CHAPTER 24

3444 Words
Nagpunta muna ako sa bookstore at nagtingin-tingin ng mga libro. Wala kaming pasok ngayon at naisipan ko munang pumunta rito sa mall para bumili ng mga paborito kong libro at bibili na rin ako ng regalo kay daddy dahil birthday niya ngayon. Kasama ko sana ang dalawang kaibigan ko kaso si Nina naman ay may pinuntahan at si Ellaine naman daw ay biglang sumama ang pakiramdam kaya hindi nakasama sa’kin. Habang naghahanap ako rito sa bookstore ay nag-ring naman ang telepono ko at si Jeremy ang tumatawag. Lihim pa akong napangiti at kanina ko pa talaga hinihintay ang tawag niya. Syempre ayokong ako ang mag first move ‘no, ayokong ipahalata sa ipis na ‘yon na attached ako sa kaniya baka lumaki ang ulo. Tama na ‘yong pinaparamdam ko sa kaniya na gusto ko rin siya at mahalaga siya sa’kin. Actually almost two weeks na rin naman kaming magkasintahan at paminsan-minsan ay nag-aaway kami and I think it’s normal. Kinuwento ko na rin sa mga kaibigan ko ang tungkol kay Jeremy at masaya rin sila para sa’kin. At tama nga ang hinala ko, sila ang nagsabi kay Jeremy ng mga kung anu-ano tungkol sa’kin. Ewan ko ba bakit magaan na kaagad ang loob nila sa ipis na ‘yon at nagkuwento pa ng tungkol sa’kin at ultimo mga paborito kong pagkain at maging ang sakit ko. Sinabi nila rito kung ano ang mga bawal na pagkain sa’kin kaya naman maingat rin si Jeremy kung ano ang mga binibigay niyang pagkain sa’kin. Tumikhim muna ako bago sinagot ang tawag niya. “Hello?” Nakangiting sagot ko na akala mo ay nakikita niya. “Baby.” Nawala ang ngiti ko sa mga labi nang marinig ang paos na boses niya. “Jeremy are you okay? Are you sick?” “I’m okay baby. Where are you?” Pansin ko pa ang pag-ubo niya kaya mas nag-alala ako. “Nandito ako sa bookstore ngayon may bibilhin lang akong ilang libro saka birthday din kasi ni daddy ngayon bibili na rin ako ng regalo para sa kaniya.” Narinig ko pa ang mahinang buntong hininga niya. Hindi siya nagsalita at tiningnan ko pa ang screen ng telepono ko at hindi pa naman niya ‘yon ibinababa. Masama nga siguro ang pakiramdam niya at pinilit lang niyang tumawag sa’kin para lang makausap ako. Kapag hindi ko siya nakikita sa school ay bigla na lamang siyang sumusulpot kung saan at sasamahan niya ako saan man ako magpunta. Hindi ko nga alam kung paano siya pumapasa sa mga subjects niya pero bihira lang naman siyang pumasok. He’s a varsity player and star player of their team kaya iniisip ko na lang na baka exempted siya sa ibang subjects kaya pumapasa pa rin ito. May mga oras din na buong araw ko siyang hindi nakikita sa school na minsan umaabot pa ito ng dalawa o tatlong araw but he never failed to call me afterwards. Pero sinasabi niya na may iba raw siyang pinagkakaabalahan at isa raw ‘yong negosyo na kailangan ay nandoon siya. I forgot that he’s a young master at isa rin pala sila sa may-ari ng mga hotels sa Maynila at isa na roon ‘yong hotel kung saan ako nagdebut. Siguro ay tinuturuan na rin siya ng daddy niya ng pagpapatakbo ng ilang mga negosyo nila. I always support him and never asked him about that basta alam kong wala naman siyang ginagawang masama. “Jeremy?” tawag ko sa kaniya. “Why you didn’t tell me para nasamahan kita?” “It’s okay alam kong busy ka rin at isa pa may sakit ka. Magpagaling ka muna okay?” “Baby Madie, alam mong pagdating sa’yo nawawala na ‘yong pagod ko. Isa pa mawawala na rin ito kapag nakita na kita.” Napangiti naman ako dahil sa malambing na boses niya. Sinusungitan ko pa rin naman siya pero sungit ng pagmamahal na ‘yon. Till now ay kinikilig pa rin ako sa kaniya sa tuwing makikita ko siya o ‘di kaya’y magdidikit kami. Tulad niya gusto kong parati siyang nakikita dahil sa tuwing wala siya sa tabi ko ay parang ang lungkot ng buong araw ko. “Nandito lang naman ako sa mall malapit sa’min maya-maya uuwi na rin ako” “Wait for me there” “Pero Jeremy__” Naputol na ang sasabihin ko sa kaniya nang ibaba na niya ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako at inilagay na ang telepono ko sa bulsa ng pantalon ko. Habang naglalakad ako papunta sa cashier para bayaran ang librong binili ko ay nakatuon naman ang atensyon ko sa librong hawak ko. Limited edition lang ito at mabuti na lang nakakita ako nito rito kaya kaagad kong kinuha. May humarang pa sa harapan ko kaya nauntog ako sa kaniyang dibdib. Tiningala ko siya at hihingi sana ng pasensya nang makilala ko kung sino ang lalaking ‘yon. Nanlaki pa ang mga mata kong nakatitig sa kaniya at sumilay naman ang ngiti niya sa kaniyang mga labi. Marahan niya pang ginulo ang buhok ko na animo’y isa akong bata. “Kuya Ysmael! What are you doing here?” Masayang bati ko sa kaniya. “May binili lang ako. Wala ka bang kasama?” Nagpalinga-linga pa siya. “Ako lang kuya.” Napalabi ako at ngumiti sa kaniya. Tinitigan ko siya at lalo yata siyang gumwapo. Pero syempre mas guwapo pa rin ang boyfriend kong ipis kahit na saksakan ng baliw minsan. Seloso pero sweet at parati niya akong inaasikaso sa kabila ng pagsusungit ko sa kaniya. “Pauwi ka na ba? Gusto mong kumain muna tayo?” Nagningning ang mga mata ko at nag-thumbs up pa sa kaniya na ikinatawa niya. Nagpunta kami sa isang sikat na restaurant dito sa mall. At habang hinihintay namin ang order namin ay nagkukuwentuhan naman kami. Masarap kausap si Kuya Ysmael at palabiro pa kaya naman maraming babaeng nahuhumaling din dito sa kaniya. Pero hindi ko naman lubos maisip kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong girlfriend gayong nasa tamang edad na ito. “Kuya wala ka pa bang napupusuan?” Nakahalumbaba akong nakatingin sa kaniya. “Why? Gusto mo na bang mag-asawa na ‘ko?” Nangingiti niyang sagot sa’kin. “Hindi naman sa gano’n Kuya Ysmael, don’t tell me bakla ka?” Lumakas pa ang tawa niya pagkasabi kong iyon. “I waited for someone” “Who?” Dumating naman ang order namin kaya hindi na rin niya nasagot ang tanong ko. Habang kumakain naman kami ay pinagkukuwentuhan namin ang ibang mga bagay tulad na rin sa trabaho niya. Hindi ko man ‘yon naiintindihan ay nakikinig na lang din ako sa kaniya. Tawa naman ako nang tawa ng simulan niyang magjoke at halos sumakit na ang tyan ko. Masarap kasama si Kuya Ysmael at hindi ka maboboring sa kaniya. “Ikaw Madel, may boyfriend ka na ba?” Napatingin lang ako sa kaniya at hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang tungkol kay Jeremy. Wala pang nakakaalam ng tungkol sa amin bukod sa dalawa kong kaibigan dahil natatakot ako sa susunod na mangyayari. Parati ko kasing naiisip ang tungkol sa pinag-usapan ni Papa Mazer at daddy kung talagang may kaugnayan ang taong tinutukoy nila kay Jeremy. What if nga kung meron? At sino ba ang taong ‘yon at bakit hindi puwede malaman ni mommy ‘yon? Alam kong marami pa akong walang alam kay Jeremy at gusto kong makilala pa ng maigi ang buong pagkatao niya. Ayoko ng ganito na parati na lang may iniisip. “I think my instinct is right.” Uminom pa siya ng tubig at saka muli niya akong binalingan. “Hindi pa nila alam?” Tumango lang ako at saka yumuko. “Don’t worry hindi ko sasabihin.” Sabay kindat niya pa sa’kin. “Is he a good person?” “Yes kuya, kaso may pagka-baliw ang isang ‘yon eh.” Ngumuso pa ako sa kaniya at natawa naman siya. “Let me guess. Seloso siya right?” “Hmmn.” Alanganing sagot ko sa kaniya. Ako na lang ang umiiwas kapag alam kong may mga lalaking lumalapit sa’kin para lang makipagkilala o ‘di kaya kakausapin ako. Malayo pa lang siya ay kita ko na ang pag-aapoy ng mga mata niya sa galit akala mo’y batang aagawan ng candy. Hindi naman niya inaaway ang mga ‘yon tinatakot lang niya sa pamamagitan ng mga matatalim niyang titig sa mga ‘yon. “That’s normal Madel. Ibig sabihin niyan takot siyang mawala ka sa kaniya at mahal na mahal ka niyang talaga.” Tipid lang akong ngumiti sa kaniya at masuyo naman niyang pinisil ang isang pisngi ko. Nararamdaman ko naman ‘yon at masaya ako dahil sa pinapakita niyang pagmamahal sa’kin. Kakaiba man ang pagpaparamdam ng pagmamahal niya pero alam kong totoo ‘yon. Matapos naming kumain ni Kuya Ysmael ay nagpasya na rin kaming umalis. Pupunta rin daw sila mamaya sa birthday ni daddy at kami-kami lang namang pamilya ang magce-celebrate ng birthday niya. Masaya naman kaming nagkukuwentuhan habang naglalakad kami ng may biglang tumawag sa’kin kaya sabay din kaming napalingon ni Kuya Ysmael. Napaawang pa ang mga labi ko ng makita si Jeremy na nakatayo sa ‘di kalayuan sa’min at masama ang tingin nito. Medyo gulo pa ang buhok niya at nakasuot siya ng isang plain black t-shirt at faded jeans na tinernuhan niya pa ng white rubber shoes. Kaagad naman siyang lumapit sa kinaroroonan namin at nagulat na lang ako nang hilahin niya ako palapit sa kaniya. Nag-angat ako nang tingin sa kaniya at matalim naman niyang tinitigan si Kuya Ysmael. Samantalang prente lang siyang nakapamulsa at nakangiti pa ito kay Jeremy. Mahina akong napabuntong hininga at napatapik pa ako sa aking noo dahil sa hiya kay Kuya Ysmael. “Why you didn’t answer my call? Are you busy with him?” Malamig na tono niyang baling sa’kin. Kinuha ko naman ang telepono ko sa aking bag at nagulat nang makita na may twenty five missed calls ako at siya lang naman ang tumatawag. Nakatuon pa rin ang atensyon niya kay Kuya Ysmael at mukhang hinihintay lang niya na si Jeremy ang magsalita. “Aahm, Jeremy s-si ano nga p-pala__” “I don’t care who he is.” Mahina pang natawa si Kuya Ysmael at pansin ko ang pagkunot ng noo ni Jeremy. Naku naman! Ito talagang ipis na ‘to inuuna pa ang selos kaysa sa paliwanag ko. Nakakahiya tuloy kay Kuya Ysmael baka naman mamaya ma-bad shot na siya rito dahil sa ka-engotan ng lalaking ito. Hinawakan ko pa siya sa kaniyang braso pero hindi pa rin siya natinag at nakatingin pa rin kay Kuya Ysmael. Binalingan naman ako nang tingin ni Kuya Ysmael at malapad niya ako akong nginitian na ikinataka ko. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya at napansin ko pa ang pagkuyom ng isang palad ni Jeremy hudyat na galit na ito. Nakaramdam naman ako ng matinding kaba at magsasalita na sana ako ng magsalita si Kuya Ysmael. “Nice meeting you. By the way, I’m Ysmael Miller.” Lahad naman ng palad niya kay Jeremy. Matalim lang siyang nakatitig dito at samantalang si Kuya Ysmael ay nakangiti sa kaniya at siguro ay alam niya ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Jeremy. “Madeline’s second cousin.” Dagdag pa niya ng hindi pa kinukuha ni Jeremy ang kamay niyang nakalahad. Doon ko naman nakitang lumambot ang ekspresyon niya at mukhang natauhan na siya. Umiwas siya rito nang tingin at alam kong nahiya siya sa tinuran niya kanina. “Kuya Ysmael salamat pala sa treat ha? Mauuna na rin kami saka magkita na lang tayo mamaya.” Tumango lang siya at hinila ko na si Jeremy palabas ng mall. Nang makalabas na kami ay nagpatiuna akong maglakad sa kaniya at hindi ko siya nililingon. Naiinis ako sa kaniya dahil hindi man lang niya ako hinintay makapagpaliwanag. Hinawakan niya ako sa aking braso at iniharap sa kaniya. Kita ko ang malungkot na mukha niya at pansin ko rin ang pamumutla niya. Oo nga pala at may sakit siya. Imbes na mainis ako sa kaniya ay awa naman ang naramdaman ko nang makita ang gano’ng itsura niya. Pinuntahan niya pa talaga ako rito kahit na alam niyang may sakit siya para lang makita ako. Hindi ko naman ito pinahalata sa kaniya at pinakita ko pa rin na naiinis ako sa ginawa niya. “Let’s talk baby.” Kakaiba ang boses niya at halatang may iniinda talaga siya. Dumausdos ang palad niya papunta sa aking kamay at masuyong pinisil ito. Malamlam ang mga mata nitong tumitig sa’kin at gusto ko sana siyang yakapin pero sadyang nakapako ang mga paa ko at parang may pumipigil sa’kin na gawin ‘yon. “Nag-uusap na tayo ‘di ba?” “I’m sorry.” Nakayuko siya at ako nama’y nakatitig lang sa guwapo niyang mukha. Nakakainis naman bakit ba kasi ang rupok ko? Sa simpleng salita lang niyang iyon ay lumalambot na ‘ko. Ang totoo niyan ay gusto ko talaga siyang tiisin at hindi kausapin. Pero pinili ko pa ring magmatigas. “Wala kang tiwala?” “It’s not that” “I have to go. Saka na tayo mag-usap magpahinga ka na muna.” Hindi ko na siya narinig magsalita at basta ko na lamang siyang iniwan at sumakay na ako ng taxi. Wala ako sa ulirat nang umuwi ako sa bahay at naabutan kong naghahanda na sila mommy at katulong niya sina Mavi at Margaux. Maliit na salo-salo lang naman iyon dahil iyon ang gusto ni daddy. Tinulungan ko si mommy na magluto at sina Mavi at Margaux naman ang nag-ayos sa garden para roon ganapin ang birthday ni daddy. Hinahalo ko naman ang nakasalang sa kalan habang nakatulala ako sa kawalan. Iniisip ko kung tama ba ‘yong ginawa ko sa kaniya na hindi na muna siya kausapin kahit alam kong may dinaramdam siya. Malalakas akong nagpakawala ng buntong hininga at hindi ko namalayang nakalapit na pala si mommy sa kinaroroonan ko. “Anak, may problema ba?” Mapait akong ngumiti sa kaniya. “Mom, Kumusta ang relasyon niyo ni daddy noong magkasintahan pa lang kayo?” Biglang tanong ko sa kaniya. Kahit na naikuwento na niya sa’kin ‘yon ay gusto ko pa rin marinig ‘yon mula sa kaniya. Matamis na ngumiti sa’kin si mommy at pinisil ang aking ilong ko. “Ganiyan mo ba kamahal ang love story namin ng daddy mo?” Napangiti na rin ako at umangkla pa sa braso niya. “You know your dad is very strict when it comes to me at sobra ring seloso. Akala mo naman aagawin na lang ako basta-basta.” Pareho naman kaming natawa. Siguro nga ay dapat kong intindihin si Jeremy gaya rin ng pag-intindi ni mommy kay daddy. I want to tell her about Jeremy pero hindi pa siguro ito ang tamang oras para sabihin ko ang tungkol sa kaniya. Natatakot ako na baka nga tama ang iniisip nila Papa Mazer ay bigla na lang kaming paglayuin. Hindi ko gustong mangyari ‘yon pero kung iyon ang makakabuti lalo na kay mommy ay gagawin ko kahit masakit. Masaya kaming lahat habang nagkukuwentuhan kami sa garden kasama ang mga pamilya namin at naririto rin ang mga kaibigan kong sina Ellaine at Nina. Maya-maya pa ay dumating naman si Ulysses dahil inimbitahan siya ni mommy. Matagal na rin nilang kilala si Ulysses dahil mabait siya at magalang kina mommy at daddy. Ka-close din niya ang mga kapatid ko dahil palagay ang loob nila kay Ulysses. Sana kung maipakilala ko si Jeremy sa kanila ay katulad din kung paano ang pagtanggap nila kay Ulysses. “Alam mo apo bagay kayo ni Ulysses.” Muntik pa akong masamid dahil sa sinabi ni mamita sa’kin. Nagkatinginan pa kami ni Ulysses na katabi ko lang at katapat naman namin si mamita at daddy Lo. Alanganin akong ngumiti at napakamot pa si Ulysses sa kaniyang ulo na para bang nahiya sa sinabi ni mamita. “Mamita, magkaibigan lang po kami. Saka may girlfriend na po ‘yang si Ulysses” “Oh! Sorry, sayang bagay pa naman kayo.” May panghihinayang na turan ni mamita. Tumikhim pa si daddy na wari ko’y hindi nagustuhan ang sinabi ni mamita. Mapanuring tiningnan naman ako ni daddy ngunit umiwas lang ako sa kaniya nang tingin at pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Habang nagkakasiyahan naman sila ay naisipan kong magtungo sa may pool. Umupo ako sa gilid noon at inilublob ang aking mga paa. Pinagmasdan ko ang kalangitan at hinawakan ko ang kuwintas na suot ko na binigay sa’kin ni Jeremy. I felt guilty dahil mababaw lang naman ang ikinagagalit ko sa kaniya. Siguro ay kahit sino naman ay magseselos kapag nakita mong may kasamang iba ang girlfriend mo. Napabuga na lang ako sa hangin at ipinikit ko ang aking mga mata at nilanghap ang malamig na hangin. “Ang lalim no’n ah.” Napamulat ako at napatingala, nakita ko si Ulysses sa aking gilid at umupo na rin siya sa aking tabi. Inilublob din niya ang paa niya at mataman akong tinitigan. “May bumabagabag ba sa’yo?” Ang dating crush na crush ko noon at hindi magkamayaw sa pagtibok ang puso ko ay naging normal na kapag kaharap ko si Ulysses. Natawa pa ako sa sarili ko dahil ang buong akala ko ay may gusto rin siya sa’kin at akala ko ay magtatapat na siya sa mismong birthday ko, iyon pala ay may ibang nagpapabaliw sa lalaking gusto ko. “Wala naman, stress sa school something like that.” Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ng muli siyang magsalita. “Madeline, kapag ba ikaw ang una kong nagustuhan posible bang may pag-asa ako sa’yo?” Natigilan ako sa pagsipa sa tubig at nanatili lang akong nakatingin sa pool. Hindi ko siya kayang tingalain dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Seryoso ang boses niya at alam kong hindi siya nagbibiro. Kinuha niya ang isang kamay ko at doon lamang ako napatingin sa kaniya. Kung dati ay si Ulysses ang sinisigaw nitong puso ko at parati akong kinakabahan sa tuwing magdidikit kami, ay ngayon naman ay hindi ko na maramdaman dahil kay Jeremy ko na ’yon nararamdaman at mas higit pa ‘yon sa inaakala ko. “Ulysses.” Hinaplos niya ang kamay ko at at pagkuwa’y pinaglaruan ang daliri ko. “May problema ba kayo ng girlfriend mo?” Umiling siya at tinitigan niya pa ako. Bigla akong nailang dahil sa klase ng mga titig niya kaya napaiwas na lang ako. Binawi ko ang kamay ko sa kaniya at nilaro-laro na lang ng mga paa ko ang tubig. I don’t know what’s he’s thinking right now at tulad ng dati ay gusto ko siyang i-comfort kung ano man ang problemang kinakaharap niya. “Are you serious to him?” Doon lang ako nag-angat nang tingin sa kaniya at mukhang alam na niya ang tungkol sa’min ni Jeremy. “H-how did you__” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tumayo na siya at inilahad pa ang kamay niya sa’kin para alalayan akong makatayo. Tinanggap ko naman ito at napatitig pa ako sa kaniya. Malungkot ang mga mata niya at alam kong may problema siya. Siguro ay nag-away sila ng girlfriend niya at gusto niyang magkuwento sa’kin ngunit nahihiya lang siyang magsabi. Kilala ko siya kapag may problema siya. Tahimik lang siya at hindi magsasabi kung hindi ko pa kukulitin. “Let’s go back saka malamig dito baka magkasakit ka pa.” Kinuha niya ang kamay ko at hinila na niya ako papunta sa garden. Hindi ko na ‘yon binigyan pa ng malisya dahil gano’n na kami noon pa. Kaya nga dati ay kinikilig pa ako sa tuwing gagawin niya ‘yon at ayoko nang bitawan pa ang kamay niya. Pero iba na ngayon, that was all in the past at marami na rin ang puwedeng magbago. Magkaibigan pa rin naman kami pero hindi na namin puwedeng gawin ang nakasanayan na namin. May girlfriend na siya at may boyfriend na ako at ayokong iyon pa ang pagmulan ng ‘di pagkakaunawaan namin. Gusto ko dati si Ulysses at gusto ko parati siyang kasama at nakikita. Pero si Jeremy na ang gusto kong makasama. I felt so guilty dahil sa ginawa ko sa kaniya, bukas ay kakausapin ko na siya at hihingi ako ng tawad. Hindi ko dapat siya iniwan at inintindi ko siya gayong may sakit siya at isa pa pinuntahan niya pa ako para lang masamahan ako kahit na masama ang pakiramdam niya. “I’m sorry Jeremy,” wika ko habang nakatitig sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD