NAGISING si Cyrhel nang may naramdaman siyang pumatak sa mukha niya. Pagdilat ay mukha ni Tristan na nagmamadaling bumaling sa ibang direksiyon ang nakita niya. Bumangon siya at hinawakan niya ito sa balikat saka banayad na hinila paharap sa kanya. “Why are you crying?” “W-Wala. Hindi lang ako makapaniwala na naririto ka at kasama kita. B-Bakit ka bumalik? I mean, how did you know?” “Tumawag si Ryan kay Kuya Josh at sinabi niya na pinipilit ko siyang pakasalan ako. Humingi siya ng tulong na ipaalam sa ’yo ang pamimilit ko sa kanya.” “M-Mahal mo ba siya?” “I-I’m so sorry, Tristan. A-Ang sakit-sakit kasi no’ng malaman ko na nagpakasal ka na sa iba. G-Gusto kong gantihan ka kaya pinilit ko si Ryan na pakasalan niya ako kapalit na rin ng limang milyon na pinahiram ko sa kanya. S-Sabi ko s