Suwerteng nasa Tarlac branch ang safe deposit box na nasa account ko sa Bulza de Banco. Ibig sabihin ay dito iyon binuksan ni Mama? Hindi ako makapaniwalang ginawa niya ito nang sadya at lingid sa akin. Ngunit bakit? Sa loob ng medyo may kalakihang safe deposit box ay mayroon pa itong kahon na naka-lock. Wala namang susi dahil ang susi na ibinigay noong una kasama ang account ay para mismo sa safe deposit box na ibinigay ko sa bank employee na lalaking nasa mid-thirties. Ewan kung bakit iyon ang ipinagamit. Maybe for security reasons, kung tama nga bang iyon ang susi at hindi lang sila basta-basta na siyang bubukas niyon. Hindi na ako nagtanong, basta ibinigay ko na lang ang susi nang hiningi niya ito. Kinuha ko ang kahon na tila maliit na baul at may combination of numbers ang maaaring