EMILY/SCARLETT KINAGABIHAN, napagdesisyunan kong lumabas dahil gusto kong libangin ang aking sarili sapagkat dalawang taon akong nawala rito sa Pilipinas at na-miss ko talaga ito. Unlike in America, halos buong araw akong nakakulong sa bahay ni Ate Eloisa. Paminsan-minsan lang akong lumalabas dahil natatakot ako at baka kung ano ang mangyari sa akin lalo pa't hindi ko naman alam kung anong klase ang mga tao roon. Nag-focus lang talaga ako sa paggi-gym. Yep, halos araw-araw yata akong nagbabanat ng buto para lang baguhin ang sarili. Kung lalabas man, kasama ko pa si Ate Eloisa. "Saan ka pupunta, anak? Gabi na, a." Pagkababa ko pa lang ay sinalubong na agad ako ni mama. Lumapit ako sa kaniya at nginitian ito. "Sa labas lang, mama. Gusto ko lang libangin ang sarili ko." "Gusto mong liban