Dumating si Ma'am Hannah kahapon kaya hindi ko na nalaman kung sino ang totoong ina ni Ma'am Azel. Nakakagulat ang sinabi ni Haryl na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan. Ibig sabihin, may una syang naging karelasyon bago si Kaiza. Sa tuwing iniisip ko ang bagay na 'to ay pakiramdam ko nagiging interasado ako kay Haryl. Interesado ako malaman ang nakaraan nya. "Ma?" May gumalaw sa kamay ko kaya naputol ang pagkatulala ko sa gate ng skwelahan. Bumaba ang tingin ko sa anak ko. Pumungay ang mga mata nya at nginitian nya ko. Binitawan na nya ang kamay ko at nagpaalam na papasok sa loob. "Ingat ka. Uwi ka agad pagkatapos ng klase nyo." Bilin ko. Tumango lang sya sakin at kumaway din. Nang hindi ko na sya makita ay umalis na ko sa harap ng gate. Kumunot ang noo ko nang maala