ANG akala ni Tristan ay nananahimik lang si Ryan dahil sa pagkabigo sa girlfriend nito ngunit ilang araw na ay hindi pa rin ito nagre-report sa company kaya naisipan niyang puntahan na ito sa studio. Sa palagay niya ay ilang araw na rin itong wala sa studio dahil sa alikabok sa loob. Binuksan niya ang room na ginagamit nito sa pagta-tattoo pero walang bakas doon ng kaibigan. Pumasok siya sa kanyang cubicle pero wala rin ito kaya minabuti niyang umakyat sa taas pero malinis din ang kuwarto niya. Tinawagan niya si Ryan pero out of coverage area ito. Palakad-lakad siya nang matuon ang pansin sa isang puting papel na nakaipit sa lamp sa gilid ng kama. For you, my best friend, I’m really sorry kung hindi ko napigilan ang sarili ko na maangkin natin uli ang isa’t isa. Hindi ko alam kung ano