Ryder’s PoV
“S*xy ba ako sa paningin mo kaya ganyan ka kung makatingin sa akin?” nanunuksong tanong ni Nomi sa akin habang nakaupo ito sa mini sofa na naroon sa loob ng aming kuwarto. Nakaupo naman ako sa gilid ng kama at kakatapos ko lamang maligo. Naka-shorts lang ako at walang pang-itaas na damit. Nakasampay sa balikat ko ang puting tuwalya na kinuha ko sa may cabinet.
Kumpleto sa gamit ang m*tel, may libre ding naka-pack na hygiene kits katulad ng shampoo, sabon, toothpaste, toothbrush at may shavers din pati na femin*ne wash na ini-endorse ng isang kilalang brand.
Bumuga ako nang malalim at tumingin kay Nomi.
“Hindi ka ba hahanapin sa inyo?”
Umiinom ito ng alak at mukhang malalasing na naman.
“Malaki na ako para hanapin pa ng mga magulang ko.” Tumayo si Nomi habang hawak ang bote ng alak at isang plastic na baso. Nakangiti iyong lumapit sa akin. Umupo ito sa tabi ko at saka iniabot sa akin ang plastic cup na may lamang alak. “Minsan lang ‘to.”
Hindi ako makatingin kay Nomi dahil naiilang ako. Ganito marahil ang pakiramdam kapag unang beses kong makita ang mahal ko na s*XY sa damit na pantulog na suot.
Alam kong wala itong suot na br* at p*nty. Nakita ko ang mga hinubad nitong damit na naroon sa banyo kanina. Nilabhan ko pa ang mga iyon para may maisuot ito bukas.
Inubos ko alak na nasa plastic cup at saka napailing. Matapang ang alak na iniinom ni Nomi. Favorite brand nito ng alcohol ang Alfonso. Samantalang ako hanggang gin lang at isang bote ng red horse nahihilo na.
“Mahina ka pa ring uminom,” natatawang sabi nito sa akin.
“Sigurado ka ba talagang sa araw mismo ng birthday party mo ay aalukin kita ng kasal?”
Muling uminom ng alak si Nomi at saka tumango sa akin. “Oo, at nakahanda akong sumagot ng oo.”
Muli akong bumuga ng malalim. “Sigurado ka bang kaya mong mabuhay na kasama mo ako? Mahirap lang kami at hindi ko kayang ibigay sa iyo ngayon ang mga bagay na nakasanayan mo. Baby, wala pa akong ipon, nag-aaral ang mga kapatid ko at may mga gamot na iniinom ang mga magulang ko. Hindi pa kita kayang pakasalan sa simbahan.”
“Hindi naman ako naghahangad ng marangyang buhay, baby. Ang gusto ko lang kasama kita at sabay nating aabutin ang lahat ng pangarap nating dalawa. Hindi importante sa akin ang kasal sa simbahan. Okay lang sa akin kahit nga sa kasalang bayan pa, e. Okay lang din kahit na bigyan mo ako ulit ng singsing na binibili lang sa tindahan.” Malapad akong nginitian ni Nomi. “Okay lang sa akin kahit na ano basta ikaw ang kasama ko.”
Natutuwa ako sa pagiging positibo ni Nomi. Handa nitong talikuran ang marangya nitong buhay para sa akin. Mahal na mahal ko ang aking kasintahan at hindi ko siguro kakayanin kung ilayo siya ng mga magulang sa akin.
“Langit ka... at lupa ako... katulad sa mga pelikula, sa mga drama sa TV at radyo... palaging walang happy ending sa mga katulad natin na magkaiba ang estado sa buhay."
Ibinaba ni Nomi sa sahig ang bote ng alak at ang plastic cup na hawak nito. Masama niya akong tinignan. Sinapo din nito ang aking magkabilang pisngi.
“Sino ba ang masusunod sa takbo ng kuwento nating dalawa?” Inilapit nito ang mukha sa mukha ko. Ikiniskis nito ang ilong sa ilong ko at sabay kaming pumikit. “Magkaiba man tayo ng antas ng pamumuhay pero hindi mo mababago ang katotohanan na… mahal na mahal na mahal kita… handa akong talikuran ang lahat para sa iyo… baby.” Hinagkan nito ang aking mga labi. At muling tinignan sa mga mata. “Tayo ang magdedesisyon ng ating kapalaran at sisimulan na natin iyon… ngayon.” Muling siniil ni Nomi ng halik ang aking mga labi.
Hinatak niya ako nang itumba nito ang likod sa kama. Pumaibabaw ako kay Nomi habang lumalalim ang aming paghahalikan. Ramdam ko ang pagdaloy ng init sa aking katawan. Sandali akong tumigil sa paghahalik ko sa aking kasintahan at tumingin sa mga mata nito.
“Si-Sigurado ka ba talaga dito?”
Mabilis itong tumango. “Umpisahan nating baguhin ang takbo ng buhay nating dalawa… hindi na ako tutulan ng mga magulang ko na pakasalan ka kapag nabuntis mo ako.”
Nalungkot ako sa sinabi nitong iyon sa akin. Imbes na muli ko itong halikan ay niyakap ko na lamang siya nang mahigpit.
“Gusto kong manindigan sa pangako ko sa iyo. Kahit na gustong-gusto kong angk*nin ka ngayon… kaya ko pa namang magtimpi.” Niyakap ko siya nang mahigpit at hinagkan sa noo. “At gusto kong patunayan sa mga magulang mo na tapat ang hangarin ko sa iyo.”
“Baby… natatakot ako.” Tiningala niya ako na may luha sa mga mata.
“Wala kang dapat na ikatakot… kahit na harangan ako ng palaso, kahit na patamaan ako ng gran@da o kaya harangin ako ng mga tauhan ng daddy mo… hindi pa rin kita lalayuan.” Iniangat ko ang mukha ni Nomi at hinagkan ang mga labi nito. “Mahal na mahal kita,” nakangiting sabi ko matapos itong halikan. “Kakantahan na lang kita para makatulog ka.”
“Ang pangit ng boses mo, e,”, natatawang pagrereklamo nito sa akin.
Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nito at saka itinaas iyon.
“Ikaw lang ang aking mahal… ang pag-ibig mo’y aking kailangan. Pag-ibig na walang hangganan, ang aking tunay nararamdaman.”
“Mula noon hanggang ngayon… hindi ka pa rin nagbabago ng kinakanta,” pang-aasar pa nito sa akin.
“Sige nga kantahan mo nga ako.”
Nakangising tiningala ako ni Nomi. “Gusto mo ba?” mapang-akit nitong tanong sa akin. Hinawakan pa nito ang alaga ko na matig*s pa rin.
Pinisil ko ang ilong nito. “Kaya ayokong umiinom ka ng alak dahil kung ano-ano na lang talaga ang ginagawa mo.”
Malakas ako nitong tinawanan. Nagsumiksik si Nomi sa aking dibdib at niyakap ako nang sobrang higpit.
“Kahit na ano pa ang mangyari… ipangako mo sa akin na hindi mo ako bibitawan.”
Malakas na kinabog ang aking puso. Hindi ko alam kung bakit nito iyon sinabi ngunit bigla akong nakaramdam ng takot.
“Pangako… mahal na mahal kita. At ikaw lang ang mamahalin ko, Nomi Marie Vicosta… wala ng iba.” Hinagkan ko ang bumbunan nito bago ako pumikit.
Minsan gusto kong hilingin na sana pareho na lang kaming mayaman ni Nomi para hindi na ako natatakot na baka mawala siya sa akin.