EMILY/SCARLETT "'MA, bakit mo naman inimbitahan si Steven na sumama sa atin? Ni hindi mo ako sinabihan." "Para saan pa, anak? Alam ko naman na tatanggi ka. Hay naku, Emily. Hayaan mo na. Si Steven lang naman iyon. Hindi naman siya ibang tao sa atin, 'di ba? Sabi ko nga, pamilya na ang turing namin sa kaniya." Umiling ako at sinapo ang magkabila kong sentido. "Seriously, mama? Hindi kita maintindihan. Huwag niyo na akong ipagtulakan kay Steven dahil kahit anong mangyari, hindi magiging kami. Maraming beses nang nag-confess si Steven sa akin, mama. Pero sa ngayon, hindi pa ako handang makipagrelasyon. Gusto ko munang matahimik ang buhay ko. Gusto ko ring ituon muna ang atensyon ko sa sarili ko dahil sa mga nangyari nitong mga nagdaang taon. 'Ma, hindi biro ang pinagdaanan ko. I've suffere