Pinindot ko ang switch ng ilaw para magkaroon ng liwanag ang buong pasilyo rito sa second floor. Lampas alas-sais na ng gabi at sanay na ko sa katahimikan ng buong bahay. Kapag ganitong oras ay laging bukas ang kwarto ni Ma'am Azel at nakikita ko sya sa harap ng telebesyon habang nanonood. Pero ngayon ay sarado ito. Binuksan ko na ang kwarto ni Haryl para makapasok sa loob. Nilapag ko ang tray na naglalaman ng pagkain sa mesa. Pagkatapos nya umalis sa hardin kaninang umaga ay bumalik sya sa pagkakatulog at ngayon lang sya nagising. Alam ko na narinig nya ang pagdating ko pero hindi pa rin sya kumibo. Nanatili lang sya na nakasandal sa kanyang kama habang may malalim na iniisip na naman. Lumapit ako sakanya at umupo sa maliit na espasyo sa gilid nya. Tiningnan ko ang mukha nya. "Nasa me