EMILY/SCARLETT MATAPOS naming magligpit, nagpahinga muna kami ng sandali bago kami nagtungo sa ilog kung saan maglalaba si Nanay Helen at kung saan din ako maliligo. Kasama naming dalawa ni Nanay Helen si Ryan at ito ang may buhat ng mga lalabhan ni Nanay Helen. May karamihan iyon at kitang-kita ko kay Ryan na nahihirapan ito. Kahapon, hindi ako sigurado na may amnesia si Ryan pero ngayon, parang sigurado akong meron nga siya at hindi siya nagloloko. I don't know. Ang weird lang kasi dahil ang bilis niyang matutuhan iyong mga ginagawa niya ngayon, e laki ito sa yaman. Parang komportable itong matulog sa higaan na gawa sa kahoy. Ako, sanay na ako roon dahil ganoon ang higaan namin noon. Pero nang magkaroon ako ng negosyo, sa malambot na kama na ako at ng pamilya ko natutulog. Pero si Ryan