ang picture ko sa study table at hinarap ako. “What’s wrong baby?” Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay daddy ang tungkol kay Jeremy. Ayokong maglihim sa kanila at balak ko na sana ipakilala si Jeremy sa kanila pero nagkataon namang nangyari ang mga bagay na ito. Huminga pa ako nang malalim at naghihintay naman si daddy sa paliwanag ko. Marahan akong lumapit sa kaniya at nakapamulsa naman siya sa suot niyang khaki shorts. “D-dad.” Pinilit kong maging maayos ang pananalita ko pero hindi ko magawa. Nanatili akong nakayuko at hindi ko matingnan si daddy ng deretso. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko kaya doon lamang ako nag-angat nang tingin. Seryoso ang mukha niya at pagkuwa’y tumango sa’kin hudyat na ayos lang sa kaniya kung ano man ang sasabihin ko. “Whatever it is Madeline, I will understand you, and I’m not mad. All I want is, you have to be honest with me.” Doon na muling pumatak ang mga luha ko at kaagad naman niya itong pinunasan. “D-dad, you’re a doctor right?” Nangunot ang noo niya dahil sa tanong ko sa kaniya. “C-can y-you please cure me dad? I’m in so much pain.” Humihikbi ako at naitakip ko na lang ang mga palad ko sa aking mukha. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko at kung paano ko pa siya kakausapin. Ang gusto ko lang naman malaman niya ay kung gaano ko siya kamahal at walang ano mang namamagitan sa amin ni Ulysses. Pero paano pa ba mangyayari ‘yon kung biglang sumulpot ang babaeng sa una pa lang ay alam kong talo na ako? Niyakap na lang niya ako at hinagod ang aking likod. Doon na napalakas ang iyak ko at pakiramdam ko ay nakatagpo ako ng kakampi sa mga bisig ng isang ama. Kung iyong iba ay sa mga ina umiiyak at naglalabas ng hinaing, kabaligtaran ko naman. Kahit na ganoon pa kasungit at kasuplado si daddy I know that he always understand me. Nang mahimasmasan ako ay kumalas ako nang pagkakayakap sa kaniya at pinunasan ang mga luha ko sa aking pisngi. Suminghot-singhot pa ako at narinig ko ang mahinang pagtawa ni daddy. “You’re such a baby.” Napalabi ako at hinalikan niya ang aking noo. “Is it because of him?” Napatitig ako sa kaniya at unti-unting tumango. “Ipa-salvage na ba natin siya kay Tito Gascon mo?” Napanganga ako dahil sa sinabing iyon ni daddy. Alam kong nagbibiro lang siya kahit na seyoso niyang sinabi ‘yon. Naku si daddy talaga bibigyan pa ng malaking problema si Tito Gascon. Napatapik na lang ako sa aking noo at saka humalukipkip at pinanliitan siya ng mata. “I want to meet him.” Unti-unti kong ibinaba ang kamay ko at nalungkot. Paano ko pa ipapakilala si Jeremy sa kanila kung nandyan na iyong babaeng una niyang minahal? Paanong nagagawang sabihin sa’kin ni Jeremy kung gaano niya ako kamahal kung hindi naman para sa’kin ang mga salitang ‘yon? Isa na rin ba ako sa mga babaeng nabola niya para makalimutan lang niya ‘yong first love niya? Iyan lang ang mga katanungang gusto kong malaman mula sa kaniya. “But dad__” “I want to talk to him, Madeline. Ayokong basta ko na lang ipapaubaya ang anak ko kung hindi ka naman niya kayang panindigan. Gusto kong ipakita niya sa’kin kung kaya niyang higitan ang pagmamahal namin sa’yo ng mommy mo.” Natigilan ako sa sinabi ni daddy at hindi alam kung anong isasagot sa kaniya. Lumapit siya sa’kin at muli akong niyakap. Tila alam na niya kung ano ang dahilan kung bakit ako nasasaktan. “I l-loved him dad,” garalgal kong saad sa kaniya. “I know, that’s why you’re hurting. But always remember this, kapag alam mong talo ka na at hindi na ikaw ang tinitibok ng puso niya, huwag mo na pahirapan ang sarili mo dahil mas masakit ‘yon. At mas masakit para sa’kin ang makitang nasasaktan ang baby ko.” Humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya at kinagat ang ibabang labi ko para pigilang mapaiyak na naman. “I’ll always remember that dad” Naglalakad ako papasok sa loob ng campus nang mapansin ko ang mapanuring tingin sa’kin ng mga estudyante rito. Hindi ko na lamang sila pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa aking paglalakad. Namataan ko naman ang babaeng humarang sa akin at kasama na naman niya ang grupo niya. Nakasandal sila sa dingding at nagtatawanan pa nang mapansin naman nila akong papalapit sa kinaroroonan nila. Kunwa’y hindi ko sila nakita at deretso lang ang aking tingin. Wala akong panahon sa mga kagaguhan nila at huwag na huwag lang nila akong sasagarin dahil baka kay Tito Gascon na ako magsalita at ipatapon na lang sila. “Grabe! Ang ganda pala talaga no’ng kasama ni Jeremy ‘no?” Dinig kong sabi no’ng isa at hindi ko na malaman kung sino sa kanila. “Oo nga eh! Iyong isa kasi riyan feelingera akala mo naman seseryosohin siya ni Jeremy. Siya yata ‘yong anak ng isang mayamang Italyano at ang alam ko siya rin ‘yong babaeng iniyakan noon ni Jeremy dahil bigla na lamang itong umalis papuntang Italy.” Napahinto ako sa aking paglalakad at napakuyom ng aking kamao. Sumosobra na talaga sila! Alam kong sinasadya nilang iparinig sa’kin ang mga ‘yon. Huminga ako nang malalim at pumikit nang mariin. Haharapin ko na sana sila ng may naglagay naman ng head phone sa’kin kaya biglang napataas ang balikat ko dahil sa gulat. Napatingala ako at napakurap-kurap pa nang makita si Ulysses. Ngumiti siya sa’kin at hinawakan ang aking kamay at hinila na palayo roon. Ramdam ko ang mga tingin ng mga estudyante bawat madaanan namin at pansin ko rin ang pagbubulong-bulungan nila. Hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi nila dahil malakas ang tugtog na nagmumula sa head phone niya. Hindi pa rin maalis sa isip ko ‘yong mga narinig ko kanina. Ibig sabihin ay talagang minahal nga ni Jeremy ang babaeng iyon. Susundin ko na ba ‘yong sinabi ni daddy sa’kin? Mahirap, dahil mahal ko siya. Kailangan, dahil alam kong mas masasaktan lang ako. Nagtungo kami sa canteen at hindi pa rin niya inaalis ang pagkakahawak niya sa’kin. Pumila na kami at siya na rin ang kumuha ng order para sa’kin. Nagpalinga-linga pa ako at pansin ko ang ilan na sa amin nakatuon ang pansin at ang iba pa ay sadyang pumila para lang makita si Ulysses. Sino nga ba ang hindi magkakagusto sa kaniya? Tinanggal ko na ang head phone na nasa aking tainga at isinabit na lang ito sa aking leeg. Gusto kong tanggalin ang kamay niya pero mahigpit ang pagkakahawak niya rito. Napapamura na lang ako sa aking isipan dahil baka makita na naman kami ni Jeremy lalo’t hawak niya ang aking kamay. “Ganiyan ba talaga siya? Mahilig pala siya sa guwapo kaya dalawang heartrob ang tinuhog niya” “Oo nga, kala mo kung sinong anghel sa amo ng mukha. Maganda nga pero nasa loob ang kulo.” Isa sa mga naririnig ko sa paligid. Pinisil ko ang kamay ni Ulysses para pigilan ang inis ko. Napatingin siya sa’kin at dala na ang pagkaing in-order niya. Naghanap kami ng mauupuan at natanaw ko ang dalawang bruhilda kong kaibigan na nakatanga sa aming dalawa ni Ulysses. Bumaba pa ang tingin nila sa magkahawak naming kamay at doon na rin kami umupo sa puwesto nila. “U-Ulysses?” Gulat na baling ni Ellaine sa kaniya nang maupo na kami sa kanilang harapan. “Kumusta na kayo?” Masayang bati rin niya sa mga ito. “What are you doing here? Dinadalaw mo ba kami kasi miss mo na kami?” Biro naman sa kaniya ni Nina at may hawak pa itong burger. Tumawa lang siya at sasagot na sana nang sabay-sabay kaming napatingin sa may pintuan. Papasok si Jeremy at nakaukyabit naman sa braso niya ‘yong babaeng nakita ko kahapon sa may locker room nila. Si Mint. Kasama rin nito ang ibang team mates niya. Napaiwas ako sa kaniya nang tingin nang tumingin ito sa aming kinaroroonan. Dumadagundong ang dibdib ko dahil alam kong papalapit sila sa aming kinaroroonan. Napakuyom pa ako ng aking palad na nasa aking hita at namamawis na rin ito dahil sa kaba. “Oh! You must be the girl yesterday right?” Nag-angat ako nang tingin at nakangiti naman si Mint sa’kin. Napabaling ang tingin ko kay Jeremy at matalim siyang nakatitig kay Ulysses na siyang katabi ko. Nang tingnan ko naman si Ulysses ay seryoso lang siyang nakatitig kay Jeremy. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa kanilang dalawa na hindi ko maipaliwanag kung ano ‘yon. Nang muli kong balingan si Jeremy ay mataman na siyang nakatitig sa’kin na wari’y nagtatanong ang mga mata niya. “By the way, I’m Mint. And you must be Jems friend am I right?” Hindi ako makasagot sa tanong niya at para bang umurong ang dila ko. Ano bang dapat kong isagot? Na ako ang girlfriend ni Jeremy? Nakaawang lang ang mga labi ko at mukhang hinihintay din niya ang isasagot ko. Napakagat labi ako nang makita kong umigting ang panga niya at umiwas sa’kin nang tingin. “Ah, I-I’m h-his__” “Puwede bang makiupo na lang kami sa puwesto niyo since magkakilala naman pala kayo ni Jems?” Nanlaki ang mga mata ko pero si Jeremy ay tahimik lang at walang reaksyon. Napatingin ako sa dalawang kaibigan ko na tila nagulat din at nagtataka sila marahil dahil sa nakikita nila ngayon. Hindi na ako nakapagsalita pa at basta na lamang silang umupo sa puwesto namin. Magkaharap naman si Ulysses at Mint at katabi niya ang dalawang kaibigan ko. Samantalang katapat ko naman si Jeremy at hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso pero alam kong sa’kin nakatuon ang tingin niya. Pare-pareho pa kaming nagulat nang makarinig kami ng isang ingay. Napatayo akong bigla nang hawakan ni Jk ang isang lalaking estudyante sa kaniyang kuwelyo. Nanlilisik ang mga nito at ngayon ko lang siya nakita na ganoon kagalit. Ang lahat ng mga estudyante ay nakuha nito ang atensyon at lalapitan ko na sana siya para awatin nang magsalita naman ito. “You want to see my bad side?” Gigil na tanong ni Jk sa lalaking estudyante habang hawak pa rin niya ang kuwelyo nito. “Bakit hindi ba totoo ‘yong sinabi ko?” Napangisi pa siya at tila hindi nagustuhan ang isinagot nito. “One wrong move and you’ll be dead. Siraan mo na kung sino ang gusto mong siraan pero huwag lang ang kakambal ko dahil pinapangako kong hindi ka na makakalakad pa.” Tinulak niya pa ito at tuluyan nang lumabas ng canteen. Tulala naman ako dahil hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Jk. Hindi siya mahilig makipag-away at tahimik lang ito. Kapag alam kong galit siya ay sadyang nakasalubong lang ang kilay nito at hindi makausap ng maayos. Pero ngayon kakaiba, it’s because of me kaya siya nagkakagano’n. Nakita ko namang papasok si Joaquin at nagtiliian pa ang ilang mga babaeng kumakain dito sa canteen. Napataas na lang ang kilay ko at nilapitan ang kaninang nakaaway ni Jeremy na ngayon ay nakaupo na at kasalo ang mga kaibigan nito. Nakita kong may ibinulong pa ito sa kaniya na nagpanginig ng katawan noong lalaki. Dali-dali itong tumayo ganoon din ang mga kaibigan nito at lumabas ng canteen. Nagpalinga-linga pa siya at tila may hinahanap. Nang mapadako ang tingin niya sa’kin ay kumaway pa siya at kinidatan ako. Napangiwi ako at lumapit pa siya sa kinaroroonan ko. “Kumusta na iyakin?” Napairap ako at tinaasan siya nang kilay. “Anong sinabi mo sa kanila at mukhang takot na takot?” “Ah, ‘yon ba? Sinabi ko lang na hindi na sila makakalabas pa rito ng buhay kapag nakita ko silang pagala-gala pa rito” “What?!” Napalakas ang boses ko at nakaagaw naman ako ng atensyon sa mga kumakain dito. Napahilot ako sa aking sentido at napabaling pa ang tingin ni Joaquin kay Jeremy. Napawi naman ang ngiti niya at bigla na lang sumilay sa kaniya ang mapaglarong ngisi. Bahagya pa siyang lumapit sa’kin at pinisil ang magkabilang pisngi ko. Nanlaki pa ang mga mata ko nang halikan niya ako sa aking noo at nginisian ako saka siya tumalikod. Shit! Peste ka talaga Joaquin! Narinig ko pa ang padabog na pagbagsak ng baso at muntikan pa akong mapatalon sa gulat. Tumayo na si Jeremy at mabilis na tumalikod sa’min. Nagtataka man si Mint ay sumunod na rin siya rito. Napaupo na lang ako at nakita ko ang basag na baso. Nagulat pa ako dahil may konting patak ng dugo roon at alam kong nasugatan si Jeremy. “I smell something jelly bean.” Napatingin ako sa dalawang kaibigan ko na may kakaibang ngiti. Nagseselos siya? s**t! Ang sakit na ng ulo ko kakaisip dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang nasa isip ng ipis na ‘yon. Bubuwelo lang ako at ibababa ko na ang pride ko para sa kaniya. Nararamdaman ko na ako pa rin at ang gusto ko lang ay marinig ito mula sa kaniya at kung sino ba si Mint sa buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD