EMILY/SCARLETT "PASENSYA na po pero hindi ko po kayo naiintindihan. Bakit po ako ang sinisisi niyo sa pagkawala ni Amy? Naintindihan ko po iyong punto niyo pero... pero wala po akong kasalanan..." naiiling kong tugon. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako ang sinisisi nito. Bakit naging kasalanan ko kung bakit namatay si Amy? Tama nga siya, ako dapat ang nasa kalagayan ni Amy ngayon pero mas pinili niyang isakripisyo ang buhay niya kaysa sa akin. Wala naman akong kaalam-alam na may lason pala iyong kapeng iyon. Kung sinabi ni Amy ang tungkol doon, hindi ko siya hinayaan na inumin ang kape. But it's too late. Amy chose to be silent. If she told me about that, baka nahanap na ang nasa likod nito. Now, I understand why her mother blamed me for her death. "Nagmamalinis ka pa! Akala ko