CHAPTER 18

3091 Words
Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga at tila’y pagod na pagod ako. Butil-butil naman ang pawis ko sa aking noo kahit na malamig naman dito sa kuwarto. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nandito na pala ako sa inokupa naming kuwarto, nandito pa rin pala kami sa hotel. Sinulyapan ko naman ang magkabilang gilid ko at nakita kong himbing na himbing pa sa pagtulog ang dalawang kaibigan ko. Napatapik na lang ako sa aking noo dahil halos hindi ko alam ang mga nangyari kagabi dahil sa kalasingan ko kahit naka-ilang baso lang naman ako ng alak. Iyon ang unang beses kong uminom ng alak kaya mabilis akong nalasing. Tatayo na sana ako sa kama ng biglang kumirot ang ulo ko at naramdaman ko ang hapdi sa aking bandang ibaba. Napangiwi na lang ako at napahawak sa aking puson. Pakiramdam ko ay malalaglag ang matres ko sa sobrang sakit. Natigilan akong bigla at may biglang naalala. Napailing na lang ako dahil alam kong isa lang ‘yong panaginip. Kung totoo man iyon ay wala sana ako rito at hindi ko katabi sina Ellaine at Nina ngayon. Tiningnan ko naman ang orasan sa aking harapan at alas-diyes na pala ng umaga. Ginising ko sina Ellaine at Nina at tinalikuran lang ako ng mga ito. Napabuntong-hininga ako at hinipan kong pareho ang mga tainga nila dahil ayaw na ayaw nila na ginagawa ko ‘yon sa kanila kapag ayaw nilang magising. “Diyos ko naman Madz! Ano na naman ba ang problema mo?!” Singhal sa’kin ni Nina. “What happened? Saka bakit ako nandito?” “Anong bakit ka nandito? Malamang kuwarto mo ito. Hindi mo talaga maalala ‘no?” Naningkit pa ang mga mata ni Nina at kunwa’y inirapan ako. “Sobra ka lang naman nalasing. Mabuti na lang at hindi ka nakita nila Tito Marco sa ganoong ayos, daig pa naman no’n si Tita Mace kung magbunganga,” ngingiti-ngiti niyang kuwento. Napatulala na lang ako dahil pakiramdam ko ay may kulang. Panaginip ba ‘yon o totoong nangyari? Kung totoo man ‘yon wala akong mukhang ihaharap kay Jeremy. Napatutop pa ako sa aking bibig at nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanila. No! hindi iyon totoo, imposibleng mangyari ‘yon. Ang tanga ko naman kasi bakit hindi ko maalala? “Hoy Madeline, ano ‘yan? Pati ibang tao naperwisyo mo dahil sa kagagahan mo!” Napabaling naman ang tingin ko kay Ellaine na nasa kabilang gilid ko. Tumayo siya sa harapan ko at inilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang baywang niya at tinaasan niya ako ng kilay. Sino naman kaya ang sinasabi ng babaeng ito? May pagkakamali ba akong nagawa noong malasing ako? “W-what do you mean Ellaine?” Kinakabahan kong tanong sa kaniya. “Nakita ka lang naman ni Jeremy na pasuray-suray sa hallway!” Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Ellaine. I knew it. Alam kong magkasama kami ni Jeremy ng gabing ‘yon at alam ko rin na may__. Natigilan ako sa pag-iisip ko at umiling-iling pa ‘ko para lang hindi ko maisip na ganoon nga ang nangyari sa’min. Muli kong hinarap si Ellaine at mabilis naman akong tumayo. Hinawakan ko pa siya sa kaniyang magkabilang braso na ikinataka pa niya. “Did he tell you something?” “Like what?” tanong niya na nakataas pa ang isang kilay. “I mean, paano niya ako nakita.” Bumuntong hininga pa siya at tinanggal naman niya ang mga kamay ko sa kaniyang braso. “Umamin ka nga sa’min Madz.” Napalunok akong bigla dahil sa klase ng salita ni Ellaine. “Sinabi mo ba sa kaniya na gusto mo siya?” “W-what?!” Nabigla ako sa tanong niya at napahawak pa ako sa aking ulo. Para akong nagkaroon ng amnesia nito dahil hindi ko matandaan ang mga nangyari kagabi. Siguro naman ay hindi nangyari ang hindi dapat mangyari. Pero bakit pakiramdam ko ay totoo ang mga napanaginipan ko? At isa pa totoong kasama ko nga si Jeremy dahil nakita raw ako nito sa hallway na lasing na lasing. “Jeremy told us na sinabi mo raw na gusto mo siya.” Si Nina naman ang nagsalita at saka tumayo sa kama. “I’m sorry wala talaga akong maalala” “Mabuti na lang nakita ka namin na akay-akay niya dahil hinahanap ka namin lalo na si Jk at hindi ka namin makita kahit saan,” nakaismid na saad ni Ellaine. “Wala na ba siyang ibang sinabi sa inyo?” “Wala na! Gaga ka talaga! Kung magtatapat ka lang naman dapat nasa matinong pag-iisip ka girl.” Pagkasabi niyang iyon ay tinalikuran na ako ni Ellaine at humarap sa malaking salamin at nagsuklay. “How can I face him if he already knew how I feel?” Malungkot ko namang sambit. “Don’t worry Madz he’s not interested at all.” Pumalatak pa si Nina at sinamaan ko naman siya nang tingin. “At paano mo naman nasabi?” Humalukipkip pa ako at pinanliitan siya ng mata. Hindi sana totoo na may nangyari dahil patay ako sa daddy ko lalo na kay Papa Mazer. Ayos lang naman sa’kin kung umamin ako sa kaniya pero iyong iniisip ko na may nangyari tapos balewala lang pala ako sa kaniya ay baka wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya pag nagkataon. “Dahil sa kinikilos niya. At isa pa kung interesado pa siya sa’yo e ‘di sana hindi niya kami hinayaan na kami ang umalalay sa’yo papunta rito sa kuwarto.” Nalungkot ako pagkasabing iyon sa’kin ni Nina. Ang sakit pala maramdaman na iyong taong gusto mo ay hindi ka na gusto. Ganoon din ang naramdaman ni Jeremy sa’kin. Siguro nga ay tuluyan na siyang sumuko sa’kin at heto ako ngayon, ako naman ang nasasaktan dahil sa pinaparamdam niya sa’kin. “Bakit naman kasi sinabi mong may boyfriend ka na? E ‘di ikaw naman ang maghabol sa kaniya ngayon.” Mabilis akong napatingin kay Ellaine na abala pa rin sa pagsusuklay ng kaniyang mahabang buhok. “Excuse me lang ah! Bakit ko siya hahabulin? Ano ‘ko aso?” Pumihit pa paharap sa’kin si Ellaine at inirapan ako. “Okay fine! Ngayon magdusa ka dahil hindi ka na hahabulin pa ni Papa Jeremy dahil may iba na siyang nilalandi at infairness ang ganda girl!” Padabog naman akong naglakad papunta sa banyo at binalibag ko ang pagsara ng pintuan. Hindi ko alam kung kaibigan ko pa ba ang dalawang ‘yon dahil umagang-umaga binubwisit na naman nila ako. Pabagsak pa akong umupo sa bowl at muntikan pa akong mapasigaw nang maramdaman ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko. Marahan kong hinubad ang panty ko at may nakita pa akong bahid ng dugo roon. Nagtaka ako dahil alam kong sa susunod na linggo pa ang dalaw ko at magkasunod lang kami ni Nina. Binalewala ko na lamang ito at naligo na lang ako para lumamig naman ang pakiramdam ko. Nang matapos akong maligo ay naabutan kong nagkukuwentuhan naman ang dalawa kong kaibigan at narinig ko pa ang paghagikhik ni Ellaine na animo’y kinikilig. Siguro ay may nakita na naman itong guwapo kaya para na naman silang bulate na binudburan ng asin. Napapailing na lang ako at humarap na lang sa salamin at umupo. “Grabe Nina I didn’t know that Jeremy is the young master!” Nahinto ako sa paglalagay ng lotion at tiningnan si Ellaine sa may salamin. “Oo nga eh, kaya pala nandito siya kagabi.” Hindi na ako nakatiis kaya naman sumabat na ako sa usapan nila dahil curious ako kung ano ang sinasabi ng mga ito. “Wait Ellaine, what do you mean that Jeremy is the young master?” takang tanong ko sa dalawa. Lumapit pa sa’kin si Ellaine sa kinaroroonan ko at sumandal pa sa gilid ng salamin. Nagtaka naman ako dahil kakaiba ang mga ngiti nito. “Hindi ka maniniwala Madz, akalain mo ‘yon na akala natin ay mayaman lang si Jeremy pero mas mayaman pa pala ang pamilya niya kaysa sa’tin” “Ano naman ang nakakagulat do’n?” “Sila lang naman ang may-ari nitong hotel at nagmamay-ari rin ng ibang negosyo rito sa Manila.” Mabilis akong napatayo at napanganga pa ako sa isiniwalat ni Ellaine. Kaya ba siya nandito dahil sa pagmamay-ari nila ito at hindi dahil sa’kin? Oo nga pala, nakita ko sila ng girlfriend niya na magkasama kagabi kaya malabong ako ang pinunta niya rito. Tama, hindi totoo ang mga panaginip ko at kabaligtaran lang ‘yon at imposibleng mangyari ‘yon at mas lalo akong makakampante dahil walang nangyari kagabi. “Ta-talaga? O-okay,” sabay upo ko ulit at pinagpatuloy kung ano ang ginagawa ko. “Ang swerte naman ng girlfriend ni Jeremy ‘no?” Natigagal ako at sinulyapan si Nina sa salamin at nakita kong tutok na tutok pa siya sa hawak niyang cellphone. Hindi ko alam sa dalawang ito kung sadyang inaasar ba nila ako o kinokonsensya sa ginawa ko. Ayokong magpaapekto sa kanila at hinding-hindi ako maghahabol sa Jeremy na ‘yon. Ayokong magmukhang tanga sa harapan niya kapag inamin kong gusto ko siya tapos hindi na pala niya ako gusto. Maaga pa lang ay nasa school na ‘ko dahil may reporting kami ngayong araw. Dalawang araw matapos ang debut ko ay ginawa kong busy ang sarili ko at hindi ko na inisip pa si Jeremy. Naglalakad ako papasok sa loob ng building namin ay nakita ko na ang dalawang kaibigan ko na may bitbit na mga libro. “Kinakabahan ako baka kasi magtanong na magtanong si Sir Reynald, ang matandang kalbo na ‘yon!” may inis na turan pa ni Nina. Napapailing na lang ako at natatawa dahil sa kaniyang sinabi. Ilang araw ko ring pinagpuyatan ang report naming tatlo dahil alam kong mahigpit sa ganoong bagay si Sir Reynald. Malapit na kami sa classroom namin nang makita ko si Jeremy kasama ang mga team mates niya. Napahinto akong bigla at napaatras pa ng isang beses. Taka naman akong tinitigan ni Ellaine at Nina at tanging kay Jeremy lang ako nakatingin. Hindi ko alam kung tatakbo pa ako patalikod o magpapanggap na lang ulit na hindi ko siya napansin. Nakaramdam ako bigla ng kaba nang tumingin siya sa gawi namin kaya hindi ako nagdalawang isip na tumalikod na lang at mabilis na naglakad palayo. Narinig ko pang tinawag ako ng dalawa pero hindi ko na sila nilingon pa. Kaagad kong sinara ang pintuan ng banyo at sumadal sa likod ng pintuan noon. Halos malagutan na ako ng hininga dahil sa sobrang kaba. Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung bakit ganoon na lamang ang pag-iwas ko sa kaniya siguro ay dahil na rin sa nasabi ko sa kaniya noong nalasing ako. Napasalampak na lang ako sa sahig dahil naalala ko na naman ang ginawa ko. Nahihiya ako sa sarili ko kung bakit ko pa nasabi ang bagay na ‘yon gayong balewala na pala ako sa kaniya. Alam kong nasaktan ko siya kaya siguro pinapahirapan niya ‘ko ng ganito. Hindi rin ako magpapatalo sa kaniya at ipaparamdam ko na hindi siya kawalan at hindi ako ang maghahabol sa kaniya. Bago ako lumabas ng banyo ay naghilamos muna ako para naman kahit papaano ay mawala ang mga isipin ko. Kaagad akong nagtungo sa classroom namin at naabutan ko na roon sina Ellaine at Nina. Abala sila sa kanilang binabasa kaya hindi nila namalayan ang pagdating ko. Maya-maya pa ay dumating na si Sir Reynald at nagulat pa ako na kasunod na nito si Jeremy at umupo pa ito sa bandang likuran. Taka ko siyang pinagmamasdan pero hindi man lang ako nito tinatapunan nang tingin na para bang hindi niya ako nakikita. “Mabuti naman Mr. Villafuerte at nakapasok ka rin sa subject ko.” Napabaling ang tingin ko kay Sir Reynald na inaayos pa nito ang kaniyang gamit sa lamesa. “Of course sir, my girlfriend will get mad at me if I didn’t passed.” Mahigpit kong nahawakan ang ballpen ko na halos mabali na ito. Parang gusto kong lumabas na ng classroom dahil parang hindi ko kayang makasama sa klase ang ipis na ito. Napapikit na lang ako at pilit na pinakakalma ang aking sarili dahil alam kong sinasadya niya lang iparinig sa’kin iyon. Puwes, hindi ako magpapaapekto sa kaniya at kailangang maging normal pa rin ang kilos ko. “Kailan ka pa natakot sa mga nagiging girlfriend mo? Saka wala sa itsura mo ang magseryoso,” dagdag pa ni Sir Reynald. “I think she is the one who can change me and I’m gonna treat her better.” Narinig ko pa ang mahinang sigawan ng mga kaklase ko at pati sina Ellaine at Nina ay nakisali na rin. Tahimik lang ako at hindi na umimik pa at kunwa’y binuklat ko na lang ang hawak kong libro. Ang totoo niyan ay nasasaktan ako sa mga binitawan niyang salita. Ayoko mang aminin pero parang gusto nang sumabog nitong puso ko sa selos. Sa dinami-rami ng lalaki bakit siya pa? Bakit sa isang playboy pa ‘ko na-in-love? “Madz, are you okay?” Binalingan ko si Nina at ngumiti lang sa kaniya na parang walang nangyari. “Okay let’s start our reporting. Miss Madeline Mendez are you ready for your report?” Siniko naman ako ni Nina nang hindi ako sumagot pagkatawag sa’kin ni Sir Reynald. “Ah, y-yes po s-sir I’m sorry,” hinging paumanhin ko. Tumayo na akong kaagad at pumunta sa unahan. Napatingin ako sa gawi ni Jeremy at mataman din siyang nakatingin sa’kin. Umiwas na lang ako sa kaniya nang tingin at malakas na nagpakawala nang buntong hininga. Medyo kinakabahan ako dahil nandito ngayon si Jeremy at ngayon lang ako nakaramdaman ng ganito. Habang nagrereport ako ay inisip ko na lang na wala siya sa klase at hindi ko na lang siya tinapunan nang tingin para lang hindi ako ma-distract. Nakahinga na ako nang maluwag ng matapos na ako at natapos na rin ang madugong pagtatanong ni Sir Reynald na nasagot ko naman ng tama lahat. Bago ako bumalik sa puwesto ko ay nagtaas pa ng kamay si Jeremy na siyang ikinakaba ko. “Yes Mr. Villafuerte, do you have a question regarding sa report ni Miss Mendez?” tanong sa kaniya ni Sir Reynald. Tumayo pa siya at tumingin sa’kin na walang emosyon ang mukha. “I have a question, it’s up to you if you answer it or not.” Nakatingin lang ako sa kaniya na para bang kami lang dalawa ang tao rito. Ako na ang umiwas nang tingin sa kaniya at marahang tumango. Muli ko siyang sinulyapan ng hindi pa siya nagsasalita at sadyang nakatitig lang sa’kin. “What is your greatest fear?” seryosong tanong niya. “W-what?” kunot-noo kong sambit. “Is it difficult to answer my question? Alright, I’ll change the question. What does love means to you?” Kumunot lalo ang noo ko at hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya para tanungin ako ng gano’n sa harapan pa ng mga kaklase namin. Wala naman sa topic ang tanong niya kaya siguro naman ay ayos lang na hindi ko siya sagutin dahil siya na rin ang nagsabi kung sasagutin ko ba ‘yon o hindi. Bumuga pa ako sa hangin at saka siya hinarap na wari ko’y hinihintay ang aking isasagot. Magsasalita na sana ako nang marinig kong magsalita si Sir Reynald na may halong inis ang boses nito. “Mr. Villafuerte, mukhang natulog ka na naman sa klase ko kaya hindi mo alam ang topic natin ngayon.” Ngumisi lamang siya at pinasadahan pa ng dila niya ang ibabang labi niya. “You don’t have to answer that, I already know your answer.” Pagkasabi niyang iyon ay tumalikod na siya at kaagad na lumabas ng classroom. Hindi ko maintindihan kung ano ang gustong ipahiwatig ng ipis na ‘yon. Nanatili pa rin akong nakatayo sa harapan at iniisip ko pa rin ang mga tanong niya sa’kin. Napapitlag na lang ako nang tawagin ako ni Nina at Ellaine para umupo na dahil nahalata nila na wala na naman sa mood si Sir Reynald dahil kay Jeremy. Pagkatapos ng klase ko ay nagpasya muna akong dumaan sa library para sana humiram ng ilang libro. Nakita ko namang kaagad ang hinahanap ko at nasa bandang itaas iyon. Pilit ko itong inaabot pero hindi ko ito makuha. Nakita ko na lang na may kumuha nito at siguro ay tinulungan niya akong kunin ang libro. “Sala__” Natigilan ako at pagpihit ko sa kaniya ay iniaabot na nito sa’kin ang librong kailangan ko. Natameme ako at para bang napako ako sa aking kinatatayuan. Marahan kong kinuha sa kaniya ang libro at magsasalita pa sana ako nang tumalikod na kaagad siya ng hindi man lang ako nito kinausap. Parang gusto kong maiyak dahil sa trato niya sa’kin ngayon na para bang hindi niya ako kilala. Pinigilan ko na lang ang sarili ko at naupo na lang sa bakanteng upuan. Napansin ko naman si Jeremy sa ‘di kalayuan sa puwesto ko at mag-isa lang siyang nakaupo. Pinagmamasdan ko lang siya habang nakatuon siya sa kaniyang binabasa. He’s so much perfect at hindi naman kataka-taka na halos lahat ng kababaihan dito ay may gusto sa kaniya. Hindi ko naman talaga siya gusto noong una at si Ulysses lang ang kinababaliwanan ko noon, pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Sabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ko siya gugustuhin at hindi rin siya ang tipo ng lalaking ipapakilala ko kina daddy pero bakit ngayon nasasaktan na ‘ko sa ginagawa niya sa’kin ngayon? It’s my fault dahil inilayo ko siya sa’kin at ngayon para akong tangang nanghihingi naman ng atensyon niya tulad ng dati. Maya-maya pa’y kinuha niya ang telepono niya sa kaniyang bulsa at mas lalong kumirot ang puso ko nang makita kong malapad siyang ngumiti. Siguro ay nagtext ang girlfriend niya kaya gano’n na lamang ang mga ngiti niya. Mabilis siyang tumayo sa kaniyang upuan at patakbo pa siyang lumabas ng library. Hindi ko namalayang may tumulo na palang luha sa aking pisngi at kaagad ko naman itong pinunasan. Kaagad na rin akong tumayo at hindi ko na kinuha pa ang librong sana’y hihiramin ko. Ang bilis niya ‘ko napalitan at ang bilis din magbago ng puso niya. Yeah right, I forgot he’s a f*****g playboy at kayang-kaya niya manligaw ng iba. Tanga lang ako dahil napaniwala niya ‘ko at sinaktan niya pa ‘ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD