PINUNTAHAN ng dalawang anak ni Charles at nina Josh kasama ang ilang mga tauhan ang ibinigay na address ng Uncle Dave nila. Mahigit nang isang oras ang itinatakbo ni Tristan sa kanyang Ducati motor nang tumigil siya sa isang may kalakihang grocery. “Ma’am, magtatanong lang ho ako. Malayo pa ba ang address na ’to?” Sabay abot sa maliit na papel. “Ah, malapit na ’yan, hijo. Diretsuhin mo lang ang hi-way then lumiko ka. Sa pinakaunang kalye sa right side, makikita mo ang may kalakihang bahay na may mataas na maroon gate. Siguro mga ten minutes na lang,” nakangiting pahayag ng ginang. Matapos magpasalamat ay nagmamadaling sumakay uli ng motor si Tristan saka pinaharurot iyon. Wala pang sampung minuto nang matananawan niya ang sinasabing gate. Tumigil siya at hinubad ang helmet saka pinindo