Parang tumatalon ang puso ko habang bumabyahe kami papasok na sa school. Parang gusto kong ako na ang magdrive para makarating kaagad sa school. Gusto ko na makita si Jeremy. Hindi ko naman pinahalata kay Jk na kinikilig ako dahil tiyak aasarin na naman niya ako.
Nang maiparada na ni Manong Eddie ang sasakyan ay kaagad kong binuksan ang pintuan at mabilis na bumaba. Narinig ko pa ang pagtawag sa’kin ng kakambal ko pero hindi ko na ito pinansin pa at lakad-takbo naman ang ginawa ko papasok ng campus. Lihim akong nagpalinga-linga para hanapin si Jeremy. Kinuha ko ang telepono ko para i-chat sana siya ng matigilan ako at kaagad na ipinasok ito sa aking bag at napahalukipkip.
“Tss! Bakit ko nga pala siya icha-chat? Baka isipin pa no’n na naghahabol ako sa kaniya at in-love na in-love ako sa kaniya. Hindi por que boyfriend ko na siya ako ang mauuna maghanap sa kaniya, nek nek niya ‘no!”
“Sinong kausap mo?” Muntikan pa akong mapamura nang marinig ko ang boses ni Ellaine.
Mabilis akong napaharap sa kaniya at taka ako nitong tinitigan. Lumapit siya sa’kin at napansin kong hindi niya kasama si Nina.
“Nasaan si Nina?”
“Hindi makakapasok masakit daw ‘yong paa niya,” nakaismid na wika ni Ellaine.
“Ha?! Kailan pa siya napilayan?”
“Gaga! Tinatamad lang pumasok ‘yon, wala kasing lovelife.” Muntik pa akong masamid dahil sa sinabing iyon ng kaibigan ko.
Para akong natamaan sa sinabi niya dahil excited akong pumasok ngayon samantala noong hindi ko pa alam na hindi pala totoong girlfriend ni Jeremy si Janelle ay halos ayoko nang pumasok. Hinarap ako ni Ellaine at pinanliitan ng mata na ikitaka ko naman.
“May itinatago ka ba?”
“A-ano naman ‘yon?” Kinakabahan kong tanong sa kaniya.
Bahagya pa siyang lumapit sa’kin at ako nama’y umatras sa kaniya. Napalunok pa ako dahil kilala ko ang kaibigan ko mabilis siyang makahalata kung may itinatago ako sa kaniya.
“Naku Madz ha! Sinasabi ko talaga sa’yo.” Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang unang klase.
Nagmamadali naman kaming nagtungo ni Ellaine sa classroom namin. Halos wala naman akong maintindihan sa itinuturo ng prof namin dahil unti-unti na naman akong naiinis kay Jeremy. Panay naman ang sulyap ko sa aking telepono kung nagchat na ba siya o tumawag man lang. Pero kahit hi o hello man lang ay wala.
Halos mabali naman ang ballpen na hawak ko dahil nagngingitngit na ako sa galit. Pagkatapos ng nangyari kagabi hindi man lang niya ‘ko naalalang i-chat o tawagan man lang.
Kapag nakita ko talaga siya hindi ko siya papansinin! Iisipin kong hangin lang siya at manigas siya! Nagulat na lang ako ng tuluyan nang mabali ang hawak kong ballpen kaya napatingin na rin sa’kin si Ellaine na katabi ko lang.
“Madz, may problema ba?” Kunot-noong tanong niya sa’kin.
“Wala,” walang gana ko namang sagot.
Halos wala na akong maintindihan sa lesson namin dahil simula kanina ay naiinas na ‘ko kay Jeremy. Nakasimangot ko namang inayos ang gamit ko nang matapos na ang unang klase ko.
“Madz, magkita na lang tayo mamaya pupuntahan ko lang si mommy hinihintay daw kasi niya ako malapit dito sa school eh.” Paalam sa’kin ni Ellaine at tumango lang ako bilang tugon.
Nauna nang lumabas ng classroom si Ellaine at naiwan naman ako. Isinukbit ko na ang shoulder bag ko at padabog ko namang kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Tiningnan kong muli ito kung may text o tawag ba ang boyfriend kong ipis pero sa kasamaang palad ay wala pa rin.
Napabuntong hininga na lang ako at kaagad na lumabas ng silid. Hindi pa ako nakakalayo ng may tumawag naman sa’kin sa bandang likuran ko. Nakita kong palapit sa’kin si Joaquin at seryosong nakatitig naman sa’kin. He’s Uncle Gascon’s eldest son at isa rin siya sa kinatatakutan sa buong university dahil sa personality nito. But he’s a good person, hindi lang alam ng mga hindi nakakakilala sa kaniya. Magkahiwalay ang building namin dahil sa Standford siya nag-aaral at katapat lang siya nitong Southville University.
Nginitian ko siya at ginantihan naman niya ako ng tipid na ngiti. Nang makalapit na siya sa’kin ay inabot naman niya sa’kin ang isang paper bag at tiningnan ko ang laman noon.
“Pinabibigay ni mommy umuwi kasi sila ng Quezon at paborito mo rin daw kasi ‘yan,” seryosong saad niya.
“Wow! Pakisabi kay Tita Trinity thank you,” nakangiti kong wika sa kaniya. “Saka sana kay Jk mo na lang pinabigay kasi mas malapit ‘yong building nila kaysa sa’min para hindi ka na napagod pumunta rito”
“It’s okay, I don’t have class yet and I want to see you also.” Kunot-noo ko siyang tinitigan at ngumisi naman siya sa’kin.
“Bakit? Ah, alam ko na, mang-aasar ka na naman ‘no?!” Mahina siyang tumawa at pinisil pa nito ang magkabilang pisngi ko.
Simula noong mga bata kami ay close na kami pati na rin ‘yong mga kapatid niya. Iyon nga lang ay mahilig niya akong asarin dahil iyakin ako noong bata. Pero nito lang ay hindi na niya masyado kinakausap si Jk dahil ang bunso niyang kapatid na si Akira ay may gusto naman sa kakambal ko.
“Hindi ka na ba iyakin?” Sinamaan ko siya nang tingin at pinalo pa ang braso niya.
“Heh! Tumigil ka nga! Saka lumayas ka na nga sa harapan ko naiirita na naman ako sa’yo eh”
“Kaya walang nanliligaw sa’yo kasi ang sungit mo eh.” Humalukipkip ako sa kaniya at tinaasan pa siya ng kilay.
“FYI, you’re wrong Mr. Montealegre!”
“You mean, may nagkamali sa’yo?!” Kunwa’y nagulat siya at nanlaki pa ang mga mata nito.
Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Kung wala lang talaga kami sa school ay kanina ko pa binugbog ang lalaking ito. Pansin ko naman ang mga tingin ng mga estudyanteng dumaraan at kay Joaquin ito nakatuon. Guwapo kasi siya at malakas din ang appeal ng isang ito.
“Sige na Wakz lumayas ka na dahil may klase pa ‘ko.” Pagtataboy ko sa kaniya.
Ginulo pa nito ang aking buhok at saka mabilis na umalis sa aking harapan. Masama ko siyang tinitigan habang papalayo ito at naiiling na lang ako.
“Who’s that boylet?” Muntik na akong mapatalon sa gulat at napatingin ako sa aking likuran.
Naka all black siya at pati sumbrero nito ay itim din. Namilog ang mga mata ko dahil naniningkit ang mga mata ni Jeremy. Naka-ilang lunok pa ako habang papalapit siya sa kinaroroonan ko at mahigpit na lang akong napakapit sa shoulder bag ko. Nang huminto siya sa harap ko ay hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatitig sa’kin at tila hinihintay ang isasagot ko.
“S-si a-ano, aahm”
“Who is he Madeline?” mahina ngunit may diing saad nito.
“He’s Joaquin.” Napaiwas ako nang tingin sa kaniya dahil alam kong galit na ito.
“Suitor?” Mabilis akong napabaling nang tingin sa kaniya at muntikan nang matawa.
Diyos ko kung sakali mang manligaw sa’kin si Wakz hindi ko rin naman siya sasagutin. Hindi ko gustong magkaro’n ng jowa na mas bata sa’kin. At isa pa hindi namin type ang isa’t-isa. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko para pigilan ang tawa ko.
Tumikhim muna ako bago magsalita. “Kababata namin siya ni Jk at saka hindi siya nanliligaw sa’kin ‘no!”
“Kung hindi siya nanliligaw sa’yo ano ‘yang binigay niya sa’yo?” Turo nito sa hawak kong paper bag.
Napamaang ako dahil kanina pa pala niya kami pinagmamasdan. Naalala ko naman ang kasalanan niya at pinag-krus ko pa ang aking mga braso.
“Where have you been? I’ve been waiting for your call or chat pero hindi ka man lang nagparamdam tapos ngayon ikaw pa ang may ganang magalit ngayon huh!”
Kinuha naman niya sa bulsa niya ang kaniyang telepono at pinakita sa’kin. “My phone is running out of battery. Nakalimutan kong mag-charge dahil nagmamadali ako kaninang umalis. So, did you miss me that much?”
Inirapan ko na lang siya at saka tumalikod. Naiinis talaga ako sa kaniya. Palusot lang niya siguro ‘yon. Napasinghap pa ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ito. Pilit ko naman itong tinatanggal dahil pinagtitinginan na kami ng mga estudyante rito. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya kaya hinayaan ko na lang din.
“Hindi ba sinabi ko na sa’yo na ayokong titingin ka sa iba? Sa’kin ka lang dapat titingin.” Tiningala ko siya at deretso naman ang tingin niya.
Nakasimangot siya at pansin ko pa ang paggalaw ng panga niya. Hindi ko na mapigilang matawa dahil pinagseselosan niya si Joaquin. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako na nakataas pa ang isang kilay.
“What’s so funny Madeline?” inis nitong sambit.
“Nakakatawa ka kasi eh. Bakit pinagseselosan mo si Joaquin? Saka hello! Hindi ako pumapatol sa bata kahit na guwapo pa siya.” Lalo siyang nainis dahil sa sinabi kong iyon.
“So, mas guwapo pa siya sa’kin?” Napapikit na lang ako at napailing-iling pa.
Tinitigan ko lang siya at halata sa itsura niya na naiinis na talaga siya. s**t! Kanina lang nagagalit ako sa kaniya pero ngayon bigla na lang nawawala ang galit ko kapag ganito na siya. Nagiging marupok na yata ako pagdating sa kaniya.
Inirapan ko na lang siya at hindi na sinagot pa ang tanong niya. Kinuha ko na lang ang kamay niya at hinila na lang siya papunta sa canteen. Umupo kami sa pinaka dulo sa wala masyadong tao at inilabas sa paper bag ang binigay ni Tita Trinity sa’kin. Sa totoo lang na-miss ko talaga ang pagkaing Quezon, dahil sa tuwing pupunta sila roon ay parati akong dinadalhan ni Tita Trinity ng mga pagkain nila roon at nagustuhan ko rin naman.
“What’s that?” Nakakunot naman niyang tinitigang ang mga pagkain.
“This one is called Tinuto, and this one is sinantolan. Now, let’s eat!”
“Anong klaseng pagkain ‘yan?” Umikot pa ang mga mata ko dahil sa kaartehan niya.
Oo nga pala, hindi niya pala alam ang mga ganitong pagkain kaya ganito na lang ang reaksyon niya. Naglagay ako sa kutsara ng Tinuto at itinapat ito sa kaniyang bibig.
“Gulay ‘yan ano ka ba. Gabi ang tawag dito”
“Hindi ako kumakain ng damo.” Pinag-krus niya pa ang mga braso niya at sumandal sa kaniyang upuan.
Hindi ko alam na ganito pala kaarte ang ipis na ‘to. O baka naman kaya ayaw niyang kainin ito dahil pinagseselosan niya si Joaquin. Umiwas siya sa’kin nang tingin at malakas pa itong nagpakawala ng buntong hininga.
“Ayaw mo ba talagang tikman ‘to?”
Binalingan naman niya ‘ko nang tingin. “Ayoko. Anong akala mo sa’kin kambing?” Napamaang ako at hinigpitan ko pa ang hawak sa kutsara na nakatapat pa rin sa bibig niya.
“Kung hindi mo kakainin ‘to si Joaquin na lang ang susubuan ko tutal close naman kami saka walang malisya.” Mas lalong sumama ang tingin niya sa’kin at umigting pa ang panga nito.
OMG! Galit na siya, s**t! Bakit ko ba kasi sinabi ‘yon?
Napakurap-kurap naman ako at hindi alam kung ano ang sasabihin sa kaniya. Hindi niya inaalis ang pagkakatitig niya sa’kin at ibababa ko na sana ang kutsara nang hawakan niya ang kamay ko.
“Try me baby, sigurado akong pagsisisihan mo ang gagawin ko”
“J-joke lang!” nauutal kong wika at medyo nakaramdam ako ng kaba.
“Well, I’m not kidding baby.” Sabay kuha niya sa kutsarang may Tinuto at siya na mismo ang nagsubo noon. “Happy?” Halos masuka-suka naman siya habang nginunguya niya ‘yon.
Lihim naman akong napangiti sa tinuran niya at pinagmamasdan siya na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta ang itsura. Hinawakan ko pa ang magkabilang pisngi niya at hinarap ko ito sa’kin. Napadako ang tingin ko sa mapupula niyang mga labi at naalala ang gabing nangyari sa’min. Tumikhim pa ako at tatanggalin ko na sana ang mga kamay ko ng pigilan niya ako at halikan ang isang palad ko.
“You still haven't answered my question to you”
“Ano bang tinatanong mo?” taka ko siyang tinitigan.
“Kung mas guwapo ba sa’kin ‘yong boylet na kausap mo?” Natawa naman ako ng mahina at binawi ang kamay ko na nasa kaniyang pisngi.
Tumingin pa ako sa relong pambisig ko at saka tumayo sa aking upuan. Magsisimula na kasi ang susunod na klase ko at tumayo na rin si Jeremy. Nauna na akong maglakad sa kaniya at nakasunod naman siya sa aking likuran.
“Baby!” Napahinto ako sa paglalakad at hinarap siya. Ilang dipa ang layo namin at kita ko sa itsura niya ang pagka-seryoso.
Anong problema ba ng lalaking ito? Big deal ba sa kaniya ‘yong tinatanong niya at kailangan ko pa ‘yon sagutin?
“Mamaya na lang tayo mag-usap ah, kasi malelate na ‘ko eh!” Pagsisinungaling ko na lang sa kaniya.
Kaagad ko siyang tinalikuran at lakad-takbo naman ang ginawa ko papunta sa susunod na klase ko. Hinihingal naman akong pumasok sa loob ng classroom at sapo ko pa ang aking dibdib. Napansin kong wala pa si Ellaine at sinubukan ko naman siyang tawagan. Nakakailang ring na ito pero hindi pa rin niya sinasagot.
“Anong nangyari sa babaeng ‘yon? Siguro sinermonan na naman siya ng mama niya,” wika ko sa aking sarili.
Nasa kalagitnaan kami ng aming klase nang makarinig kami ng ingay na nanggagaling sa speaker na nandito sa aming classroom. Tinapik-tapik pa nito ang mic kaya mas lalong umingay iyon at nagtakip pa ako ng aking tainga.
“Ah,ah,ah! Mic test!” Natigilan ako dahil parang kilala ko ang boses na ‘yon. “Baby, I know you can hear me.” Napanganga ako at biglang napatingin sa speaker na animo’y mukha niya ang nakikita ko.
“Sino bang estudyante ‘yan at ginamit pa ang broadcasting room para sa panliligaw niya?” May halong inis na saad ng prof. namin.
Napatapik na lang ako sa aking noo at napayuko dahil sa kahihiyan. Huwag niya sanang banggitin ang pangalan ko dahil tiyak pagagalitan ako at usap-usapan na naman ako rito sa buong campus.
“You know how much I like you and I don't want you to talk to other guys. Didn't I tell you to only look at me?” Nagsigawan naman ang mga kaklase ko sa sinabing iyon ni Jeremy.
“Wow! Ang sweet naman! Swerte ni ate girl ha!” sigaw ng babaeng nasa likuran ko lang.
Hindi ko siya sinulyapan dahil baka mahalata niya pa na ako ang sinasabihan ng ipis na ‘yon. Baka nga ‘yong iba rito ay alam na si Jeremy ang nasa likod na ‘yon. Magpapaalam sana ako sa prof ko na magbabanyo para puntahan si Jeremy ng muli naman siyang magsalita na ikinatigil ko.
“I don't need to look at other women, because for me you are the most beautiful woman in my eyes.” Mas lalo pang lumakas ang sigawan nila at nakisali na rin ang prof namin na kanina’y naiinis.
“Naku Jeremy, humanda ka talaga sa’kin mamaya titirisin kita ng pino.” Mahinang sabi ko sa aking sarili at naikuyom ko pa ang aking palad.
I heard the strum of the guitar so everyone suddenly became quiet. Kumalabog bigla ang puso ko at narinig ko na ang pagkanta niya.
Ain't never felt this way
Can't get enough so stay, with me
It's not like we got big plans, oooh
Let's drive around town, holding hands
Napatulala na lang ako dahil hindi naman gano’n kaganda ang boses niya ay may kung anong impact naman ito sa’kin. Parang nakikita ko ang itsura niya habang kumakanta siya at siguro ay mas lalo pa itong gumwapo.
Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Ang lahat ay nakikinig sa kaniya kahit naman wala ito gaano sa tono. Ang iba naman ay natatawa at ang iba ay kinikilig naman. Pero para sa’kin ang sweet ng boses niya at bukod sa t***k ng puso niya ay gusto ko na rin pakinggan ang boses niya.
And you need to know
That nobody could take
your place, your place
And you need to know
That I'm hella obsessed with
your face, your face
Oh, my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Oh, oh my heart hurts so good
I love you, babe, so bad, so bad
Nagpalakpakan naman sila na animo’y nanuod ng isang concert pagkatapos niyang kumanta. Tulala pa rin ako dahil hindi ko alam na gagawin niya ang bagay niya ‘yon. Kilala ko kasi si Jeremy na walang pakialam sa ibang bagay, seryoso, mayabang at higit sa lahat antipatiko. Pero kabaligtaran pala ‘yon ng pagkakakilala ko sa kaniya.
Napansin ko na lang na nagsisilabasan na ang mga kaklase ko kaya kaagad na rin akong tumayo. Mabilis akong lumabas ng classroom at umuusok na rin ang ilong ko dahil sa inis sa kaniya. Anong pumasok sa kukote ng ipis na ‘yon at bigla na lang siyang kumanta sa buong campus.
Naramdaman ko naman na nagvibrate ang cellpone ko na nasa bulsa ng pantalon ko kaya naman kaagad ko itong kinuha. Nabasa ko na kaagad sa screen ang pangalan ni Jeremy at nanlaki pa ang butas ng ilong ko sa sobrang inis.
Huminto muna ako sa paglalakad at binasa ang message niya. “Don’t come to the broadcasting room. Let’s meet at the parking lot after your last class.
“Aba at inutusan pa ‘ko ng ipis na ‘to! Humanda talaga siya sa’kin mamaya.”