CHAPTER 25 SPG

4715 Words
Medyo malalim na sa gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Nahihiwagahan ako sa kung anong nangyayari kay Ulysses. Napabangon ako sa aking kama at kinuha ang aking telepono na nasa ibabaw ng side table, gusto ko siyang makausap ng masinsinan. Nag-aalala ako sa kaniya dahil baka nag-away sila ng girlfriend niya kaya siya nagkakagano’n. Ididial ko na sana ang number niya nang may bigla namang tumawag sa’kin. Unknown caller ang nakalagay at kumunot ang noo ko. Matagal ko itong tinitigan bago ko pa iyon sagutin. “Hello?” “Hello there! Is this Madeline?” Lalong nangunot ang noo ko dahil mukhang pamilyar ang boses na nasa kabilang linya. “Yes, who’s this?” “It’s me, Macky. Thanks God at gising ka pa!” Biglang kumalabog ang dibdib ko dahil hindi naman siya tatawag sa’kin ng ganitong oras. “Can you come over at Jeremy’s house?” “Why? What happened?” Mahigpit akong napahawak sa telepono ko habang kausap ang kaibigan ni Jeremy. Biglang nalaglag ang hawak kong telepono at natulala pa ako sa kawalan pagkarinig ko sa sinabi ni Macky. Hindi na ako nagdalawang isip pa ay mabilis akong lumabas ng kuwarto ko. Muntikan pa akong malaglag habang pababa ako ng hagdan dahil sa pagmamadali ko. Pagkalabas ko ng malaking gate namin ay nagtatakbo ako palabas ng subdivision dahil wala namang dumaraang sasakyan sa loob ng subdivision namin at kinailangan pang lumabas mismo para makasakay. Mabuti na lamang ay may dumaang taxi kaya nakasakay akong kaagad. Panay naman ang buntong-hininga ko at sana ay hindi malala ang tama niya. Nakapunta na rin naman ako isang beses sa bahay ni Jeremy kaya alam ko na rin kung paano pumunta roon. At nang makarating na ako ay mabilis akong bumaba ng taxi at patakbong tinungo ang gate nila. Nakakailang doorbell na ‘ko pero hindi pa rin niya binubuksan ang gate. Nakalimutan ko naman ang cellphone ko kaya hindi ko siya matawagan. Pansin ko naman na hindi ito nakakandado kaya itinulak ko ang gate at kaagad naman akong pumasok. Hindi rin naka-lock ang front door kaya dere-deretso na lang akong pumasok. Sarado ang mga ilaw at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa loob. “Jeremy!” sigaw ko ng nasa gitna na ako ng malaking sala niya. Nagpalinga-linga pa ako para hanapin siya pero hindi ko alam kung saang parte ng bahay niya siya naroroon. Malaki ito at hindi ko naman alam ang pasikot-sikot dito. Mag-isa lang siya rito sa malaking bahay niya at mag-isa lang niya ginagamot ang sarili niya. Napatapik ako sa aking noo pagkatapos kong ikutin ang bahay niya rito sa baba. Naisipan ko namang umakyat sa taas para hanapin naman siya roon at malamang ay nando’n siya. Maglalakad na sana ako ng biglang isa-isang bumukas ang mga ilaw. Ang kaninang madilim na paligid ay biglang nagliwanag at napalingon pa ako. Nakita ko si Jeremy na nakatayo malapit sa hagdan na tila nagtataka. Nakasuot lang ito ng black jogging pants at halatang kaliligo lang nito dahil medyo basa pa ang buhok. Napansin ko naman ang nakabenda niyang kaliwang kamay at may gasgas din sa kaniyang kaliwang dibdib. Nangilid ang mga luha ko at patakbo ko naman siyang nilapitan. Kagaad ko siyang niyakap nang mahigpit at doon na nagsibagsakan ang mga luha ko. Hindi ko man lang siya naisip tawagan o itext man lang kanina at tanging si Ulysses ang naalala ko ng mga oras na ‘yon. “Hey baby Madie, what’s wrong? Are you in pain?” Umiling ako habang nakayakap pa rin ako sa kaniya. Siya na nga ang nasaktan pero mas ako pa ang inaalala niya. Biglang kumirot ang puso ko pagkakita sa kaniyang itsura. May sakit na nga siya pagkatapos ay naaksidente pa siya kaya mas lalo akong nag-alala para sa kaniya. Hindi ko man lang siya naisip at mas nag-alala pa ‘ko sa kalagayan ni Ulysses. Naguiguilty ako ngayon at pakiramdam ko ay wala akong silbing girlfriend sa kaniya. “I’m sorry! I’m sorry.” Hinging tawad ko sa kaniya kahit hindi naman niya alam kung anong maling nagawa ko sa kaniya. Inilayo niya ako sa kaniya at bahagya pang tumungo para magpantay kami at nakahawak siya sa magkabilang balikat ko. Napansin ko rin na medyo putok ang labi niya kaya mas lalo akong naluha. Naaawa ako sa itsura niya ngayon at wala man lang akong kaalam-alam sa nangyari sa kaniya. Unti-unti kong inangat ang kamay ko at marahang hinaplos ang ibabang labi niya na may sugat. Hindi ko na napigilan ang sarili ko ay basta na lamang akong napahagulgol. Napaupo pa ako sa sahig at kaagad naman niya akong niyakap. “Hey baby what’s wrong? Tell me, please? May umaway ba sa’yo?” Sunod-sunod ang pag-iling ko at patuloy pa rin ako sa aking pag-iyak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, naging emosyonal ako nang makita ko ang itsura niya. Nasaktan ako dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit siya naaksidente. Mahal ko na nga siya, mahal na mahal kaya ako nagkakaganito pero hindi man lang siya sumagi sa isipan ko kanina. Muli niya akong inilayo sa kaniya at pinunasan niya ng hinlalaki ang aking mga luha. Nakayuko lang ako at hindi ko siya kayang tingnan dahil baka maiyak na naman ako at mas lalo akong maawa sa kaniya. Patuloy ang paghikbi ko at iniangat naman niya ang mukha ko kaya napatitig na ako sa kaniya. Tipid siyang ngumiti sa’kin at hinalikan pa niya ang aking noo. Mariin akong pumikit at unti-unti akong dumilat nang lumayo na siya sa’kin at marahang hinaplos ang aking pisngi. “How did you know?” Malambing ang boses niyang tanong sa’kin. Alam kong alam niya kung ano ang pinunta ko rito ngayon. Hindi ako nagsalita at basta lamang akong nakatitig sa kaniya. Parang kapag nagsalita ako ay bigla na lang bumuhos ang luha ko ulit. Huminga muna ako nang malalim at pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya na nasa aking pisngi pa rin at marahang hinimas ‘yon. “M-macky told me that you’re hurt. Why you didn’t call me?” Garalgal ang boses ko at nagbabadya na namang pumatak ang mga luha ko. “Because I don’t want you to worry.” Nakatitig lang kami sa isa’t-isa at kung noon ay hindi ko matagalan ang mga titig niya, ngayon ay gustong-gusto ko siya paka-titigan ng ganito kalapit. Iyong sinasabi niyang ginayuma ko siya, baka ako ang ginayuma niya dahil sa tuwing lalapitan niya ako ay nag-iiba ang t***k ng puso ko. Masasabi kong hindi na ako normal, hindi na normal ang nararamdaman ko para sa kaniya. “I’m sorry Jeremy, I’m sorry.” Hinging tawad ko habang patuloy pa rin akong lumuluha. “Why you always say sorry hmmn? I’m glad that you’re here. Kahit papaano nag-aalala ka pala para sa’kin. I hope you’re always like that, na ako ang pinaka-mahalagang lalaki para sa’yo.” Napatulala lang ako sa kaniya at pakiwari ko’y may ibig siyang sabihin. Inalalayan niya akong makatayo at iniupo niya muna ako sa malambot na sofa. Tiningnan niya ang kabuuan ko at napadako ang tingin niya sa aking mga paa. Nangunot pa ang noo nito at doon ko lang din napagtanto na wala nga pala akong suot na tsinelas dahil nagmamadali akong lumabas ng bahay. Hindi ko na rin namalayang wala nga pala akong sapin sa paa dahil samo’t-sari ang iniisip ko. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya at sandali niya akong iniwan sa salas. Maya-maya pa’y may dala na siyang isang planggang may tubig at saka bimpo. Naupo siya sa tabi ko at kinuha ang isang binti ko at inilagay sa kaniyang hita. Binawi ko ito na ikinagulat naman niya at nagyuko na lang ako dahil sa hiya. Marumi ang mga paa ko dahil tumakbo pa ako palabas ng subdivision namin na hindi ko man lang namalayang wala pala akong sapin sa paa. Kinuha niya itong muli at inilagay sa kaniyang mga hita. Napanganga na lang ako nang punasan niya ang paa ko at hindi na nagprotesta pa. Imbes na sa mga paa ko ako nakatingin ay tanging siya ang pinagmamasdan ko at ang bawat pagkilos niya. Hindi ako makapaniwalang ang isang katulad niya ang magugustuhan ko na sobra-sobra kong inaayawan noon at halos isumpa ko pa dahil sa sobrang inis. Yes, there is a bad boy image inside him pero alam ko at nararamdaman ko na hindi naman talaga siya gano’n. Masaya ako dahil kahit papaano naman ay unti-unti kong nakikilala ang isang Jeremy Villafuerte. Pero may parte pa rin ng utak ko ang hindi mapakali, iyon ay kung totoo ngang may ugnayan siya sa sinasabi nila daddy tungkol sa kaniya. Sana naman ay hindi totoo para makampante na ‘ko at maiharap ko na rin siya kay mommy at daddy. “Am I too handsome to stare at?” Binalingan niya ko nang tingin at muntikan pa akong masamid ng laway ko. Napayuko na lang ako at mariing ipinikit ang mga mata ko. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya at saka muli niyang pinagpatuloy ang kanina’y ginagawa niya. At nang matapos na siya ay saka siya tumayo at sinundan ko lang siya nang tingin kung saan siya patungo. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang pares ng tsinelas at inilapag ito sa aking harapan. Napatitig lang ako roon at ni isang salita ay walang lumabas sa aking bibig. Naramdaman ko naman na tumabi siya sa’kin at mahigpit akong niyakap. Napayakap na rin ako sa kaniya nang mahigpit at hindi ko na alintana kahit naka-topless lang ito. Sobra akong nag-alala sa kaniya dahil baka malala ang naging tama niya dahil sa aksidente kanina. Sinabi lang sa’kin ni Macky na naaksidente raw sa motor si Jeremy at una niya itong tinawagan. Ayaw raw magpadala nito sa ospital kaya dinala na lang siya nito sa bahay at dito na rin ginamot. Pero nagtaka ako dahil sinabi niya na marami raw itong sugat at mukhang nabalian pa raw kaya naman dali-dali akong nagtungo rito. Kumalas siya nang pagkakayakap sa’kin at inilagay niya pa sa tainga ko ang mga takas kong buhok. Tipid naman siyang ngumiti sa’kin at pansin ko naman ang lungkot sa kaniyang mga mata. Siya naman ang napaiwas sa’kin nang tingin at saka nagyuko. “I’m worried.” Nag-angat siya ng mukha pagkasabi kong iyon. “Sobra akong nag-alala no’ng sinabi sa’kin ni Macky na naaksidente ka raw at malubha raw ang lagay mo.” Kumunot ang noo niya na tila nagtataka sa sinabi ko. “M-me? He said that?” Tumango ako sa kaniya. Malakas siyang nagpakawala ng buntong hininga at narinig ko pa ang mahina ngunit mariin niyang mura. Tumayo siya at hinagilap ang kaniyang telepono at may tinawagan. Naisuklay pa ng daliri niya ang kaniyang basang buhok at ang isang kamay niya ay nakahawak sa kaniyang baywang habang abala siya sa kaniyang tinatawagan. “Jere__” “f**k you Macky! What did you tell her?!” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang malakas na mura niya kaagad ang narinig ko. “What if anything bad happens to her? Are you out of your mind?” Nakamasid lang ako sa kaniya habang nakatalikod siya at kausap niya ang kaibigan niya. "Okay fine, I understand. But don’t do it again or else I’m gonna kill you.” Pananakot pa niya at saka niya ibinaba ang tawag. Humarap siya sa’kin at muling naupo sa tabi ko. Kinuha niya ang isang kamay ko at pinagsiklop ito. Marahan niya pa itong hinimas at saka dinala sa kaniyang mga labi. Iba talaga kapag mahal mo ang isang tao, animo’y kuryente ito na dumadaloy sa buong katawan mo. Nakakapanghina pero hindi nakamamatay ang bawat kuryenteng nararamdaman ko dahil sa kaniya. “Huwag ka nang magalit sa kaniya hindi naman niya intensyon na__” “I don’t want bad happened to you.” Putol niya sa aking sasabihin. Nakayuko lang siya at akala mo’y batang paslit. Magsasalita pa sana ako nang tumayo siya at pagkuwa’y tumayo sa aking harapan. Tumingin pa siya sa wall clock at saka ako nito binalingan. “Let’s go, it’s already late. Ihahatid na kita sa inyo baka hanapin ka na ng mga magulang mo.” Tatalikod na sana siya nang pigilan ko naman siya sa kaniyang braso. “Can I, can I, aahm.” Napapikit pa ako at hindi ko malaman kung anong parte ang gusto kong sabihin sa kaniya. Gusto ko pa sanang magtagal dito dahil gusto ko pa siyang makasama at gamutin ang mga sugat niya. Napamulat ako at taka naman siyang nakatitig sa'kin at hinihintay ang susunod kong sasabihin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso at ilang paglunok ko ang iginawad ko bago muling magsalita. “I’m hungry, can you please cook for me?” Tanging iyon lang ang naisip kong dahilan para medyo magtagal pa dito sa bahay niya. Tumango lang siya at tipid na ngumiti. Inalalayan niya akong tumayo at hinila na niya ako patungo sa kusina. Umupo ako sa may dining table at pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos niya. Hindi ko maintindihan pero parang may kakaiba sa ikinikilos niya. Siguro ay nagalit siya sa’kin dahil basta ko na lang siyang iniwan kanina sa mall gayong alam kong masama ang pakiramdam niya. Nakatalikod siya sa’kin at kasalukuyang naghihiwa ng mga gagamitin niya sa pagluluto. Hindi na ako nakapagpigil pa ng unti-unti akong lumapit sa kaniya at niyakap siya mula sa kaniyang likuran. Napahinto siya sa kaniyang ginagawa at expected ko na hahawakan niya ang mga braso kong nasa kaniyang baywang o ‘di kaya ay haharapin niya ako. Pero hindi man lang siya natinag o kumilos man lang. Marahan kong tinanggal ang mga braso ko sa kaniyang baywang at nagsisimula nang magtubig ang aking mga mata. Parang hindi ako sanay na ganito siya sa’kin. Kanina lang ay nag-aalala siya pero ngayon parang balewala ako sa kaniya na para bang wala siyang kasama. Hindi ako sanay na tahimik lang siya o kaya’y hindi nagrereklamo kapag sinusungitan ko siya. Mabilis akong tumalikod at hahakbang na sana ako palayo nang hawakan niya ang braso ko at iniharap ako nito sa kaniya. Kaagad naman niya akong niyakap at napatulala na lang akong bigla sa kawalan. Doon na nagsimulang magsibagsakan ang mga luha ko at naramdaman ko naman ang paghagod niya sa aking buhok. “I’m sorry baby.” Napapikit ako at mahigpit ko na lang din siyang niyakap. Sa simpleng yakap lang niya ang nagiging okay na ang lahat. Kumalas siya sa’kin nang pagkakayakap at pinunasan ang mga luha ko. “Am I the reason why you’re crying too loud?” “Hindi ba halata?” Suminghot-singhot pa ako at tinitigan ko siya na animo’y nagpapaawa. “Akala ko kasi dahil kay Ulysses kaya ka umiiyak.” Nangunot ang noo ko at seryoso lang siyang nakatitig sa’kin. Ni minsan ay hindi ko binanggit sa kaniya ang tungkol kay Ulysses at hindi ko rin naman siya ipinakilala sa kaniya. Baka kagagawan na naman ito nila Ellaine at Nina kaya nalaman niya ang tungkol kay Ulysses. Hindi ko alam kung hanggang saan nila ikinuwento ang tungkol sa amin. Baka nga sinabi pa nila na patay na patay ako kay Ulysses noon. Mapait siyang ngumiti at kinuha ang isang kamay ko at nagulat ako nang haplusin niya ang bracelet na suot ko. Doon siya nakatuon kaya bigla na lang akong kinabahan dahil tiyak alam niya na si Ulysses ang nagbigay noon. Pero kung sasabihin naman niya na hubarin ko ‘yon at ‘wag nang isuot ay gagawin ko. “Do you still__” Huminto siya sa sunod niyang sasabihin at binalingan ako. “Do you still like him? Or you like him more than you like me?” Natigagal ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko lubos maisip na itatanong niya sa’kin ang bagay na ‘yon. Bakit niya naitanong ‘yon? Kaya ba siya nagkakaganito ay dahil kay Ulysses? Nanatili lang na nakaawang ang mga labi ko at hindi ko alam kung ano ang dapat kong itanong sa kaniya. Ayokong maglihim sa kaniya. Kung gusto niyang malaman ang tungkol sa kaniya ay sasabihin ko ‘yon ng walang halong kasinungalingan. I want to be honest with him and I want to be fair to him. “Kinuwento ba ng mga kaibigan ko sa’yo si Ulysses?” Huminga siya nang malalim at hinalikan ang kamay ko. “I want to clear my mind Madeline. Kung siya pa rin ba o ako?” Imbes na sagutin ko siya ay hinawakan ko na lang siya sa magkabilang pisngi niya at hinalikan. Naramdaman ko na lang ang mga kamay niya sa aking baywang at ipinulupot ko ang aking mga braso sa kaniyang leeg. Sinipsip niya ang ibabang labi ko kaya humigpit ang kapit ko sa kaniyang leeg. Binuhat niya ako at iniupo sa lamesa at doon lang naghiwalay ang aming mga labi. Pareho naming habol ang aming hininga at dinampian niya pa ng halik ang tungki ng aking ilong. Hinaplos niya ang braso ko pababa sa aking kaliwang kamay at nagulat na lang ako ng mabilis niyang tanggalin ang bracelet ko na niregalo ni Ulysses. “You don’t have to wear this baby, dahil alam ko na kung para kanino ka lang.” Muli niya akong hinalikan at saka ako nito binuhat paharap sa kaniya ng hindi naghihiwalay ang aming mga labi. Nakapulupot ang mga binti ko sa kaniyang baywang at maya-maya’y inihiga ako nito sa mahabang sofa. Nasa salas na pala kami at sandali niyang iniwan ang aking mga labi. Masyadong maliwanag dito sa sala niya kaya naman kitang-kita ko ang kabuuan niya. Oh gosh! Ang biceps namumutok-mutok. Gabi na pero may pandesal pa rin akong nakikita. Ang sarap mag-almusal sa gabi. Kung ganito ba naman ang kakainin ko tuwing gabi sa pandesal pa lang busog na ‘ko. “Sisiguraduhin kong hindi mo na gugustuhin pang tumingin sa iba.” Umangat ang tingin ko sa kaniya at napakurap-kurap pa dahil sa kaniyang sinabi. Nakaibabaw siya sa’kin at tanging jogging pants lang ang suot nito. Sa ayos naming ito tiyak alam ko na ang susunod na mangyayari. Kunwa’y napairap ako sa kaniya at marahang umiling. Umiral na naman ang pagiging possesssive nito. Pero mas gusto ko ‘yon kaysa kung ano ‘yong pinapakita niya sa’kin kanina na parang balewala ako sa kaniya. “Itong katawang ito lang ang gusto kong tingnan mo, only my body Madeline.” Ma-awtoridad nitong utos sa’kin. “Yes, master.” Ngumisi siya sa’kin at saka ako nito muling hinalikan. He kissed me the way he kissed me last time. Konti na lang ay magdudugo na ang labi ko dahil sa panggigigil nito. Idinikit niya pa ang sarili niya sa’kin kaya naramdaman ko sa aking puson ang tila’y nagwawala na nitong alaga. Bumaba pa ang halik niya sa aking leeg at ang isang kamay niya ay ipinasok sa loob ng suot kong t-shirt. Pinisil niya pa ang baywang ko kaya naman napaigtad ako at kinagat ko ang ibabang labi ko. Sa halik pa lang niya ay nalulunod na ako. Saglit siyang humiwalay sa’kin at tumayo sa pagkakadagan niya. Hinubad niya ang suot niyang jogging pants at tumambad sa harapan ko ang kanina pang galit na galit na alaga niya. Napaiwas ako nang tingin dahil nakaramdam ako bigla ng pagkailang. Kitang-kita ko ‘yon ngayon dahil maliwag dito sa sala at bukas ang lahat ng ilaw. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa kaya mas lalo akong nahiya. Gusto ko na tuloy bumangon at tumakbo palayo dahil sa pagkapahiya. Muli siyang dumapa sa’kin at nakatukod lang ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko at hindi ko siya sinusulyapan at pamihadong aasarin lang niya ako. “Baby, I want to cuddle with you naked,” paos nitong wika sa’kin at halata pa rin sa boses niya na may sakit siya. Tumango lang ako sa kaniya at itinaas na niya ang damit ko at siya na ang naghubad. Tinitigan niya muna ang dibdib ko at dinampian niya pa ‘yon nang halik. Napasinghap naman ako at mukhang alam niya na nasa harap ang lock ng bra ko kaya isang pitik lang niya ay kaagad iyong natanggal. Sinipsip naman niya ang isang dibdib ko kaya hindi ko na napigilang mapaliyad at napasabunot sa kaniyang buhok. Hingal na hingal naman ako habang patuloy ang ginagawa niya sa isa kong dibdib at pinaikot pa nito ang kaniyang dila sa paligid nito. Halos salitan niya itong sinisipsip at ang isa naman ay nilalaro-laro ng kaniyang dalira ang n****e ko. Malamig dito sa sala niya dahil nakabukas ang aircon pero ang init-init ng pakiramdam ko. Siguro ay dahil na rin sa mainit na tagpo namin ni Jeremy. Bumaba naman ang halik niya sa aking tiyan at pababa pa sa may puson ko kaya hindi ko na rin mapigilan ang umungol. Napakapit na lang ako sa head rest nitong sofa at bahagya ko pa siyang sinulyapan sa may bandang ibaba ko. Nakahawak na ang dalawang kamay niya sa suot kong pajama at saka nito ibinaba kasabay ng panty ko. At nang matanggal na niya ito ay pumwesto na siya sa pagitan ng mga hita ko at ibinuka iyon. Pinaikot-ikot ng hinlalaki niya ang clit ko kaya malakas akong napaungol. Para na akong kakapusin ng hininga dahil sa tagal niyang ginagawa ‘yon at hindi ko alam kung ilang minuto rin ang tinagal no’n. Nararamdaman ko na ang pagkabasa ng p********e ko at mas lalo pa akong lumikot sa pagkakahiga ko nang maramdaman ko na ang mga labi niya sa aking p********e. Taas-baba ang dila niya at ibinuka pa nito ang butas ko at saka ipinasok ang dila niya. “Oh s**t Jeremy! Hold on please, hindi ko na kaya!” Ang totoo niyan ay hindi ko na kaya ang kiliti na ginagawa niya sa’kin ngayon at baka hindi ko mamalayan na nasipa ko na siya. Umangat siya at dinaluhan niyang muli ang aking dibdib at sinipsip iyon habang ang isang kamay niya ay hinahaplos ang basang-basa kong p********e. Ipinasok pa niya ang dalawang daliri niya sa butas ko habang mariing sumisipsip sa dalawang dibdib ko. Naririnig ko naman ang paglabas-masok ng daliri niya hudyat na basang-basa na ito. Ilang sandali pa ay tinanggal na niya ang daliri niya roon at ipinalit naman ang mahaba niyang sandata na kanina pa gustong pumasok sa mainit kong kuweba. Itinutok niya ito at walang sabi-sabi niyang ipinasok ng mariin kaya mahigpit akong napakapit sa magkabilang braso niya at umawang pa ang mga labi ko. “Of f**k Madeline!” mariing mura niya pa. Isinubsob niya ang mukha niya sa aking leeg habang umuulos sa aking ibabaw at napatingala na lang ako sa may kisame na nakaawang ang mga labi. Naramdaman ko pa ang dila niya sa aking leeg na nagpatayo naman ng balahibo ko. Bahagya siyang tumayo at marahan siyang gumalaw sa ibabaw ko at titig na titig naman kami sa isa’t-isa. Mapupungay ang mga mata niya na animo’y inaantok at hinaplos ko pa ang labi niya na may sugat dahil sa pagkakabangga niya. Idiniin niya ang pag-ulos niya sa’kin at bawat paggalaw niya ay siya namang malakas na ungol ko. “Aaah! Oh God Jeremy!” Lumipat ang mga kamay ko sa kaniyang likod at sa gigil ko ay muli ko na naman siyang nakakalmot. Wala naman akong narinig na reklamo niya at pinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang ginagawang pagpapaligaya sa’kin. Hinugot niya muna ang kaniyang p*********i at walang kahirap-hirap niya akong binaligtad at pinatuwad. Dahil medyo payat naman ako at magaan ay hindi naman siya nahirapang buhatin ako. Muli niyang ipinasok ang sandata niya at doon ay narinig ko ang sunod-sunod niyang mura. Medyo bumibilis ang kaniyang pagbayo at mahigpit pa itong kumapit sa aking balikat at ang isang kamay niya ay nasa aking pang-upo at mahigpit din siyang nakahawak doon. Halos mapatid naman ang aking hininga dahil sa pag-ungol ko at pakiramdam ko ay dumugo na ang labi ko dahil din sa mariing pagkagat ko kapag pinipigilan kong mapahiyaw. Pabilis nang pabilis ang pagbayo niya at maya-maya pa’y naramdaman ko na ang mainit na likidong tumutulo sa akin. Pabagsak na lang akong napadapa at saka ako pumikit dahil sa pagod. Naramdaman kong tumabi siya sa’kin dahil malaki naman ang espasyo ng sofa niya at para na rin itong kama sa laki. Humarap naman ako sa kaniya at yumakap at pareho pa kaming hinihingal. Inilapit ko pa ang mukha ko sa kaniyang dibdib para pakinggan ang t***k ng puso niya. Napangiti na lang ako dahil muli kong narinig ang pinaka-magandang musika sa pandinig ko. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at hinalikan pa ang aking noo. I feel so relax in his arms at sana ay parati ko siyang yakap at ipinapangako kong hindi ko siya bibitawan tulad ng nais niya na hindi ko siya puwedeng iwan ng walang pahintulot niya. Tiningala ko siya at nakatingin din pala siya sa’kin. Mabilis ko siyang hinalikan sa mga labi at sumilay naman ang napaka-ganda niyang ngiti. Lihim naman akong kinilig dahil mukhang unti-unti na rin akong nababaliw sa kaniya at baka sa susunod ay dalhin na ‘ko sa mental nito. “Oh, s**t I forgot!” Natapik pa niya ang kaniyang noo at taka ko pa siyang tinitigan. “Bakit?” Hinalikan muna niya ang noo ko bago muling nagsalita. “Don’t worry baby, sagot kita” “H-ha? Anong sagot mo ‘ko?” Imbes na sagutin niya ‘ko ay tumingin siya sa wall clock at biglang tumayo. “It’s already one in the morning baby Madie baka hanapin ka ni Doc Marco and I know how strict he is, I mean ni daddy Marco pala,” sabay ngisi niya pagkasabi no’n. Tumaas ang isang kilay ko dahil mukhang marami ng alam ang ipis na ‘to at ako naman ay wala pa gaanong alam sa kaniya tulad na lang kung paano siya nawalan ng ina at kung bakit galit ang ama naman niya sa kaniya. Salamat sa mga kaibigan ko dahil alam kong napagtatanungan niya ang mga ito. “Anong daddy ka riyan?” Kunwa’y irap ko pa sa kaniya at isinuot na niya ang kaniyang brief at jogging pants. “I want to meet your parents someday baby.” Natigilan ako at sinulyapan siya na nakatayo sa gilid ko at nakatagilid naman ako para matakpan ang kahubdan ko. Hindi naman siya nagpupumilit pang ipakilala ko na siya kina mommy at daddy pero syempre alam kong matagal na niyang gustong sabihin ko ‘yon sa kaniya na ipapakilala ko siya sa kanila. Gusto ko na talaga siyang ipakilala at hindi na naman tutol si daddy kung magkaroon man ako ng boyfriend pero may isang bagay akong ikinakatakot. Pero kung iyon lang ang dahilan ay handa ko naman itong harapin dahil sa pagmamahal ko kay Jeremy and I will understand everything. “You’re surely meet them. And I’ll tell them about us, I’ll talk to dad first para hindi naman siya magulat kapag ipinakilala na kitang boyfriend ko medyo cold kasi siya eh.” Paliwanag ko sa kaniya. “Sa kaniya ka pala nagmana” “Hindi ah! Iyong kambal ko ang nagmana ro’n hindi ako.” Tanggi ko at napalabi pa ako. Nagkibit-balikat pa siya na para bang hindi naniniwala. Umupo siya sa tabi ko at hinagkan naman ang braso ko pagkuwa’y ang mga labi ko. Banayad lang ‘yon at saka siya muling tumayo. “Wait for me here kukuha lang ako ng damit ko and then I’ll take you home.” Tumango lang ako sa kaniya at umakyat naman siya para kumuha ng damit. Isa-isa ko namang pinulot ang damit ko sa sahig at mabilis kong isinuot ito. Saktong pagkatapos kong magbihis ay nakita kong umilaw ang cellphone niya na nasa ibabaw lang ng center table. Lumapit ako roon at tiningnan kung sino ang tumatawag. “Mint?” wika ko sa aking sarili. Sasagutin ko na sana ito dahil baka importante pero nawala na lang ito at saktong pagbaba naman ni Jeremy. Malapad itong ngumiti sa’kin at ginantihan ko rin ito nang ngiti. Bago pa kami umalis ng bahay niya ay ilang minuto niya pa akong niyakap at ilang beses na hinagkan na para bang matagal kaming hindi nagkita. Pinapangako ko na kung ano ‘yong pag-aalaga na ibinibigay niya sa’kin ay gano’n din ang isusukli ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD