Tinawagan ko ang nasabing numerong nagpadala sa akin ng mensahe. Subalit hindi ko makontak ito gaya noong isa. Napakuyom ako ng mga palad. Sino kaya ang may gustong siraan si Gavin o kaya ay sirain ang relasyon naming dalawa? Mahal ko si Gavin kaya kailangang pagkakatiwalaan ko siya. Litong-lito man sa kung sino ang taong pilit kaming paghihiwalayin ay pinilit kong iwaglit iyon sa isip habang nag-sho-shower. Mabilis akong natapos at nagbihis para makakain na kami ni Ate Yna. Kami lang ang nasa kusina kasi tapos nang kumain ang mga kasambahay kasama si Manang Lupe. Habang nasa hapag kami ni Ate ay tila may malalim din siyang iniisip. Hindi ko na lang siya inistorbo at baka may importante siyang iniisip na mga hakbang. “Gusto mong pasyalan natin sina Ate Kang at Ate Mimi?” tanong niya