Hapon nang matapos ang huling klase ko ay hindi ko na nakita si Ellaine. Hindi na rin ito pumasok after ng unang klase namin kanina. Nag-aalala ako dahil baka may nangyari ng hindi maganda kaya naisipan ko naman siyang tawagan para kumustahin. Matagal naman bago niya ito sagutin at ibababa ko na sana ang tawag nang marinig ko ang mahina niyang boses pagkasagot nang tawag ko.
“Yes Madz?”
“Ellaine are you okay? Bakit hindi ka na pumasok kanina?” Alam kong may problema siya dahil sa kaniyang boses.
“Wala ito Madz, medyo sumama lang kasi ‘yong pakiramdam ko eh”
“Nasaan ka ba? Pupuntahan kita ngayon.” Palabas na ako ng campus nang makita ko sa ‘di kalayuan si Jeremy.
Nakatalikod ito at nakasandal sa kaniyang motor. Alam kong siya ‘yon dahil sa suot niya at pati na rin sa tindig niya. Siguro kahit mata lang ang kita sa kaniya ay makikilala ko pa rin siya. Sadyang nakatingin lang ako sa kaniya at hindi ko namalayang kausap ko pa pala si Ellaine sa kabilang linya.
“Sige na Madz bukas na lang tayo magkita at I’m sure hinihintay ka na ng boyfriend mo.” Nagulat ako sa sinabi ni Ellaine at doon lamang ako natauhan.
“A-ano?!” sigaw ko sa kaniya.
Tumawa pa siya nang mahina at saka nito pinatay ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako at pagkuwa’y sinamaan ko nang tingin si Jeremy na nakatalikod sa’kin. Naglakad ako papunta sa kinaroroonan niya at hindi pa ako nakakalapit ng may babae namang lumapit sa kaniya na ikinahinto ko.
Malapad pa itong nakangiti at halatang kilig na kilig. Napahalukipkip ako at tinitingnan lang sila. Maya-maya pa’y napayuko ‘yong babae at nawala ang ngiti nito sa mga labi. Tumalikod na ‘yong babae at napanganga na lang ako dahil baka may hindi magandang sinabi si Jeremy sa kaniya. Kaagad ko siyang nilapitan at pinalo siya sa kaniyang kanang braso. Nagulat pa siya nang makita ako at naningkit naman ang mga mata ko sa kaniya.
“What did you tell her?!” Bulyaw ko sa kaniya.
“Who?”
“Iyong babaeng lumapit sa’yo kanina. Bakit bigla na lang nagbago ‘yong ekspresyon ng mukha niya? Siguro may sinabi kang hindi maganda sa kaniya ‘no?” Napabuga pa siya sa hangin at pinunasan ng kaniyang hinlalaki ang ibabang labi niya.
“Nagpakatotoo lang ako sa kaniya”
“Like what?”
“She wants to get my number and asked me if I already have a girlfriend. And I said yes! Sabi ko sa kaniya na mukhang amazona ‘yong girlfriend ko kapag nakita siya baka bitbitin siya papuntang gubat.” Napataas bigla ang kilay ko at kinagat ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya.
“Ako? Amazona?!” sabay ngisi niya pa sa’kin.
Pinisil niya pa ang magkabilang pisngi ko at saka inabot sa’kin ang helmet niya ngunit hindi ko ito kinuha at pinag-krus ko lang ang mga braso ko. Hindi ko talaga maiwasang sungitan siya, pero kahit na gano’n ay gustong-gusto ko naman ang ipis na ‘to. Kapag hindi ko siya nakikita namimiss ko kaagad siya pero kapag kasama ko naman siya talaga namang nakakabuwisit!
“Anong gagawin ko riyan?” Pagsusungit ko pa sa kaniya.
“E ‘di isusuot! As if naman kakainin mo ‘to?” Lalong nag-init ang ulo ko sa kaniya at parang gusto kong ihampas ang helmet na hawak niya sa ulo niya.
“As if din naman na sasama ako sa’yo?” Bahagya pa siyang lumapit sa’kin at yumuko para magpantay kami.
“Sasama ka ba o gagawin ko ulit ‘yong ginawa ko kanina?” Sira-ulo talaga ‘tong ipis na ‘to lalo lang niya pinakukulo ang dugo ko.
Inirapan ko siya at padabog ko namang kinuha ang helmet at isinuot na ito. Narinig ko pa ang mahinang tawa niya at saka sumakay na rin siya sa motor at ganoon din ako. Hindi na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta dahil naiinis talaga ako sa kaniya. Kung kanina ay excited akong makita siya, ngayon naman ay nabubuwisit ako dahil sa ginawa niya kanina dahil baka mapagalitan pa ako ng prof namin at tiyak usap-usapan na naman ako sa buong campus.
Huminto kami sa isang malawak na parke. Bumaba na ako at tinanggal ang helmet ko. Nagpalinga-linga ako dahil wala masyadong tao roon at mabibilang lang ang mga dumaraan.
“Anong gagawin natin dito?” Inayos niya pa muna ang buhok niya at tinanggal ang nakatakip sa kaniyang bibig.
“I want to relax and I want to be with you.” Nakatitig siya sa’kin at umiwas naman ako sa kaniya nang tingin.
May kinuha pa siya sa compartment niya at inabot sa’kin ang isang shark na stuff toy. Kinuha ko naman ito at pinaka-titigan.
“Para saan ‘to? Ano ‘ko bata para bigyan mo nito?” Ismid ko pa sa kaniya.
“I forgot to give that to you. ‘Yan ‘yong prize ko noong nagpunta tayo sa amusement park.” Napakurap-kurap ko siyang tinitigan at ibinaling ko naman ang tingin ko sa stuff toy na hawak ko. “It looks like you.” Sinimangutan ko siya at siya naman nangingiti sa’kin.
Nawalang bigla ang pagkainis ko nang makita ko siyang muli ngumiti. Mas lalo siyang gumaguwapo at lalo ring bumibilis ang pintig ng puso ko. Kahit na naiinis ako sa kaniya ay hindi pa rin mapagkakailang gusto ko siya. Pero may kaba pa rin akong nararamdaman at hindi ko alam kung para saan ‘yon.
Naglakad-lakad kami at naupo kami sa ilalim ng puno at ang katapat noon ay kitang-kita ang mga naglalakihang building. Pinagmamasdan ko ‘yon at naramdaman ko ang kamay ni Jeremy at pinagsiklop pa ang aming mga kamay. Hindi ko siya sinulyapan hindi dahil sa naiinis ako sa kaniya kun’di dahil hindi ko kayang salubungin ang mga malalagkit na titig niya sa’kin. Ewan ko ba kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa’kin sa tuwing magkasama kami.
“Aren't you going to ask me where I went earlier?” Doon lang ako napatingin sa kaniya at nakatitig din siya sa’kin.
“Bakit?”
“Tss! You are supposed to ask me that because you’re my girlfriend. What kind of girlfriend are you?” May halong pagtatampo niya.
“Hindi ka na bata ‘no kaya mo na ang sarili mo.” Irap ko pa sa kaniya.
Narinig ko pa ang mahinang buntong-hininga niya at marahan ko ulit siyang sinulyapan. Nakayuko na siya at sinisipa-sipa naman niya ang maliliit na bato pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Marunong din pa lang magtampo ang lalaking ito.
“I wanted to call you, kaya lang nahihiya ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa’yo.” Ako naman ang yumuko at napalabi pa ako.
Hindi siya sumagot at siguro ay iniisip niya na wala akong pakialam sa kaniya. Nang hindi siya sumagot ay sinulyapan ko siya at natigagal ako ng bigla na lang niya akong halikan. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya at napapikit na lang. Banayad lang ‘yon at binuka niya pa ang kaniyang bibig at mabuti na lang ay wala masyadong dumaraan dito. Gumanti na rin ako ng halik sa kaniya at ilang minuto pa ay humiwalay na rin siya. Hinaplos niya pa ang pisngi ko at saka ako nito hinalikan sa noo.
“Why?” Kumunot ang noo ko.
“Hmmn?”
“Bakit lagi mo na lang akong hindi pinapatulog sa gabi?” Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. “Mangkukulam ka ba?” Binitawan ko ang kamay niya at bahagya pang lumayo sa kaniya dahil nagsisimula na naman siyang inisin ako.
Hinapit niya pa ako sa baywang at hinalikan ang sentido ko. Alam na alam talaga ng lokong ito kung paano ako paamuhin. Hindi ko gustong maging marupok dahil baka sa huli ay masaktan lang ako.
“Kinulam mo yata ako dahil gusto ko lagi kitang nakikita. Gusto ko palagi kitang kasama at higit sa lahat ayaw na kitang pakawalan pa.” Tumingin ako sa kaniya at seryoso rin naman siyang nakatitig sa’kin.
Napalunok ako dahil napadako ang tingin ko sa kaniyang mapupulang labi. s**t! Hindi ako makapaniwala na siya ang first kiss ko at higit sa lahat siya ang una ko. I don’t know how it happened na basta ko na lang ibinigay sa kaniya ang sarili ko na walang pag-aalinlangan. Ayoko talagang lumalim ang nararamdaman ko sa kaniya pero kung parati naman siyang ganito sa’kin ay malamang baka hindi ko na rin siya kayang pakawalan pa.
Umiwas ako sa kaniya nang tingin at narinig ko pang humugot siya ng malalim na hininga. Namayani ang katahimikan sa’min at pinagmamasdan lang namin ang mga naglalakihang building sa aming harapan.
“I went to my uncle’s grave.” Basag niya sa aming katahimikan.
Unti-unti ko siyang nilingon at nakamasid pa rin siya sa harap. Malungkot ang itsura niya. Hinayaan ko lang siyang magsalita at ako nama’y mataman lang na nakikinig sa kaniya. Nilingon niya ako at mapait siyang ngumiti. Para akong nakaramdam ng awa sa kaniya dahil alam kong may mabigat siyang dinadala tapos heto sinusungitan ko pa siya.
“Did you miss him?”
“Actually I never met him before. Kinukuwento lang siya sa’kin ng lola ko. At hindi ako makapaniwala dahil kamukha ko pala siya. Kung tutuusin nga mas mukha pa kaming mag-ama kaysa sa totoo kong tatay. He’s my father’s younger brother. My grandmother said that he died because of love. At dahil do’n nagalit ang lola ko.” Seryosong kuwento niya sa’kin.
“Paanong because of love?”
“He risk his life to someone he loves the most. Kahit na alam niyang hindi siya mahal ng mahal niya.” Nalungkot ako sa sinabi niya at parang may kung anong kumurot sa puso ko.
May ganoon pala sa totoong buhay. Handa mong ibigay lahat sa taong mahal mo kahit na kapalit nito ang sarili niyang buhay. Nakakalungkot isipin dahil puwede naman silang magmahal ng iba na alam nilang mamahalin din sila pero sadyang iyong taong ‘yon lang ang gusto nila.
Natigilan akong bigla dahil sinabi niyang kamukha raw niya ang tito niya. Naalala ko naman ang naging reaksyon ni Papa Mazer noong makita niya si Jeremy sa resto. Napailing na lang ako dahil baka ibang tao naman ang tinutukoy niya at hindi ko na lang pinansin ‘yon.
“I will do the same.” Nagulat naman ako sa muli niyang sinabi.
“W-what?”
“I will do everything for you if it is cause my own life”
“But Jeremy, hindi mo naman kaila__”
“That’s how much I love you.” Napatulala ako sa kaniya at hindi alam kung ano ang sasabihin.
Bakit ganito siya? Bakit ganito na lang kalalim ang nararamdaman niya sa’kin. Hinawakan niya pa ako sa magkabilang pisngi ko at saka bigla ako nitong niyakap. Kung puwede nga lang ay hindi ko na siya bibitawan sa pagkakayakap lalo pa’t gustong-gusto ko ang amoy niya parang laging amoy baby.
“Jeremy, may problema ka ba?”
“Nothing baby.” Kumalas siya sa’kin nang pagkakayakap. “Hindi mo ‘ko puwedeng iwan ng walang pahintulot ko baby Madie. At hindi ka rin puwedeng tumingin sa ibang lalaki dahil ako lang ang puwede mong tingnan.” Napanganga ako sa sinabi niya.
“E paano kung sila naman ang tumitingin sa’kin?”
“Bubulagan ko sila o ‘di kaya i-eexpell ko na lang sila.” Namilog ang mga mata ko at saka umirap pa sa kaniya. Tama nga si Janelle, mukhang kailangan kong mag-ingat sa ipis na ‘to at panigurado akong ito parati ang pag-aawayan namin. Napailing na lang ako sa sinabi niya at naramdaman ko pa ang paglapit niya sa aking tainga. “Don’t try my patience baby dahil madamot ako pagdating sa’yo.” Imbes na mainis ako ay nakaramdam naman ako na kung anong lumilipad sa t’yan ko, hindi naman siguro ako naempatso nito.
“Oo nga pala, ano bang nakain mo at nagawa mo pang kumanta sa buong campus? Naloloko ka na ba?!” Bigla ko namang naalala ang ginawa niya kanina.
“Because I want to get your attention.” Lalong naghumirentadong bigla ang t***k ng puso ko.
Muli niyang pinagsiklop ang aming mga kamay at hinalikan niya ang likod ng palad ko at dumako pa ang tingin niya sa suot kong kuwintas na bigay niya. Tinitigan ko pa ito at saka bumaling sa kaniya nang tingin. Pansin ko ang pagkunot ng noo niya at nakatingin na siya sa kaliwang braso ko.
Bigla akong kinabahan dahil suot ko ang niregalo ni Ulysses na silver bracelet. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya kung sino ang nagbigay noon at malamang ay magagalit siya kapag nalaman niyang galing ‘yon kay Ulysses.
“Parang ngayon ko lang yata nakita ‘yang bracelet mo.” Nakatuon pa rin ang tingin niya sa bracelet ko. “Who gave you that?” Sabay tingin niya sa’kin.
“Ah, one of my friends gave me this. Niregalo niya no’ng debut ko.” Pinilit kong hindi mautal sa harap niya para hindi siya maghinala.
Hindi siya sumagot at basta lang nakatingin sa’kin. Ipinilig ko pa ang ulo ko dahil parang may gusto siyang sabihin sa’kin. Umayos pa siya nang upo at tinanggal niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Napatingin pa ako sa kamay niya at taka ko naman siyang tinitigan.
“I came from your birthday.” Umawang ang mga labi ko at pagkuwa’y mariing kinagat ang ibabang labi ko. So, siya nga ang nakita ko noon sa party. Pero paano niyang nalaman na doon ginanap ang debut ko? Nakatitig lang ako sa kaniya at hinihintay siya muling magsalita. May pag-aalinlangan sa kaniya at yumuko pa siya at pinagsiklop ang mga kamay niya. “I want to go near you, pero hindi ko alam kung paano ka lalapitan no’n”
Siguro kaya siya biglang umalis dahil baka akala niya ay si Ulysses pa rin ang gusto ko. Ang hindi niya alam ay siya ang dahilan kung bakit ako naglasing noon. Ang ayoko maramdaman noon at pilit na itinatanggi ang nararamdaman ko sa kaniya ay bigla na lang nagbago. Mahal ko na nga ang lalaking ito.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at marahang inangat ito para iharap sa’kin. Hinaplos ko ang makinis niyang mukha at wala ako sa sarili kong hinalikan siya sa mga labi. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko at naramdaman ko na lang na kumibot ang labi niya. Pinapangarap kong makatagpo ng isang lalaking mamahalin ako at mamahalin ko rin hanggang sa pagtanda namin at sana nga ay siya na ang lalaking iyon.
Kumalas siya sa mainit na halik namin at pinagdikit naman ang aming mga noo. Mabilis ang paghinga niya at maya-maya pa’y lumayo ako sa kaniya para pakatitigan siya. Medyo madilim na sa gawi namin dahil papalubog na rin ang araw. Pero kita ko pa rin ang pagkislap ng mga mata niya at ang mapula nitong labi.
“Paano mo nalaman na do’n gaganapin ‘yong birthday ko?” Malamlam ang mga mata niyang tumitig sa’kin.
“I have my ways baby. Tulad ng sabi ko sa’yo, stalker mo ‘ko”
“Tss! Don’t tell me lahat ng tungkol sa’kin ay alam mo?” biro ko pa sa kaniya.
“Yeah.” Natigilan ako at sinasalat kung totoo ba ang sinabi niya.
Wala siyang kakurap-kurap na nakatitig sa’kin at bigla na lamang akong napalunok. Ang mga kaibigan ko kaya ang nagsabi sa kaniya ng tungkol sa’kin? Napapikit na lang ako dahil baka ultimo mga sikreto ko ay sinabi nila kay Jeremy.
“Si Nina at Ellaine ba ang nagsabi sa’yo?”
“You want to know it badly huh?” Ngisi niya pa sa’kin.
Umikot naman ang mata ko sa ere at inismiran siya. “Oo. Nakakatakot kang stalker ah.” Tumawa pa siya at hinapit niya ako palapit sa kaniya at hinalikan ang sentido ko.
Siguro kahit ilang araw pa siyang hindi maligo ang bango-bango pa rin niya. Nakaka-adik ang amoy niya. Kahit yata pagpawisan siya mabango pa rin at walang baho yata sa katawan ang lalaking ito.
“As I told you, if you want to know why, just marry me baby Madie.” Tiningala ko siya at seryoso siyang nakatingin sa’kin.
Bakit ba gano’n na lang kadali sa kaniya ang sabihin ang bagay na ‘yon? Na animo’y parang isang laro lang ang pagpapakasal?
Kinurot ko siya sa kaniyang tagiliran na ikinangiwi naman niya. “Niloloko mo ba ‘ko ha? Seryoso akong nagtatanong tapos sasabihan mo ‘ko ng ganiyan!” Kunwa’y galit kong turan sa kaniya.
“Seryoso rin naman ako eh. Bakit ayaw mo bang magpakasal sa’kin?” May lungkot na himig niya.
“Hindi naman sa gano’n. First of all, nag-aaral pa ‘ko, tayo. Saka isa pa gusto kong mas makilala ka pa.” Sumilay naman ang mga ngiti niya sa labi na kanina ay hindi na maipinta.
“What do you want to know about me baby?” Hinalikan niya ako sa aking noo at saka niyakap.
Oh God! Parang ayoko nang umalis sa pagkakayakap niya.
Napapikit na lang ako at lihim na sinisinghot ang mabangong amoy niya. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya kaya nagmulat ako at tiningala siya. Para akong nananaginip ng gising at hindi ko alam na ganito pala siya kaguwapo kapag parati siyang ngumingiti.
“Ang guwapo mo.” Mas lalo pang lumapad ang ngiti niya at humiwalay naman sa’kin.
“Tell me baby, mas guwapo ba ‘ko kaysa sa kausap mong boylet kanina?” Natulala ako at hindi pa rin niya nakakalimutan si Joaquin.
“He’s a family friend Jeremy. Magkaibigan kasi ang mga magulang namin at magkababata naman kami. Iyon lang ang relasyon namin wala ng iba pa,” paliwanag ko sa kaniya.
Sa nakikita kong itsura niya ay mukhang hindi pa rin siya kumbinsido. Mukhang mahihirapan nga ako sa lalaking ito, sobra namang seloso. Pero may parte ng katawan ko ang kinikilig dahil alam kong mahal niya ako.
Napangiti na lang ako at napayuko para itago sa kaniya ang kilig na nararamdaman ko. Naramdaman ko naman ang pabagsak niyang pagsandal at nakasimangot na ito at pinag-krus pa ang mga braso.
“I can feel it na may gusto siya sa’yo because the way he look at you!” Napatawa naman ako ng malakas at tinaasan niya pa ako ng kilay.
Galit niya akong tinitigan at malakas pa siyang bumuga sa hangin. “Let’s go, we’re leaving!” Tatayo na sana siya nang hawakan ko naman siya sa kaniyang braso.
“Wala ng mas gaguwapo pa sa’yo. Ikaw lang ang titingnan ko wala ng iba.” Tumingin siya sa’kin ng walang kakurap-kurap ang mga mata.
Napangisi naman ako at mabilis na tumayo sa kinauupuan ko. Nagulat ako nang yakapin niya ako sa likuran ko at sinubsob niya pa ang mukha niya sa aking leeg. Parang hindi ako makahinga dahil pinatakan niya pa ng halik ang aking leeg kaya mariin na rin akong napapikit.
“Babalian ko ng buto ang sino mang lalaking magtangkang landiin ka.” Napamulat ako at haharapin ko sana siya ng muli siyang magsalita. “I’m not kidding Madeline. Kung puwede lang magpapangit ka gawin mo”
Shit! May sapi ‘ata itong ipis na ‘to! Siya nga itong pinagkakaguluhan kapag nakikita siya tapos ako pa ang babaligtarin niya.
Sana nga lang hindi dumating ‘yong araw na kung kailan sobrang hulog na hulog na ‘ko sa kaniya ay saka naman ako masasaktan. Pero magtitiwala pa rin ako sa kung ano ang nararamdaman ko sa kaniya.