CHAPTER 19

2495 Words
Kanina pa ring nang ring ang telepono ko pero hindi ko pa rin ito sinasagot. Nakatalukbong ako ng kumot ko at tamad na tamad pa akong bumangon sa kama ko. Weekends ngayon at malamang ay si Nina o ‘di kaya si Ellaine ang tumatawag sa’kin. Kapag ganitong wala kaming pasok ay nag-aaya parati silang mamasyal. Pero ngayon tamad akong lumabas ng bahay at gusto ko lang ay magkulong maghapon dito sa kuwarto ko. Hindi ko na naririnig pa ang tunog ng cellphone ko at siguro ay nagsawa ang dalawa sa kakatawag sa’kin. Sinubukan ko ulit makatulog kaso ayaw ng makisama ng mga mata ko. Bumangon na lang ako sa kama at nagtungo sa banyo para maghilamos. Nagulat pa ako sa sarili kong itsura nang makita ko ang mga mata ko na halos pikit na ito. Napabuntong hininga na lang ako dahil magdamag nga pala akong nag-iiyak kagabi dahil kay Jeremy. Hindi ko maintindihan kung bakit pinag-aaksayahan ko pa ng panahon at luha ang ipis na ‘yon. Oo nasasaktan ako sa ginawa niya at hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaluha na lang. Hindi ko naman siya boyfriend para magkaganito ako at sa katunayan nga niyan ay ako pa ang nambasted sa kaniya at heto ako ngayon, ako pa talaga ang umiiyak ngayon dahil sa kagagahan ko. Wala na talaga akong choice kun’di ang magkulong maghapon dito sa kuwarto ko dahil ayokong makita nila na ganito ang itsura ko. Mabuti na lamang at wala rito si daddy dahil baka sa ospital daw ito matulog dahil marami silang pasyente ngayon at kailangan siya sa ospital. Si mommy naman ay nasa States ngayon at bukas pa makakauwi kasama si Ninong Leonard dahil sa negosyo nila. Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ako ng banyo at narinig ko naman ang malalakas na katok sa labas ng pintuan ng kuwarto ko. Nataranta akong bigla at hindi alam ang gagawin. Hinagilap ko ang sun glasses ko sa drawer at mabilis itong isinuot. Binuksan ko ang pinto at maliit na awang lang ang bukas nito. Nagulat pa ako nang itulak niya ito at napa-awang na lang ako nang mabungaran si Ellaine at Nina na kaagad pumasok ng kuwarto. Napa-second look pa sa’kin si Nina nang makita niyang nakasuot ako ng sun glasses at tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa. “Anong style naman ‘yan Madz? Saka bakit ganiyan ang itsura mo?” Nakangiwing wika ni Nina. Tinanggal naman ni Ellaine ang suot kong salamin at sa gulat ko ay napayuko ako at napapikit. Mabilis niyang inangat ang ulo ko at naningkit pa ang aking mga mata. Umiling na lang siya at alam kong alam niya ang dahilan. “Ngayon iiyak iyak ka riyan!” Irap pa ni Ellaine sa’kin at umupo sa dulo ng kama ko. “My God Madz! Sino naman ang iniyakan mo? Si Ulysses na naman ba?” Gulat na turan naman ni Nina. “Tanga! Hindi na si Ulysses ang nagpapabaliw ngayon sa tangang kaibigan natin.” Napabuga na lang ako sa hangin dahil sa sinabi ni Ellaine. Oo, hindi na nga si Ulysses ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Kung bakit ako nasasaktan ay si Jeremy ang dahilan wala ng iba. Akala ko kapag sinabi kong lumayo na siya sa’kin at tantanan na niya ako ay mapapanatag na ako, hindi pala. Sa’kin ngayon bumabalik kung ano ang ginagawa ko sa kaniya at ganito pala ang pakiramdam ng nasasaktan. Yumuko ako at muli na namang nagbabadya pumatak ang aking mga luha. Kalauna’y hindi ko na napigilan pang mapaiyak at kaagad naman akong nilapitan ni Ellaine at niyakap. “Madz, sorry, binibiro lang naman kita eh,” may pag-aalalang saad ni Ellaine habang nakayakap sa’kin. Kumalas ako nang pagkakayakap sa kaniya at pinunasan ang aking luha. “I want to be alone Ellaine” “Madz, kaya ka namin pinuntahan dito dahil alam naming magmumukmok ka lang. Look at you, para kang__” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin at bumuga na lang sa hangin. “Madz, cheer-up! Walang mangyayari kung parati ka lang iiyak sa isang tabi at walang ginagawa.” Natigilan ako sa sinabing iyon ni Ellaine. “W-what do you mean?” “Mag-isip ka Madeline. Kaya kung ako sa’yo sundin mo kung ano ang totoo mong nararamdaman. Kaya halika na dahil bumili na ako ng ticket sa cinema,” sabay ngiti ni Ellaine sa’kin. “Wala ako sa mood.” Maglalakad na sana ako papunta sa kama ko para muling mahiga nang hawakan ako ni Ellaine sa braso ko at itulak ako nito papunta sa aking banyo. “Ayoko ngang sumama eh puwede naman kayo na lang ang lumakad!” Reklamo ko habang patuloy pa rin ang pagtulak niya sa’kin papunta sa banyo. Si Nina na ang nagbukas ng pintuan ng banyo at mahinang tinulak naman ako ni Ellaine sa loob. Pumihit ako paharap sa kanila at pinamey-wangan pa sila. Alam kong gusto lang nila pagaanin ang loob ko kaya nila ginagawa ito pero parang ang bigat ng katawan ko na para bang may nakadagan dito. “Sumama ka na sa’min kung ayaw mong isumbong ka namin kay Tito Marco na may nagpapaiyak na sa’yo!” Banta pa ni Nina at nanlaki bigla ang mga mata ko. Magsasalita pa sana ako nang isara na niya ang pintuan. Ginulo ko naman ang aking buhok dahil sa inis sa kanila at malakas akong nagpakawala ng buntong hininga. Naligo na akong kaagad at pagkatapos ay nagbihis na ako habang ang dalawa naman ay prenteng nakasalampak sa sahig at panay ang pindot sa kanilang telepono. Naririnig ko pa ang paghagikhik ni Nina kaya napapailing na lang ako. Simpleng rip jeans at plain white shirt lang ang isinuot ko na tinernuhan ko ng white rubber shoes na niregalo pa sa’kin ni Papa Mazer noong birthday ko. Pinasadahan ko nang tingin ang sarili ko sa salamin at walang gana naman akong ngumiti. Siguro ay kailangan kong mag-unwind kasama ang mga kaibigan ko at para makalimutan ko kahit papaano si Jeremy. Nagpunta kami sa isang mall at kumain muna kami dahil tutal ay maaga pa naman at may dalawang oras pa bago magsimula ang movie na papanuorin namin. Kahit sa pagkain ay wala akong gana, pinilit ko lang talagang kumain para hindi na ako kulitin pa ng dalawang asungot kong kaibigan. Romcom ang papanuorin namin at medyo marami na ring tao rito sa sinehan. Kalimitan ang nakikita ko ay puro magkakasintahan. Napapaismid na lang ako at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa screen. Maya-maya’y napalingon ako dahil narinig ko ang paghikbi ng dalawang kaibigan ko na nasa magkabilang gilid ko. “Bakit kayo umiiyak?” bulong ko kay Nina. “Hindi ka ba naiyak? Kawawa naman iyong lalaki isinakripisyo niya lahat para sa babaeng mahal niya tapos ang ending tatalikuran lang siya noong babae dahil lang sa komplikado ‘yong sitwasyon nila. Nakakaasar naman! Kung alam ko lang na nakakaiyak pala itong movie na ‘to e ‘di sana horror na lang pinanuod natin!” Inis na inis na sambit ni Nina. Natahimik ako at muling ibinalik ang atensyon ko sa aking pinapanuod. Hindi lang pala sa pelikula nangyayari ‘yon kun’di rin pala sa totoong buhay. Palabas na kami ng sinehan ay panay singhot pa rin ng dalawa at napapailing na lang ako habang naglalakad. “Oh! Si Jeremy ‘yon ‘di ba?” Natigilan ako at napahinto sa aking paglalakad nang banggitin ni Nina ang pangalan niya. Biglang kumalabog ang puso ko nang makita ko siya sa harap ng isang restaurant at tila may hinihintay. Siguro hinihintay niya ang girlfriend niya. Mas lalong kumirot ang puso ko nang maisip ‘yon at siguro nga ay totoong hindi niya talaga ako minahal dahil mabilis niya akong napalitan. Maya-maya pa ay may lumbas na isang may edad na babae at kaagad namang inakbayan ito ni Jeremy. Ito siguro ang mommy niya dahil may pagkakahawig sila nito. Malapad siyang ngumiti rito at saka tumalikod na papalayo sa aming kinaroroonan. “Pansin mo Ellaine na mas lalong gumwapo si Jeremy?” tanong ni Nina na halatang pinaparinig sa’kin. “Oo nga eh! Iba talaga kapag may jowang maganda!” Naikuyom ko na lang ang palad ko at mabilis silang hinarap. “Pinapaselos niyo ba ako?!” Galit kong wika sa kanila. Nagkatinginan pa silang dalawa at si Ellaine naman ang sumagot. “Hindi ba?” Hindi ko na sila sinagot at tinalikuran ko na lang sila. Ginugol ko na lang ang oras at atensyon ko sa pag-aaral dahil walang mangyayari kung magmumukmok na lang ako sa bahay. School at bahay na lang ang ginagawa ko at paminsan-minsan naman kapag hindi naman busy sina mommy at daddy ay lumalabas kami para mamasyal. Halos tatlong araw ko na ring hindi nakikita si Jeremy sa school at maigi na rin ‘yon para makalimutan ko na rin siya at para na rin mabura na siya rito sa puso ko kung sakali man. Alam kong hindi gano’n kadali pero pipilitin ko ang sarili kong kalimutan siya. Tulad ng dati ay nagpunta muna ako sa library para mag-aral. Nauna nang umuwi sina Nina at Ellaine. Nasa labas na ako ng building namin ng biglang bumuhos naman ang malakas na ulan. Nagpalinga-linga pa ako at mukhang ako na lang ang tao rito sa building namin. Kinuha ko ang cellphone ko at ididial na sana ang number ni mommy para sana magpasundo ako sa driver ng may biglang nag-abot sa’kin ng isang itim na payong. Nag-angat ako nang tingin at nakita kong si Jeremy ito. Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at sadyang nakatitig lang ako sa kaniya. The truth is, I truly missed him. Akala ko gano’n lang kadali ang makalimutan siya na kapag hindi ko na siya nakikita ay mabubura na siyang kaagad. But I was wrong, mas lalo ko siyang gustong makita. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang payong at nang mapansin niyang hindi ko pa ito inaabot ay kinuha niya ang isang palad ko at inabot sa’kin. Tumalikod na siya at hinabol ko naman siya nang tingin. Hindi ko alam kung hahabulin ko ba siya para kausapin kahit na alam kong may girlfriend na ito. Ayoko mang maniwala pero gusto ko pa ring subukan at malaman kung ako pa rin ba ang gusto niya. Alam kong magmumukhang tanga lang ako kapag ginawa ko ‘yon. Pero iba ang sinasabi ng puso ko sa sinasabi ng isip ko. Binitawan ko ang payong na hawak ko at sumugod ako sa ulan. Hindi ko na alintana kung malakas ba ang buhos ng ulan basta ang mahalaga ay masabi ko sa kaniya ang mga gusto kong sabihin. Pagkalabas ko ng gate ay hindi ko na siya nakita pa. Nagpalinga-linga pa ako pero wala na siya. Nakatayo ako sa gitna ng dinaraanan at bagsak ang balikat ko dahil hindi ko na siya naabutan pa. “Bakit ba kasi ang tanga ko!” sigaw ko. “Kung alam mo lang Jeremy!” “What are you saying if I only knew?” Natigilan akong bigla at kaagad na pumihit sa aking likuran. Nakita ko si Jeremy na nakatayo at may hawak na payong. Unti-unti siyang lumapit sa’kin at hindi ko naman inaalis ang pagkakatitig sa kaniya. “I already gave you an umbrella right? Bakit nagpaulan ka pa rin?” Hindi kaagad ako nakapagsalita at basta lamang nakatitig sa kaniya. “Here.” Kinuha niya ang kamay ko at binigay sa’kin ang payong na gamit niya. “Umuwi ka na baka magkasakit ka pa.” Pagkasabi niyang iyon ay tumalikod na siya. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay inihagis ko kung saan ang payong at patakbo ko siyang nilapitan. Niyakap ko siya sa kaniyang likuran. I know this is too much pero kailangan ko nang masabi sa kaniya kung ano ‘yong nararamdaman ko kahit na alam kong hindi na ako. Tatanggapin ko kung ano man ang sasabihin niya tungkol sa’kin kahit na sabihin niya pang hindi na niya ako gusto. “J-jeremy.” Humigpit ang yakap ko sa kaniya at saka muling nagsalita. “Gusto kita! I’m sorry nagpadalos-dalos ako. Gusto ko lang malaman mo na gusto kita, na gusto na kita.” Hindi ko siya narinig magsalita kaya napakalas ako sa kaniya ng pagkakayakap. Hindi man lang niya ako nilingon at nanatili lang siyang nakatalikod sa’kin. Kahit hindi siya magsalita alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Mas lalong masakit sa’kin ang pinapakita niyang pambabalewala sa’kin ngayon. Napayuko na lang ako at mabilis na tumalikod. Masyado ko nang pinapahiya ang sarili ko at naiinis ako dahil bakit ko pa sinabi sa kaniya ‘yon gayong may girlfriend na ito. Parang magiging labas ko nito ay agawin siya sa girlfriend niya. Mabilis akong naglakad sa kaniya palayo at kasabay noon ang pagbuhos ng luha ko. Parang sinusuntok ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nagulat ako nang may humapit sa baywang ko at nanlaki pa ang mga mata ko nang halikan niya ‘ko. Totoo ba ‘to? O baka naman nananaginip lang ako? tanong ko sa aking isipan. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa bilis ng pangyayari. Unti-unti siyang humiwalay sa’kin at hinaplos ang basang-basa kong mukha. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pinaghalong luha at patak ng ulan. How can this be? How can he kiss me when he has someone else? “What took you so long to tell me that hmmn?” Halos maluha na naman ako sa sinabi niyang iyon. “Why did you do that? ‘Di ba may girlfriend ka na? So, why did you kiss me?” garalgal kong saad. “You know I already have a girlfriend but why did you confess to me?” Napaiwas ako nang tingin sa kaniya at bahagyang lumayo. “I-I’m sorry. Just forget what I said to you earlier” “I don’t want to.” Napatitig ako sa kaniya at seryoso lang siyang nakatingin. “I don’t have a girlfriend. It’s you that I want to be my girlfriend. Only you Madeline.” Napaawang ang mga labi ko sa kaniyang sinabi. Pero sino ‘yong babaeng nakita ko na kasama niya sa hotel noong debut ko? Hindi na ako nakapagsalita pa nang muli niya akong halikan. Nagpadala na rin ako sa bawat halik niya at napakapit na lang ako sa kaniyang batok. “Forgive me if I pretend that I don’t like you anymore,” saad niya nang matapos niya akong halikan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. “I just want to know how you feel. Now that I know, I don’t need to pretend anymore. I love you my Baby Madie.” Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay siya rin malakas na buhos ng mga luha ko. Ngayon alam ko na sa sarili ko kung sino talaga ang gusto ko at kung ano ang tunay kong nararamdaman sa kaniya. Hindi na ako sumagot at siniil ko na lang din siya nang halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD