ERICH "NO! It can't be! No! No! Bakit bumalik ka pang babae ka? Bakit?!" Dahil sa galit ko, hindi ko nagawang kontrolin ang sarili ko. Nagwala ako. Lahat ng bagay na nahahawakan ko ay tinatapon ko. Isang araw na ang lumipas nang malaman kong bumalik na si Emily. Isang araw na rin akong hindi mapakali dahil hindi ko inaasahan ang pagbabalik ng babaeng iyon. I didn't imagine she would change like that. Ang laki na ng ipinagbago niya simula nang mawala siya. I need to do something. Kailangan kong puntahan si Ryan para kausapin ito. Although we were already done, gusto ko ulit magkabalikan kami. He broke up with me when I had miscarriage dahil isa lang naman ang gusto niya sa akin at iyon ay ang magka-anak kaming dalawa. Pero nasira ang lahat nang maagasan ako. I still love Ryan and I would