ILANG araw na sa hospital si Xyra at hindi pa rin ito makausap nang matino, palagi lang tahimik at malalim ang iniisip. Sinubukan uli ni Drei na kausapin ito pero tinatalikuran lang siya nito. Gusto nang mapikon ng binata dahil sa ginagawang pambabalewala ni Xyra sa kanya. “Hindi ka ba talaga makikipag-cooperate? Gusto mong madamay sa kaso ng stepfather mo?” Tumingin lang ito sa kanya at saka pumikit. Gustong-gusto na niyang sapakin ang babae dahil sa katigasan nito. “This is your last chance. Kung ayaw mo talagang magsalita at makipagtulungan, babalik ka sa kulungan!” Kung hindi lang ito kapatid ni Cyrhel, kanina pa niya ito pinilipit ang leeg, eh. Sa sobrang inis ni Drei ay tinalikuran na lang niya ito saka pabagsak na kinabig ang pinto. Para namang nagising sa pagkakatulog si Xy