EMILY/SCARLETT "S-S-STEVEN..." nauutal kong saad habang hindi inaalis ang tingin sa alaga nitong ngayo'y gising na gising na. Sunod-sunod akong napalunok dahil pakiramdam ko ay unti-unting natutuyo ang lalamunan ko. "What are you doing here, Scarlett? You didn't inform me you're coming here. Do you need anything? May itutulong ba ako sa iyo?" Kinuha nito ang speaker at inilapag sa sahig kapagkuwa'y kinuha ang roba na nakalatag sa kama. Isinuot iyon ni Steven at itinali upang tuluyang makatluban ang kahubaran nito. Hindi ako umimik. Mas minabuti kong uminom habang hindi nag-aalis ng tingin kay Steven. Nakipagtitigan ito sa akin. Paminsan-minsan ay napapakunot-noo ito. Mayamaya pa ay lumapit ito sa akin at walang ano-ano'y inagaw ang hawak kong bote na isang lagukan na lang ay ubos na. Si