“Let’s go to Bicol. I-settle muna natin ang resort para makaalis na tayo ng bansa.” Naging busy na sila sa mga sumunod na araw. Lahat ng dapat ipa-renovate ay ginawa nila pati na ang mga dapat idagdag na ikagaganda ng resort. Halos umabot ng dalawang buwan at natapos din iyon. Nailipat na rin sa pangalan ni Ryan ang ikaapat na bahagi ng buong isla. Umabot ng limang milyon ang nagastos nila sa buong resort. Naglagay rin sila ng mga lifeguard at bumili ng limang speed boat. Maraming beses na napapansin ni Ryan na malalim ang iniisip ni Cyrhel. Hindi naman niya ito matanong dahil hangga’t maaari ay ayaw niyang makigulo sa private nitong buhay. “Pagdating natin sa Brazil at ayaw mo pa rin akong pakasalan, hahanap ako doon ng willing na magpakasal sa akin. Alam kong hindi ko na mababawi an