ERICH BUMABA ako ng aking sasakyan at luminga-linga. Nang masigurado kong walang tao, naglakad ako hanggang sa makapasok ako sa loob ng bahay. Agad akong sinalubong ng isa sa mga tauhan ko. "Kumusta siya?" walang emosyon kong tanong dito. "Maayos naman siya, Ma'am Rica. Katulad ng dati, nagmamakaawa na naman siyang palayain siya." I nodded. "Dalhin mo ako sa kaniya, now!" Tumango ito at naglakad na. Agad naman akong sumunod dito hanggang sa makarating kami sa basement ng bahay na kinalalagyan namin. Naglakad ako palapit sa kulungan kung saan siya nakakulong. "Sinisigurado niya bang nakakakain siya ng tatlong beses sa isang araw?" tanong ko sa tatlong kalalakihan na kasalukuyang nakaupo sa gilid ko. "Oo naman, Ma'am Rica. Walang araw na hindi namin siya pinapakain. Malusog na maluso