Napatingin ako sa malaking El Caballo Center signage na nasa harap namin nang dumating kami nina Gavin, Ate Yna at Benjamin sa Gerona. Agad na humiwalay ang bodyguard ko para magmasid sa paligid. Medyo may mangilan-ngilang tao na ngayon sa equestrian center at excited na akong makilala sa wakas si Ate Mimi. Dito ko kasi naisip na magkita-kita nang mag-text si Ate Kang kay Ate Yna para naman makapag-bonding kaming magkakapatid. “Ano’ng ginagawa mo rito?” Narinig ko ang pagsita ni Ate Yna habang palinga-linga ako at nakita ang mga paroo’t paritong mga tao. May ibang nakasakay na sa kabayo at ang iba ay inalalayan ng nagtatrabaho roon kasi halatang first timer at hindi pa marunong. Nang lingunin ko ang kausap ni Ate Yna ay si Riggs pala. Hindi ko naman narinig ang sagot niya habang inaay