Dinala ako ni Jeremy sa bahay niya. Napatulala ako pagkapasok namin sa loob dahil bumungad kaagad sa paningin ko ang napakalawak na salas. Napapalibutan ito na naghalong puti at kulay brown. Tama nga sina Ellaine at Nina, isa siyang young master. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan nito at nakita ko sa ‘di kalayuan ang isang portrait ng babae. Nilapitan ko ito habang si Jeremy naman ay pumunta muna sa kusina. May pagkakahawig siya kay Jeremy at siguro ay ito ang mama niya. Pero hindi siya ang babaeng nakita ko noong minsang nakita ko sila sa tapat ng restaurant.
“She’s my mom.” Napatingin akong kaagad sa likuran ko at may dala na itong isang bottled water at inabot nito sa’kin.
“N-nasaan na siya ngayon?” may pag-aalinlangan kong tanong.
Malungkot niya akong tinitigan at mapait na ngumiti. I feel his sadness at nakikita ko rin sa mga mata niya ‘yon. Naalala kong bigla ang mga narinig kong pinag-usapan nila ng kaniyang ama. Sa kabila ng pagiging bad boy image nito ay may itinatago rin pala siyang kalungkutan.
“She’s dead.” Napanganga ako sa sinabi niya at umiwas sa’kin nang tingin. “And it’s my fault.”
Gusto ko siyang yakapin at i-comfort pero hindi ko alam kung paano. Gayong nagtapat ako sa kaniya kaya medyo nakaramdam ako ng pagkailang. Nakatitig lang ako sa kaniya at mas lalo akong namangha kahit na seryoso siya ay hindi pa rin mapagkakailang guwapo siya.
Ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang siya naappreciate samantalang inis na inis ako sa kaniya noong una. Gusto ko pa siyang makilala at gusto kong malaman ang tungkol sa kaniya. Alam ko at nararamdaman ko na hindi naman talaga ganito ang image niya noon at alam kong may dahilan kung bakit siya ganito.
“I-I’m sorry,” nasabi ko na lamang at saka napayuko.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa’kin at hinawakan ako sa baba at inangat ang mukha ko. Napatitig ako sa mga mata niya at pansin ko ang pangingilid ng mga luha niya. Ramdam ko kung gaano niya ka-miss ang mama niya at alam kong nasasaktan siya dahil sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay nito. Hindi man niya sabihin sa’kin nakikita at nararamdaman ko ‘yon sa kaniya.
“Please stay baby, don’t you ever leave me like my mom did,” seryoso siyang nakatingin sa’kin at hinaplos niya pa ang pisngi ko.
Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya dahil hindi pa ako sanay sa presensya niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tipid siyang ngumiti. Iyong puso ko walang tigil sa pagkalampag simula kanina pa bago kami makarating dito. Hindi ako makapaniwalang kasama ko siya ngayon at higit sa lahat ay hanggang ngayon gusto pa rin niya ako na akala ko ay binalewala na niya ako.
Gumanti ako ng ngiti sa kaniya at tumango. “O-oo, dito lang ako sa tabi mo”
Niyakap niya ako at hindi namin alintana ang basa naming mga damit dahil sa malakas na ulan. Humiwalay siya sa’kin at hinalikan ako sa noo. Mukhang aatakahin yata ako sa puso dahil sa ginagawa niyang ito sa’kin at mukhang kailangan ko ng masanay.
“Bakit ba ang tagal niya?” bulong niya.
“Sino?”
“Janelle.” Magsasalita pa sana ako nang makarinig kami nang katok.
Sino naman ‘yon? Bakit may bisita siyang babae? Nakasimangot ko siyang tinitigan habang papunta siya sa may pintuan para buksan ito.
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ito. Siya na siguro ang hinihintay ni Jeremy. Dere-deretso siyang pumasok at may bitbit pa itong mga paper bags. Siya ‘yong babaeng nakita ko sa campus at sa hotel noong birthday ko na kasama niya na inakala kong girlfriend niya. Anong ginagawa niya rito?
Ngumiti siya sa’kin at mabilis na lumapit sa kinaroroonan ko. Nagulat pa ako nang yakapin niya ako kaya napatulala na lang ako sa kawalan. Kumalas siya sa’kin nang pagkakayakap at hindi pa rin naaalis sa kaniya ang pagkakangiti niya. Hindi ko maiwasang titigan siya dahil ngayon ko lang napansin na maganda pala siya.
“So, finally nakilala rin kita,” masayang wika niya.
Lumapit sa’min si Jeremy at hinapit ako nito sa aking baywang kaya napasinhap ako. Hinalikan niya pa ako sa sentido at bigla akong nahiya dahil kaharap pa namin ang babaeng ito. Gusto kong magtanong kanina pa pero nahiya naman ako. Nakangisi sa’min si Janelle at papalit-palit pa ang tingin nito sa’min ni Jeremy.
“Did you brought what I told you?” Malamig ang tonong hinarap ni Jeremy si Janelle.
Napataas ang kilay kong napatitig sa kaniya. Ano bang relasyon ng dalawa? At bakit parang close pa sila? Naiinis na talaga ako at kapag hindi ako nakapagtimpi ako na mismo ang magtatanong kay Janelle.
“Here.” Sabay abot niya ng mga paper bags kay Jeremy. Muli akong hinarap ni Janelle at inilahad niya ang palad niya sa’kin. “I’m Janelle, and you must be Madeline right?” Hindi kaagad ako nakapagsalita at basta lang akong nakatitig sa kaniya.
“She’s my cousin baby.” Mabilis akong napabaling nang tingin kay Jeremy ng siya na ang magsalita.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Janelle kaya napapikit na lang ako nang mariin. Para akong napahiya dahil iniisip siguro ni Janelle na pinagseselosan ko siya kung hindi pa sinabi ni Jeremy na magpinsan sila. Tumikhim ako at pilit na ngumiti sa kaniya at hindi ko siya matingnan ng deretso.
“Don’t worry Ate Madeline hindi ako girlfriend ni bibi Jeremy.” Napatawa pa siya at iiling-iling na tumingin kay Jeremy.
“Don’t call me that Janelle,” iritang sagot naman ni Jeremy sa kaniya.
“But how? Aahm, I mean__”
“It’s my idea.” Putol ni Janelle sa sasabihin ko.
Napataas naman ang kilay ko dahil naguguluhan ako kung ano ang ibig niyang sabihin. Napakamot pa ako sa noo ko at hindi alam kung paano ko itatanong sa kaniya ang mga gusto kong malaman. Kumunot pa ang noo ko at hinihintay ang muli niyang sasabihin.
“Now Janelle, explain it to her dahil ayokong pinagseselos ang girlfriend ko.” Tinaasan ko ng kilay si Jeremy at humalakhak naman si Janelle.
Naiinis na talaga ako! Ano bang tinatago ng mga ito?
“I’m sorry ate but I need to do that.” Lalong nangunot ang noo ko kung ano ang ibig niyang sabihin. “I saw you and Kuya Jeremy talking. At narinig ko ang bawat salitang sinabi mo sa kaniya.”
Naalala kong bigla ang araw na ‘yon. Ang araw na hinding-hindi ko makakalimutan dahil unti-unti na palang nahuhuhulog ang loob ko kay Jeremy. BInalewala ko lang ‘yon at naramdaman ko na lang na nasasaktan na ‘ko noong malaman kong hindi na ako ang gusto niya at may girlfriend na siya.
“You saw us? How?”
“Pinuntahan ko siya sa school dahil inutusan niya akong bumili ng regalo para sa’yo dahil birthday mo raw.” Natameme ako at hindi magproseso ng maayos ang isip ko.
Ang ibig sabihin ay alam na ni Jeremy kung kailan ang birthday ko bago ko pa siya bastedin? Bigla akong nakarammdam ng guilt nang marinig ko ‘yon mula kay Janelle. Napayuko na lang ako at naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ni Jeremy sa baywang ko kaya napatingala ako sa kaniya at nakatitig na ito sa’kin.
“How did you know?” mahinang tanong ko sa kaniya.
“Because I’m your stalker.” Ngumisi siya sa’kin at hindi naman ako nagpatinag sa kaniya.
“Sobrang in-love na in-love sa’yo ‘yang si bibi Jeremy kaya naman sobra siyang nasaktan noong bastedin mo siya, kaya ako na ang gumawa ng paraan para maging kayo!” Binalingan ko naman si Janelle na matamang nakatitig sa’kin. “Hindi ko sana siya tutulungan kung hindi ko napansin na may gusto ka rin sa pinsan ko,” pagpapatuloy niya.
Napamulagat ako sa kaniyang sinabi at napangisi pa siya. Noong time na ‘yon naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko kung si Ulysses pa ba ang gusto ko. Pero napagtanto ko na si Jeremy na pala ang laman ng puso ko. Matagal ko ng crush si Ulysses at ni minsan ay hindi ako tumingin sa iba at kahit na alam kong marami na ring gustong magtangkang manligaw sa’kin. Pero ang ipis na ‘to ay basta na lang pumasok sa buhay ko at hindi ko akalaing magugustuhan ko.
“Hi-hindi ah! Kailan ko lang naman na a-ano eh__” Napakamot pa ako sa aking ulo dahil hindi ko alam kung paanong palusot ang gagawin ko dahil sa pagkapahiya.
“Babae rin ako Ate Madeline at amoy na amoy na kita that time.” Malapad siyang ngumiti sa’kin at kinindatan niya pa si Jeremy. “So, paano maiwan ko na kayo? Ayokong makasagabal sa inyong dalawa at nagawa ko na ang part ko.” Paalam na niya sa amin.
“Thanks Janelle.” Walang emosyong sabi naman ni Jeremy sa kaniya.
“Basta ‘yong sinabi ko sa’yo ah!” Sabay nguso ni Janelle sa pinsan niya. Binalingan pa ako ni Janelle at hinila ako kay Jeremy na ikinagulat ko at saka bumulong. “Ingat ka kay bibi Jeremy Ate Madeline, masamang magalit ‘yan at sobrang possessive.” Lumayo na siya sa’kin at ako nama’y gulat na napatingin sa kaniya.
Hinawakan ako sa braso ni Jeremy para muling itabi sa kaniya kaya napatingala ako. Sinamaan niya pa nang tingin ang pinsan niya pero tinawanan lang siya nito. Kinabahan naman akong bigla dahil sa sinabi ni Janelle sa’kin. Who cares?! Gagawin ko pa rin kung ano ang gusto ko at hindi niya ako mapipigilan.