ERICA "I TOLD you! No matter what happens, hindi ka makakawala sa akin. Bakit ba ang kulit-kulit mo, Erich? Nagpapakapagod ka lang. Niloko mo ang mga tauhan ko para ano... para magsumbong? Nagwagi ka ba? You lose the battle, Erich. You already lose it!" "Hindi ko alam kung bakit mo patuloy itong ginagawa sa akin, Erica. Pagod na pagod na ako sa pagpapahirap mo sa akin. Tatlong taon na akong nakakulong sa loob ng isang madalim na kulungan. Kapatid mo ako, Erica. Kambal mo ako kaya dapat hindi mo ginagawa ito sa akin. Stop making me suffer, please. Nagmamakaawa ako, Erica. Bigyan mo na ako ng kalayaan. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang mayakap si mommy. Please, Erica. I'm begging you. Handa akong sundin ang lahat, palayain mo lang ako." At nagsimula nang umiyak si Erich na kasalukuyang n