EMILY/SCARLETT DAHAN-DAHAN kong inalis ang braso ni Ryan sa baywang ko dahil hindi na ako komportable ng mga sandaling iyon. It's really awkward. Nang maalis ko, nakahinga ako nang maluwag. Bahagya akong lumayo rito at nagpatuloy na sa pagtulong. Ngunit napamulagat na naman ako nang idantay muli ni Ryan ang kaniyang braso sa baywang ko. Marahas akong nagpakawala ng hangin sa bibig at nagsalita, umaasa na maririnig niya. "Ryan, gising ka pa ba? Puwede bang alisin mo iyang braso mo sa baywang ko? Please, gusto ko nang matulo—" Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita nang biglang himasin ni Ryan ang hita ko. Napalunok ako nang mariin. I don't know what to do that moment. Pakiramdam ko ay na-paralyzed ako ng mga sandaling iyon. Hindi ko na alam ang nangyayari. Naramdaman kong lumakbay pab