EMILY/SCARLETT "WHAT do you want?" tanong ko agad nang makaupo si Ryan sa sofa. "I don't want anything, Scarlett. Come here, sit beside me." At tinapik ni Ryan ang tabihan nito. Imbes na sundin, mas pinili kong umupo sa single sofa. Until now, wala pa rin akong ideya kung ano ang ginagawa nito rito sa pamamahay ko. Hindi ko naintindihan ang sarili ko kung bakit ko siya hinayaang patuluyin dito. Huli na para magdesisyon ako dahil napapasok ko na siya. Malaking kahihiyaan kung papalabasin ko siya dahil lang nagbago ang desisyon ko. Sunod-sunod akong nagpakawala ng hangin sa bibig bago nagsalita. "Bakit ka naparito? May maitutulong ba ako sa iyo? You shouldn't come here. Dapat ay nagpapagaling ka na lang." "I'm sorry for your loss, Emily. I knew you have been through a lot these past few