"Matagal na rin simula nang makita ko si Azel, Mama. Gusto ko sya puntahan. Pumayag ka na." Pilit sakin ni Cyvan. Umupo ako sa harapan nya. Napasulyap ako sa pagkain nya na hindi pa ginagalaw sa mesa. "Kumain ka na, baka mahuli ka pa sa klase nyo." Kumuha ako ng pandesal at sinawsaw sa kape. "Bibisitahin ko lang naman sya, Ma." Tiningnan ko sya. Kita ko sa mukha nya ang dismaya at lungkot. Ginalaw na nya ang pagkain nya at mukhang napipilitan pa sya sumubo ng pagkain sa bibig nya. Napabuntong-hininga ako. "Cyvan, bawal ang bata sa trabaho ko. Dinala kita sa birthday ni Ma'am Azel dahil wala akong trabaho nung araw na 'yun." "Nung nagkasakit si Azel, ayaw nyo rin ako puntahan sya." Pagtatampo nya kahit may laman ng pagkain ang bibig nya. Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang ma