EMILY/SCARLETT "UMALIS ka na, Ryan. Kapag nalaman nina mama na nandito ka, baka kung ano ang magawa nila sa iyo. Hindi mo na dapat ako sinundan. Dapat ay kasama mo ang pamilya mo ngayon to celebrate christmas, right?" saad ko matapos humiwalay sa mahigpit na pagkakayakap ni Ryan sa akin. Mataman akong tiningnan ni Ryan sa aking mga mata bago ito nagsalita. "Hindi ako aalis sa tabi mo, Emily. I will stay here no matter what. Wala akong pakialam kuny ano man ang gawin ng magulang mo sa akin. Hindi ko kayang tiisin na hindi ka nakikita at lalong hindi kita kayang tiisin na malayo ka sa akin." I sighed. "But this is not right, Ryan. Wala tayong relasyong dalawa kaya maling-mali itong ginagawa natin. Please, umalis ka na. Bumalik ka na sa Maynila bago pa malaman nina mama na nandito ka." Ry