KABANATA 77

1022 Words

EMILY/SCARLETT "I'M SORRY, mama, I'm late..." Sinalubong agad ako ni mama ng masamang tingin. Nakapamaywang pa ito habang nakatitig sa akin. Hindi man lang nito nagawang kumurap ng mga sandaling iyon. Sunod-sunod akong napalunok at dahan-dahang pumasok sa loob ng garahe. "Late ka dahil kay Ryan, tama ba?" walang emosyon nitong tanong habang hindi pa rin nag-aalis ng tingin sa akin. Nasa likod lang ni mama sina papa at Kuya Fernan na abala sa paglalagay ng mga gamit sa van na aming gagamitin paluwas sa Tagaytay. Wala silang imik ng mga sandaling iyon. Patuloy lang sila sa kaniya-kaniyang ginagawa. Muli akong napalunok. Tumigil ako sa paglalakad at humagilap ng hangin upang kumalma ang kalooban kong ngayo'y nababalot na ng takot at kaba. "Ma, pa, Kuya Fernan, hayaan niyo po akong magpa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD