SA isla ay maagang gumising si Ryan. Nilingon niya ang dalaga na tulog na tulog pa rin. Kumuha siya ng maliit na papel at may isinulat do’n. Naka-shorts, rubber shoes at T-shirt na lumabas ng bahay, binaybay niya ang dalampasigan hanggang marating ang pinakadulo. Bumili siya ng lahat ng klaseng seafoods na naroroon saka mga ingredients at nagmamadaling bumalik ng bahay. Naabutan niyang gising na ang dalaga at hawak ang walis saka basahan. Pinagmasdan niya ito na hindi pa rin nagpapalit ng suot. Inilagay niya sa kusina ang pinamili at umayat sa kuwarto. Binuksan niya ang maleta at kumuha ng malaking T-shirt at bagong boxer shorts. “Sheena, use this para makapaligo ka. Mamaya pupunta ako sa bayan, ilista mo ang mga kailangan mo at bibilhin ko.” “Sige, s-salamat,” nahihiyang sagot nito sa